Gym

Description

One shot story. 

Foreword

 

 

GYM

 

 

xXx

 

 

5 months. 5 months akong nagmukang tanga.

 

"Bwisit." nasabi ko out of the blue.

"Kilos na." tss...

"Opo."

 

Instructor ko yun, si Sir Ram. Nandito kasi ako sa gym, at oo, nag-gi-gym ako. Ang chubby ko kasi, tapos patay na patay ako kay Rolan Tuazon na varsity ng basketball sa university na pinapasukan ko. Eh sino nga naman ba ako para sa isang katulad nya na sikat?

 

In his very own eyes, I am nothing.

 

Nagvolunteer pa ako na maging assistant manager ng basketball team para lang mapansin nya ako. Oo nga at napansin nya ako, pinaniwala pa nga nya akong may pag-asa maging kami dahil super sweet nya sa'kin eh. Pero ano?

 

Pinagmuka nya akong tanga. Pinaglaruan nya ako. Pinaikot nya ang damdamin ko. Sino nga ba ang isang katulad ko? Isa lang akong ordinaryong estudyante lang.

 

"Hoy Erin. Kikilos ka ba o tutunganga na lang?!"

"Sorry naman sir. Di po ba pwedeng nagpapahinga lang?" pagdadahilan ko. Yan, kung bakit kasi inaalala ko pa yung lesheng mayabang na yun.

"Sige na at magwork out ka na. Mag-iisang bwan ka na dito, dapat malaki ang mabawas sayo." sabi nya habang nagpeprepare ng mga inumin.

"Okay." yun na lang ang naisagot ko.

 

Nagstart na akong magwork out. Feeling ko naman nababawasan na ang timbang ko. Nagda-diet din ako, pero yung tama lang. Ayoko naman patayin sa gutom ang sarili ko. May time talaga na papayat din ako, tiwala lang.

 

"Oh Jafrey napasyal ka?" narinig kong sabi ni Sir Ram.

"Hindi na kasi ako busy eh. Start na ulit ako ngayon." sagot naman nung lalaki.

 

Bahagya kong tinignan yung kausap ni Sir Ram.

 

O_O

 

Yummy! E-este ang gwapo!

 

Pero honestly, ang laki ng muscle nya. Ang yummy! Grabe, tingin ko tuloy sa kanya ang perfect nya.

 

Tumigil ako sa pagwowork out at naupo sa tabi ni Sir.

 

"Oy Sir, ngayon ko lang nakita yun dito." sabi ko kay Sir.

"Sino?"

"Yung kausap mo kanina."

"Ah si Jafrey? Matagal na yun napunta dito. Isang buwan din yun nawala gawa ng trabaho nya. Pero sabi nya ok na daw sched nya. Eh balita ko nga papasok ulit yun."

"Ang galing naman, ganda pa ng katawan nya. Alagang alaga siguro. Kaswerte naman ng girlfriend nun." sabi ko habang umiinom ng tubig.

 

"Hahaha! Walang girlfriend yun. Oh sya maiwan na nga muna kita dito."

 

Tumango na lang ako bilang tugon. Really? Walang girlfriend si Mr. Perfect?

 

At nang araw ding yun, nagsimula na akong ganahan sa pagwowork out.

 

xXx

 

 

2 months na ako dito sa gym at 2 months ko na din nakikita si Mr. Perfect, I mean si Jafrey. Madami na din akong alam sa kanya. BS Psycho pala sya kaya lang hindi din sya nakatapos kasi lack of money. Ganun naman talaga. Maswerte na lang ako kasi scholar ako.

 

Kilala nya lang ako by name, siguro? Pinakilala kasi ako ni Sir Ram. Pero hindi kami close. Hindi kami nag-uusap kapag nasa gym. Ayoko nga, nakakahiya eh. :)

 

At dun nagsimula yung pag-iiba ng feelings ko. Naks! Level up.

 

Crush ko sya. :p

 

Nakakainspired nga mag-gym kasi nakikita ko sya. Alam mo yung ganung feeling? Kaya nga mas lalo akong ginaganahan.

 

"Aba. Akalain mong namamayat ka na Erin. Tuloy mo lang yan at sigurado akong sey ka na." biglang sabi ni Sir Ram.

"Hindi nga?" tanong ko naman sa kanya. Naninigurado lang, baka kasi binobola lang ako nito.

"Oo nga. Tumingin ka pa sa salamin. Oh kaya timbangin mo sarili mo."

 

Agad naman akong tumingin sa salamin at yun nga. Medyo nabawasan na ang taba ko kasi naman yung damit na suot ko ngayon ay medyo loose na sa akin na dati eh sakto lang. Bakit 'di ko napansin yung damit ko? Busy na ba ako masyado sa pagpapantasya ko kay Mr. Perfect? Hmmmm...

 

Napangiti naman ako sa naging resulta ng pinaghirapan ko. Sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang repleksyon nya dun.

 

Si Jafrey. Nakatingin sa sa'kin through mirror. And he smiled.

 

O_O

 

He just smiled?!

 

Bigla akong napatungo sa hiya kaya umalis ako at lumabas.

 

"Oh.My.God." sabay talon ko pa.

 

Alam mo yung talon na kinikilig? Ganon ang ginagawa ko. Kasi naman! Grabe, ngiti pa lang nya solve na ako. Pa'no pa kaya kung nagkausap kami ng matagal?

 

Heaven!

