Chapter-2

Kahit Kailan
Please Subscribe to read the full chapter

HAYOUNG POV

"So, kamusta sa dorm niyo?" Tanong ni Ate Jiwon.

Katatapos lang namin kumain at kami ay nagpahinga lang sandali.

"Ayos naman Ate Jiwon. Mababait naman yung mga tao dun." Sagot ko.

"Nga pala Ate, hindi Ako pwede lumagpas ng alas-otso. May curfew kasi kami sa Dorm. Bawal ng pumasok pag lagpas na ng curfew." Dagdag ko pa.

"Ganun ba Hayoung. Halika na at kailangan na natin manuod ng Sine. Dyan na lang tayo sa May MoA manood para malapit." Wika ni Ate Jiwon at hinila na ako palabas ng restaurant.

 

 

 

 

***

"Ang haba ng pila Ate Jiwon, sa iba nalang tayo pumunta." Suhestyon ko ng makitang di umuusad ang pila.

Chineck ko yung oras at isa't kalahating oras na pala kami sa pila.

"Ayos lang ba sa Iyo? Kasi di ba pinangako ko sayo na pag luwas mo ng Maynila eh dadalhin kita sa sine." Tanong ni Ate Jiwon.

"Ayos lang Ate Jiwon. Alam mo naman madali akong mainip. Ayoko talaga ng nag-aantay ng matagal." Sagot ko at binigyan siya ng ngiti.

Biglang tumunog yung phone niya.

"Teka sasagutin ko lang to." Wika ni Ate Jiwon bago sagutin yung tawag.

Tumango lang ako at pinagmasdan ang mga taong dumadaan.

Pagkatapos ng sampung minuto ng pag-uusap ni Ate Jiwon at ng kaibigan niyang nasa kabilang linya, ay binaling niya ang attensiyon sa akin.

"Gusto Mo maglaro? May arcade sila dito?" Tanong niya.

Napaisip ako mukhang May oras pa naman Kami.

"Sige, Ate. Namimiss ko narin maglaro ng ganyan." Pagsang-ayon ko sakanya.

Hinila niya na ako papunta sa kaliwang direksyon.

 

 

 

 

***

"Wohooo!!" Hiyaw ko nang mapabagsak ko ang panghuling boss.

"Wow, ang galing Mo talaga Hayoung." Proud na sabi sa akin ni Ate Jiwon.

Kinahiligan ko na to dati pa. Patatawag din naman akong isang Gamer.

Ngumiti Ako. "Salamat. Saan na tayo pupunta pagtapos dito, Ate Jiwon? Mukhang malapit na rin mag'alas tres."

"Alam ko na kung saan. Tara na" hinila niya na ako palabas.

 

 

 

 

 

***

Naglakad na kami papuntang Hypermarket.

"Hayoung, halika na. bibili pa tayo ng pasalubong. Teka mga friends mo ano bang hilig nila?" Tanong niya habang papasok kami sa isang bakeshop.

Grabe naman ang mahal, isang slice dalawang daan agad ang halaga.

Mukha kulang pa ata allowance ko para sa isang slice.

"Hindi ko alam Ate Jiwon, nakalimutan ko rin itanong sa kanila. Kahapon lang kasi kami nagkausap-usap." Tugon ko.

"Hmm.. Siguro heto nalang. Tiyak na magugustuhan nila itong vanilla latte mango with strawberry cake." Sabi ni Ate Jiwon habang tinuturo yung kulay pula na may halong dilaw at puti na cake.

Lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang presyo. 'Isang libo't limang daan? Grabe naman ang mahal?'

"Tapos yung kina Mama, yung regular na inoorder ko. Salamat." Rinig kong sabi pa ni Ate Jiwon.

 

 

 

 

***

Mag-aalas sinko na nung dumating ako ng dorm. Dapat alas kwatro nandito na ko, ngunit dahil sa traffic eh humaba ng isang oras yung byahe.

"Sige Hayoung. Kita nalang tayo ulit. Itetext kita kung kailan ulit ako free. Love you, ingat ka." Niyakap ako ni Ate Jiwon at bineso.

"Ingat ka rin Ate Jiwon. Love You din." Ngiti kong sabi sakanya.

Kumaway pa ito bago pumasok ulit sa taxi.

Nagdoorbell na ako at si Ate Bomi ang nagbukas sa akin.

"Hayoung? Andito ka na?" Gulat na tanong ni Ate Bomi nang makita ako.

"Oo, Ate Bomi. natatakot kasi ako baka maabutan ako ng curfew sa daan. Heto nga pala ang pasalubong ko sa inyo." At inabot ko kay Ate Bomi yung box ng cake.

"Nag-abala ka pa. Pero salamat ha." Nakangiting wika ni Ate Bomi sa akin.

"Walang Anuman Ate Bomi." Sagot ko habang naglalakad na kami papasok ng Dorm.

"Guys, gusto niyo ng cake?" Tanong ni Ate Bomi sa kanila.

Agad naman lumingon yung apat sa amin.

"Oo ba. Teka kukuha lang ako ng platito't kutsara." Sagot ni Ate Chorong bago lumakad papuntang kusina.

Umupo ako sa tabi ni Ate Namjoo.

"Bukas pala start ng klase, balik stress ulit tayo." Komento ni Ate Eunji.

"Oo nga eh. Pero buti nalang 4th year na tayo. Isang taon nalang ang hihintayin natin at gragraduate na tayo." Masayang wika naman ni Ate Bomi.

"Hays. Buti pa kayo. Ako gusto ko nang lisanin yung university. Pero sophamore palang ako. Hays. Tinatamad na akong mag-aral." Napabuga ng hangin si Ate Namjoo.

"Ikaw Naeun, ano sa tingin mo?" Tanong ni Ate Eunji.

Napatingin naman ako kay Ate Naeun na busy sa kanyang cellphone.

"Huh? I think it's fine with Me. Baka nga mag-enjoy pa ako this year." Seryosong sagot ni Ate Naeun.

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Ewan ko kung assuming lang ba ako. Saka bumalik ulit yung tingin niya sa phone.

"Sino bang katext Mo? Nobyo Mo?" Tanong ni Ate Bomi habang nakangisi.

"Hindi noh. And for the record He is not My boyfriend. Ewan ko ba sa asungot na yun, dikit ng dikit sa akin." Walang ganang sagot ni Ate Naeun at ibinalik ang phone niya sa lamesa.

"Ah okay. Ikaw Hayoung anong masasabi Mo para bukas?" Ibinaling ni Ate Bomi ang tingin niya sa akin.

"Hindi ko pa alam Ate Bomi, unang araw ko pa lang kasi bukas. Siguro hindi ko nalang ieexpect na magiging madali ang lahat." Sagot ko na ikinatingin nila sa akin.

"Anong kurso ang kinuha mo?" Tanong ni Ate Chorong.

"Bs nursing po." Maikli kong sagot.

"Kami lang pala ni Bomi ang pareho ang kurso. At tsaka stressful ka talaga ang kinuha mong kurso." Napatawa sila sa sinabi ni Ate Eunji.

Nagtataka akong napatingin sa kanila.

"Ganito kasi Yun, si Ate Chorong Bs in business management ang kinukuhang kurso tatlo kami ang gragraduate this year. Ako saka si Eunji Bs criminology yung kinuha namin. Si Namjoo bs tourism management. At si Naeun naman ay Bs education." Paliwanag ni Ate Bomi.

Tumango naman ako.

Gusto maging Guro ni Ate Naeun? Tiningnan ko siya at nahuli kong nakatingin na pala siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

 

 

 

 

NO ONE POV

Pagkatapos nilang kumain ng cake, nagpaalam si Hayoung sa kanila na aakyat na siya sa kwarto habang nakasunod si Naeun.

"Ayos lang ba gamitin ko yung saksakan?" Pagpaalam ni Hayoung.

"Yeah, hindi ko rin naman gagamitin yan. Beside, You can use everything You want in this room. Don't be shy. Okay?" Sabi ni Naeun habang nakangiti.

"Salamat Ate Naeun." Yun lang ang sinabi ni Hayoung bago nagsimulang magplantsa ng kanyang uniform.

Naramdaman ni Hayoung na may nakatingin sa kanya, kaya nag-akyat siya ng tingin. 

At hindi nga siya nagkamali dahil kanina pa nakamasid sa kanya si Naeun. Waring pinag-aaralan siya.

"Uhm... May dumi ba ako sa mukha Ate?" Tanong niya nalang para di maging awkward Yung paligid nila.

Umiling si Naeun. "Nothing. May naalala lang ako."

"Ahh. Okay." Yun lang ang tanging nasambit ni Hayoung bago bumalik ulit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Apinktagalog
Pasenya na natagalan ngayon ko lang naalala to 😅😅

Comments

You must be logged in to comment
drakyvamp
#1
Chapter 2: Bitin po. Waiting sa next chapter
gom_tokki
#2
Chapter 2: Thanks, waiting po sa next chapter.
ciishuxhi #3
baka naman sana matuloy pa toh at na enjoy ko !!
lovenihayoung
#4
Chapter 1: nice. may nagsulat din na tagalog.