7
Gunita
“Saan tayo pupunta?” I asked as we drove along the highway. Ako muna driver dahil nagrerecover pa siya at medyo takot na rin si Seulgi magdrive after the accident.
“Well, I was kinda hoping na ikaw mag decide kung saan tayo magde-date.” She sheepishly replied. “San ba tayo dati usually tumatambay?”
“Wala tayong ‘usual’ eh.” Ngumiti ako. “Hilig kasi natin mag explore ng bago. We agreed before na isang place lang yung magiging usual natin kasi gusto natin yung may adventure lagi.”
Napaisip siya. “Talaga ba? Okay, basta ikaw na bahala saan tayo.”
I decided to take her to Gino’s na lang. Baka magbalik yung mga dating memories namin sa place. Pagpasok namin, sakto na nandun yung dati naming kasama ni Yeri. Manager na siya ngayon, pero to me, she’ll always be that wide-eyed girl na lagi naming niloloko.
“Jennie!” Lumapit agad siya para yumakap. “Uy, Singkit! Di niyo naman sinabi para sana ni-reserve ko yung booth niyo.”
“Okay lang, Nayeon, biglaan lang din eh.”
“Ano okasyon? Anniv niyo ba?” Nayeon patted Seulgi’s shoulder. “Or—OMG, kasalan na ba? Singkit, sigurado ka na ba diyan kay Jennie?”
Tuloy lang ang pangaasar ni Nayeon and I can see that Seulgi was clearly uncomfortable kasi para sa kanya, a stranger was invading her personal space pero wala naman kasing alam si Nayeon sa nangyari. At hindi ko alam kung dapat ba naming i-disclose yung condition ni Seulgi, close friends and family lang din kasi ang nakakaalam.
“Uhm..” Umatras si Seulgi na siyang kinagulat ni Nayeon. Medyo naging close din kasi sila nung nagta-trabaho pa ako sa Gino’s. “Jennie, can we go?”
“Uy, bakit? Joke lang naman, Singkit. Grabe ka.” Marahang tinulak ni Nayeon si Seulgi. “Sungit mo sa akin ha, kala mo di kita niregaluhan nung pasko. Sabi mo pala, gagawan mo ako ng desk lamp? Asan na yun?”
“Can you please stop?!” Tumaas na yung boses ni Seulgi at napagtinginan kami ng mga tao.
“Seulgi, I’m sorry.” Biglang umatras si Nayeon dahil naramdaman niya nang may mali. “Di ko sinasadya—”
“Pwede bang umalis na lang tayo?” Hinawakan ni Seulgi ang ulo niya. “I don’t feel good.”
Comments