Chapter 1

Signa: Hug O.D

Chapter 1 

 

Tuesday. Day off mo na bukas. Medyo ganado ka sa work kasi sobrang excited ka na magpahinga. Gusto mo na manood buong araw at ipahinga ang paa mo na halos buong araw nakaapak sa sahig ng Mercury Drug Store. 

 

1 hour na lang magcloclose na ang store pero marami pa ring nakapila para bumili ng gamot. Kapartner mo si Jisoo sa pagreretail. Siya sa priority at ikaw naman sa regular customers. 

 

Pagod ka na sa pagkuha ng mga order ng customers, makakarinig ka pa ng mga masasamang comment nila at may tingin pa na parang inip na inip na talaga sila.

 

“Ang sakit na ng paa ko.”

 

Napatingin ka kay Jisoo na kumukuha ng mga gamot.

 

“Massage ko mamaya yan, Jisoo. Charot.”

 

Nginitian ka lang niya.

 

“Guys uwi na ko. 8 PM na pala,” paalam ni Chanyeol sa inyo ni Jisoo.

 

“Ingat!” Sabay niyong sigaw ni Jisoo. 

 

Buti pa siya uuwi na. Kayo ni Jisoo, magseserve pa sa customers. Hinihiling mo na sana maubos na ang customers nang maaga para makaupo naman si Jisoo kaagad. Hindi pa naman masakit ang paa mo kaya mabilis ka pang nakakapagserve. 

 

Pagkakuha mo ng stocks, ipinila mo na sa cashier niyong si Jennie ang baskets mo. Katabi niya ang pharmacist niyong si ate Tiffany na nagdodouble check kung tama ba ang mga gamot na nakuha mo against sa prescription.

 

“Jisoo looks tired na. Seul, hatid mo naman siya sa bahay nila.” Pakiusap ni Jennie sa'yo. 

 

“Sure, Jens. Masakit na nga raw paa niya eh. Ako na bahala.”

 

“Dapat si Jisoo magjowa na eh para may tagasundo. Kumusta nga pala kayo ni Irene ha, Seulgi?”

 

“Wait lang ate Paneng bigay ko lang to sa mga customers.”

 

Gusto mo lang talagang iwasan yung tanong ni ate Tiffany. Hindi mo kasi alam kung ano ang isasagot. Tingin mo okay kayo ni Irene pero at the same time parang hindi. Ni hindi mo nga rin alam kung nasasaktan ka ba o hindi.

 

Kumuha ka pa ulit ng mga order ng customers hanggang sa 8:59 na, may dalawa pang natitirang customers sa priority lane. Kinuha mo na pareho yung dalawang natitirang senior citizen at sinabihan mo si Jisoo na magpahinga na. 

 

Finally, naubos din ang customers. Nagclose na kayo ng store at naghintay na kayo kay Jennie na magclose ng cash register. 

 

“Not bad. Short ng 2.81 pesos.”

 

Nagpuntahan na kayo sa may office ni Sir Hyunbin. Habang naghihintay sa manager niyo, naitanong na naman ni ate Tiffany ang hindi mo nasagot kanina. 

 

“Okay naman kami, te. Siguro kailangan lang niya ng space kaya tumatanggi siyang makipagkita lately.”

 

“May pinag-awayan ba kayo?” Singit ni Jennie. “If okay lang ikwento ha. Pero if not, okay lang Seul.”

 

“Wala naman. I think focus lang siya sa promotion kaya ganon.”

 

“Deserve ni Irene ang promotion. Bagay rin sa kaniya maging manager. Anyway, alam ba ni Irene na ihahatid mo si Jisoo tonight?” 

 

“Oo kakareply lang nga eh. Ingat daw tayo.”

 

Ling: Ingat kayooo

Ling: If di pa u pagod daan ka sa house. Miss na kita so much 

 

Napangiti ka sa nabasa mong messages. 

 

 

 

Hinatid mo si Jisoo sa bahay nila at dumiretso ka na sa bahay ni Irene. Excited ka naman masyado. Parang nawala bigla ang pagod mo.

 

Bumungad si Irene sa gate at niyakap mo kaagad siya. Ang lalandi. Hindi man lang nakapaghintay na makapasok sa loob bago yumakap. 

 

“Namiss kita, Seulgi.” Sabay kiss sa pisngi mo. 

 

“Namiss mo ko pero sa pisngi mo lang ako kiniss?” Gumanti ka naman pero sa lips mo ginawa. “Doon na nga tayo sa loob baka makita pa nila tayo.” 

 

 

Nasa kitchen kayo at ipinagpiprito ka ni Irene ng hotdog. Tintignan mo lang siya habang nakangiti ka. Miss na miss mo talaga eh no? 2 weeks ba naman kayong hindi nagkita.

 

Binuksan mo ang camera ng phone mo at pinicturan si Irene. 

 

“Ling, day off mo bukas? Dito ka na lang matulog. Afternoon pa shift ko.”

 

“Okay.”

 

Napalingon sa'yo si Irene.

 

“Ang dali mong kausap ah.”

 

“Irene Bae naman, di ka na nasanay. Ang rupok ko pagdating sa'yo eh.” Biro mo. Actually hindi siya biro.

 

Inihain na niya ang hotdogs sa mesa at agad ka namang kumuha ng isa. 

 

“Ling naisip ko lang… what if mag-live in na tayo?” 

 

Napatigil ka sa pagnguya. Wala namang mali sa sinabi ni Irene tsaka nasa tamang age naman na kayo kaso napatanong ka sa sarili mo, kaya ko na ba?

 

“Pwede naman tayo dito sa bahay, ling. Kesa naman din mag-rent ka pa ng apartment.”

 

May point siya. 

 

“Sumagot ka naman.”

 

“That's good, darling.”

 

“That's good lang? I need to hear your opinion.”

 

Hindi ba parang kailan lang gusto niya makipag-cool off sa'yo kasi gusto niyang magpapromote at magfofocus na raw muna siya sa work? 

 

“Ling, gusto ko yon kasama kita lagi tsaka sa'yo ako uuwi lagi kaso… ready ka na ba sa ganon? Di ba para na tayong mag-asawa non?”

 

“Sasabihin ko ba sa'yo to kung hindi ako ready? Tsaka gusto naman talaga kita maging asawa eh. So ano naman?” 

 

Tama naman siya. Gusto ko rin naman siyang mapangasawa.

 

“Pwedeng ubusin ko muna tong hotdogs?”

 

“Okay. Sunod ka na lang sa kwarto ha.”

 

 

Tinagalan mo nang slight maghugas ng pinggan at magshower. Tumabi ka kay Irene sa kama. Hindi mo alam kung tulog na ba siya o nakapilit lang. 

 

“Seul, pagod ka ba?” Niyakap ka niya. “Marami bang customer today?”

 

“Hindi naman.”

 

Tahimik kayo pareho. Hindi mo alam kung ioopen mo ba ulit yung topic niyo kanina nung kumakain ka ng hotdog. 

 

“Nagtampo ka ba sakin?”

 

“Medyo.”

 

“Sorry.”

 

“Apology accepted. Alam ko namang need mo ng space kasi burnout ka na sa work. Nakakapagod naman kasi talaga maging pharmacy assistant.”

 

Tumingala siya at tumingin sa'yo. Napangiti ka na lang. 

 

“What if humanap na lang ako ng ibang work?”

 

Nagulat ka sa tanong niya. Mahal ni Irene ang trabaho niya eh. 

 

“Hindi ka na ba masaya sa Mercury?”

 

“Masaya naman pero kasi dalawang beses ako nasigawan ng customer last week. Nakakadrain.”

 

“Bakit ka sinigawan? Bakit ngayon mo lang kinwento?”

 

“Yung isa nababagalan sakin tapos yung isa kasi mapilit siya, gusto niya bigyan ko siya ng co-amoxiclav eh di ba nga dapat may prescription kapag antibiotics. Ayun nagalit.”

 

“Ginagawa mo lang naman yung tama tsaka para sa ikabubuti naman nila yon tapos sila pa galit. Hay nako. How about today? Kumusta ka naman?”

 

“Masaya naman today. Nandiyan ka eh. Yieeee.” 

 

“Irene parang ewan. Ano nga kasi.” Kunwari ka pang naiinis pero kinilig ka naman.

 

“Masaya nga."

 

"Parang hindi naman."

 

Ngumiti siya nang sobra. "Ayan masaya. Masayang masaya."

 

"Oo na nga po, masaya ka na. Tama na sa pagngiti baka mapunit ang lips. Sige ka, di ko na makikiss yan."

 

"Hmp. Tulog na nga tayo, Kang Seulgi. Ihahatid mo ba ko bukas?"

 

"Oo naman, Bae Joohyun. Goodnight, sleepasil."

 

"Hanggang sa pagtulog ba naman magbabanggit ka pa rin ng gamot? Kakasawa na, Seul."

 

Natatawa ka kay Irene. Nakakunot ang noo niya at mahina kang hinampas sa tiyan. 

 

"Sige na shhh na. Sleep na tayo, Ma'am Irene. Hahanapin ka pa ng mga regular customer mo bukas. Magpahinga ka na, top PA."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

​​​​​​

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 2: cute
eunxiaoxlove #2
Chapter 2: Hahaha yes comms is the key
Pristinemoon
#3
Chapter 2: Communication is da key my friends 😶😶
eunxiaoxlove #4
I like it already