The Tangled String of Lies

Description

If you were given a chance to change the past, flip the hourglass, and reverse the entire process, will you do things differently?

 

Foreword

Chapter One- The Storyteller

Hindi ko masasabi kung paano, o bakit o kung ano ba talagang nangyari.

Maybe nangyari ang lahat bago pa naming narealize na nangyayari na.

Because when things started to take place, napakalabo. Sobrang labo. Like those distant street lights you see when you are on top of a hill. Hindi mo agad maiisip na connected ang isang aksidente sa isa pang pangyayari.

Siguro…kung ako ang tatanungin, nagsimula yun lahat sa isang kasinungalingan.  Pero bago ko ikwento ang kasinungalingang yun, ikukwento ko muna ang mga taong nasa likod ng lahat.

 Uumpisahan ko kay Carla Antonnete Belladona. Siya ang leader ng pinakasikat na girl’s group sa Emerald High School. Walang pangalan ang grupo nila. But people usually labeled them as the Evil Princesses of Emerald. She was known for being terribly sophisticated. She always radiates confidence na kapag naglakad siya sa harapan mo, bigla ka nalang maiinferior at bababa ang self-esteem mo kasi para siyang isang super model ng isang napakasikat na magazine. But more than that, if there is something unique that makes Carla stands out, it is the fact na Carla knew exactly where she was going and how she was going to get there. Pero namention ko na ba na siya rin yung tipong gagawin ang lahat makuha niya lang ang gusto niya kahit it means hurting other people. Well, that’s Carla, the Queen of Witches. 

Second on my lists is… Summer Jane Imperial. If may isang word man akong gagamitin to describe her, yun ay ang napakaganda niya. Siya yung tipong parang prinsesa sa fairy tale. Clever, stunningly beautiful and a grand daughter of a very wealthy business Tycon in the Philippines. It means, prinsesa talaga siya sa tunay na buhay. Kaso hindi siya pweding maging fairytale princess. Alam mo kung bakit? Kasi mas cold pa siya sa Ice. Hindi ko pa siyang nakitang tumawa o ngumiti manlang…o to show any interest to anything. Para siyang Barbie doll na nakakapaglakad at nakakapagsalita ng walang remote control. Pero like Carla, she’s insensitive and cold-hearted. I cant say na she’s Carla’s shadow kasi kung may tao mang pinagkakatiwalaan si Carla, or someone na alam niyang hindi siya ibi-betray, si Summer yun—the Ice princess.

Third is Nathalia Rodriguez. She’s more like Carla’s shadow.  Maganda rin siya and rich but not as beautiful and as wealthy as Carla and Summer. Her mom is a well-known singer-actress and it seems like namana niya rin yun. She’s the Drama Princess. Pero mas pinili niyang maging reporter ng Broadcasting Department kesa sumali sa music o drama club. Siguro kasi alam niyang kahit di siya magpractice, mas maganda ang boses niya kaysa sa kahit sinong member ng Music Dept. O dahil alam niyang pagtatawanan siya ni Carla kapag nalaman nitong ma aasociate niya ang mga boring, unsophisticated, weird music students except of course Marco Daime Shapiro. Her ultimate crush and Summer’s ex- boyfriend.

Marco is one of the most popular boy in school. He’s a music genius. Napakagaling nitong tumugtog ng piano. Kahit ako may kunting crush sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan paano ang isang tulad niya na gwapo, mabait, matalino at sobrang talented ay magkakagusto sa isang walang puso na tulad ni Summer. And to wrap it up, Summer broke his heart. Kaya siguro pumayag itong maging exchange student sa Japan for six months. O baka may mas malalim pang dahilan.

Wait, kailangan ko pa bang i-mention si Kylie? The fourth member of Carla’s guild. I usually called her the Dumb Princess. Kasi sobrang di ko matake ang kawalan niya ng common sense, ang baluktot niyang English grammar at ang pagiging vain niya.

Naalala ko pa yung sinabi niya sa Science Class na, “Thank God, I am an atheist.” Sobrang tawang tawa talaga ako. She’s an Atheist daw, someone who doesn’t believe in the existence of God pero she just said it, nagpapasalamat siya sa Diyos. How can you thank God if you don’t even believe in Him. Hay naku. Hindi naman siya ang bida ng kwentong to. Hindi ko rin ma gets kung bakit nag exists pa siya sa story. Siguro to support the main actress. Anyways, siguro, she’s part of Carla’s group kasi galing rin siya sa isang influential wealthy family and she’s too is hot and pretty. But it doesn’t mean na wala siyang kinalaman sa lahat ng mga nangyari.

Naisip ko lang kung di dumating si Winter, will things be the same as how they were? Yeah, Si Winter. Siya talaga ang main character ng story na to.

Si Winter Reign Imperial. Kung gaano kaganda si Summer, ganun din kaganda si Winter. Di ba obvious? It’s because they are twins. They looked the same. If I am going to describe her, sasabihin kong Winter is a catalyst. She causes things to change. And I am glad she came.

But in life, everything came with a cost. Everything has a price tag attached to it. Ang pagdating ni Winter, hindi ko masasabing magreresult ng happy ending. Kasi hindi lang naman nakasalalay sa kanya ang mga desisyon. Pero lahat nabigyan ng chance to explain themselves because of her.  Lahat na justify.

 If there is something I have learned from her, it is to love is never wrong. And love is always the answer.

Nakakalungkot nga lang. Sometimes, it causes life to pay for things. Kaya noong sinabi kong there either is or is not a thing should be, Im already telling you na may mga bagay na di na pweding bawiin, na di na pweding maibalik. At the end all we can do is regret those things.

Kasi wala kang magagawa para pigilan to.  It was like everything were driven by an unusual kind of force. Parang gravity, pulling you hard that no matter how much pressure you exert against it, you still go with the current. Some called it fate. Or maybe God has a better answer.

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet