The Moon, The Bear and The Balcony

Sa Ilalim ng Asul na Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

They say that love comes “once in a blue moon”. Blue moon is a phenomenon wherein a second full moon appear on the same month. Hindi sya ganon ka-rare in terms of astrological events since almost every 2.5 years, a blue moon can happen. But then blame it sa kadesperadahan ni Irene na magka jowa na muli, that she actually listened sa payo ng anak-anakan nyang si Yeri K. Bonak about a certain natatagong kasabihan na tanging piling tao lamang ang nakakalam.

 

 

Kapag nagdasal ka ng taimtim about sa love sa ilalim ng Blue Moon, magkakatotoo ang wish mo.

 

 

So andito sya ngayon, sa balkonahe ng kanyang kwarto, natingala sa langit at pinagmamasdan ang bilog at dilaw na buwan. May kaunting agam-agam sa kanyang isip dahil hindi naman blue ang buwan ngaung gabi at hindi rin sya sure kung pangalawang full moon nga ito dahil “it takes 29.5 days for a full moon to appear again” at Pebrero ng gabing iyon so medyo imposible na ito nga ang Blue moon sa sabi-sabi. Dahil haleeer 28 days lang ang February normally.  Pero dahil nga sabik na sabik na magka-girlfriend si Bakla, ay gorabels na lang ang lola nyo. Pero bago natin ituloy ang susunod na kaganapan may pa short introduction muna.

 

 

Siya si Joohyun “Irene” Domingo Maharot pero mas kilala sa tawag na Irene D. Maharot. Isang graduating Accountancy Student. May mala-diyosang kagandahan, balingkinitang katawan, pamatay ng vital statistics at napakatabang utak. Kumabaga nga 99.99 % perfect na. Yung 0.01% na flaw, sabihin na lang natin na isa siya sa mga laging nasa unahan ng pila nung elementary tuwing flag ceremony. Maraming naghahalintulad sa kanya sa isang Diyosa pero may mangilang-ngilan din namang nagsasabi na isa siyang cute at maliit na kuneho.

 

 

Pero kung anong kinaganda niya, yun din naman ang kinapakla ng buhay pag-ibig ni Irene. Sa 25 years nyang nabubuhay sa mundo, tanging dalawang tao pa lamang ang nakapag patibok ng puso niya at pwede nating sabihing nakapagpa-excite ng pechay nya.

 

 

Ang huli nyang nakarelasyon ay ang Captain ng badminton team na si Suho B. Lat. Matangkad, maputi at may sandamakmak na fangirls. Noong una ay matiwasay naman ang kanilang pagsasama. Mabait, maalaga at mapagmahal si Suho. So hindi na kagulat-gulat na tumagal ng halos dalawang taon ang relasyon nilang dalawa. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, ang tahanang binuo nina Irene at Suho ay binahayan ng pesteng higad na nagpanggap na anay na nagngangalang Xiumin. Ika nga ng madami walang matatag na relasyon sa malanding may determinasyon. Si Xiumin ay teammate ni Suho at kapartner nya sa Doubles Division. Marahil na rin dahil sa dalas nilang magkasama ay nagkapalagayan ng loob and Suho found himself falling out of love with Irene and falling for him instead. So it’s not really surprising na nakipaghiwalay siya with the ever gasgas line na…

 

 

“It’s not you… it’s me”

 

Irene being a prideful August baby and Leo ay nag flip lang ng hair bago mahina ngunit may pagdiin na bumulong ng…

 

 

“Don’t show yourself in front of me again”

 

 

Dalawang bagay ang nawasak kay Irene nung araw na iyon. Ang puso nya dahil minahal naman nya si Suho. At ang pride nya dahil ipinagpalit ang kanyang sariwa at malagong pechay para sa matabang at puno ng cholesterol na hotsilog. At simula ng araw na iyon isinumpa niyang hindi na iibig pang muli ng hotdog. Di hamak naming mas masarap at masustansya ang petchay kaysa sa hotdog.

 

 

 

As for her first love, Irene would rather not disclose it. Mainly, dahil ito ang relasyon na pinakabumugbog sa kanyang murang puso. Junior High school siya noon, maganda pa rin ngunit she wears her signature full bangs at bunot hairdo. Seriously ano bang meron sa mga nanay noon at ang hilig nilang gawing kahiya-hjya ang mga anak nilang ang nais lamang sa buhay ay maging maligaya at malaya. Like hindi ba nila alam na may damdamin din kami at nais din naming mabigyan ng karapatang mamili kung anung klaseng style ng buhok ang babagay sa amin. Errr… Sorry for being emotional. Balik sa topic

 

 

Minahal nya ng lubos si first love na sya ring nakatikim ng tamis ng kanyang unang halik. Ngunit kagaya nga mga Kapuso teleserye these days, sinira rin ng mala-anay na higad ang relasyon nilang dalawa. She caught the girl cheating on her. And because of that, she broke up with the girl and burned every connection she had with her. She transferred schools at tinuruan ang puso nyang kalimutan ang hapdi ng kanyang unang “chorva” ay este pag-ibig pala.

 

 

Dahil sa kamalasang tinamo ni Irene naging mapili siya sa mga mamahalin at halos itaga niya sa bato sa sisiguruhin nyang ang susunod na magiging girlfriend ay siyang magiging panghabambuhay na niya. So it’s not that surprising na hindi na siya nagkaroon pang muli ng jowa even up to this day. She maintained a cold aura causing every potential suitor to be intimated. Iyong mga piling naglakas ng loob naman ay nasample-an kung paano masoplak ng malala. So in the end, she remained single.

 

 

But the downside of it is that, unti-unting kinakain ng desperasyon si Irene. Enough to actually consider the advice ng anak-anakan nya, a first year masscom student na si Yeri K. Bonak.

 

 

“Alam mo nay may nasabi yung lola ko sakin dati. Pag daw nagdasal ka ng taimtim about sa love sa ilalim ng Blue Moon, magkakatotoo ang wish mo. Yan daw ginawa nya noon kaya ayun naging sila forever ng lolo ko.”  At first it sounded silly so she shrugged it off. But then again, masyadong desperada at tigang si Bakla that when she saw the full moon that night, she grabbed the opportunity since wala namang mawawala sa kanyang mala- Mary na pagkatao. Hindi ang dangal at puri nya so GO.

 

So ating balikan ang kunehong ngayon ay nakatayo ng tuwid, nakatingala at pinagmamasdan ang buwan. Isang malalim na hininga ang kanyang ginawa, pinuno ng hangin ang dibdib, inipon ito ng halos tatlong segundo bago puwersahang ilabas.

 

 

“Irene D. Maharot game na…” bulong nya sa sarili bago pumikit, ipinatong ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at nagsimulang umawit

 

 

 

Bayang magiliw….

 

 

 

Ay sorry maling scene. Eto na talaga

 

 

 

“Sana makita ko na ang forever ko…”

 

 

 

She expected nothing at all. Mainly because a part of her does not believe in fairytales and all but then something unexpected happened. Isang malakas na kalabog ang narinig. Napakalapit. Sobrang lapit lang kay Irene. Then a groan of pain followed.

 

 

“Uhhh …”

 

 

A stark contrast of masculine yet feminine voice spoke. At first Irene was afraid to open her eyes. Dahil sa takot. She is in the third floor of her house so medyo imposible na may bumagsak galing sa taas. But then her responsible self kicked in. Since dalawa lang sila ng kapatid nyang si Karina ngayon sa floor na ito ng kanilang bahay and as far as she remembers, her sister is taking her nightly shower right about this hour.

   

 

So thinking about the safety of the both of them, she opened her eyes with her fist clenched at the side. Only to see a very yummy intruder still on the floor. Isang babaeng may cute na mukha na ngayon ay nakangiwi marahil dahil sa sakit. But what caught Irene’s attention the most is the way the girl’s top rides up a bit, exposing her glorious abs. Abs na mukhang pandesal sa gutom at sabik ni Irene. At dahil dito, nanuyo ang kanyang lalamunan at unti-unting naglaway dahil sa biyayang kanyang nasasaksihan. Kulang na lang ay mapasigaw sya ng “Shereeeppp” ngunit natigilan matapos mapagtanto niya kung sino ang taong nasa kanyang harapan.

 

 

Walang iba kung hindi ang resident playgirl ng school na si Seulgi K. Patacsil.

 

Kumunot ang noo ni Irene dahil sa pagkakalam nya ay sa kabilang village nakatira ang abs na tinubuan ng mukha na babaeng ito.

 

 

“Bakit ka nandito? Paano ka bumagsak sa kwarto ko?” Ngunit bago pa man may magsalita, narinig nya ang sigaw ng kapatid nya mula sa kabilang kwarto.

 

 

“Manyakkkkkkk… Tulong Ate may nanilip sakin….” Luminga-linga si Irene sa paligid at nakita ang mga dahon ng mangga na nagkalat sa sahig.  Her frown deepens habang ang utak nya ay pinagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari. Then a lightbulb shines on her head but as realization kicks in, fury started filling her system. How dare this kumag make boso on her sweet sister? And that’s when all hell break loose. Well theoretically lang naman.  Kasi sa singkit na mata ni Seulgi, ang tanging nakikita nya ay isang cute na kunehong nagpapanggap na nakakatakot igniting this urge inside of her na bigyan ng isang pirasong carrot.

 

 

Only for the said cute bunny na pumasok sa kwarto nya at maglabas ng baseball bat. Baseball bat na gawa sa aluminum na tumitimbang ng halos isang kilo at mukhang kaya siyang pilayin sa isang swing lamang.

 

 

“Teka mali ang iniisip mo. Hindi ako manyak. Mali ka lang ng initindi…” But her pleas fell on deaf bunny ears dahil nagpatuloy ang kunehong lumalapit sa kanya wearing a murderous and y kind of face that Seulgi would normally find hot pero dahil buhay na ng osong ito ang nakataya, napilitan siyang kumaripas ng takbo. Atleast kumaripas at what her frail and bruised body could permit. Tenkyu Lord at nagawa niyang matakasan. Siguro because tinaas nya ang damit nya hanggang halos dibdib at nilayong silawin ang kuneho ng mamawis-mawis at makintab nyang abs.

 

 

 

Effective

 

 

 

Dahil sa split second na pagtaranta at paglalaway ng kuneho nagkaroon si Seulgi ng tiyansa na makatayo at makatakbo atleast as what her injured self could permit.

 

 

***

 

 

Buwisit na pumasok si Irene ng sumunod na araw. Una, dahil hindi nya nahabol at na-isahan man lang ang manyakis na si Seulgi. Pangalawa and the most important reason is that bumagsak si Seulgi exactly at that critical moment na nagwi-wish si Irene thus spoiling her chances of finding the one.

 

 

So hindi nakakapagtaka na pumasok siya na mukhang kunehong pinagkaitan ng carrot ng tatlong araw. Bagay na hindi nakaligtas sa resident bff nya na si Joy or mas tamang tawaging Ligaya C. Naid. Andito silang dalawa ngayon sa cafeteria dahil mayroon silang isang oras na free period so they both decided na gugulin na lang ito sa pagtambay at pagkain.

 

 

“I swear pag nakita ko yung haliparot na babaeng iyon. Makakatikim talaga siya sakin. Imagine ganoon sya ka manyakis na nagawa niyang umakyat sa bakod at puno namin para lang silipan si Karina. Si Karina, na kinse anyos lang at hindi pa nagtatapos ng high school?” Buong pusong pagra-rant nya sa katabi only to see that person na ngayon ay kinikilig at mukhang inasinang uod sa sobrang kire habang nakatingin sa cellphone nya.

 

 

“Hoy Ligaya C. Naid at wala ng natira…. Nakikinig ka ba?” Only for the said person to turn her attention to Irene with matching pagtaas ng isang kilay.

 

 

“Oo nakikinig ako. So basically you’re saying na umakyat si Seulgi ng bakod para lang masilipan ang kapatid mong halos hindi pa nga ata tinutubuan ng suso?  Duda ako dyan Teh. Eh kasi kung tutuusin, kaya nya namang kunin kahit sinong babae or lalaki dito sa school. Sila pa nga ang kusang pipila at magpapakamatay para mapansin nya. Yung tipong hindi nya kailangan mag-effort kasi para siyang nag-iisang bulaklak sa pugad ng mga bubuyog. Kumbaga sila na ang mag-uunahang makuha ang katas nya. You see my point? So I don’t see the reason bakit nya gagawin yon? Like duh! san ka nakakita ng tae na kusang lalapit sa sa langaw when the tae doesn’t even need to. Because ang langaw ang may kailangan sa kanya and not the other way around. If you get what I mean though.” Saglit na natigilan si Irene dahil what Joy is saying makes perfect sense. But being the prideful and stubborn girl that she is, she stuck to what she believes in. And that is, si Seulgi Patacsil ay isang manyakis na papatos kahit sa cactus na nilagyan ng bra at .

 

 

Walang anu-anoy may biglaang masamang hangin na naramdaman ni Irene sa may bandang harapan. And hindi ito ung hangin na nililikha ng ating katawan na lumalabas sa medyo likuran. Instead it was Seulgi herself na namataan ni Irene na papalapit sa kinauupuan nila na may dala-dalang babaeng tarsier na nakapulupot sa gilid nya.

 

 

“Speaking of the she-devil who preyed on young girls barely even out of high school.” She cursed out loud. Sapat pra marinig ng dalawa. But far from her expectation na si Seulgi ang marereact at magbibigay ng eksaheradang reaksiyon, it was the koala  na nakasabit sa ma-abs na puno ng eucalyptus who spoke. 

 

 

“Are you referring to either of us Miss?” Maarteng pagkakasabi ng kamag-anak ng naninigarilyong caterpillar sa Alice in Wonderland.

 

 

“Well if the shoe fits then I guess I am.” Maangas at buong pagmamalaking sabi ni Irene. 

 

“How dare you say that? From what I know we never interacted with such low-class citizens such as yourself and you still have the audacity to accuse us of something so preposterous. “At dahil nga isa siyang matapang na babae na hindi magpapaapi kahit kanino man, Irene retaliated.

 

 

“Aba ikaw itong nagrereact na parang iskwater on something I said in general without even mentioning a specific name. And then asking me how I have at the audacity to do so? Like duh! Sino bang ita ang masyadong patola?” And after that all hell break loose. Bumitaw sang babaeng linta sa pagkakapit nya kay Seulgi and the fight of the century happened.

 

 

On the left corner wearing white pokpok dress. Ang babaeng minsan Tarsier Madalas Higad, Sunmi Dimagiba while on the right corner wearing a simple dress made by Tiffany. D Maharot. Ang Dyosang Kuneho, Irene D. Maharot. 

 

 

 

Mabilis na nagkumpulan ang mga tambay ng cafeteria sa napipintong paghaharap ng dalawa. Si Seulgi ay natataranta at hindi malaman kung paano aawatin ang dalawang nag-uumpugang papaya este dilag pala. Habang si Joy, si Joy na walang malay ay busy naman sa paglilista ng mga taya ng mga manunuod. Isang libo at may guaranteed 50% prize pag nanalo.

 

 

 

But before any of them can even land a solid blow to the other, may isa na namang kakaibang presensya ang nagbadya. The ever terror na dean ng College of Arts. Ang babaeng siyang pinaka-kinatatakutan ni Seulgi. Si Mrs. Boa Dimagiba. Mrs Dimagiba who suddenly spoke,

 

 

“Who the hell gave you the permission to start a cat fight at this sacred university grounds?”

 

 

 

Paktay na.

 

 

 

In the end, umuwing luhaan sina Irene, Seulgi at Joy.

 

 

 

Sina Irene at Seulgi dahil silang dalawa lang naman ang napagbuntungan ng galit ng terror na dean. Mainly because si Sunmi lang naman ang nag-iisang unica hija ni Mrs. Dimagiba so it’s just normal na si Seulgi ang mapagbuntungan ng sisi sa gulong ginawa ng santa-santita nyang anak. As for Joy, let’s just say na nalugi ang negosyo nya dahil bukod sa hindi natuloy ang pustahan ay napilitan siyang ibalik ang mga pera na nakulimbat nya. At sa kasamaang-palad ay binigyan nya ng tig-iisang libo ang lahat ng nanood kahit hindi naman lahat sa mga ito ay tumaya.

 

In conclusion, Irene and Seulgi was forced to conduct a week of community service. Or in other words, maglinis ng mga certain parts of school grounds and the female CR of the College of Arts Building.

 

 

***

 

Dahil sa kinahitnan ng ramble of the century ay maghapong nakabusangot si Irene. Much more ng makita nya si Seulgi during their first day of community service na cool na cool at parang kinatutuwa pa ang kamalasang nangyari sa buhay nila. This caused her blood to boil.

 

 

“Uhmm I’ll do the cleaning na lang tapos dyan ka na lang sa side and bantayan mo  na lang yang sako na paglalagyan ko ng mga nawalis ko na kalat.” Seulgi said with the signature eyemile na nakakatunaw ng kahit million-year glaciers ng Antartica but still not enough para matunaw ang yelong bumabalot sa petchay ehem puso ni Irene.

 

 

“Wag na baka mamaya isumbong mo pa ako sa Dean at lalo pa ako malintikan. And I’d rather not take any favors from you so no thanks.” Irene said with conviction.

 

 

 

“Sungit mo naman Hyun. Hindi ba dapat maging mabait ka sakin kasi in the first place ikaw ang nagumpisa kung bakit tayo napasok sa sitwasyon na ito. I mean it’s the least you can do to make up for it di ba?” And this made the Bunny’s blood boil even more.

 

 

 

“First of all, it’s Irene not Hyun. Hindi tayo close so you don’t have the right to call me by that name. Second, hindi ba ikaw ang may atraso sakin dahil sa paninilip mo sa kapatid ko so I think it’s just fair na ganitong treatment ang makuha mo mula sakin.” She heard Seulgi chuckled at this before shrugging her shoulders at tinuloy na lang ang pagwawalis.

 

 

 

“Fo the nth time hindi ko nga sinilipan si Karina. I just did a favor for my little sister Winter pero sige kung ayaw mong maniwala eh di wag. Sabagay nga naman kelan ka ba naman naniwala sakin di ba? And yeah, thanks for reminding me that we are not that close. Medyo nakalimutan ko kasi eh. So I’ll do my thing and you’ll do yours na lang.” Malaman na sabi ni Seulgi bago lumayo at tumalikod kay Irene.

 

 

 

Sa totoo lang what Seulgi did gave a painful thug at Irene’s heart. She has this huge urge to apologize but her stubborn pride prevented her too. So, tumahumik na lang siya at nagsimula na lang din maglinis.

 

 

 

It persisted for two days until an incident made her lose her cool even more.  Pangatlong araw ng punishment nila ng ang tahimik na mundo ni Irene ay binulabog ng mga naglalakihan at nagpapangitang suso. Three little suso by the name of Krystal, Tzuyu at Gyuri. Mga susong naglalayon humigop ng isang malanding lamang-da gat na nagngangalang Seulgi. But what pisses her off the most is that the snails aren’t actually helping them, bagkus mas tumatagal ang trabaho nila dahil imbes na maglinis ay wala silang ginawa kundi magpacute sa oso. So as she reached her boiling point, she suddenly screamed out loud at them.

 

 

“Pwede ba mga suso kung wala kayong ibang magawa eh humanap kayo ng ibang masusupsop at wag dito. Lalong tumatagal ang trabaho ko sa inyo. Mga peste kayo.” Bagay na ikinagalit naman ng mga tinutukoy na suso.

 

 

“Hoy ang kapal mo tumawag na suso ah, bakit inggit ka ba dahil malaki ung akin kumpara sa iyo na mukhang Gardenia na may pasas sa gitna.” Sagot ng mejo slow na si Gyuri.

 

 

“Engot ka ba? Ang sabi ko suso hindi suso. Ang diin nasa so hindi sa su. Buang.” Agad namang namula si Gyuri at nagkamot ng ulo, halatang hindi naiintidihan ang ipinunto ng Kuneho.

 

 

“Teka anu ba pakialam mo kung andito kami. Hindi naman ikaw ang ipinunta naming dito eh.” Sabat naman ni Tzuyu bago ngumiti ng matamis kay Seulgi.

 

 

“Yeah what’s it to you? Better mind your own business.” Krystal commented.

 

 

Nakita naman ni Irene na akmang susugod sa kanya ang tatlo. At kahit sanay pa siyang makipagrambulan eh medyo natakot ang lola nyo. Kasi kahit isa siyang kunehong puno ng tapang at paninindigan ay kuneho pa rin siya. Cute, fluffy at hindi man lang makakasakit ng kahit sino. But bago pa man mag-away ang apat ay nauna ng umawat si Seulgi.

 

 

She smiled at the three and calmly asked them to just leave with a promise.

 

 

“Thanks sa concern and sa tulong nyo girls pero ako kasi talaga ang kailangan gumawa ng punishment so it’s much better na alis na lang muna kayo. Kita na lang tayo mamaya pagkatapos ko. Ililibre ko kayo ng milktea sa tapat.” Sabay kindat ng malala at pasabog ng isang nakakasilaw na ngiti.

 

 

Nagmukhang maamong sheep ang tatlong suso bago umalis pero hindi nalimutang pandilatan ng mata si Irene on their way out. Nang makaalis ang tatlo, si Seulgi naman ang binalingan ni Irene.

 

 

“Magtrabaho ka kasi wag yung landi ng landi. Imbes na kanina pa tapos lalo tuloy tumatagal. Sa susunod kasi wag kang magpapunta ng mga babae mo para makipaglandian.” Irene ranted.

 

 

“Pinapaalis ko naman na sila kanina pa eh sila itong ayaw makinig.” Pero hindi natinag si Irene.

 

 

“As if, for all I know tuwang-tuwa ka kasi pinagkakaguluhan ka nila.” She continued cleaning the sink of the girls’ comfort room.

 

 

 

“Yan ganyan ka naman eh. Pinapaniwalaan mo lang yung mga gusto mo kahit malayo naman yun sa tunay na pangyayari.”  Bulong naman ni Seulgi enough para marinig ni Irene at ikatigalgal nya. Before she can even say anything else, pumasok si Seulgi sa isang cubicle para linisin iyon.

 

 

 

 

 

 

***

 

 

The cold and indifferent atmosphere persisted throug

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulbear0128
bet ko lagyan ng extra chapter to. like kung panno nauwi sa over the bakod ung ligawan ng winrina. or panu nagdavelopan ang seulrene? hahaha kasi enjoy ako isulat to sobra

Comments

You must be logged in to comment
karinasaurus11
61 streak #1
Chapter 4: This au is so funny! hahaha 😂 cant wait for the next update! 😁
RVSone0105
903 streak #2
Chapter 4: Chapter 4: Hala mukang spg na crack au to ahh 🤣🤣🤣
Ituloy mo na otor, babasahin namin to!!
_rtempest
1040 streak #3
Chapter 4: Looking forward po sa next chapter ☺️
Goeynceilove
55 streak #4
Chapter 4: kudos on being featured!
iana013
#5
Chapter 4: congrats sa feature otor 🎉🥳
its_aaarrriii
51 streak #6
I curiously click the bid thingy and now I am the highest bidder......
twentythreeee
#7
Chapter 4: Cute2 naman ni Irene Maharot. Lol
Goeynceilove
55 streak #8
Chapter 4: Lods may nagbabasa pa po☺️🐻🐰 tuloy lang Author-nim
its_aaarrriii
51 streak #9
Chapter 4: Woah new story
its_aaarrriii
51 streak #10
May new update?????