Teka! Nasa langit na ba ako?
Description
Gusto lang naman pumunta ni Karina sa SM para sana sa pabangong naubos na nya but along her way she met an angel, hindi yung anghel na may pakpak ha at wala pa sya sa langit pero sure syang parang parehong feels lang din ang nangyari nung nakita n'ya ulit sya.
Foreword
“ThuBheg…” nasa lalamunan ko na ata ang disyerto sa pag katuyot nito, ayoko ring buksan yung mata ko anliwanag ng ilaw, bago ba bumbilya sa kwarto ko? Diko natandaan inarkila ko yung araw para maging bumbilya dito.
“Ayan, puro katangahan. Uminom ka oh” boses ni Ate Joo, ramdam yung pag palsak nya ng straw sa bibig ko para makainom ako, narinig ko pa yung mahinang pag tawa ng girlfriend nya sa likod. Tumunog yung pinto may pumasok ata, baka sila doc, sabe sa inyo buhay naman ako eh. Inantok lang ng slight!
“Hello, I’m her designated nurse po, I’ll check her lang” uy, teka si Ateng nurse yun diba? Yung nasa crossing kanina? Yung sabi wag daw akong matutulog…kahit nasisilaw parin ako sa liwanag I opened my eyes just to be greeted by a blinding light, napapikit ulit ako.
Maganda yung boses nya so sure akong pati yung itsura nya, teka kinikilig na agad ako, kailangan kong bumanat “Ate, nasa langit na ba ako?” nakaramdam ako ng kirot sa right side ko kaya mas lalo akong napapikit, binato pala ako ng jowa ni Ate Joo ng bote “Malapit na kung puro landi ang aatupagin mo!” sigaw nya.
Comments