Kabanata I

Into the Abyss
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

“Young Lady!” dire diretso lamang ang pagtakbo ko sa may pasilyo ng Mansyon.

 

You’ll join the Gangjegug Academy sa ayaw at sa gusto mo. Iyon ang huling narinig ko sa aking ama bago ako tumakbo palabas ng kwarto nito dahil alam kong pagkatapos noon ay huhulihin ako ng mga gwardiya niya kapag tumanggi ako.

 

Kung tutuusin ay kayang kaya ko naman silang labanan pero wala ako sa tamang kondisyon para gawin ‘yon.

 

“Minjeong? Anong ginagawa mo rito?!” pigil na sigaw ng kaibigan ko na noon ay nagbibihis matapos kong pumasok sa kwarto nito nang walang pasabi.

 

“Sorry, nakita ko kasing bukas yung bintana” Umupo ako noon sa sofa nito at inalis ang suot kong gloves. at itim na kapote na noon ay basa dahil naulan sa labas.

 

“Hello? The door is always open. Hindi ko alam kung bakit lagi kang sa binatana nadaan. Tumakas ka na naman ba?”

 

“Medyo” wala ako sa kalagayan para sa pangaral ni Ningning. Kailangan kong magpahinga dahil paniguradong bukas na bukas ay kaharap ko na naman si Ama.

 

Kanina pa salita nang salita si Ningning pero hindi ko ito pinansin at lumabas ng kwarto nito.

 

“HOY MINJEONG. NAKIKINIG KA BA?” tumango tango lang ako habang umiinom ng kinuha kong tubig at umupo sa sofa nito sa may sala.

 

Agad ko namang naramdaman na may parang naupuan ako kaya kinuha ko iyon at nakita ang isang envelope na brown. Maliit lang ito at mayroong lamang papel.

 

“Gangjegug Academy?” Inagaw niya iyon kaagad at dali daling tinago.

 

“Ning.” tumayo ako at lumapit kay Ningning. Kunot noo akong tumingin dito pero imbis na magpaliwanag dahil sa nakita ko ay ginaya lamang nito ang pag banggit sa pangalan ko.

 

“Minjeong.”

 

“Magpaliwanag ka” seryosong sabi ko at tiningnan ito sa mata.

 

“Wala ‘yon. Wala ‘to” Aakyat na sana ito nang hawakan ko ito sa palapulsuhan pero agad ko rin itong binitawan at napahawak sa ulo ko.

 

“You’re going with me. No buts.”

 

“I will. Alam mo naman ‘yon ‘diba? It’s our legacy. Our parents are once part of the Academy. I won’t throw something important like that. But please, Xiaoting. Give me some time.”

 

“Is it because of Winter?”

 

“You know how much she hates it.”

 

---

 

Nagising ako nang maramdaman ang pagtama ng liwanag ng araw sa mukha ko.

 

“Gising ka na? Bigla ka na lang nahimatay noong hawakan mo ako kagabi. Ayos ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Ningning. Hindi ako sumagot at dahan dahang tumayo. Kinuha ko ang gloves at kapote ko na noon ay nakapatong sa may lamesa bago dire diretsong bumaba.

 

“Minjeong. Uy, minjeong. Sorry. Alam kong galit ka per--” Akmang hahawakan ni Ning ang kamay ko pero inilayo ko ‘yon sa kanya. Napansin ko namang paiyak na ito kaya bumuntong hininga ako at sinuot ang gloves ko bago ko siya yakapin.

 

“Hindi ako galit. Uuwi lang ako.” hindi ko na siya hinintay magsalita at dali daling umalis dahil baka makita pa ako rito ng mga gwardiya ni Ama.

 

Hindi na rin naman ako masyadong nagulat nang malaman kong isa si Ningning sa mga napili na ipadala sa Gangjegug.

 

Mukhang desidido siya. Ako lang talaga ang iniisip niya.

 

Anak si Ningning ng dating kanang kamay ng emperor, ng aking ama. Isa ito sa pinaka kilala at magaling na Anchors ng Emperyo at namana ni Ningning ang talento nito sa pakikipagdwelo kaya naman alam ko noong una pa lang na nakamasid na ang mga Diplomat dito para ipasok sa academy. Pero ayoko… ayaw kong pumasok siya roon. Ngunit alam kong wala akong magagawa dahil bawal tumanggi.

 

Ang pagtanggi sa imbitasyon ng Academy ay katumbas ng pagsuway sa sinusunod na batas ng Emperyo. Dahil ang Gangjegug ang nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng Gangdae, Gangjung, Gangcheon na siyang bumubuo ng buong Emperyo.

 

Nabaling naman ang pagiisip ko nang may mabangga ako sa daan papunta sa Sentro ng Emperyo, ang aming mansiyon.

 

“Ay, sorry.” Lumingon ito sa akin at isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

 

“Jungwoo? Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay sa Gangdae naka base ang ama nito bilang Marshal kaya roon sila nakatira.

 

“Minjeong? Ikaw ba ‘yan?” nakangiting bati nito at tinapik ang balikat ko.

 

“Bakit ka nandito?” Apat na taong nakakaraan pa noong huli kaming magkita. Noong… noong huling pumunta sila rito sa kapitolyo.

 

Napakamot naman ito ng batok at tumingin sakin. Nagiisip kung dapat bang sagutin ang tanong ko. Noon ko lang napagtanto ang dahilan.

 

Gangjegug Academy.

 

---

 

“Kim Minjeong.” I saw my father’s firm eyes after niyang makita yung kalat ko sa may corridor ng mansiyon.

 

“Em…emp

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_sonchae_
#1
Chapter 5: wowowow when ang next update author?
EzraSeige
#2
Chapter 5: Welcome back otornim 😍😍😍💙❄🙌
Hiccups_ #3
Bakit parang kinakabahan ako sa story hukihkuihk
Aerin_Erin
#4
Chapter 3: Ud na ho June na ehem beke nemen
Kannakobayashi09 #5
Kailan ud?
Kannakobayashi09 #6
Go go gooo
EzraSeige
#7
Let's start 😀💙❄