Siks

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kinakabahan ako. 

 

Haha. Kailan ba hindi? 

 

Pero legit, kinakabahan talaga ako... What if hindi ako pansinin ni Winter mamaya? What if maging awkward? What if galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon? What if...

 

"Kumalma ka nga muna, Dos." 

 

Tumingin ako kay Ryu at hinigpitan ang hawak ko sa tuwalya na nakasabit sa balikat ko. 

 

"Paano?" 

 

Bumuntong-hininga siya at ipinatong ang isang kamay sa balikat ko. "Dre, isipin mo nalang... ay mali! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! Alam kong nag-ooverthink ka na naman."

 

Hinampas niya ako sa pwet. Ampota naman oh! 

 

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya 'yon pinansin. 

 

"Maligo ka na at baka ma-late pa tayo. Iwasan mo ang pag-ooverthink, dretsong. Nakakasama 'yan sa kalusugan." Aniya.

 

Marahan akong ngumiti bago huminga nang malalim. 

 

"Okay... susubukan ko."

 

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nag-doble shampoo at sabon talaga ako para sure. Tinagalan ko rin ang pagt-toothbrush tapos nagmumog pa ako ng listerine. Kulang nalang, pati pabango gamitin ko pangmumog. 

 

Lumabas ako ng banyo na fresh na fresh. Dumiretso na ako sa kwarto. Mabuti nalang at inihanda ko na ang isusuot ko kagabi pa. Tinulungan pa nga ako ni Ryu eh. 

 

Simple lang naman 'yong isusuot ko, gawa ng wala naman akong magagarbo o branded na mga damit. Hanggang ukay-ukay lang 'yong keri ng budget ko eh. 

 

Matapos kong magbihis, tinignan ko muna 'yong sarili ko sa salamin. 

 

Uhm... Maayos naman yata akong tignan? Siguro papasa na kapag tumabi ako kay Winter mamaya. Hindi naman suguro ako magmumukhang alalay niya. 

 

Kinuha ko 'yong bag at 'yong black cap ko na nakasabit sa may pinto ng kwarto ko bago lumabas. 

 

Sumalubong sa akin si Ryu na nakangiti nang maluwag at mukhang hinintay talaga ako mismo sa harap ng kwarto. 

 

"Tignan mo nga naman ang accling na 'yan! Amoy Johnson's baby powder, ajujuju~" Saad niya na parang nakikipag-usap sa bata at talagang pinisil pa 'yong baba ko. 

 

Sinipa ko siya sa binti pero agad siyang naka-iwas. 

 

"Parang kanina lang kabado etneb, ngayon naninipa na." Pabulong-bulong niya. 

 

Sino bang nagsabing nawala ang kaba ko? Kabado pa rin ako, punyemas! 

 

"Tigil-tigilan mo ako, Joryuket, at baka ma-hamehamewave kita." Pinanlakihan ko siya ng mata. 

 

"Oo na, oo na... Pero abunji–"

 

Sinipa ko siya ulit, this time hindi na siya naka-iwas. 

 

"Aray ko! Dimunyo ka talagang puno ka!" 

 

"Kasalanan mo, unggoy na nuno!" 

 

Agad akong lumabas ng bahay at pinad-lock 'yong pinto bago pa siya makalabas.

 

Nasa akin ang advantage dahil mahaba ang biyas ko at saka, saktong tinamaan ko 'yong binti niyang masakit dahil sa training kaya hindi siya agad naka-recover. 

 

"Hoy, gago! Dos, buksan mo 'to!" Pinipilit niyang buksan 'yong pinto. 

 

I think deserve. 

 

Pero bago niya pa masira 'yong pinto kakakalampag niya, binuksan ko na. Baka kasi mas mayari kami kay Tay Toni eh. 

 

Speaking of tay, wala na nga rin pala siya ngayon sa bahay dahil siya sapumasok na sa trabaho. Sinabay niya na rin 'yong kambal sa kaniya at hinatid do'n kayla Ate Malou, 'yong kakilala naming nagbabantay sa kanila kapag may pasok kami ni Ryu. 

 

"Sugo ka talaga ni Hudas, kingina mo." Masama ang tingin niyang sabi sa akin nang makalabas siya. Siya na rin ulit 'yong nag-pad lock. 

 

"Mana sa'yo." Ganti ko bago ko tinanggal sa pagkaka-pad lock 'yong bike ko. 

 

Sumakay na ako ng bike at nagsimulang pumedal. 

 

"Hintay naman, dreee!" Rinig kong sigaw ni Ryu. 

 

Siyempre, hindi ko siya hinintay. Ba't ko naman gagawin 'yon? Hindi naman siya gold, pwe! 

 

Dating gawi, itinabi muna namin 'yong mga bike namin kayla Kuya Fei. 

 

Hingal na hingal pa ngang bumaba ng bike si Ryu eh. Nakahabol naman siya sa'kin kanina, kaso no'ng sa stop light lang malapit dito kayla Kuya. 

 

Matapos naming maitabi ang mga bike, diretso lakad na agad kami papuntang school. 

 

"Uy, dre..." Umakbay sa akin si Ryu. Mas matangkad ako sa kaniya kaya para siyang timang na naglalakad habang nakatingkayad. 

 

"Ihayag mo na kaya ang bugso ng iyong damdamin kay–"

 

Agad ko siyang tinampal sa noo. Umaarangkada na naman kasi ang katarantaduhan niya. 

 

"Aray!" Daing niya. "Napakamapanakit mo talaga. Nags-suggest lang 'yong tao eh."

 

Ngumiti ako, 'yong sarkastiko. "Ay, tao ka pala?" 

 

Inalis niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Kahit kailan talaga 'no?" 

 

Nagkibit-balikat nalang ako.

 

Nang makarating kami sa room, halos nando'n na rin lahat ng mga kaklase namin. Sabagay, ilang minuto nalang naman din at magsisimula na ang klase. 

 

"Mischief managed." Sabay naming saad ni Ryu bago pumunta sa kaniya-kaniya naming upuan. Hindi naman na bago 'yan. 

 

Buong subjects bago mag-lunch, lumilipad lang ang isip ko. Feeling ko nga, naka-ilang balik na 'yong utak ko sa mount tralala. 

 

"Lumilipad na naman ang isip ko~" Bungad ni Ryu sa akin nang makalapit siya sa akin. 

 

Nag-dismiss na kasi 'yong prof namin kaya lunch break na. 

 

Habang naglalakad kami papuntang canteen, kanta lang siya nang kanta no'n. Muntik ko na nga siyang ingudngod sa sahig eh, mabuti nalang hindi pa ako gaanong gutom kaya napigilan ko. 

 

Nang maka-upo kami sa usual table namin, rekta labas baon na kaagad. Nagbaon din si Ryu, tinatamad daw kasi siyang pumila at bumili. 

 

Sinimulan na namin ang pagkain. Ayos naman at hindi gaanong nang-asar si Ryu. 

 

May mga time lang na bago siya sumubo eh kakantahin niya muna 'yong kinakanta niya kanina. 

 

Buti nga at tumigil siya nang tuluyan at nadala sa masama kong tingin dahil kung hindi, buong mukha niya ang kakain ng baon niya. 

 

Pagkatapos naming mag-lunch, dumiretso na kami pabalik sa room. May isang assignment kasi na hindi nagawa si Ryu at kokopya raw siya akin. 

 

Wala na rin naman akong nagawa dahil desisyon siya at lalo lang niya akong kukulitin. 

 

Wala pa si Yunjin kaya naman naki-upo muna ni Ryu sa upuan niya. 

 

"Dre, patingin number nine." 

 

Pinatingin ko naman kay Ryu. 

 

"Bilisan mo naman." Ungot ko. 

 

Ang bagal niya. Ilang minuto na simula no'ng kumopya siya sa akin tapos number nine pa rin siya eh hindi naman mahahaba 'yong mga sagot. 

 

"Ang panget kasi ng sulat mo, dre. Parang kinalaykay ng manok." Reklamo niya. 

 

Wow. Siya na nga ang kumukopya, siya pa may ebas. 

 

Hindi ko nalang siya pinansin dahil paniguradong magb-bardagulan na naman kami. Ilang minuto nalang kasi at mags-simula na ang next subject. 

 

Sakto nga bago pumasok 'yong prof, dumating din si Yunjin kaya balik kaagad si Ryu sa upuan niya. 

 

Katulad kanina, lumilipad na naman ang isip ko. Pagkatapos ng subject na 'to, isang subject nalang, uwian na. 

 

Ibig-sabihin no'n... kailangan kong nang samahan si Winter bumili ng bagong plush toy. 

 

Iniisip ko palang, parang maiiyak na ako sa kaba. 

 

"Miss Alfonso, kindly answer question number three."

 

Put–

 

––

 

Nandito na ako ngayon sa labas ng SC Office, hinihintay si Winter. 

 

Na-una na si Ryu umuwi. Kung 'di ko pa nga ipagtatabuyan nang malala, baka sumama pa 'yon ngayon sa'min. 

 

Sabi pa nga niya, tawagan or i-text ko raw siya kapag may nangyari. Parang timang lang pero na-appreciate ko naman.

 

Bigla namang may nagsilabasan mula sa SC Office kaya napaayos ako bigla nang damit at sumbrero.

 

Inhale, exhale... 

 

Shet. 

 

Parang lalabas 'yong puso ko mula sa ribcage ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

 

Apat silang lumabas, dalawang babae at dalawang lalaki. 'Yong isa sa dalawang babae, kilala ko. Si Chaeryeong.  

 

Napatingin siya sa'kin at lumapit. Napansin siguro na naghihintay ako. 

 

"Uy, Dos!" bati nito nang makalapit siya sa akin. "May kailangan ka ba sa SC? Parang naghihintay ka kasi riyan." 

 

Napansin niya nga. 

 

Ngumiti ako sa kaniya, medyo awkward pa nga eh. 

 

"A-ano... Si Winter?" 

 

Ewan ko, ah? Pero biglang ngumiti nang malawak 'tong si Chaeryeong.

 

"Ah, si vice pres pala ang hanap mo," ni-pat niya ako sa balikat. "Palabas na rin 'yon, may inaayos lang saglit. SS sa inyo. Sige, una na ako!" 

 

Hindi na ako nakapagpaalam at nakapag-thank you kasi dali-dali siyang bumalik sa mga kasama niya. 

 

At saka, ano raw? SS? 'No 'yon? Screenshot? 

 

Ilang minuto naman nang makaalis sina Chaeryeong, bumakas muli ang pinto ng SC office. 

 

At ito namang si ako... 

 

Natuod. 

 

Pakshet. 

 

Kamukha niya si Mama Mary! 

 

Lumingon siya sa direksiyon kung saan ako nakatayo. Napatingin lang ako sa kaniya. 

 

Alam kong sa mga pelikula lang nangyayari 'to eh, pero parang biglang tumigil ang mundo ko. Oo, ang mais, pero kasi... Huhuuuu...

 

Mukha akong timang dito na nakatayo habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay papalapit na sa akin. 

 

Napakurap nalang ako no'ng tumikhim siya. 

 

Walang emosyon siyang nakatingin sa akin ngayon habang dala-dala niya 'yong stack ng mga papel na hindi ko alam kung para saan. 

 

"Let's go. Dadalhin ko pa 'to kay Ms. Rodriguez." Magsisimula na sana siyang maglakad nang magsalita ako. 

 

"Winter... Ako na magdala niyan."

 

Napatigil siya at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. Ito namang si ako, ngumiti nalang kahit kinakabahan na naman ako. 

 

Inilahad ko ang mga kamay ko. Ilang segundo rin bago niya napagpasyahang ipatong dito 'yong mga papel. 

 

Medyo mabigat, pero kayang-kaya naman. 

 

Nagsimula kaming maglakad papunta sa office Ms. Rodriguez. Kilala ko naman si miss dahil minsan siya ang nags-sub as teacher namin sa physics. 

 

Na-uuna sa'kin si Winter ng ilang hakbang habang nakasunod lang ako sa kaniya. 

 

"Hey, walk beside me nga. You look like my alalay." 

 

Medyo nagulat naman ako kay W

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
31 streak #1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
31 streak #2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
216 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne 36 streak #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1737 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG