Met by Chance~

Description

Ang nakakabaliw na love story ng isang trying hard na bad boy at isang nerd na ang ugali ay taga ibang planeta.

 

 

Main: Kyuhyun/Sungmin;Side: Eunhyuk/Donghae ; Yesung/Ryeowook. (Surprise pairing as the story goes on)

Foreword

Napakatahimik ng buhay ko pero nagulo ito.Expected na talaga diba.Hindi naman ako magkukwento ng walang dahilan.Gusto ko lang i-share yung love story aamagin na pag di ko shinare.

Ako si Lee Sungmin.Alas tres nang hapon noon.Natapos ang klase naming halos wala namang ginawa.Pero nakakapagod din umupo sa upuan.Yun bang pakiramdam mo pag tumayo ka parang hindi na diretso ang postura mo.Para kang naka-kuba na hawak hawak mo yung balakang ang pwet mo dahil sa pananatili nito nang matagal.

Okay tama na yung mga impormasyon.Kahit sobrang init at patingin tingin ka sa paligid.Kasalukuyang naghihintay ako ng jeep.Dahil puro bus lang yung dumadaan.Nasan na ang mga jeep nang pilipinas? Nahihiya kasi ako mag-bus napakalapit ko lang dapat pagbigyan ko yung iba na malayo ang ibabyahe.May psuo rin ako.Maya maya pa ay may natanaw akong jeep.

Tumigil ito sa harapan ko buti at maluwag pero napaisip ako.May masama kasi akong kutob dahil nung unang tumigil ito sa harapan ko.Maluwag man sa paningin ko pero parang may mali.Nung tumingin ako sa bintana yung mata nung lalaking naka-black tshirt ay inoobserbahan ako.

Napatingin ako sa sarili ko.Simple lang ang ayos ko.Naka uniporme at alam kong haggard na ang mukha ko.Pero bakit ganon siya makatingin.Sapakin ko siya eh.

Bumusina yung jeep na nasa harapan ko na ikinagulat ko.

''Sasakay ka ba o tutunganga ka na lang?'' baling nito sakin.

Nakaramdam ako ng pagkainis at hiya.Dali-dali akong sumakay at umupo dun malapit sa babaan.Sa kanan.Pero ang pinagtataka ko di parin umaalis si manong.Ay oo nga pala.Maluwag pa.Nagsisakayan ang ibang nahakot nang nagtatawag sa labas.Pagkatapos ay medyo napuno na ito na kinakaba ko.
Hindi ko gusto yung nararamdaman ko dahil yung lalaking nakatingin sakin kanina.Hindi siya nag-iisa.Mga tatlo sila at nakikipag-usap yung lalaking iyon nang pabulong sa mga katropa niya.

Ito ang unang beses na kinabahan ako ng ganito sa jeep.Pakiramdam ko hindi ligtas dito sa inaapakan ko at inaapakan nang iba ko pang kasama sa jeep.


Kumuha ako ng anim na piso sa bulsa ko at nakisuyo sa babae sa tabi ko.Tumigil ang jeep at may tatlong bumaba.Sa susunod na kanto na ang baba ko pero parang tumigil ang oras ko nang yung tatlong lalaki ay naglabas ng kutsilyo at tinutok sa mga natitirang nakasakay sa jeep.Kasama ako.Napahinto ang jeep at alam kong kinakabahan na ang driver na paandarin ito dito.Sino ha namang hindi kakabahan.Parang sa kanya na nakasalalay buhay namin.Kung paandarin niya man yun patay siya dahil narinig kong binantaan siya nung lalaking nag-obserba sakin.

''Ilabas niyo mga cellphone niyo! Alahas! Pera! o kung ano mang pakikinabangan!Hindi ako nagbibiro!'' sigaw nang leader ata nila at mabilis na hinablot yung babae na nasa tabi ko.Gusto ko mang iligtas yung babae pero dadanak ang dugo at sigurado ako.Baka hindi lamang ako ang masaktan pag nakialam ako.Baka lahat kami.Ang masama pa may batang babae dito at kasama niya ang papa at mama niya sa pagtatantiya ko.

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring kumikilos.Halatang inis na inis ang leader nila kaya mabilis ding kumilos ang mga tao sa loob at nilabas ang kanilang mga sariling gamit.

Kinuha ko yung 300 pesos ko at iniabot sa lalaking nasa harap ko at nakalahad ang kamay.

''Yan lang ba meron ka?''

''Diba halata yan lang binigay ko eh.'' matapang kong sagot.Dadambahan na sana niya ako ng sapak ngunit binigyan ko lamang siya ng mapang-asar na ngiti.

''Bwiset! Talaga? Eh mukhang mayaman ka eh! Tawagan mo nanay o kung sino mang pamilya mo!'' sigaw nito at hinagisan ako ng cellphone.Ang kapal niya mag-utos.Kung wala lang siyang armas eh.

Oo na.

Aaminin ko wala talaga akong cellphone.Parang nagbigay ako ng todo sa halagang 300 pesos pero may natitira pa akong pera.Nasa secret pocket nang bag ko.Buti na lamang at tanga itong mga magnanakaw na ito at hindi man lang nag-effort na halughugin ang bawat bag.

Masyadong hunghang!

''Kailangan pa ba yun?'' tanong ko rito.

''Diba halata? Pag di mo yun ginawa.Papatayin ko ang inosenteng babaeng ito.'' banta nito at nilalaro yung kutsilyo habang ang mga kasama niya ay kinukuha ang kagamitan.

Napalunok ako.Papatayin niya? Aba wag naman sana!

Hindi yun tama pero may problema ako.Hindi ko alam ang numero nang nanay ko at pwede na sanang malutas ang problema ko para tawagin sila pero nakita kong naiwan ni mama yung cellphone niya, kaninang umaga sa sala namin.

''Eh pano kung hindi ko alam ang numero nang mga magulang at iba ko pang mga kapamilya.'' dahan dahan kong sabi sa leader.Gago siya ah.Sira na nga araw ko.Sinasagad niya pa pasensya ko.Mamaya magpaka-ninja ako at gilitan ko siya hanggang maghiwalay ulo at katawan niya.

Natapos na rin ang pagkuha nila nang mga gamit at umupo sila sa kaliwang line sa jeep.Maraming tao na ang nasa labas pero wala ata itong balak tumulong o magsumbong lamang sa mga pulis.Ano ba naman yan.

''Edi tanga!Mag imbento ka.Mukha ka kasing mayaman eh!Tapos wala naman pala kaming mapapala sa iyo.Swerte ka na lang pag mayaman ang sumagot at may puso.'' 

Anong gagawin ko! Mamamatay yung babae.

Deputa naman oh!

Makalipas ang limang minuto at ang dami nang nakapalibot sa jeep.Ayaw ba nilang tumulong man lang! Nakaimbento na ako ng number pero kinakabahan ako kung sino man itong sasagot.Sana naman ang matulungan niya kami.

''Sino to?'' rinig ko sa kabilang linya.

''Uhm.'' nalunok ko ata yung dila ko.

Paano na ang bad boy image ko.

Pero di naman niya ako nakikita diba?

''Kung hindi ka po sasagot.Gusto ko lang po na malaman niya.Patay na po may-ari ng numero  na ito.'' 

Nanlaki ang mata ko sa gulat.Grabe ang kamalasan ko ngayong araw!

Nag-imbento ulit ako at nakita kong nakatingin ng seryoso sakin yung leader.

''Sino to?'' isa siyang boses nang lalaki at halatang kagigising lamang nito.

At napatingin ako sa mga kidnappers at bakat na bakat ngiti nila abot tenga na.

''...H-hmm pwede po bang tulungan niyo po kami.Na-kidnap po kami sa jeep na sinasakyan namin.'' napaka kapal ko.

''So problema ko pa yon?'' gago to ah.

Kung personal lang to.Jinombagan ko na siya!

''Hindi naman sa ganon.Hiling ko lang po.Tulungan niyo po kami'' pag-iiba ko ng boses ko.Ayokong mahalata niya na inis ako.

''Saang lugar ba yan? Kailangan ko ba magdadala ng pera?'' tanong nito.Ang tanga niya.Binili niya sinabi ko! Magdala lang siya ng pulis okay na.

'''Diba halata?'' napatakip ako sa labi ko.May masasaktan dahil sakin e.

''Pilisopo.'' sabi niya sa kabilang linya at may narinig akong pagbasak ng isang bagay.

May nabasag ata?

''Itext mo sakin yung lugar.Grabe naman istorbo.'' halatang inis siya.Ako din naman eh.

Napakagat na lamang ako sa labi ko at hindi namalayang nagdudugo na ito.

 

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.