Unwind + Lande

Mama Mo Multo
Please Subscribe to read the full chapter


 

Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Ning papuntang work. Yes po, opo. Magka trabaho kami ni Ning.

 

“Umamin ka nga sakin bakla, crush mo si Karina no?” sinamaan ko ito ng tingin.

 

“Para kang tanga Ning. Kung ano anong naiisip mo.” Kahit di ako nakatingin ay alam kong umikot nanaman ang mata nito ng 360 degrees.

 

“Wag kang magsisinungaling sakin Winter. High School palang tayo kilala na kita. Alam ko lahat ng baho mo, pati kung gaano kabaho tae mo.” Sagot nito.

 

 

Napabuntong hininga ako. Wala ka talagang matatago sa bruhildang to. Di naman ako tanga, hindi din naman ako in denial. Di naman ako magiging excited sa pag gising sa umaga kung wala akong crush kay karina.

 

 

“It’s more like attracted lang ako Ning. But it’s not like crush na gustong jowain. Happy Crush lang ganon.” Sagot ko dito. “Sobrang ganda nung tao, dyosko, ayokong sumakit ulo ko. Ayokong humanap ng ikakastress sa buhay. Sayo pa nga lang masakit na ulo ko, magdadagdag pa ako?” dagdag ko.

 

 

 

“Sabagay. Sobrang ganda nga ni Karina. May boyfriend nga siguro yun.” Saad niya. Nagulat pa ako ng bigla itong pumalakpak ng isang beses. “Gaga ka bat pala ang landi niyo kaninang umaga? Di kaya crush ka din niya?” kinikilig na realization nito.

 

 

Natawa ako. “Ning mahilig lang mangasar yun. Pero siguro ay magaan lang loob nung tao sakin kaya nakakapagbiro siya ng ganon saakin.”

 

 

“Winter gaga ka talagang tunay. Magaan din naman loob ko sayo pero di kita hinaharot ng ganon. Magisip ka nga!”

 

“Iba iba kasi personality ng tao bes, parang si Karina Bes. Best example diyan si ate Lisa.” Natawa kaming parehas.

 

 

Actually silang dalawa ni ate wendy yung best example talaga. Napakahilig kasing mangharot ng mga katrabaho namin, pero wala talagang malisya. Mahilig lang talaga silang mangasar.

 

May one time pa nga na magka holding hands pumasok si ate Wendy at ate Lisa. Trip lang daw nila. Gusto lang daw nila gumawa ng chismis sa kumpanya. Para may pagtawanan sila.

 

Kahit gaano mo din kasi pagbali baliktarin ang mundo nandidiri silang dalawa sa isat isa. Best bud lang talaga sila, kasi same sila ng trip sa buhay. Sama mo pa si ate Seul and ate Byul. Sila daw ang F4 ng kumpanya namin.

 

Di mo naman din kasi maitatanggi na habulin ng mga hitad na babae yung apat. Touchy lang talaga sila sa mga taong close nila. Pero never naman sila nang-agrabyado ng tao. Sa totoo lang wala ngang idinedate yung mga yun sa kumpanya. Ayaw daw kasi nila ng conflict of interest. At di daw para sakanila ang relasyon, baka daw maethics pa sila. Mahirap na.

 

 

 

“Sabagay.” Sagot naman ni Ning. “Pero basta bagay din kasi kayo.” Natawa ako sa itinuran ni Ning. Kami ni karina? Bagay?

 

 

Maiimagine ko na maging kami, pero naiimagine ko din na di kami magwowork dahil sobrang ganda niya. Feeling ko araw araw eh sasakit ulo ko sa sobrang daming taong lalapit sakanya para kunin yung number niya. Selosa pa naman ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Friday ngayon, at kakauwi lang namin ni Ning ng bahay.

 

Nagyaya si Giselle lumabas para daw mag chill. Natatawa ako kasi sobrang conyo niya. “Let’s go out tonight, let’s inom and roam karina around the area. Ang stressful kaya sa work, let’s go and chill!”

 

 

Maaga din kasi silang nagising ni Ning kanina kaya nakasabay namin silang magkape ni Karina.

 

 

Di na ako tumanggi kasi gusto ko din namang mag unwind. Sobrang stress kasi ang mga dumaang meetings nung mga nakaraang araw.

 

Di talaga makuntento mga boss.

 

Nakakainis.

 


 

 

 

Napag desisyunan ni Giselle na mag grab nalang kami papunta sa bar. Oo, napagdesisyunan niya.

 

Oo, tama, siya lang nag decide.

 

Dahil siya naman daw ang may alam halos lahat ng maggandang bar sa Makati.

 

Oo nalang kaming lahat, tutal siya lang din naman mahilig gumimik talaga saamin.

 

Pero syempre I told her na ayaw ko ng masyadong maingay na bar. As much as posible kasi mas gusto sa chill lng talaga.

 

 

Pero who am I kidding.

 

Suggestion lang naman ang akin, at si Giselle parin naman ang masusunod.

 

 

 

 

 

 

Unti unti ng kumakapal ng mukha ko. Ibig sabihin tinatamaan na ako.

 

 

Di ako mahilig uminom, ayaw ko din ng beer at mga hard drinks.

 

Pero ibang usapan na kapag tequila na ang pinaguusapan.

 

 

Count me in agad most specially pag Cuervo na ang katapat.

 

 

 

 

Grabe ang mahal talaga mag bar.

 

 

Sa SNR 1k lang yung Cuervo. Pero pag nasa loob ka na ng Bar 2-4k na ang bottle. Depende pa kung high end bar yung pinasukan mo.

 

 

Kanina nung nagoorder si Giselle ng mga drinks pinigilan ko pa siya nung sinabi niya na isang bote ng Cuervo ang kukunin niya for me.

 

Ayaw ko kasi ng may timpla.

 

 

Wag na daw akong magreklamo at mas makkmura daw kesa per shot ang kukunin ko. 

 

Sabagay may punto naman siya.

 

 

 

 

Ngayon ko lang din naisip na good decision din na nag Grab kami kanina.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
kwinterrr_
#2
Chapter 2: ud
kangintobae
#3
Chapter 2: Reading it at midnight...not I can't sleep .hahahah..
Dami ko tawa + kelegs
yukimin
#4
Chapter 1: cutieee ahkckxkxkxkx
Hiccups_ #5
Chapter 2: Ang funny mo talaga Win!
13luvsfriday
#6
Chapter 1: Bold nga ahahahahaha
howdoyouknowmee
574 streak #7
UPVOTED
TakuyaKen
#8
Chapter 1: cute nila lahat