Love Transplant

Description

 

 

 

LOVE TRANSPLANT

sorry for the weird title HAHAHA

 

The heart transplant patient

who fell in love with

GIRLFRIEND of tragic donor

 

 

 

Choi Sooyoung

Im Yoona

Seo Joohyun

 

 

 

 

 

 

NOTE: Inspired by You're My Destiny and The Springtime of My Life.

 

 

 

Foreword

 

 

"Soo, pag ako namatay. Gusto ko paring tumulong sa ibang tao. Gusto ko sanang i-donate ang mata ko, kidney ko, liver ko at pati puso ko"

 

"Pwede ba i-tigil na natin toh?!" naiiritang wiika ni Sooyoung.

 

"Soo...."

 

"Naisip mo ba nararamdaman ko sa twing pinaguusapan natin mga ganitong bagay?!"

 

"Soo....Sorry"

 

Hindi na sumagot si Sooyoung. Kaya hinaplos ng babae pisngi ni Sooyoung. Nakahawak naman isang kamay ni Sooyoung sa kamay ng babae.

 

"Ganyan mo ba ako kamahal, Soo?"

 

Napatingin si Sooyoung sa mukha ng babae. Nasilayan niya magandang ngiti ng babae. Awtomatiko din siyang napangiti. Kaya nya ba talaga tiisin ang babaeng ito? Kaya niya bang magalit sa babaeng kasing bait nito? Yan laging tanong ni Sooyoung sa kanyang isipan habang nakatitig sa mga mata ng babae.

 

"Mahal kita sobra..Ikaw lang mamahalin ko" nanghihinang wika ni Sooyoung.

 

"Mahal din kita Soo. Pero naisip mo bang walang permanente sa mundong toh?"

 

"Paguusapan ba nanaman natin toh?"

 

"Sooyoung. Paano kung hindi ako ang naka nakalaan para sayo?"

 

"Paki-alam ko?! Ikaw parin mamahalin ko!"

 

Nagsimula tumulo luha ni Sooyoung. Hindi rin maiwasan ng babae mapaluha nang makita itong umiiyak. Agad pinunasan ni Sooyoung luha ng babae gamit ang hinlalaki niya. Nasasaktan si Sooyoung sa twing nakikita niya ang tao nyang mahal na umiiyak.

 

"Sorry Sooyoung"

 

Hinalikan ni Sooyoung ang noo ni Seohyun tsaka niyakap ito. Binaon naman nito mukha nya sa dibdib ni Sooyoung.

 

"Please wag naman tayong ganito. Hindi ko kayang harapin ang mundo ng wala ka Seo"

 

"Mahal na mahal kita Joohyun, ikakamatay ko kung mawawala ka sa buhay ko"

 

"Sooyoung mangako na kahit wala na ako sa buhay mo ay magpapatuloy ka parin"

 

"Balak mo ba talaga akong iwan?" punong puno ng hihinakit na tanong ni Sooyoung.

 

"Hindi Soo.....Hindi kita iiwan kahit anung mangyari. I love you"

 

"I love you too Seohyun. I love you so much! Ikaw lang Seo"

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet