Prologue
starlight"Sure na bang ngayon tayo aalis? May ginagawa pa ako e."
"Gaga, hindi ko mapopostpone yung concert ni Ria. Tiyaka mamaya pa naman 'yon, kaya mo pang humabol. Hihintayin ka namin ni Tori." Sunod-sunod na sagot ni ate Erin. "Matulog ka muna. alam kong hindi ka pa natutulog."
"Natulog na ako. Grabe ka!"
Okay, it was a lie. Malapit na rin kasi yung finals namin kaya puyat talaga ako these past few days. Sinasagad ko na yung pagrereview ko para may maisagot sa exam, para na rin maging mataas ang grades ko, at para mas maging proud si mama.
Kahit paano.
"I-chat niyo na lang ako kapag nandito na kayo sa tapat ng coffee shop." Paalala ko sa kaniya bago ko ibaba yung tawag.
Nandito kasi ako ngayon sa isang coffee shop, nagsusulat din ako ng kanta dahil balak kong sumali sa isang music festival sa summer at kaya rin ako nagrereview nang sobra dahil for sure, kung hindi pasok sa standards ni mama yung grades ko, hindi rin ako makakasali sa music festival.
Ito na lang yung nakapagbibigay ng comfort sa akin ngayon. Yung pagsusulat ng kanta, minsan ng tula, dahil ito na lang yung paraan ko para mapagaan yung loob ko. Para mabawasan yung bigat ng lungkot nararamdaman ko. Ayoko na rin kasing pagalalahanin sina ate Erin.
Dalawang oras pa akong naghintay sa coffee shop bago sila dumating.
"Hi, my ate baby loves love of my life my honey bunch!" Bati sa akin ni Tori pero hindi ko siya pinansin. Kanina ko pa sila nakita sa labas kaya nagpanggap akong nagbabasa ng notes ko.
"Huwag kang maingay. Nagrereview 'yan." Saway sa kaniya ni ate Erin.
"Totoo ba? E baliktad nga yung reviewer niya." Tiningnan ko yung binabasa kong reviewer at tama nga si Tori, baliktad nga.
"Nagmukha ba akong masipag?" Tanong ko sa kaniya.
"Parang hindi mo naman na kailangang magreview, alam mo naman na yan kung nakinig ka nang mabuti sa lesson niyo."
"E ayon na nga, hindi ako nakinig. Paano ba naman kasi, may mga lyrics ng kanta na pumapasok sa isip ko noon. Feel ko kailangan kong isulat 'yon."
"Iniisip mo yung lyrics ng kanta o yung tao kung saan inspired yung kanta mo?" Tumingin lang ako kay ate Erin at pinagsingkitan ko siya ng mata. Aba naman talaga. Kapag ito ginantihan ko lagot 'to sa akin.
"Ha?"
"Hatdog." Sabat ni Tori. Sa totoo lang, wala siyang alam kung sino ba yung pinaguusapan namin ni ate Erin at mas okay na 'yon.
Mas okay na siguro yung hindi niya alam.
Comments