 

Bumalik na ako sa loob at nagpatuloy sa pagwowork out. Fulfillment 'to mga dre!

 

xXx

 

 

 

"Aba, napasyal ka!"

"Syempre naman Sir! Para isang b'wan lang akong nawala." sabi ko habang nag-aayos ng gamit.

"y ka na ah. Kamusta naman sa school?" tanong nya sa'kin.

 

Kamusta nga ba?

 

(Flashback)

 

Naglalakad lang ako sa hallway ng university namin. Papasok na kasi ako eh, summer is over.

 

Hinanap ko ang room no. ng first subject ko at hindi naman ako nagtagal sa paghahanap. Nung nakapasok na ako, si Rolan agad ang bumungad sa umaga ko.

 

"Hi Miss. Transferee ka?"

 

Ano daw?

 

"Rolan, its me. Erin Colleman. The one you used to play before." then I gave him my sweetest smile.

"I-ikaw?"

"Yes, of course."

"A-ano.."

"Why?"

 

At hindi na sya nakapagsalita. Ewan ko ba, hindi naman nagbago ang mukha ko para hindi nya makilala. O sadyang hindi nya lang ako namukhaan.

 

Then nagstart na ang discussion. At si Rolan? Ayun, walang humpay akong tinitigan. Nakakainis nga e!

 

xXx

 

 

Yes! Uuwi na ako. Kaloka, di ko kinaya ang first day. Mabuti na lang at hindi na ako kinausap pa ni Rolan, kasi naman buong subjects today kinukulit nya ako. Kesyo ano daw nangyari sa'kin, why the sudden change..etc.

 

Abnormal talaga. Tsk, makauwi na nga, pero pupunta muna ako ng library para humiram ng libro. Masipag ako eh. :)

 

"Ah Miss eto po yung card ko, hihiramin ko po kasi 'tong libro."

"Sige pakilagay na muna dyan." pinatong ko naman sa table nung librarian yung card ko.

 

While scanning the pages of the book, nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao.

 

"Uy Erin."

 

*u*

 

"J-jafrey.." ay leshe. Bakit ako nauutal?

"Tagal mong nawala sa gym ah, hinahanap ka nga dun ng iba eh." sabi nya sa'kin.

"Ah, a-anong--

"Dito ako napasok, BS Psycho. Tourism course mo 'di ba?" napatango na lang ako.

 

Kasi kinikilig ako!

 

"Sige mauna na 'ko ha." sabi nya habang naglalakad paalis.

 

Heaven!

 

"Lord, why so gwapo nya?" nasambit ko habang pinagdaop ko pa ang palad ko at tumingala.

 

"Miss, yung card mo oh." bumalik ako sa katinuan ko nung tawagin ako nung librarian. Kinuha ko na ang card ko at umalis na.

 

*end*

 

xXx

 

 

"So ayun. Pero so far ayos naman kasama si Jafrey."

"Edi ibig sabihin nakalimot ka na kay Rolan ba yun?"

"Haha oo naman Sir." sagot ko habang natatawa sa kanya.

 

Pa'no kasi mas kinikilig pa sya kesa sa'kin. Landi lang?!

 

Oo nga pala, yung isang b'wan na nawala ako sa gym, yun yung simula ng pagiging friends namin ni Jafrey. Isang b'wan na din kami na  laging magkasama sa university, every break, lunch tsaka uwian. Consistent yun! :) Kaya nga ang saya ko eh, kasi close na kami. Nagshe-share na sya ng secrets, nag-oopen up sya about sa past love nya at ganun din ako.

 

"Haayy buti naman at naabutan pa kita dito." huh?

 

Nilingon ko kung sino yung nagsalita.

 

"Oh Jafrey?"

"Tara na, sinusundo lang kita."

 

?_?

 

Eeeeehhhhh?!!!!! Pwede pakiulit nung sinabi nya?!

 

"Zafara, huy! Sabi ko tara na. Sinusundo na kita dito."

 

OhMyGhhhhaaaad! This is real, right? Haayyy bakit ba ganito? Lord naman oh, bakit kinikilig pa rin ako sa kanya?! 

 

 

"Oh, sobra sobra na. Baka magpakamatay pa." narinig kong sabi ni Sir. 

"Ano? Sino?" tanong naman ni Jafrey na halatang naguguluhan.

Tinignan ko naman si Sir at tawa lang ng tawa.

"Ah, ano Jafrey tara na." sabi ko sa kanya.

 

Then lumabas na kami ng gym. Hindi na nya ako pinag-gym eh. Ewan ko ba.

 

Hindi ko alam kung saan kami hahantong ni Jafrey, pero isa lang ang alam ko. MASAYA ako. Masayang masaya. Nagbunga ang pinaghirapan ko, nakaget-over ako, and finally, close kami ng pantasya ko. :)

 

At alam ko din na iba si Jafrey sa mga lalaking nakilala ko.

 

xXx

 

 

Lahat tayo nabibigyan ng time para magmahal, at sana eto na yung time ko. Hindi ko pinuputol ang istorya ko kung saan nagsisimula pa lang akong makilala ng husto si Jafrey. Pero hanggang dito na muna ang unang kabanata ng aming pagkakaibigan.

 

Dahil doon sa pag-gi-gym ko, nakita ko sya. Doon sa loob ng gym, naging inspirasyon ko sya. Kaya thankful ako sa gym na iyon. ^_^

---

 

Lame story i know. First time po kasi.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet