160 cm,161 ‘pag naka-heels
Minsan, ayos lang magpaalam"O Seulgi kahit balikbayan ka, shotgun ako a, walang agawan ng trono," banat ni Wendy habang pasakay na sila sa tsikot ni Joy.
Ibig sabihin nun walang choice kundi magtabi sila sa backseat ni Joohyun.
Tamang stuck na sila sa Pasay road ng bumanat na naman si Wendy.
"Ano Seulgi, magkuwentuhan tayo ng mga ganap mo sa buhay at it's been three long years, pero bago yun, may announcement muna ko."
"Kami na ni Bujoy ko."
Napatili si Seulgi. "Potaena Joy! Nagbunga rin yung pagkukunwari mong masakit ulo mo minsan o yung lasing-lasingan moda mo pag lumalabas tayo para makadantay kay Wanda, kahit pa after nun sobrang ngalay ng leeg mo kasi laki ng pandak niya sa 'yo."
Livid si Wendy. "Hoy, hindi lang ako pandak dito!"
Natahimik bigla si Seulgi. Napa-twiddle in her seat.
"Ano, si Joohyun, pandak din."
Normally, majijirits si Joohyun 'pag may umapi na naman sa height niya, pero halos mapalundag puso niya nung binanggit ni Seulgi pangalan niya.
"Oo, ako nga yung pandak, pandak ako!" Sabi niya, abot tainga ang ngiti sa sobrang saya.
Comments