chapter 6: Pamintuan Family
Instant Mommy?!Heto nga at nakatambay kaming magpapamilya sa likod bahay.
Tamang higop lang ng kape kaming dalawa ni Ate.
Pwera lang kay Kuya na nasa trabaho
Na i-kwento ko rin sa kanila yung nangyari sa Mall nung linggo.
Kaya lang hindi ko pa natatanong si nanay about dun kung may kambal ba ako.
Nagpapa-apoy na si nanay sa pugon para makapagluto.
Sakto naman at nakauwi na si Tatay.
"Oh, kamusta paghahanap ng trabaho?"
"Eh ayun, ang sabi sakin tatawagan na lang daw ako."
"Tawagan? Hindi totoo yan, wala naman tayong telepono at wala ka rin namang cellphone paano ka tatawagan?"
Napa kamot ulo na lang si Tatay.
Eh totoo naman.
"Oo nga pala 'no. Sandali, ano ba yang niluluto mo?" Tanong ni Tatay kay Nanay.
"Ano ba edi ulam natin. Chopsuey."
"Ha Chopsuey? Eh hindi ba ang mahal ng gulay ngayon?"
"Saan ka kumuha ng pambili niyan?"
"Eh wala naman 'tong gulay eh, tubig lang tsaka pampalasa." Sagot ni Nanay tsaka binuksan ang nakatakip na kawali.
"Mag kape nga muna ako."
"Ay ako na tay teka"
Kinuha ko ang takureng may bagong kulong tubig tsaka ako kumuha ng tasa tsaka ko nilagyan iyon at inabot kay Tatay.
"Oh ayan na tay, bagong kulo para sayo."
"Tay, eto kutsara." Abot ni Ate ng kutsara kay tatay.
"Aba"
"Ayos diba? Kaso nga lang naubusan tayo ng kape at asukal."
"Eh bakit mo ko binigyan ng kutsara anong hahaluin ko rito?"
"Yung tubig."
Natawa na lang ako ng ambahan ni Tatay si Ate.
"Juice gusto mo?" Tanong ni Nanay.
"May juice tayo?!" Gulat na sabi ni Tatay.
"Jusko naman bert, asa ka pa niloloko lang kita. Pang biling yelo wala ta
Comments