24.
sweet blood
Hindi ko gusto ang schedule ko dahil hindi ito tuloy-tuloy at may 1 hour gap each subject. Sobrang hassle, though 'yung Tuesday, Thursday at Saturday class ko ay okay dahil 4 hours in total lang at tuloy-tuloy naman, itong Monday, Wednesday at Friday lang ang kinaiinisan ko.
Andito na ako ngayon sa classroom and as usual, sa bandang dulo ako dahil lagi akong inaaway ng former classmates ko dahil ang laki raw ng ulo ko at nakaharang daw ako sa board. Mga salbahe, 'di man lang nagandahan sa likod ko? Charot. Nakita ko na sina Yuna at Lia, ka-blockmate ko pa rin pala sila.
Feeling ko talaga mag jowa silang dalawa eh, ramdam na ramdam ng gaydar ko pero sabi nila friends lang sila, so okay, whatever floats their boat! Hindi kami super close and inaantay ko na lang 'yung tatlong kaibigan ko na dumating dahil sila talaga ang classmates slash best friends ko forever! Cringe pero totoo..
Kaninang umaga, nagulat ako dahil ang aga rin bumangon ni Winter at tila bang papasok rin siya sa school. Hindi ko na siya natanong kung nakapag-enroll ba siya dahil the last time na nag tanong ako sakanya, hindi naman niya sinagot.
Sabay kaming nag breakfast, nag tanong lang rin siya ng questions tungkol sa school life ko. She even asked for my schedule which is weird but I still gave it to her. Ang daldal ni Winter kanina, hindi ko talaga mahuli ang kiliti ng mood niya. Sometimes she's as cold as ice, and sometimes she just act like a baby that needs to be taken care of.
Natapos ang pag deday-dream ko dahil nagulat ako nang may pumisil ng pisngi ko. Si RJ at talagang nakalabas pa ang dila niya. Inirapan ko lang siya pagkatapos kong paluin ang kamay niya para matanggal na ito sa pagkakapisil ng pisngi ko.
"First day pa lang lutang ka agad?" Tanong ni Yeji na naupo sa tabi ng jowa niyang chanak. "Nabored ako, ang tagal niyo kasing dumating!" Reklamo kong sagot at tinawanan lang naman nila ako.
"Girl, 30 minutes pa bago mag start ang classes. What do you mean ang tagal?" At talagang inirapan pa ako ni Ning. I mean, tama naman siya.. pero ang aga ko kasing nakarating! Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong umalis. I think it's because of what happened earlier.
Breakfast.
"Can I have your schedule?" Nagulat ako nang biglang magsalita itong si Winter at nalito pa ako dahil hinihingi niya ang schedule ko.
"Sure, pero bakit?"
<
Comments