Uncover Past

CIT-University, hindi ko inakala na sa dami ng unibersidad dito sa Cebu dito ang bagsak ko. Wala akong choice, kundi pagtiyagaan ang desisyon ng mga magulang ko. Gusto ko talaga kasing mag Education, BSED major in Chemistry pero ang gusto nila ay mag CIVIL ako kaya CIT-U ang bagsak ko dahil maganda daw ang training dito kapag Engineering course mo. Ewan ko kung totoo basta yun ang sabi nila! :D
Kaya here I comes! Nasa front gate na ako ng CIT-U at kinakabahan dahil first day ko bilang college. Pagpasok ko sa entrance, ginagaya ko yung mas nauna pa sa akin na parang ini-e- swipe yung I.D tapos lilitaw yung face mo sa screen, ka-ines nga dahil ang haggard ko dun. Tapos grabe… yung security nila este namin pala ay may babae at kung maka inspeksyon, titignan ka mula ulo hanggang paa bago ka makakawala sa paningin niya na tila nanglalamon ng tao, kaya hayun napalunok na lang ako! Everything is new to me, ganito talaga siguro kapag galing sa public school. Tinignan ko Official Study Load ko ng biglang nilipad ito sa hangin kaya hinabol ko, humina ang hangin kaya tumigil ito at bumagsak sa students crossing na pinalagitnaan ng LLRC at NAB parking Area. Kukunin ko na sana ng may dumaang magarang sasakyan, I think parang Volkswagen Scirocco yata yun at nasagasaan yung Official Study Load ko. ☺Nabwesit ako, gusto kong sumigaw sa ines dahil kahit hindi it napunit, nadumihan ito. ☺
“BWESIT! Ang ganda ganda ng sasakyan pero yung gulong ang dumi dumi, hindi man lang kasi pina-car wash eh!”
Ang sigaw ko sa ines habang hawak hawak and di makilanlan na Official Study Load ko. Sinundan ko yung kotse hanggang nag park ito. Tumayo ako sa labas ng pintuan na nakataas ang kilay at naka-cross ang mga kamay, tapos hinihintay kung sinong tipaklong ang lalabas. Mga isang minuto din bago may lumabas.
“ Ms. may problema ba?”
Ang tanong nung bumabang lalaki na tila nakayanan pang magtaka, di pa ba halata?
“Oo, may problema! Napaka-laking problema!”
“So gusto mo ituro ko sayo ang papuntang guidance?”
“Anong guidance? Ikaw yung problema ko! Hindi na kailangan pa ng guidance guidance!”
“Huh? What’s wrong with you?”
“Whats wrong with me? Eh, ikaw kaya itong nakasagasa sa Official Study Load ko!”
Ang sigaw ko sa kanya na ipinapakita ko sa kanya yung OSL.
“It’s not my problem! Eh, ikaw pala itong tanga eh!”
Ang sabi nito at bahagyang umalis patungo sa main building.
“HOY! BWESIT KA RIN NOH? Paano na itong study load ko?!”
Ang sigaw ko sa inis ngunit di ako pinakinggan hanggang nag ring yung bell at nag sipuntahan na sa kani-kanilang classroom ang karamihan, Huminto siya ng ilang sandali at lumingon ulit sa akin.
“Sorry miss, baka ma late pa ako! First day of class pa naman! Ayaw ko itong masira dahil lang sa Official Study Load mo!”
Ang mayabang na paliwanag niya at humakbang papaalis.
“PAk ka rin noh?”
Ang bulalas ko at sinapak ko siya ng backpack ko. Tinamaan siya at nilingon ako na para bang tigre na nanglalamaon ng tao sa ines.
“Okay, fine!”
Ang bulalas niya at hinablot ang study load ko tapos nagpatuloy sa paglakad papuntang main building.
“Madali ka naman palang kausap eh, pinatagal pa!”
Ang sabi ko ngunit siya di pa rin ngumingiti. Pagdaan namin sa may ETO ay huminto siya tapos napatingin sa isang water fountain na naroroon. Pinagmasdan ko lang siya na nilapitan ito, dahil akala ko iinom lang ngunit…. WHAT THE HECK! Napanganga na lang ako sa ginawa niya! BWESIT EH! Hinugasan niya study load ko! Pagkatapos nun ay lumapit siya at ngumiti sa akin, sayang gwapo pa naman kaso para akong tigang na bato, tulala na nakatingin sa basang basa na study load ko.
“ Miss, heto oh! Malinis na!”
Parang hihimatayin ako sa ines habang nagawa pa niyang iwagayway ito sa harap ko.
“Wala na akong utang sayo! Malinis na official study load mo! O sige bye ha!”
Ang sabi niya at bago umalis ay idinikit ang Official study load ko sa noo, basa ito at pwedeng dumikit kahit saan.
“AHHHHH!!!!!! PUCHA!!!!!”
Ang malakas kung sigaw. May lumapit na security guard at kinausap ako.
“Ms. may problema ba?”
Natauhan ako sa tanong na iyon. Lumingon lingon ako at hinahanap yung bwesit na lalaki upang isumbong sa security guard pero wala na siya.
“Huh? Wala po! Wala po!”
“ Sa susunod wag kang sumigaw ng walang dahilan, mahiya ka naman madaming natataranta sa tinis ng boses mo!”
Ang sabi ni manong guard, Tumingin ako sa paligid. Oo nga ang daming nakatingin, nahiya ako kaya tumakbo ako papaalis.
Matagal pa yung oras ng klase ko kaya nag lakad lakad muna ako pampalipas oras at para matanggal ang stress ko dahil sa kawawang Official Study Load ko. Makulimlim ang kalangitan habang nasa gitna ako ng quadrangle, pinagmamasdan ang mga estudyanteng nasa study area. Napatingin ako sa may 4th floor at nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang bwesit na lalaki na yun, papasok siya sa isang room na tila nagmamadali habang may mga lalaking lumalabas galing sa pinapasukan niyan room.
Dali dali akong nag lakad paakyat sa main building para makarating sa 4th floor. Nakakahingal, first time kong tumakbo sa hagdanan, 1st -4th floor. Para akong si flash sa bilis, dahil agad akong nakarating doon. Kinuha ko yung official study load ko na parang ordinaryong papel na lang na galing sa basurahan. Agad akong pumasok sa room kung saan siya pumasok. Pagpasok ko ang daming estudyante at silang lahat nataranta nung bigla akong pumasok. Lahat sila puro lalaki na tulalang nakatingin sa akin, siguro dahil sa wakas may nakapansin na maganda ako.
“ Ms. freshman ka?”
Ang tanong nung lalaki na chinito.
“Oo”
Ang sagot ko.
“ Ms., nasa tabi ng humanities yung comfort room ng mga babae! For boys only ang C.R na ito!”
Ang sabi nung lalaki na natatawa. Nung nalaman ko ang pinasukan ko ay agad akong pumikit at tumalikod paalis.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet