Never Back Down Never What?

Love To Hate Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako sa ingay na galing sa kusina.

 

8 a.m. na pala? 

 

Nakatulog na rin pala ako rito sa sofa dala ng antok kanina.

 

Wait...

 

'Yong babae pa pala!

 

"Gising ka na pala, hija," May nagsalita na matandang babae pagkabangon ko. "Mag-breakfast ka muna, oh." Sabi nito pagka-upo ko.

 

Inayos ko muna ang sarili ko bago nagsalita, "Hi po, ako po si Karina at bago lang po ako rito," Sabi ko habang kumukuha ng pagkain na inihanda niya.

 

"Oo nga, hija. Nasabi 'yon sa akin ni Mr. Kim. Ikaw 'yong bagong mag-aalaga kay Miss Winter, 'di ba?" Miss?! Winter?!

 

Sino 'yon?

 

"Miss Winter?" Inulit ko ang pagkakasabi niya na may halong pagtataka.

 

"Yes, hija. 'Yong late umuwi kagabi," Ay, putcha naman talaga, oh!

 

"Siya po 'yon?!" Pagtanong ko rito na may halong lakas sa boses. Hindi naman malakas, katamtaman lang, hehe.

 

"Yes, siya 'yon. Hay nako, ewan ko sa kanya kung bakit late umuuwi. Lagi kasi nasa party 'yon, hija," Sabi nito habang nag-aayos sa kusina. May halo ring pagkalungkot sa boses nito.

 

Tumango na lang ako rito at pinagpatuloy na kumain.

 

Ayoko muna makipag-usap, wala pa ako sa mood.

 

Pagkatapos mag-asikaso ng babae ay pumunta ito sa harapan ko.

 

"Hindi ko pa pala napapakilala sarili ko sa 'yo, hija," Pagsimula nito at ngumiti lang ako habang tumatango. "Ako pala si Aling Maricel. Dating yaya ni Miss Winter pero hindi na ngayon dahil tumatanda na rin ako. Bawal daw ako ma-stress sabi ni Mr. Kim, Diyos ko!" Sabi nito at natawa na lang kami pareho.

 

Nagkwento rin ako kay Manang tungkol sa akin at natuwa naman siya dahil mukha raw akong matino.

 

Nakwento rin niya kung anong klaseng bata si Miss Winter at ma-attitude daw talaga! Sabi rin niya na nasa Mommy nila 'yong batang kapatid niya, kaya pala akala ko ayon aalagaan ko! Hindi naman pala.

 

Nasabi rin niya sa akin na mahilig daw talaga mag-party ito at kung sino-sino na lang daw ang dina-date! Mukhang complicated buhay niya base sa nalaman ko about dito.

 

Well, hindi naman ako judgemental at wala akong pake hanggang may pera ako. Babantayan ko lang naman kasi siya at may pera na 'kong makukuha.

 

Bakasyon pa lang din naman kaya hindi pa 'ko masyadong busy. Gusto ko rin kasi ng extra money para sa pang-ipon ko. May pinag-iipunan kasi ako.

 

Nagpaalam na rin si Manang pagtapos namin magkwentuhan dahil mamimili pa raw siya para sa dinner mamayang gabi. Hindi na raw siya magluluto ng lunch dahil hindi naman daw kumakain ang alaga ko.

 

Initin ko na lang daw 'yong sabaw na ginawa niya para kay Miss Winter pagkagising nito.

 

 

 

 

Alas-onse na ng umaga at ngayon lang nagising si Miss Winter.

 

May balak pa pala 'to gumising.

 

I mean, maaga kasi talaga ako gumigising dahilan ng maraming gawain. Morning person 'yarn.

 

"Good morning, Miss Winter. Nainit ko na po 'yong soup mo," Sabi ko rito at ngumiti nang matipid.

 

Nilagpasan lang ako nito at umupo na para kainin 'yong hinanda kong almusal para sa kanya.

 

"Welcome, ha," Sabi ko rito na may halong sarkastiko sa boses ko.

 

"."

 

Ay, aba! Kagabi pa niya ako bini-, ha!

 

Hindi ko na lang 'to pinansin at hinintay na lang siya matapos. Ayoko makipagtalo sa kanya.

 

Amo ko, eh.

 

Alas-dos na at hindi pa rin siya tapos kumain. Mas marami pa scroll niya sa cellphone niya kaysa nguya!

 

Slow eater siguro siya. Sabagay, who am I to judge.

 

Pumunta muna ako sa sala para mag-cellphone since mamaya pa yata uubusin ng alaga ko 'yong pagkain niya.

 

Habang ka-chat ko 'yong tropa kong si Ryujin ay may narinig ako na naglalakad pababa. Pagtingin ko rito ay shet n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kmjcentric #1
Chapter 3: Kinda love Winter's y attitude here😆 I just hope hindi sumobra (although sumobra na huhu)
taglamig_lang
#2
Yes, nakahanap din ng story na kikay si winter! Mahal kita otor so much
Bamforthemoonn1 #3
Chapter 3: This looks promising. :) keep it up, author!
cleofierayne 26 streak #4
Chapter 3: Wahahahaah ayan pa deliver ka nlng Win haahah di namn suya tagaluto mo hahaha
winterielz #5
Chapter 3: more chapters to come! :')
cleofierayne 26 streak #6
Chapter 2: Whahahaahah patience lang Karinaaa hahaah ang kikay pa ni Winter dito ahahah challenging 🤣 ayan kabahan kana Winnn humanda ka dawww well walwal muna bago sakuna hahaha
cleofierayne 26 streak #7
Chapter 2: Whahahaahah patience lang Karinaaa hahaah ang kikay pa ni Winter dito ahahah challenging 🤣 ayan kabahan kana Winnn humanda ka dawww well walwal muna bago sakuna hahaha
crimson_snow #8
Chapter 2: Finally, kikay winter! 💖
ryujinie__
720 streak #9
Chapter 1: 👀
howdoyouknowmee
565 streak #10
SEATED