Chapter 35

Take Me Wynona
Please Subscribe to read the full chapter

Sabado sa Mansión de los Condenar

 

Si Catalina na ata ang pinaka masayang nilalang sa balat ng lupa. Ang dahilan? Ano pa nga ba, naging magkarelasyon na kasi yung dalawa sa characters sa kwento na binabasa namin. Tama siya, mukang matatalo nga talaga ako sa pustahan at siya ang panalo. Dahil sa hindi na magkakatuluyan si Wynona at Cassandra, tuloy ang pagsipsip ng dugo sakin ni Catalina. Ramdam na ramdam ko ang tuwa niya, para siyang nanalo sa lotto kaya kanina pa kami nagkukulitan dalawa dito sa loob ng kabaong. Inaasar ko siya dahil hindi niya mapigilan yung ngiti niya.Napaka ganda ng mood, palangiti, malamig ang ulo at may pakanta kanta pa. Andito siya ngayon nakahiga sa tabi ko, habang hinahaplos ko yung buhok niya. Wala kaming gagawin ngayon araw kung hindi magpahinga at baka mamamasyal nalang kami mamaya sa dagat kasama si Lucila.

 

 

"Bubu. Minjeong."tawag niya sakin at kinakalabit ako. "Hm?" tinigil ko muna ang panonood at pilit kong sinisilip yung muka niya, madilim dito sa loob ng kabaong kaya kulay pula ang tingin ko sa paligid. Medyo naging tahimik si Catalina kaya akala ko natutulog na. "Baba?Tulog ka ba?"pilit kong inaayos yung buhok niya dahil natatakpan yung muka."Catalina."

 

 

"Hello!"  "Hahahaha ano ba yan."bigla siyang sumigaw pagkakita ko sa muka niya."Hahaha ang ingay mo."Hinaplos ko yung pisngi at hinalikan ko. Napansin ko na nakangiti nanaman siya na labas ang ngipin.

 

 

"Alam ko na may gagawin kang kalokohan kapag ganyan ang ngiti mo."Hindi siya nagsalita pero ngumiti pa talaga ng todo kaya natawa ako."Hahaha napaka sutil ng itsura mo, para ka din talaga si Lucila. Kaya sakto talaga na siya yung naging baby natin eh. Kaugali niyo siya."

 

 

"Hahahaha sabi nga ni Nana, kaya pakiramdam daw niya apo niya talaga si Lucila at kadugo namin siya."

 

 

"Hahaha ang cute nga eh. Nakakatuwa pagmagkakasama kayo tapos buhat siya ni Nana."

 

 

"Oo napaka cute kasi talaga kaya nakakatuwa. Mukang kerubin pero maldita. Minjeongie,"hinawakan niya ako sa pisngi at pilit niya akong pinaharap sakanya. Dinampi niya sa labi ko yung labi niya at naramdaman ko na gumagalaw na siya. Hinahalikan ako ni Catalina habang hawak niya yung muka ko, ramdam ko din yung dahan dahan na pagpasok ng dila niya sa bibig ko. Pumatong ako sakanya at mas nilaliman ko pa ang paghalik. Bumaba din ako at hinalikan ko siya sa leeg bago ako tumigil.

 

 

"Hmm wait lang. Nanonood ako eh."reklamo ko.

 

 

"Hug."

 

 

"Kanina pa kita hnhug, tumaas ka kasi ng konti." umusog pa siya palapit sakin at sumiksik na kaya naiipit na ako dito sa gilid ng ataul. "Baba para tayong tanga ang laki laki nitong ataul pero nagsisiksikan tayo dito sa iisang side." 

 

 

"Hahaha gusto ko nga sayo eh. Bakit ba kasi queen size ang ataul natin, ang dami tuloy space tapos ngayon nagrereklamo ka?"

 

 

"Hindi naman ako nagrreklamo gusto ko nga itong ataul natin kasi napaka komportable. Pero umusog ka naman dun naiipit na ako eh."

 

 

"Hahaha sorry sorry."

 

 

"Sa susunod ang ipapagawa ko ataul na double deck kesa nagsisiksikan tayo."

 

 

"Hahahaha kung ano ano nanaman naiisipan mo. Minjeongie hug na kasi. Gusto ko nga dyan sayo nakakainis ka naman."

 

 

"Hahahaha nakakainis ako? ayan na nga eh, ano ba yan nanonood ako eh buti kung ang liit mo eh mas malaki ka sakin. Parang may malaking baby na nakadagan sakin."

 

 

"Ayaw mo ako dyan?"

 

 

"Wala akong sinabi dito ka na kahit kanina pa tayo magkadikit. Dito ka kasi, tumaas ka konti." Umayos siya ng pwesto at humiga na dito sa ibabaw ko.

 

 

"Ang saya talaga Minjeong kapag wala kang pasok sa farm tapos wala tayong ginagawa, niyayakap mo lang ako buong maghapon. Hindi ko ipagpapalit ito sa kahit na ano."

 

 

"Haha ako din. Ilan taon tayong magsasama kaya ibig sabihin mas madami pang mga ganito."

 

 

"Gusto kong umabot tayo ng higit pa sa isang daan libong taon."

 

 

"Oo, kaya natin yun. Kung gusto mo isang milyon pa eh."

 

 

"Pangako?"

 

 

"Pangako. Matulog ka na muna Baba."bulong ko sakanya bago ko pa mas niyakap at inilapit ko sakin."I love you."banggit ni Catalina. Ramdam ko din yung labi niya na dumadampi sa leeg ko ng paulit ulit."I love you too."

 

 

"Ano ba yan pinapanood mo kanina pa Minjeong?"

 

 

"Ah ito, yung mga nagvvlog ng camping."

 

 

"Pinanood mo ba yung snend ko sayo kahapon nung nasa office ka?"

 

 

"Hindi, ano yun?"

 

 

"Yung interview ni Cheche, napanood ko sa youtube ininterview sila nung babae na makakapareha niya."

 

 

"Teka sandali, yung series niya na binabasa natin yung Take Me Wynona? ibig sabihin magsisimula na sila magshooting?"

 

 

"Oo ganun na nga."

 

 

"Teka nga. Sino daw yung babae na partner niya?"

 

 

"Hindi ko maalala yung pangalan pero napakilala na satin yun nung nagpunta tayo dati sa music festival."

 

 

"Sino kaya yun? maganda ba?"

 

 

"Oo maganda, at matangkad. Halika panoorin natin ngayon para makita mo."

 

 

"Sige nga, naccurious ako kung sino. Nameet na natin?"

 

 

"Oo dati, pinakilala nila Vivian."

 

 

 

 

Wynona's POV

 

Thursday 

 

This week has been absolutely eventful, para akong nasa nirvana, I am filled with so much joy, comfort and contentment. Sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon, I never want it to end, I want to dwell on it and stay here until I want to. May girlfriend na ako, I am now with the person that makes me feel that I am the luckiest, I like her so much and I still cannot believe we're together. Totoo nga yung sinasabi nila great things happen when you least expect it. What's happening now is honestly not in my plan this year, ang buong akala ko I will just be focusing on myself, learn new things and enjoy life on my own but it clearly went to a different direction. I never thought that there's something so much better that's waiting for me, and that's her. My girlfriend Minju. I am just so grateful to have found someone who I can connect with, who I can love, support and trust, a partner who can boost my drive, someone I can create amazing memories with and most importantly someone who can help me with my stability.

 

 

8:30pm

Five minutes ago at kakatapos ko lang mag shower nung tumawag si Cassie. Hanggang ngayon kausap ko siya dahil dun sa favor na hinihingi sa akin ni ate Seulgi na may kinalaman din sa kapatid niya. Tinanong ako ng pinsan ko kung pwede ko daw bang samahan sila Eunchae sa immersion nila this coming weekend sa Tarlac. Pumayag ako dahil nalaman ko na kasabay pala ni Eunchae yung sister ni Amy pati na din si Haerin since magkakaklase silang tatlo. They will have to stay there for one week kaya nagpresenta kami na kami nalang ang maghahatid. Nung namention ko yun kay Amy, nag agree kagad siya at parang excited pa. Ihatid nalang daw namin yung tatlo para din makasigurado kami kung safe ba yung mga tutuluyan nila. May option naman sila na sumabay sa bus but according to them mas hassle daw yun kasi hindi sila ihahatid directly dun sa mga designated barangays kung saan nakatira yung family na makakasama nila. They will have to commute and find the houses on their own. Hindi naman daw pinagbabawalan na magpahatid kaya yun ang option na pinili nila.

 

 

Kanina pa nagaapologize at nagtthank you sakin si Cassie. Sinabi ko kasi sakanya na wala naman problem kung sasabay samin yung kapatid niya since classmates naman sila. Si Eunchae and Kyujin naman ang nag invite kay Haerin kaya okay lang din.

 

 

Hanggang ngayon magkausap kami tungkol sa kung ano ang plano sa Sunday.

 

 

Wyn: okay nga lang yun ano ba

 

Cass: nakakahiya naman kasi, sinabi mo ba sa girlfriend mo, okay lang ba talaga kay Amy na makisabay?

 

Wyn: she knows kasi nga kasabay din yung sister niya, classmate nga kasi ni Haerin dba

 

Cass: oo nga grabe small world. Nalaman ko lang yan nung nasa beach tayo.

 

Wyn: hahaha hindi mo kasi kinakamusta yung kapatid mo eh

 

Cass: alam mo naman yun laging nasa kwarto  

 

Wyn: maaga daw yung alis nila, so what's the plan?

 

Cass: ihahatid nalang namin siya in your apartment or sa Ayala heights?

 

Wyn: I think sa bahay nila Amy yung meeting place, sasakyan nila yung gagamitin.

 

Cass: okay so dun namin ipapahatid si Haerin?

 

Wyn: oo dun nalang. Pero agahan niyo ha kasi 8:30am daw yung call time nila sa Barangay baka ma-late sila

 

Cass: are they going to be in the same place?

 

Wyn: oo daw kaya nagsabay silang tatlo papunta dun, same barangay but different families

 

Cass: bakit pala ikaw pa yung pinili nila na magdrive? of all people ikaw pa

 

Wyn: bakit ganyan tono ng tanong mo ha, wala ka bang tiwala sakin?

 

Cass: hahahaha hindi naman. Pero bakit ikaw nga yung inutusan ni ate Seulgi?

 

Wyn: dapat kasi ihahatid ng driver yun si Eunchae, eh para makasigurado and macheck din namin yung lugar kung saan sila magsstay nakiusap nalang sakin si ate Seulgi, wala din kasi yung ate ni Eunchae,she is out of the country. Sakto na kasama din si Kyujin kaya yun, pumayag din si Amy na kami nalang maghatid. Buti nga magkakasama silang tatlo sa iisang lugar, they can look after each other. Tsaka jusko pag si Eunchae dapat dun talaga ihatid hanggang dun mismo sa loob ng bahay kung saan siya. Mamaya magmarunong yun, umuwi bigla or mag check in sa hotel pag di nila nagustuhan tapos mag pretend na nagsstay dun sa bahay.

 

Cass: hahahaha yeah I get it. May pagka makulit pa naman yang batang yan

 

Cass: pero Wyn favor, baka pwedeng padamay na din si Haerin?

 

Wyn: yeah no problem, ihahatid namin sila mismo dun sa bahay kung saan sila magstay. Ichcheck ko. I will send you photos nalang

 

Cass: thank you so much. Matutuwa sila mom nito. They know na ikaw yung kasama nila papunta kaya kampante sila.

 

Wyn: ah alam na ni tita? sabihin mo kami na bahala maghatid

 

Cass: yeah alam nila and they also asked me to call you to confirm kung okay lang daw ba na sumabay

 

Wyn: oo naman. Ayos nga yun para isahan tsaka magkakasama na kagad sila

 

Cass: sobrang thank you. So Sunday ihahatid nalang namin siya, around what time?

 

Wyn: I think around 5:30am is okay. Mas okay nang earlier kesa ma-late kami kasi baka hindi namin makita kagad yung barangay hahanapin pa namin yun

 

Cass: Okay, noted.

 

Wyn: sige, message nalang Cass. You can tell Haerin na pwede naman tumawag sakin on Sunday pag papunta na kayo

 

Cass: okay sige Wyn. I will let her know

 

Wyn: okay Cass.

 

Cass: thank you so much again.

 

Wyn: you're welcome

 

Cass: Wyn yung pictures pala natin nasend ko na sa google drive mo

 

Wyn: haha lahat nung sa phone mo?

 

Cass: yeah complete

 

Wyn: sige check ko later. Ikaw ba maghahatid kay Haerin on Sunday?

 

Cass: yeah probably kasi mahihiya yun

 

Wyn: ah sabagay. Haha okay sige.

 

Cass: bye Wyn. See you on Sunday

 

Wyn: see you. Bye

 

 

 

 

Friday at The Clean Plate

 

Kakababa ko lang ng sasakyan, nagmamadali na ako dahil kanina pa ako hinihintay ni Amy, magkikita kami ngayon and we will have dinner here at The Clean Plate in QC. Past five in the afternoon na nung makaalis ako dahil ang dami ko pang tinapos sa work. Nasabay ako sa rush hour kaya na-stuck ako sa traffic at kanina pa siya naghihintay sakin.

 

 

Nung makapasok ako sa loob, nakita ko kagad siya na nakaupo banda sa dulo. Nakatalikod sa entrance ang pwesto niya kaya hindi niya ako nakikita. Last week pa yung huling beses na nagkita kaming dalawa kaya excited ako na makasama siya.

 

 

"Hi."bati ko sakanya. Halatang nagulat siya dahil hinalikan ko bigla sa pisngi pagkadating ko dito sa table. "Oh hi, you're here na pala I was actually calling you. Kaya pala hindi ka sumasagot." umupo ako sa chair katabi ng kanya."I'm so sorry to keep you waiting. Na-stuck ako sa heavy traffic."

 

 

"It's okay. It's Friday so matraffic talaga."

 

 

"Hindi kasi ako nakaalis ng maaga."

 

 

"Okay lan yan. You're here naman na." she reached for my hand na nakapatong sa table kaya hinawakan ko din siya at pinag entwine ko ang mga daliri namin."Kanina ka pa dito, ilan oras ka naghintay?"

 

 

"About thirty minutes."

 

 

"Oh gosh I'm really sorry. So, uhh baka you're hungry na. Ang tagal mo naghintay. Sabi ko mag order ka na eh."

 

 

"Hindi naman masyado, okay lang. But yeah, nag order na ako nung pagkababa ng phone kanina."

 

 

"Okay, that's good." hinatak ko ng mahina yung kamay niya and I saw her smile at me. "How was your day? tired?" I was lightly caressing her back and she gestured me to come closer. Naglean ako papunta sakanya at niyakap ko na siya."Napagod ka ba today?"ulit ko.

 

 

"No naman. It was okay, medyo busy lang."pinasandal ko siya sakin and I kissed her temple."Haha medyo pa pala yun?"

 

 

"Haha yeah hindi pa yun yung super hectic namin sa office. Ikaw din kaya, it's like we haven't heard from each other the whole day."

 

 

"Haha oo, ang dami kasing meeting and inspection kanina sa site, nagsabay sabay. Pero now okay na and hindi na kami magiging ganun ka-busy next week."

 

 

"That's good, nung nagmessage ka sakin you were in a meeting. Did you have lunch? I asked you kanina pero hindi mo ata napansin."

 

 

"Yeah I did. I'm sorry hindi ako nakapag reply, ang dami ko kasing inaaccomplish for the inspection."

 

 

"It's okay."

 

 

"So how was your meeting kanina? there's no scheduled travel yet?"

 

 

"Wala sa ngayon, and kung meron I will not be the one to join. I can have the others join them."

 

 

"O bakit naman?"

 

 

"If it's in Asia okay lang pero kapag yung matagal like three weeks to months, nope. Ayaw ko."

 

 

"O ayaw mo na samahan sa trip yung clients niyo?"

 

 

"Ayaw ko malayo sayo, and let me enjoy this. Bago palang tayo tapos iiwan kita? no way."natigilan at napatingin ako sakanya."That's so sweet of you. Amy madalas talaga hindi ako prepared sa mga sinasabi mo. Haha napaka straightforward mo, walang arte arte sinasabi mo kung ano naffeel mo."

 

 

"Hahaha hindi ka pa din sanay? I told you, you better get used to it."

 

 

"For sure masasanay din ako, nakakatuwa lang kasi na ganyan ka."

 

 

"We're the same."

 

 

"Oo nga pala. After this ihahatid kita pauwi okay? grabe you know what. I've been looking forward to this day, kasi gusto na kitang makita."

 

 

"Awww my maltese is becoming so sweet nanaman."

 

 

"Hahaha totoo naman kasi. Ang tagal na nung huling beses na nagmeet tayo."

 

 

"Come here nga." mas pinalapit niya ako sakanya at niyakap ako ng mahigpit. We're in a public place kaya hindi tuloy matodo.

 

 

"I miss you. I've been wanting to see you na din and now I'm so happy because you are here."

 

 

"Same and Yaaay do you even realize? I will be with you today, tomorrow pati sa Sunday. Sobrang excited na ako because we'll go on a road trip."

 

 

"Haha yes, but how about for tomorrow are you not excited?"

 

 

"Yung bukas? I am excited pero it's a different kind of excitement kasi mas nangingibabaw yung kaba."

 

 

"Hahaha why are you getting nervous?"

 

 

"Of course I will be meeting your family, it's my first time na makausap yung parents mo."

 

 

"Haha you don't have to be nervous. Mababait naman sila."

 

 

"Any heads up?"

 

 

"I'll give you a heads up only if you tell me why you are being so nervous."

 

 

"Haha you're really asking me that? of course, hindi maiwasan na kabahan ako pano kung hindi ako gusto ng parents mo. It's gonna be weird."

 

 

"And what will be the reason naman para hindi ka nila magustuhan?"

 

 

"Uhm ano ba, madami."

 

 

"Can you state one?"

 

 

"Ah ano ba, eh baka kasi mataas masyado standards nila for their daughter, alam mo yun."

 

 

"Anong standards? there is no such thing. Sobrang pasado ka. I might sound obsessed with you, I don't care, but for me you are perfect. Hindi na kailangan yung mga standards na ganyan."

 

 

"What the heck?"

 

 

"What the heck? hahaha yan yung reaction mo sa sinabi ko?"

 

 

"Hahaha no. Sorry.  Eh baka kasi nangloloko ka eh, perfect? Ikaw lang ata yung tao nagsabi niyan about me."

 

 

"Kaya nga ako yung girlfriend mo, duh. Sino pa gusto mo magsabi sayo nyan?"

 

 

"Hahahaha makes sense. Kakaiba ka talaga."

 

 

"I'm serious."

 

 

"You're gonna make me cry."

 

 

"It's okay you can cry. Kahit ngayon na, dito mismo sa restaurant."

 

 

"Oh god you really are different. Pero thank you, you're perfect too, wait mali. You are more than perfect, understatement yung perfect pag sayo Minju."

 

 

"Inuuto mo lang ako eh."

 

 

"Hahahaha sira hindi noh. Totoo yun. One of the numerous reasons why I like you so much."

 

 

"We're so mushy but I love it." I hugged her once again bago ako umayos ng upo dahil dumating na yung food na inorder niya. Habang inaayos na ng waiter yung table namin may sinabi nanaman sakin si Amy although hindi ko masyado narinig. "Sorry, ano yun?"ulit ko.

 

 

"You still need a heads up? just be yourself and feel comfortable around my family. Kapag kinausap ka, talk to them lang. Hindi mo kailangan kabahan and no pretentions at all."

 

 

"Okay thank you. I will keep that in mind. Alam naman nila na pupunta ako tomorrow right?"

 

 

"Yeah of course they know. Gusto ka ma-meet ni mommy matagal na."

 

 

"I can't wait to meet them too."

 

 

"I think the food is complete, let's eat na. Wyn ako na nagorder ha, you were driving kasi kanina kaya hindi na kita natanong. If you want anything else we can order naman."

 

 

"No na, it's fine. I trust your taste, tsaka mukang masarap to. What's this?"tinuro ko yung laman ng malaking bowl.

 

 

"Rustic tomato soup. I also got us salad." nung naserve na yung lahat ng orders sa table namin, nagstart na si Amy na maglagay ng food sa plate ko at pinunasan ko naman yung spoon and fork namin. "Dig in. Try mo to Wyn."

 

 

"Okay. Thank you, kain ka na din."

 

 

"Hey by the way hindi ko pa nasabi sayo, Mom is asking if you might wanna stay over at our house tomorrow night since pupunta ka naman dun for dinner."

 

 

"What do you mean?"

 

 

"Pagkatapos nito pagusapan natin."

 

 

"Wait are you asking me to sleepover?"

 

 

"If you want to."

 

 

 

 

Saturday 1:00pm 

 

Kakauwi ko lang dito sa apartment. Kasama ko kanina si Gela at nanggaling kami sa Greenbelt 5 sa Makati. I had to buy a gift for Amy's parents na ibibigay ko sakanila mamayang gabi. They invited me to dinner and an overnight stay at their house. Yung mom pa daw niya ang nag insist na dun nalang daw ako matulog para hindi ko na kailangan pumunta ng sobrang aga sa Sunday when we drive to Tarlac.

 

 

Honestly, medyo kabado talaga ako because this is the first time na mammeet ko sa personal yung family ni Amy. Good thing palagi siyang nagkkwento sakin about sa mga nangyayari sakanila kaya parang nakilala ko na din sila. Those stories have prepared me for it. Base sa mga kwento niya sakin, close sila sa parents nila, medyo strict yung dad niya pero mabait and the same goes for her mom. Sobrang mapagpasensya daw yung mommy niya and hands on kahit pa ngayon na malalaki na sila and during the time na nagttrabaho pa sa company nila. Never daw nawalan ng time sakanilang magkapatid yung parents nila. As I see it, pinalaki sa sobrang maayos na household si Amy, halata naman sa kung pano siya. She is very respectful to the people around her and sobrang humble.

 

 

"Wait, who's this." tumakbo ako pabalik sa kama nung narinig ko na nagrring yung phone ko.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you for reading this jmj fic guys!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast 0 points #1
Chapter 38: huhu wyn umayos ka pls wag ka magloloko 😭
fanficethusiast 0 points #2
Chapter 38: waaah i missed this au ty for the update otor!
Boss-BaechuBear #3
Chapter 36: Hala.. pero i like it di ko alam san patutunguhan nito
jushshhh #4
Chapter 36: fluff daw...
fanficethusiast #5
Chapter 35: missed u otor!!
nakakakilig talaga si amy and wyn 😭
Boss-BaechuBear #6
Chapter 35: First lie ni wyn because of cass na panggulo.
RevelBars
#7
Chapter 35: cass ang kulit grr
fanficethusiast #8
Chapter 34: love the song recos as usual author! ganda and super bagay talaga sa mga scenes
fanficethusiast #9
Chapter 34: ANG CUTE GRABE sana all nalang sa amy x wyn
rinagayed
#10
Chapter 34: aaaaaa ang anitamaxwyn ko