Chapter 2

Lights Above
Please Subscribe to read the full chapter

Mapaglaro ang tadhana.

Sa mga pintong pinili nating hindi pasukin, maaaring may pintong naiwan nating nakaawang ang magpapakitang muli.

Bibigyan mo ba ng pansin o kakalimutan na lang muli?

 

  

 

Allister

 

Pagbukas ko ng pinto ng building, sinalubong ako ng halo halong ingay mula sa mga sasakyan na dumadaan sa kalye sa tapat at sa kalapit na kanto ng Dapitan at Laon Laan.

 

Normal morning occurrence naman na dahil sa dami ng mga taong pumapasok sa umaga. Lalo pa sa university namin na maraming hinahatid gamit ang mga kotse nila kaya ‘di na nakakapagtaka ang traffic at noise build up sa area sa ganitong oras. Alarm ko na nga. Kaunti pa at pag nasanay, baka dire-diretso na ang pagtulog ko kahit magpalakasan pa sila ng busina (pero wag naman sana).

 

Buti na lang talaga nakadorm na ko malapit sa school kaya hindi ko na problema ang matraffic commute bago pumasok.

 

Sinilip ko ang relo ko at may fifteen minutes pa bago magsimula ang klase. Sa sobrang lapit ko, nakampante na akong umalis ng dorm ilang minuto bago ang klase. Paminsan minsan pinagsasabihan ako ni mama kasi ang lapit ko na nga raw, malelate pa rin ako.

 

At least consistent di ba? Charot lang.

 

Maaga pa naman eh. Kung tutuusin mas maaga pa umalis ‘yung roommate ko sa’kin kahit mas malapit naman ang building niya (at mas mahaba ang legs na advantage sa paglalakad!)

 

Maaga kasi siya gumising at may morning routine. Minsan hindi ko gets yung late niyang tulog tapos maaga pa rin gumising. Pero sa sarap ng tulog ko, hindi na rin masama na may extra five minutes of sleep ako kumpara kay Iani hehe…

 

Saglit lang na lakad at nakarating din ako sa Gate 7. Nagmamadali na ang mga students na kasabay ko pero dahil nakita ko ang taho, tumabi ako sa gilid dahil bibili muna ako. 

 

Breakfast is the most important meal of the day!

 

“Kuya, pabili pong isa— yung sa malaking baso.”

 

“Mas maraming sago kesa arnibal?”

 

Ngumiti ako. “Alam mo na order ko kuya ah.”

 

“Syempre. Suki kita eh.”

 

Hindi kasi ako nakakapag prepare ng breakfast sa umaga. Masyadong napapasarap ang tulog ko. Hindi rin naman kumakain ng almusal ang roommate ko kaya hindi na kami nagluluto. Okay na rin sakin dahil sa morning breaks ko na lang binabawi, lalo na at kasabay kong mamili ng food sa convenience store sina Jas at Gia.

 

Matapos kong makuha ang taho ko, pumasok na ako ng campus at nagmadaling maglakad papuntang Beato. Pagdating ko sa lobby, ang haba ng pila sa elevator kaya minabuti ko na lang mag stairs paakyat ng 4th floor para morning exercise na rin.

 

Medyo hinihingal akong nakarating sa 4th floor nang biglang may tumawag ng atensyon ko.

 

“Hep hep—” Sumulpot mula sa gilid ko si Van na mukhang galing sa itaas na palapag.

 

“Hooray?” Hingal kong sagot. Dahan dahan niyang hinila palapit sa kanya ang hawak kong taho. Buraot talaga ‘to pagdating sa taho.

 

“Pahingi konti.”

 

“Bilisan mo, malapit na klase ko.” Konti raw eh mangangalahati na! Inabot niya rin agad nang makuntento siya sa nainom niya.

 

“Uy, ‘yung lunch natin mamaya ah? Pinapaalala ko lang kasi pinaalala sakin ni EJ kanina.”

 

“Oo, pupunta ako. Miss niyo na naman akong mag bff premium.”

 

“Hindi naman. Quarterly check up mo lang sa amin. Ge, bye.” Sabay pisil niya sa pisngi ko bago bumaba ng hagdan.

 

Mabilis akong nagpunta sa room namin kung saan nakaabang ang mga seatmate kong walang ibang ginawa kung hindi magchismisan eh kay aga aga pa.

 

Madalas kaming nakaupo sa last row pero mukhang naunahan ang mga kasama ko dahil nasa third row kami ngayon at nasa aisle ang iniwan nilang seat para sa akin. Tahimik akong naupo sa tabi ni Gia at busy na inubos ang dala kong taho.

 

“Good morning sa’yo.” Bati ni Gia habang umiinom ng kape niyang lumamig na.

 

“Wow, umabot bago dumating ang prof.” Kantsaw ni Jas sa akin.

 

Mayabang akong kumindat. Expert ako d’yan eh.

 

“So anong pinag-uusapan niyo na naman?”

 

“Narinig namin sa ibang block na ilalaunch na ‘yung mechanics soon for the major plate this sem.”

 

“Major plate agad eh wala pa ngang minor plate?”

 

“Parang connected ata ang minor at major plate. Kasi ‘di ba, next month na ‘yung Architecture  Week.”

 

Napaisip ako. Kung tama ang memory ko, same week sa Valentine’s Day ang foundation day ng college namin. Naaalala ko kasi ang daming pakulo ng mga may lovelife last year! Habang ako, busy lang mag ikot sa events na hinanda ng student council.

 

Nagtaka pa nga si Max kasi bakit nagpapasama ako sa kanya eh meron naman daw akong mga kaklase na pwedeng yayain. Aba malamang, curious ako as a freshie kaya gusto ko puntahan lahat ng events. Sumama naman ako sa mga kaklase ko sa ibang events pero iba rin sumama sa senior mo sa college ‘no. May mga nakukwento rin kasi si Max tungkol sa mga previous years na interesting para sa akin.

 

At bakit hindi siya ang yayayain ko eh ang lakas ng face card niya! Lahat ata ng puntahan namin, welcome na welcome kami. Nakapagpa-picture pa ako sa mga invited bands last year kasi siya ang host. Saya kaya!

 

Pero tingin ko busy si Max this year kaya hindi ko muna siya guguluhin. Dito muna ako sasama kay Gia at Jas, at pipilitin ko sila sumama sa mga events.

 

“‘Di ba last year, nag decorate ng classroom ang mga sophomores?”

 

“Ay oo! Gan’on din siguro sa atin this year.”

 

“Ano kayang theme? Excited din ako manood ng float parade.” 

 

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap tungkol sa nalalapit na Architecture Week. Kahit na siguradong magpapatong patong na naman ang mga deadline namin dahil sa nalalapit na event, masaya pa rin na may nilo-look forward kami. Nakakapagod din kapag puro acads lang. Maganda rin ‘yung may libangan kami from time to time.

 

Maya maya pa bumukas ang pinto kaya nabaling ang atensyon ko rito. Akmang tatayo na sana ako dahil akala ko nandyan na ang prof pero iba ang pumasok— si Demi.

 

“Guys, parating na si ma’am. Nasa labas na siya.” Sambit niya mula sa harap ng room at pagkarinig ng lahat, mabilis na nag-ayos ang lahat at bumalik sa kani-kanilang mga pwesto.

 

Saka ko lang napansin na sa upuan sa harapan ko tumigil si Demi kung saan may nakapatong na bag. Sa kanya pala ‘yon.

 

At bago siya umupo, tumingin siya sa akin at bumati.

 

“Good morning, Alli.” Ngumiti siya sa akin na halos maningkit ang mga mata niya. Nahawa na rin ako sa pagngiti.

 

“Good morning, Demi.”

 

“Jas, ang ganda ng morning ‘no?”

 

“Umagang kay ganda!”

 

Dinig ko ang pagbubulungan nitong dalawang katabi ko. Pinandilatan ko sila ng mata at akmang hahampasin na unti unti nilang iniiwasan habang nagpipigil ng tawa.

 

“Magtigil nga kayong dalawa!”

 

As if on cue, pumasok na rin ang prof namin.

 

Heto na naman tayo.

 

… 



 

Matapos ang sunod sunod na klase para sa tatlong minor subjects, mabilis na nag ayos ang lahat para sa early lunch break. 

 

“Huy, pakopya ako ng notes dun sa naunang slides ni sir.” Bungad ni Jas habang papalabas sila ng classroom.

 

“Chat kasi nang chat. Tsk tsk.” Biro pa ni Gia sa kanya.

 

“Ikaw kaya ‘tong laging nasa notifs ko! Nirereplyan lang kita kasi baka malungkot ka.”

 

“Palusot! Dapat kasi magaling ka mag multitask.”

 

“Magkatabi na nga kayo, nagchat pa. Hindi pa ba kayo nauubusan ng pinag-uusapan?”

 

Nagbukas ako ng locker at sunod sunod naming nilagay ang gamit naming tatlo.

 

“Hindi pa naman. Dami kasing sinasabi ni Jas.”

 

“Ewan ko sa’yo. Allister, pahiram notes ha? Wala akong tiwala kay Gia.” Mahina siyang binangga ni Gia kaya tinulak niya ito pabalik.

 

“Ako rin, Alli.” Ngisi ni Gia habang pinandilatan siya ni Jas. “Multitask daw pala!”

 

“Oh, picturan niyo na. Ibalik niyo na lang sa locker. Need ko pa kitain mga high school friends ko.” Nagmamadaling kong ibinigay ang binder at isinara ang bag.

 

“Thanks bex!”

 

Nagpaalam na ako at nagmadaling lumabas ng building. Kanina pa ang break time nina Van at EJ kaya ako lang talaga ang hinihintay nila. Hindi kami nagkaroon ng chance makapagkita noong bakasyon dahil may kanya kanya kaming lakad kasama ang mga family namin kaya nagyaya si EJ na magkita kami bago pa tuluyang maging busy ang lahat.

 

Ika nga ni Van, quarterly check up— or basically catch up bonding lang naming mga clingy friends.

 

Nang makarating na ako sa kalye ng P. Noval, agad kong nakita ang dalawa na nakatambay sa isang kainan na malapit lang sa building namin. Mabilis akong tumawid at nakangiting lumapit sa kanila.

 

Pinanood ko lang sila habang unti unting naglalakad papalapit. Hindi pa ako napapansin ng dalawa pero napansin ko na ang pag aasikaso ni Van kay EJ. Hindi naman na ito bago sa akin pero ang cute lang.

 

Dalaga na talaga ang mga alaga ko.

 

“Kumain ka na, Van. Okay na ‘ko.” Sabi ni EJ habang pinapanood nito na magsalin ng tubig sa baso niya matapos hiwain sa maliliit na piraso ang ulam niya.

 

“Oo nga, Van. Ano bang gusto mo? Subuan pa si EJ?”

 

Napatingin ang dalawa sa akin kaya napangisi ako. Lumapit ako kay EJ at binigyan ito ng sidehug habang pinisil ko lang ang pisngi ni Van tulad ng ginawa niya sa akin kaninang umaga. Makaganti lang!

 

“Kanina pa kayo?” Nilapag ko ang bag sa upuan.

 

“Hindi naman. Medyo kararating lang din ng food namin.” Sagot ni EJ. Tumango tango si lang ako at sumilip sa counter sa loob.

 

“Sige order muna ako sa loob.”

 

“Ay may kukunin din ako sa loob.” Tumayo si Van at sinamahan ako sa loob na ilang hakbang lang naman ang layo.

 

Nagtaka naman ako pero hinayaan ko na lang. Tiningnan ko na lang kung ano ang bet kong bilhing tanghalian. Nang makapili na ako, binigay ko na ang order ko at nagbayad. Sinulyapan ko lang si Van habang naghihintay ako ng sukli.

 

Wala naman siyang kinuha?

 

“Akala ko may kukunin ka?”

 

“Wala pala akong kukunin.” Sagot nito habang nakatingin sa harapan. Ok… weird.

 

“Sobrang miss mo ba ‘ko at sinamahan mo pa ‘ko umorder? Baka magselos si EJ niyan ha.” Kantsaw ko sa kanya. Mukhang may iniisip ah...

 

“Nagseselos ba ‘yun…” Bulong nito sa sarili.

 

Hmm… ano ‘yon?

 

Humarap ako sa kanya. Lumingon muna ako sa paligid at abala naman si EJ sa labas habang busy ang mga tao sa loob ng shop.

 

“Ano na bang ganap? Kayo na ba? Huli mong kwento, wala naman siyang sinagot sa’yo.”

 

“Oo nga. Just go with the flow lang kami ngayon.”

 

Inabot ni ate ang sukli sa akin habang nag uusap kami.

 

“‘Yun naman pala eh. Sumabay ka lang.”

 

Pinagmasdan ko si Van at ramdam ko ang pag ikot ng mga bagay sa isip niya. Bahagya pa siyang napabuntong hininga. Hirap ata pag lovelife na ang iniisip.

 

Napatingin ako sa sulok kung saan naroon ang mga condiments. Mabilis akong kumuha ng bote mula sa gilid at inabot sa nagmumukmok kong kasama. 

 

“Aanhin ko ‘tong hot sauce?” 

 

“Baka magtaka si EJ na wala ka namang kinuha sa loob.”

 

Nauna na akong maglakad pabalik sa table at nakasunod lang si Van sa likod ko. Pagbalik namin, hindi pa ulit ginagalaw ni EJ ang pagkain niya. Mukhang hinintay niya kami makabalik para may kasabay siya. Napansin ko na nakahiwa na rin sa maliliit na piraso ang hungarian sausage sa plato ni Van.

 

Sweet naman. Feel ko third wheel ako nito ngayon!

 

“Buo pa yan kanina pagdating ko ah.” Turo ko sa pagkain ni Van. Syempre hindi pwedeng miserableng third wheel lang ang role ko rito. 

 

“Ang tagal niyo kasi bumalik kaya ayan.” Nagkibit balikat lang si EJ at nagsimula na ulit kumain.

 

Nagkatinginan kami ni Van at napangiti ako nang malaki. 

 

“Kilig ka?” 

 

Bulong ko kay Van na nagpipigil ng ngiti. Hindi naman na ito sumagot at sinimulan na lang ang paglalagay ng hot sauce sa pagkain niya. Oh ‘di ba, may kwentang props yung hot sauce na inabot ko.

 

“Kunwari pa ‘to… EJ, ‘yung akin din ha?”

 

“Ikaw maghiwa nung sa’yo. Nawalan ka na ba ng kamay?” Mabilis na sagot ni Van.

 

“Ikaw ba si EJ? Quiet ka na lang dyan at kainin mo ang hotdog mo.”

 

“Sausage ‘to, shunga.”

 

Pagdating ng pagkain ko, sumabay na ako sa pagkain sa dalawa. EJ being EJ was going to cut the food into pieces for me dahil nirequest ko, pero kinuha ni Van ang plato ko at siya na lang ang gumawa.

 

Nagulat na lang kami ni EJ at nagtawanan.

 

“Alam mo, may crush ka talaga sakin eh. Pero sorry kasi one-sided lang para sayo…”

 

“Daming sinasabi. Oh, kumain ka na.” Sabay abot ng plato ko na pinagtyagaan niya.

 

“Nakita ko pala ‘yung rants mo kanina online. Okay ka pa?” Nag aalala na tanong ni EJ.

 

“Oo, okay pa naman. Nagrarant lang ako kasi ang daming gagawin. Wala lang ‘yun.”

 

“Bakit ako, di mo tinatanong kahit marami akong ginagawa?” Singit ni Van sa usapan. Para siyang ewan na laging naghahanap ng atensyon ni EJ.

 

“Nabibisita naman kita sa inyo. Si Allister, bihira ko na lang makita.”

 

“Ganyan lang ‘yang si Ter pero may nag-aalaga na diyan.”

 

Mabilis akong napalingon. Pinagsasabi nito?!

 

“Sino?”

 

“Anong sinasabi mo diyan bading!”

 

“‘Di ba meron? Parang may nabanggit ka kaninang umaga eh.”

 

Parang ewan ‘tong si Van. Tinutukoy na naman nito ‘yung mga pinag uusapan namin sa mga private accounts namin. Kaya nga private!

 

“Barbero ka, Joson.”

 

“Sus, gusto mo pakita ko pa ‘yung resibo eh?”

 

“Sige subukan mo!”

 

Nagtataka lang na nakasunod ang mga mata ni EJ sa dalawang nagbabangayan sa harap niya.

 

“Sige, ‘di na. Parang ayaw niyo naman i-share sakin.” Nagpatuloy na lang sa pagkain si EJ sa kanya.

 

Nakipagtalo pa rin ako kay Van pero pabulong na lang. Parang ewan naman kasi. Magtatampo pa tuloy si EJ.

 

Pinagmasdan ko nang palihim si EJ. She had this expression na parang nakapuff yung cheeks niya on one side kaya makikita mo yung dimple niya. Thinking face niya ‘yan.

 

Magkakaibigan na kami since high school pero iba pa rin ang dynamic namin when it’s just EJ and Van, Van at ako, o ako at si EJ. 

 

May mga bagay na nasasabi namin sa isa pero hindi sa isa pa, at naiintindihan naman namin ‘yun. Siguro nakasanayan na rin lang namin pero minsan hindi maiiwasang maramdaman na left out ang isa sa amin— which is hindi rin naman sinasadya.

 

Ayoko naman maramdaman nila ‘yun, lalo na si EJ. Gamay ako ni EJ sa paraan na hindi kaya ng ibang kaibigan namin. At may sarili siyang paraan kung paano kami pakitunguhan individually na bagay na grateful ako, lalo na at napagpapasensyahan niya kaming dalawa ni Van.

 

Ako nga napapagod kay Van, siya pa kaya sa aming dalawa? Nakakastress.

 

May tendency kasi na tinatago niya lang sa sarili niya ‘yung mga worries niya. Kaya kung maaari, isa sa amin ni Van ang napagsasabihan niya. At paraan ko rin yung paglalambing sa kanya para kumportable siyang magdepend sa akin bilang friend, bukod kay Van.

 

Ayaw ko yung feeling na may nalalayo ang loob sa aming tatlo.

 

“De, ishe-share ko naman. Nambibigla lang kasi ‘tong si Van eh. G na g ako na i-chismis, hindi ko pa nga nalulunok ‘yung pagkain ko.” Simangot ako sa kaharap ko na nakaramdam naman at  tumahimik na lang.

 

“Uy, okay lang ah. ‘Di kita pinipilit.” Ngiti ni EJ sa akin.

 

‘Tong si EJ minsan gusto ko rin kurutin sa tagiliran. Pero siyempre lablab ko ‘yan kaya si Van lang.

 

“Okay lang talaga, EJ. Is

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
Work's been really hectic lately kaya pasensya na kung hindi ko agad na-post ito last week. Naging busy din ang aking beta reader eh minsan need ko rin ng assurance kung may sense yung sinulat ko hahaha shems. Kind of looking for beta reader so hmu siguro... (paano ba to)

Thank you! Lablab!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 5: Ako rin, tor. nababaliw na rin ako kila iani at arki. nangungulila na ako sa kanila.
EllaKwon #2
Chapter 5: looking forward for an update!
keep writing awesome stories ~~
Rinasmole
#3
Chapter 5: needed the update huhu
julieqqq #4
Chapter 5: author ano na po😔😔😔😔
redlighton #5
i was rereading alab kasi namiss ko, kaso nag priv account ni author ☹️ so i couldn’t finish it. i will start this now na lang.
iilwueee
#6
Chapter 5: amg kilig ko WHAHSHAHAHHAAHAHAHA. I just reread alab and this, same feels pa rin talaga siya. ang cute ng progress.
applepasta #7
Chapter 5: eto na po ang assurance na hinihintay mo author: ur work is really good pero mamatay na ata aq sa sobrang slowburn 😆😆
stillintoyu
210 streak #8
Chapter 5: paamoy din ng pawis mo iani 😭
irenechan #9
Chapter 5: miss na miss ko na ang arkiani. my comfort au talaga
chevystruggles #10
Chapter 5: sabi ko pa na hihintayin kong maka-10 chapters to kahit papaano para mahaba ANO NA