Pangatlong Sulyap

One Seat Apart
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik akong naglalakad pabalik sa building namin nang mag-vibrate ang phone ko. I was passing our papers before ako umuwi and I’ve just finished handing it sa faculty. Ang init ng weather ngayon, kahit yung mini fan na dala ko ay wala ring effect, ‘yong hangin na lumalabas ay mainit din. I looked at my notifs at nakita ang message ni Rakki.

 

>>wya<<

 

>>What?<< Hindi ko maintindihan si Rakki minsan… ang tipid niya mag-type kaya I don't get what she's texting to me sometimes. 

 

>>san ka<<

 

>>Otw na ☺️<< Rakki taught me this one, it means “on the way”. Pinusuan niya lang yung reply ko kaya binilisan ko na lang maglakad papunta sa building.

 

When I arrived, nakita ko si Rakki na nasa ground floor na at hawak-hawak ang bag ko. Namumula ang pisngi niya at pawis na pawis ang mukha. I could see sweat drops from her forehead and it's dripping down on her cheeks. Init na init si Raks dahil sanay ito sa malamig.

 

“Rakki, dapat nag-wait ka na lang sa room. Mainit dito.” Kinuha ko ang bag ko mula sa kanya at tinapat ko ang mini fan sa kanya.

 

Ngumiwi lang ito at hinayaan ako. “Nah, I’m fine. Gusto ko na rin umuwi.” I’m fine daw kahit mukha na siyang kamatis sa harap ko?

 

“Gusto mo kumain ng halo-halo?” I've been craving halo-halo since the heat wave.

 

“Did you forget that Wacky ordered an ice crusher last week, kakadating lang sabi niya kanina. Bili na lang tayo ng ingredients para sa halo-halo. DIY tayo kila Wacky.” Nakalimutan ko na ang sinabi ni Wacky last week na nag-order nga pala siya ng ice crusher since gusto niyang gumawa ng slushie at fruit shake. She said it's perfect for beating the heat wave.

 

“Nag-dala ka ng motor?” Tuwing papasok si Rakki ay gamit niya ang kanyang motor.

 

“Hindi. Look at the weather, Kite. Nakakamatay ang init tapos magmo-motor ako? I brought my car instead.” Pati pala ang ulo niya ay umiinit na rin dahil sa heat wave.

 

“Sabi ko nga tara na,” nguso kong sagot.

 

Sinundan ko siya papuntang parking, siya na rin ang nag-open ng passenger seat for me. 

 

“Mag-seatbelt ka muna,” utos niya sa ‘kin na agad ko namang sinunod. “Kite, I need your help,” pahabol nito.

 

“What about?” 

 

“Ipaalam niyo ako ni Isha kay Nanay. May gig ako sa sunday, so I won't be able to attend church. You two need to convince her na hindi ako pwede that day.” As far as I know, matagal ng magkakilala si Isha at Rakki dahil pareho sila ng church at choir noon. Kung tutuusin mas unang nagkakilala si Rakki at Isha before Rakki became my best friend.

 

“Ano’ng excuse ang ibibigay ko kay tita?” I’m willing to help her at any cost but, “At with Isha pa talaga?” Taas-kilay kong sagot.

 

“Cause why not? Alam ni Nanay that we're all in the same class. Just say na may group work tayo sa inyo.” That might work pero…

 

“C'mon, it'll be easy since she knows you two longer than my band mates and she doesn’t hate you. In fact, mas may tiwala pa siya sa inyo keysa sa ‘kin at alam mo naman na may prejudice si Nanay against my bandmates.” Madalas rin kasing pinag-aawayan ni Rakki at tita ‘yung band ni Rakki, especially her bandmates. From what I heard, tita has a negative view about bands for some reason. I don't have qualms about it naman, so I support Rakki in doing whatever she likes, well, as long as it aligns with my principles.

 

“Y’know, Kite, I dunno what kind of black magic ang meron sa inyo at gustong-gusto kayo ni Nanay. She's still asking about the two of you from time to time.” At this point, nakakapagod nang marinig ‘yung past namin ni Isha. Naka-move on na nga ako pero sila hindi pa. Hay nako! 

 

I sighed at sumandal sa upuan. “Kung mag-drive ka na lang?” Masungit kong sagot. 

 

“Hey, hindi ko pa naririnig ang decision mo. Tell me, tutulungan mo ba ako or nah?” Hinawakan niya ang braso ko kaya tinitigan ko siya. 

 

“Oo na, you know I can't say no to you! Pero hindi ako a-attend sa gig mo.” She won't mind it dahil alam niya na may tendency ako na ma-overwhelm sa loud crowd.

 

“No biggie, hindi ka naman need dun. Thanks, Kite.” Hinalikan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

 

Umirap ako. “May bayad ‘to. Nagnakaw ka pa ng kiss sa ‘kin. Ikaw bahala sa lahat ng groceries later, ah?” Hamon ko.

 

“Deal.” Pareho kaming natawa sa trip namin.

 

Seconds after ay hindi pa rin kami umaalis sa parking kaya nagtaka na ako.

 

I cleared my throat. “What are we waiting for? Kanina pa tayo nasa parking, Raks.” 

 

“Si Isha. Since you agreed, deretso muna tayo sa bahay namin. I told Wacky na may pupuntahan pa tayo so we’ll be going there in the evening.” Ang bilis naman? So, kahit hindi ako pumayag ay masusunod din pala si Rakki either way.

 

So unfair! “Ikaw magbuhat lahat ng groceries natin mamaya.”

 

“Of course, pwede naman ilabas ang cart sa parking,” she shrugged and smirked at me.

 

“Hanggang condo ni Wacks,” I rebut.

 

“I can lift, Kite. I’m not a limp loser.” I feel attacked. I don't like working out, especially with my routine and schedule right now, I just don't think it'd work out. Hahaha! 

 

“Bakit ka natatawa? It's true! Here, feel my biceps.” Nilapit niya ang braso niya sa ‘kin at nginuso ‘to. Akala niya siguro ay siya ang tinatawanan ko pero I'm really laughing at the joke I made inside my head which made me laugh even more.

 

Biglang may kumatok sa window ni Rakki at nakita namin si Isha. Rakki rolled down the window and spoke to Isha.

 

“Ang tagal mo naman? Kanina pa kami naghihintay ni Kite,” reklamo ni Rakki pagpasok ni Isha sa sasakyan.

 

“Sorry, hinatid ko lang si Maya dahil hindi niya pa rin kabisado itong university hanggang ngayon,” iiling-iling nitong sagot at umupo sa backseat. “Let's go?” 

 

“Mag-seatbelt nga kayong dalawa,” Rakki reminded. I followed her order immediately. Pinaandar na ni Rakki ang kotse palabas sa parking ng university. 

 

Nang makarating kami sa bahay nila Rakki ay nauna akong bumaba ng sasakyan. Somehow, I feel excited to meet tita after such a long time. Hindi na rin kasi ako nakaka-visit at ang last na punta ko dito ay ages ago pa.

 

“If you want to meet Nanay then she’s probably in the garden tending to her plants. Mas mahal niya pa ang mga ‘yon keysa sa ‘kin,” sabi ni Rakki paglapit sa ‘kin kaya natawa ako. Iniwan niya lang akong nakatayo dito sa labas nila. Pinagmasdan ko saglit ang paligid bukod sa lalong nadagdagan ang mga halaman ni tita ay wala masyadong nagbago sa bahay nila. 

 

Though I can’t deny that their yard looks picturesque dahil sa mga plants, I would love to take a picture here someday.

 

“Isha, follow me!” Sigaw ni Rakki kaya napalingon ako sa gawi niya. Akala ko ay nakapasok na siya ngunit binalikan pala nito si Isha kaya sunod akong lumingon sa kanya at nahuli ko ang tingin niya sa ‘kin na agad naman niyang iniwas.

 

Walang sabi siyang lumapit kay Rakki. I saw her whispering something to Rakki and the latter nudged her habang may binubulong na hindi ko na nakuha pa. Tuluyan na silang pumasok sa loob so I decided to find tita na.

 

If the scenic front yard didn’t live up to someone’s high expectations, their backyard definitely did. Compared kanina, mas lamang ang ornamental plants dito at may mga puno rin na malalaki at nakapaligid ang mga ito sa labas ng bakod, I’m guessing that their land extends further pero ito pa lang ang nao-occupy nila. The place is giving cozy vibes because of its ambient, I bet mas maganda ang place na ‘to at nigh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 6: ang interesting naman ng story na'to
howdoyouknowmee
565 streak #2
Upvoted and subscribed!