22.
sweet bloodPagkagising ko, grabe ang sakit ng ulo ko at halos hindi ako makatayo. Hindi ko na rin matandaan anong nangyari at kung paano ako nakauwi sa bahay dahil ang alam ko, mag-ssleep over kami sa apartment ni Yeji at RJ.
Pagkatayo ko ay gustong gusto ko ng tubig kaya kahit medyo ngarag at nahihilo ako, sinubukan kong bumaba dahil nasusuka na rin ako. My god! I'm never drinking again! Last na 'to, Lord! Sorry na!
Bago ako makatapak pababa ng hagdan, medyo naninibago pa ako ng kaunti dahil ang gaan ng katawan ko at tila nakapantulog lang ako na dami—wait? Nagawa ko pa ba talagang mag palit? Hindi ko na talaga matandaan! Huhuhu wala akong ibang sisisihin kundi si RJ at Ning dahil hindi nila ako sinamahan sa dance floor!
Pagkababang pagkababa ko pa lang sa hagdan, rinig na rinig ko agad ang maingay na boses ni RJ.
"Wow! Gising na pala ang prinsesa!" Sigaw niya pa habang naglalaro ng ps4 sa sofa ni Winter? Kailan pa pumayag 'yan na pwedeng maupo sa sofa niya? Ah, baka wala pa rito kaya matapang 'tong si RJ.
"Good morning, Alanna." I heard Winter spoke behind me. Parang natuyo lalo ang lalamunan ko dahil sa lamig ng boses niya.
Dahan-dahan akong humarap sakanya at narinig ko ang sigaw ni Ning ng "gengshter!" dahil nakasuot ng bandana si Winter. I heard laughters from the living room pero hindi ko sila pinansin.
"Are you okay?" Tanong niya pa. Hindi, Winter! Hindi ako okay! Alam namang kakagising lang, ganyang muka agad ipapakita sa'kin? Parang walang konsiderasyon.
She looks so pretty even though she just woke up. I heard her voice kaya agad namula ang pisngi at tenga ko. Hindi pa ako nagtotoothbrush, punyeta! Ngumiti lang ako sakanya at agad na tumakbo papuntang cr.
"Ooooh, bad breath ka pa, Katarina?" Pang-aasar pa ni Yeji. I swear to god! This is all their fault! Teka, ano bang ginagawa nila rito? Anong oras na ba? Sobrang sabog ko talaga huhu.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili sa cr, saka ko chineck ang itsura ko. Wala na akong make up from last night, I'm wearing only PJs. I literally wore only my pajamas and no underwears undearneath. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko?! Pero hindi ko matandaan na nagawa ko pa lahat ng 'to sa sobrang kalasingan.. Sorry na talaga, Lord.
"Yej, anong oras na ba?"
Comments