Winter "Selos" Kim.

Simula Pa Nung Una
Please Subscribe to read the full chapter

Saturday morning, wala na namang pasok. Sumasama na naman ang pakiramdam ko thinking that I might see Karina again.

 

Si Karina na achiever keme… si Karina na mabait at maganda… si Karina na gusto ng lahat…

 

At pinaka-importante, si Karina na favorite ng family ko.

 

Bakit kasi hindi na lang ako naging si Karina? 

 

Puro na lang Karina… Karina… Karina!

 

Kailan ako makakarinig ng Winter? Like hello? Nandito ako! Nag-eexist rin naman po ako!

 

"Matutuwa dito si Karina! Sabi ni kumpare nakapasa raw si Karina sa PLM! Very good talaga ang batang 'yun."

 

Tahimik kong inayos ang lamesa namin habang nakikinig sa nanay kong inggit na inggit na naman sa kumpare niya.

 

Nakapasa rin naman ako sa PLM ah? Bakit hindi natutuwa ang nanay ko sa akin nang ganito?

 

I guess, iba talaga ang isang Karina.

 

"Oh, mali-mali ang plato! Sinabi nang kay papa 'yung kulay blue!" Naramdaman ko ang pagpalo sa akin ni Ate Taeyeon. "Sabog ka na naman!"

 

Nakita kong sumulyap lang sa amin si Mama at ipinagpatuloy 'yung ginagawa niya.

 

"Edi, ikaw na ang mag-ayos."

 

"Oh, bumuboses ka pa!"

 

Hindi na naman siya nagsalita at tinulungan rin naman ako sa pag-aayos nitong lamesa. Ang dami kasi muna talagang satsat eh noh!

 

Maya-maya, bumusina ang isang sasakyan at dali-daling sumilip si Mama sa bintana upang tingnan kung sino ito.

 

Kahit hindi na ako sumilip, alam ko naman kung sino.

 

"Karina! Halika, tuloy!"

 

"Hello, Tita! Magandang umaga po!"

 

Ayan na naman siya… nagmamaganda na naman. Ngiting-ngiti na akala mo nasa commercial siya ng colgate. Ang ganda-ganda pa ng suot na akala mo may okasyon eh kakain lang naman kami ng breakfast!

 

"Hello, Winter!" Pagbati niya sakin habang ngiting-ngiti.

 

"Hello." Walang gana kong pagbati pabalik pagkapasok niya sa bahay namin. As usual, tuwang-tuwa na naman siyang niyakap ni Mama at ni Ate.

 

Sana all, favorite.

 

"Bakit ikaw ang nagdrive ngayon? Nasaan ang Kuya mo?"

 

"Nasa Manila pa po si Kuya Yeonjun. Next week pa raw po siya makakauwi."

 

Nagtama ulit ang mata namin pero hindi ko na siya pinansin. Titingin-tingin pa 'to!

 

"Halika na, kumain na tayo! 'Di ba favorite mo 'to?"

 

Pinagmamasdan ko si Mama habang masayang-masayang pinapakita 'yung niluto niyang bacon and eggs with fried rice. Ni hindi nga ako kumakain niyan. Mas gusto ko pa rin ang tuyo, itlog na maalat, at white rice!

 

Pasosyal kasi 'tong si Karina eh!

 

"Nakasimangot ka na naman!" Hinawi ko ang kamay na Ate Taeyeon nang kinurot niya ang pisngi ko.

 

"Hindi ako nakasimangot noh!" Parang narinig pa yata ni Karina 'yun kaya napalingon siya sa'min.

 

"Ayaw mo ba talaga kay Karina? Bakit ba?" Hindi ko sinagot 'yung bulong ni Ate dahil nararamdaman ko na 'yung inis sa buto't balat ko.

 

Bata pa lang kami ni Karina, ayaw na ayaw ko na sa kanya. Lahat kasi ng atensyon napupunta sa kanya. Lahat ng papuri, natatanggap niya…

 

Wala namang problema sa'kin 'yun before, pero nang magsimula nang ikumpara ako ni mama sa kanya…

 

Doon na nagsimulang lumaki ang pagka-inis ko.

 

"Huwag ka ngang mainis sa kanya. Wala naman siyang ginagawa sa'yo."

 

Mali si Ate.

 

May isang bagay siyang ginawa sa'kin. Pero hindi na lang muna ako magsasalita.

 

"Nak, dito muna si Karina ah!"

 

Nanahimik na lang ako at hinayaang maupo si Karina sa usual kong puwesto. Ano pa bang magagawa ko eh si Karina 'yan?

 

"Kamusta? Nakapasa ka rin pala ng PLM kagaya ng Winter ko. Ano ba ang kurso mo ulit?"

 

Kumain ako at hinayaang magkuwentuhan si Mama at Karina habang si Ate ay nagpaalam na papasok siya sa trabaho nang maaga dahil may presentation sila.

 

Napapansin ko 'yung paunti-unting sulyap ni Karina sa'kin na parang binabasa kung anong iniisip ko.

 

Ano bang paki niya? Bakit ba hindi na lang siya kumain diyan?

 

"So once a week palang umuuwi si Yeonjun, tama?"

 

Pagkasubo ko ng isang kutsarang kanin ay nasamid ako. Kaagad naman akong binigyan ni Karina ng tubig at lalo pa akong nainis nang nagtama 'yung balat namin.

 

"Okay ka lang, Win?"

 

"Hinay-hinay ka naman anak." Uminom ako ng tubig at pinanood lang ako ni Karinang gawin ito. "Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin, Karina anak?"

 

Parang gusto ko ulit ibuga 'yung iniinom ko. 

 

Anak, huh?

 

"Excuse me lang po. Tapos na ako, Ma." Hindi naman ako pinansin ni Mama nang tumayo ako at iwan sila.

 

Dumiretso ako sa kuwarto ko at nanahimik lang sandali para magmuni-muni.

 

It feels so wrong.

 

It feels so wrong to have these emotions. Bakit ba ako galit na galit kay Karina? Is it really because of that?

 

Nang dahil doon?

 

I am acting so immature! Hindi 'to tama. 

 

"Winter?"

 

Someone knocked on my door. Boses pa lang alam ko na kung sino 'yun.

 

Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa'kin ang isang babaeng mahaba ang buhok, maganda ang mga mata, mabango, mala-anghel ang awra…

 

"Win?"

 

. This is it.

 

This is the reason why I'm so annoyed with her.

 

"Are you okay? Ayoko sanang istorbohin ka but…"

 

Because after all the jealousy I've felt between her and my family… I can still feel this emotion with me.

 

Na whenever she's walking beside me or talking near… I will always recognize her beauty, her kindness, and her charm.

 

"Are we okay?"

 

Yes, I like Karina. And recently ko lang ito naramdaman.

 

"We? Anong sinasabi mo? Di ba nag-uusap lang kayo ni Mama?"

 

With confusion, Karina just stared at me as if I was uttering an alien language.

 

"Winter, can we talk?"

 

Parang tumalon ang puso ko sa seriousness ng kanyang boses. I never heard Karina talking like this.

 

All I could hear before was her demure voice and soft giggles whenever she's with my parents. Tapos ganito na bibirahan niya ako ng seryosong tanong?

 

"Nag-uusap na tayo." She sighed from my statement.

 

"Hindi ganun, Winter. What I mean is…" She stepped inside my room. "Puwede ba akong pumasok?"

 

Oxygen almost left my body when she stepped inside

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aesfilos
And that concludes the story of SPNU Winter and Karina! Nag-enjoy talaga ako sa pagsusulat ng chapter na 'to and I hope nag-enjoy ka rin sa story nila. I really appreciate you reading this!

Thank you so much! MWA! 😘

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 2: Tsundere amp
Wemon_ 16 streak #2
Chapter 2: ang cute nito:(((
Wintuuuury #3
ang cute cute ng tsundere x dumb gfs potangina sinamahan pa ng kapitbahay and one sided grudge na trope
ROYAL_LOCKSMITH #4
Chapter 1: Pakipot pa si winter gusto rin naman si Karina.😅

Nasan na kaya yang Karina ko na yan.hahah.
shhnnyyuu
#5
Chapter 2: ihhhhhh
Kannakobayashi09 #6
Chapter 1: ♥️♥️♥️
Crossmaltese
#7
Chapter 2: Na missed mo yung opportunity na Karina “baliw na baliw sa” Yu char corny ahhahahaha Anyways, winrina cutie uwu
Topkangseul
#8
Chapter 2: Ang cute cute naman nila🥲
minminhyul
#9
Chapter 2: Ano ba yan ang cute 😭
Eybrelros #10
Chapter 2: Perpek combo naman pala yung nababaliw at selosa e ang kyut😂