Selfish

Roundabout
Please Subscribe to read the full chapter

"Dad? I'm home." sambit ni Seulgi nang makapasok na siya sa kanilang munting tahanan.

"Nak nandito ako sa kusina." sigaw ng tatay niya. Dali dali namang pumunta si Seulgi sa kusina at naabutan ang kanyang tatay na nagluluto ng may hindi mapintang saya sa mukha niya. Napapakanta rin siya ng "Celebration" every now and then.

What's there to celebrate? Marami na ba akong backlogs sa mga ganap ng pamilya namin?

"I know I've been busy with school lately but, I don't think I forgot any special occasions." sabi ni Seulgi habang hinihila niya ang dining chair para makaupo siya. Pinagmamasdan niya lamang ang kanyang ama at napaisip na it's been a while since nakita niya na ganito siya kasaya. Simula nang sumakabilang buhay ang ilaw ng kanilang tahanan, tila ba nawalan na rin ng ilaw ang kanilang mga buhay -- sinubsob ni Seulgi ang kanyang sarili sa pag-aaral at sa trabaho naman na halos tumira ang kanyang tatay. Pero kahit na ganun, nanatiling sandigan ni Kang Taepyung at Kang Seulgi ang isa't-isa. Hindi kailanman nawala ang kadena na bumubuklod sa kanila bilang mag-ama. In fact, kung si Seulgi ang tatanungin, mas naging close sila.

"Let's have breakfast first?" tanong ni Taepyung sa anak with hopeful eyes. Nagpacute pa talaga si dad. Cringe worthy.

"Ano ba niluto mo, Dad?"

"Your favorites." matipid na sagot ni Taepyung na bumalik na ulit sa pagluluto. Nanlaki ang mga mata ni Seulgi.

"Okay, now I'm starting to think that you're going to bribe me with food. That 'something important' you're talking about better not be me in a sudden arranged marriage or some sort. Magtatampo talaga ako sayo big time."

"Ano na naman bang conspiracy theory sa YouTube ang pinanood mo? And is it time for me to not renew our Netflix account kasi mukhang you binged watch too many shows to the point you think you're in one? Of course I wouldn't do that anak. Arranged marriage really? That's so outdated. Mag Tinder ka na lang or any other dating apps na meron exclusively for lesbians." Taepyung shrugged.

That's right. Alam ni Dad ang orientation ko and he's fine with it. Feels good man.

"Then tell me what it is please?"

"Not until we finish eating breakfast, missy."

"Fine."

Habang hinihintay ni Seulgi matapos magluto si Taepyung ay binuksan na muna niya ang kanyang cellphone para magreply sa mga message ng tropa niya na dinesregard niya na muna kaninang umaga. Pinasalamatan niya ang mga ito para sa cover up na ginawa nila para sa kanya. At the same time inassure din ni Seulgi na hindi siya na-kidnap kagabi, pero hindi niya sinabi ang totoong nangyari. Alam ni Seulgi na hindi siya titigilan ng tropa kaya gumawa na muna siya ng alibi that involves her cousin. Praying to the Gods na sana maniwala sa kanya ang tropa, Seulgi apologized silently to her cousin na ginamit niya pa. 

I'm so sorry, Dahyun. Bibilhan na lang kita ng one-year subscription sa favorite website mo.

Natigil ang line of thoughts ni Seulgi nang ilapag na ni Taepyung sa hapagkainan ang mga niluto niya. Tapsilog, Lechon Kawali, at may sabaw ng nilaga pa.  Now I'm getting more curious!

"So how's the novel you are writing?" tanong ni Taepyung nang magsimula na sila kumain.

"Mukhang nagka-writer's block ata ako. I can't seem to get past sa isang particular chapter." sabi ni Seulgi bago humigop ng sabaw

"What's the scene ba? Maybe I can help?"

"The main character is contemplating whether he'll confess his love for the female lead. Di niya magawa kasi takot siya sa rejection. I'm stuck in that chapter because that's actually the turning point of the novel... nakasalalay doon ang magiging ending, and I can't seem to figure out whether he'll confess his love." tumigil sa pagkain si Seulgi at tiningnan si Taepyung.

"A brat who is a afraid to get hurt isn't qualified to love someone - I hope you still remember who said that. But anak, that's how it is. One way or another you are bound to get hurt loving someone - either your heart will hurt so good or it will hurt so bad and break into pieces. Wala tayong kawala."

At muling nagpatuloy sa pag-kain ang mag-ama. Attempting to break to break the ice, Seulgi said "I know you said na after breakfast, but can't you just tell me now? I'm curious as to why super happy ka for the first time in forever." huminga ng malalim sa Taepyung sa narinig niya. Mukhang wala na siyang kawala, at kung ganito lamang ka persistent ang anak niya, he might as well tell her now.

"Anak... There's something I've been meaning to tell you kasi. Your old man is in a relationship, a very healthy and happy relationship. Kababata ko siya, has two daughters and I think the youngest is around your age. We actually decided to have a civil wedding next week." halos ibuga ni Seulgi ang sabaw na hinigop niya. When her father told her na "something important" ang pag-uusapan nila, she didn't think it would be this "important". Yung tatay niya na halos sa trabaho na tumira ever since na naging byudo three years... ikakasal na? Heck Seulgi even thought her father has no time to date. Ang tanong na "Paano" lamang ang nasa isipin ni Seulgi sa mga oras na yun, hindi niya namalayan na hindi na pala sila kumakain at halos limang minuto na ang nakalipas.

"Anak say something please...?"

"Dad, honesty I don't know what to say. I thought nagkajowa ka lang, and then boom, marriage news na pala? Then next week na din pala?"

"I'm sorry..." Taepyung kept his head down low. Iniisip niya kung masyado ba niyang binigla ang kanyang anak.

"Dad, look, hindi ako galit. I guess na-shock lang ako. Medyo nakakatampo rin na ngayon mo lang sinabi sa akin kung kelan malapit na yung kasal. Pero it's been three years naman na din, you deserve all the happiness in this world. If eager ka pakasalan siya agad-agad, then there must be something special sa kanya. I won't question your decisions dad nor stop this wedding of yours. Any woman who can make smile so wide that your face might break is already on my good side."

"Seulgi..." naluluha na si Taepyung

"I love you, Dad"

"I love you too, my sunshine"

==========

Iris, I'm in love with you... matagal na

Rigor, do you really love me? or are you in love with the idea of being in love with me?

"This doesn't make sense..."

Seulgi can't help it but ruffle her hair in annoyance. Halos dalawang buwan na siyang nakatengga at hindi makausad sa nobela na ginagawa niya. Habang palapit ng palapit ang writing contest na gusto niyang salihan, the more na tumataas ang anxiety level ng oso. Bakit ba kasi romance ang napili kong isulat eh wala naman akong experience doon? Isip-isip niya. Kung sabagay, wala naman din experience na makipagbarilan sa tren yung mga gumagawa ng action novels. And I'm hella sure na wala ding E.T. na na-encounter yung mga sci-fi authors. 

"Tang ina... this is harder than I thought..." bulong niya sa sarili

"What's seems to be harder than you thought?" nagulat si Seulgi at halos mahulog sa pagkakaupo niya nang dahil sa narinig. Nasa pinakasulok siya ngayon ng library para sana ituloy ang sinusulat niya albeit the writer's block. Di niya inaasahan na meron pala siyang kasama sa kinaroroonan niya, lalo na ang professor niya na si Irene Bae. Hindi na muna niya tiningnan si Irene at ibinaling na muna ang tingin sa kanyang laptop. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata ngayon for some odd reason.

"H-Hi Ma'am Bae. Ah eh ano kasi uh I'm on a slump. Remember when I told you na may sasalihan akong contest?"

"Oo di ko malilimutan yun. Teka lang! Sabi mo sa'kin na ipapabasa mo yang ginagawa mo pag nasimulan mo na? Pabasa na ako!" agad na umupo si Irene sa tabi ni Seulgi at dali-daling iniharap sa kanya ang laptop. Mabilis ang reflexes ng oso kaya agad niyang naitabi ulit sa kanya ang laptop, walang pangundangan niya ring pinindot ang power button.

"Kala ko ba ipapabasa mo sakin? Ang daya mo."

Wag ka magpa-cute parang awa mo na... mahihira

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
heesica10 #1
update plsss
heesica10 #2
Chapter 4: team jiseul!!!!
Taerenebiased
#3
Chapter 4: waiting with respect sa update. hahaha fightingg authornim !!!
vanillacookiescream
#4
ay shet domestic na kanojo???? ang tanong!! rui o hina HAHAHA. support ko to fighting!
nikuzumi #5
Chapter 3: Author-nim I tot may update huhu.
zimzalabim- #6
suskorold sa description pa lang excited na ako haha
Taerenebiased
#7
Chapter 3: HALAAAA. imagine being step sisters with your pers lab tapos step sister mo din ang NAKA ONE NIGHT STAND MO wow. such a smol smol world loool. goodluck Dorigomskie kaya mo yan. nice onee author-nim <33
Taerenebiased
#8
Chapter 2: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1447871/2'>Mo-Eh-Wa</a></span>
Galing ni author-nim. looking forward sa next chaps
PineappleSeulgi
#9
Omg!! I've always liked Domestic Girlfriend. Wahhhh!!
HyunSeulYerm #10
Chapter 3: Otornim wala bang rated M chap diyan?