Malumos
tula(la)
"hindi pa ako marunong lumangoy, kaya't ako nalang ang magiging kaulayaw mo sa pagkalunod."
Malumos
Gusto ko sanang sisirin
ang dagat na iyong inilikha,
lalangoy tayong dalawa
sa alon ng mga salita,
waring isang tula,
na umaagos sa pagitan
ng iyong labi na sa bawat buka
ay siya ring nagsasabing
ang lahat ng ito'y
para sa iyong itinatangi—
para sa akin.
Ngunit paano kung ako, maging ikaw,
ay hindi marunong lumangoy?
Marahil parehas nalang
tayong malulunod,
sa bawat ugoy ng daluyong,
hahayaang ang katawa'y
tangayin ng mga daloy at
tayo'y dadalhin ng mga ito
patungong dalampasigan
na siyang sasalubong
sa ating mga
malalamig
na bangkay.
- csc
11.03.20 | 2:53 am
"Malumos” (pronounced as Mah-luh-mos) is a bisaya/cebuano term which means will be drowned or drowning in English.
Comments