Sa Gitna ng Kawalan

Please Subscribe to read further chapters

Description

Gusto lang naman ni Jed makatapos ng pag-aaral ngunit hindi niya inaasahang darating si Kye sa kanyang college life upang guluhin ang buhay niya.

 

Mark Lee as Theodore Jedleen

Haechan as Kyle Maverick

 

 

 

 

 

 

Foreword

Theodore Jedleen.

 

"PARA PO!" sigaw ko upang mapatigil nang biglaan ang jeep

 

Bumaba ako sa Sumulong Highway para sumakay papuntang Katipunan. Doon kasi yung terminal ng jeep papuntang UP Campus.

 

Ang hirap talaga kapag studyante ka at wala kang sariling sasakyan. Isipin mo 'yon, araw araw mong kalaban ang traffic. 

 

Hindi lang traffic pati oras at mahal ng pamasahe na din. Well, hindi naman kasi lahat ng tao ay afford bumili ng sasakyan. Kaya't swerte yung mga lumaki sa yaman na studyante. Hindi nila nararanasang makipag bardagulan para lang makasakay.

 

Sumakay ako ng SSS vil. - Cubao na jeep at nagbayad na din. Mamaya masabihan pa ako na nagwa 123. 

 

Minsan lang! Chos!

 

Habang nakasakay ako jeep, biglang tumunog 'yung phone ko and I saw Chiara's name. Ano na namang kailangan nito? Sinagot ko ang tawag at inilayo ko agad 'yung phone ko dahil sa tili nya. Pasaway!

 

 

[KUYAAA JEEEED I MISS YOU!] tili nya sa kabilang linya

 

 

[Chiara, ang aga-aga pa! Ano bang kailangan mo?] tanong ko

 

 

[Where are you ba? Why so maingay sa background mo?Nasa jeep ka ba?] sa sobrang taray non feel ko umiirap na 'yon

 

 

[Malamang gaga!] saad ko [Ano bang kailangan mo?] nakakunot na noong tanong ko

 

 

[Me and Gwen here at UP Diliman you dumb! I have something for you so faster]! And she ended the call

 

 

 

 

 

Nakarating ako sa UP ng mga bandang 8:20. Mamaya pa kasing 9 start ng klase ko so may time pa ako para kausapin sila. Hindi kasi kami masyadong nakakapag usap dahil nga katatapos lang ng sem. 

 

 

 

Isinukbit ko ang T-square ko sa balikat ko at naglakad paloob ng campus. Natanaw ko sila sa Sunken Garden na nakaupo sa bench. Naka suot na sila ng uniform nila at mukhang papasok na after nila akong kausapin. I called their names and they're run to me to give me a hug.

 

 

They are my friends. Chiara is 1st year college sa Ateneo while Gwen is 2nd year college sa UST. Meron pa kaming isang friends si Jeremy 2nd year din sya dito sa UP. Si Chiara ang pinaka baby samin. Advertising ang course ni Chiara, Biology kay Gwen at Fine Arts naman ang kay Jeremy. Lahat 'yon ay pangarap talaga nila at gusto talaga nilang I pursue.

 

 

Sana all

 

 

 

Gusto ko din naman ang Architecture. Masaya naman ako dito at may nararamdaman naman akong Connection dito pero iba pa rin pag gustong gusto mo talaga 'yung course mo. 'Yung tipong other half mo siya at ibubuhos mo talaga lahat ng efforts mo.

 

 

 

Nagbibigay naman ako ng efforts dito hindi dahil gustong gusto ko 'to kung hindi dahil kailangang kong makapasa at maka graduate ng may Latin Honor para mabilis matanggap sa trabaho kung sakali. Nahihirapan ako dati pero natutunan ko nalang mahalin kasi ito na 'yon eh. Sayang kung hindi ko itutuloy.

 

 

 

Anyway, last year lang namin nakilala si Chiara dahil sa UP Fair. Nakita namin sya sa sa tapat ng Carillon Tower. Umiiyak. Sinama sya ng kuya nya pero iniwan nya kasi nag away sila kaya ayon naligaw sya hahahaha. Pero kahit na ganyan ugali nya, she's a sweet and pure kid! Mahal na mahal namin 'yan. Dati dati naliligaw pa sya papunta sa mga school's namin pero ngayon nagugulat na lang kami na dinadayo nya kami. Minsan naman kami ni Jeremy and dumadayo sa Ateneo at UST.

 

 

"Gago ka Gwen! Anong ginagawa mo dito? Gago taga España ka ah!" Natatawang saad ko at hinampas ko siya "Ikaw Chiara? Alam ba ng kuya mo na nandito ka?" tanong ko

 

 

"I'm not a minor anymore, Kuya!" naiinis na sabi ni Chiara

 

 

"Mamaya pang 11 class ko gago!" hinampas pa ako "Idadaan ko pa si Chiara sa Areneyow" saad nya at hinampas na naman ako!

 

 

Bakit ba ang hilig mang hampas nito?

 

 

"Ano ba 'yung ibibigay mo?" tanong ko kay Chiara

 

 

 

Umirap muna sya bago may kinuha sa bag nya

 

"You better be there" sabay abot sakin ng envelope. Kinuha ko iyon at pagkabukas ko tsaka ko lang naalala na next week na pala yung birthday ni gaga putangina wala pa akong nabibiling regalo.

 

 

Hala! Oo nga pala! Nabanggit nya na samin to last month ngayon ko lang naalala sa sobrang busy!

 

 

"Don't tell me nakalimutan mo yung birthday ko?" Nakataas na kilay na tanong nya "This is my first birthday with you guys omg ipapakilala ko kayo sa kuya ko and friends nya na friends ko rin kaya you guys better come" nagpapapadyak sa don.

 

 

Patay! Siguradong magtatampo 'to pag wala ako doon!

 

 

 

"Uh....Hindi ah...Nag iisip na nga ako ng susuotin eh haha" safe na sagot ko

 

 

Hindi ko sinabing regalo kasi baka sabihin nya wag na. Parang lahat naman ata kayang bilhin nito eh sa yaman ng pamilya nila. 

 

 

"Sus! Palusot mo Jed! Ang sabihin mo nakalimutan mo talaga hahaha" gatong ni Gwen at malakas na tumawa

 

"Hoy! Imbento ka! Umalis kana nga dito taga España ka diba?" Sabay hampas sa kanya nung T-Square!

 

"I will fetch you and kuya Jeremy nalang sa UP Town Center or pwede din 'yung driver namin." Ngumiti sya at yumakap "Bye! See you next Saturday" 

 

 

"Bye Jed" pinakyuhan nya ako at sumakay na sa kotse

 

 

Naglakad nalang ako papunta sa Building ko dahil maaga pa naman. Nakasabay ko pa yung isa kong ka blockmates kaya sabay kami pumunta sa CA1 habang nagku kwentuhan.

 

 

Halos sabay lang kaming dumating at yung prof namin at pagkadating na pagkadating nya ay nagbigay agad sya ng surprise quiz. Buti nalang nakapag review ako kagabi kaya naka sagot ako at umabot ako sa passing score.

 

 

"Sana all naka abot sa passing score" 

 

Sinundot ni Maddy yung tagiliran ko habang papalabas kami para pumunta sa next class namin.

 

 

"Chamba lang 'yon" sagot ko habang tumatawa

 

 

"Wews 'di ako naniniwala uy wala kang maloloko dito" inismiran nya ako "Feel ko nga ikaw lang magkakaroon ng latin honors sa section natin eh" tumatawang sabi niya

 

 

Imposible naman 'yon no! Madaming magagaling sa section namin. Masyado namang mapuri sakin 'tong si Maddy!

 

 

Nang mag break time ay nag decide nalang kami na street foods nalang ang bilhin at kainin namin sa Sunken Garden. Nagtitipid din kasi ako. Sa sobrang mahal ba naman ng pamasahe sa jeep, halos hindi na nga ako kumain dito sa school. Minsan nga kumakain nalang ako sa bahay pag uwi!

 

Ibinaba namin ang gamit namin sa damuhan at doon nalang umupo habang nakatanaw sa mga naglalaro dito sa Sunken Garden.

 

Nag uusap sila tungkol sa mga crush at jowa nila kaya hindi ako maka relate! 

 

"Ikaw Jed wala ka pang jowa?" tanong ni Sheena habang nakaupo kami at kumakain.

 

"Walang nanliligaw eh" pagbibiro ko "de eme lang hahaha wala lang talaga sa isip ko 'yan. busy ako" sagot ko habang tumatawa

 

"Nako ka Jed! Try mo din magsaya minsan! 'Wag masyadong magpaka lunod sa pag-aaral! Baka mag Summa Laude ka niyan!" sabat ni Maddy

 

"Wish ko lang!" natatawang sabi ko

 

Gustuhin ko man parang malabo naman yata. Ewan. Iniisip ko kasi palagi na hindi para sa akin ang pagmamahal. Paano ako magmamahal ng iba kung 'yung sarili ko nga hindi ko maayos?

 

And besides, I always see myself as a hopeless romantic. Pinili ko 'to. Kasi para sakin, masakit ang magmahal which is tama naman kasi hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Para sakin ang pagmamahal ay panandaliang saya lang at sa huli at pareho kayong luhaan.......at 'yon ang ayaw ko.

 

Ayokong matulad sa mga magulang ko.

 

"Guys stop pressuring Jed for having a lovelife! Hindi naman required sa college ang jowa ah! Hayaan niyo siya kung kailan niya gustong magka jowa. Hindi naman minamadali 'yon kasi kapag minadali niyo masasaktan lang kayo ng sobra sa huli. It can take time." seryosong sabi ni Althea

 

After naming mag lunch ay bumalik na kami sa CA1 para sa last class ngayong araw.

 

Alas kuwatro na nang mag dissmisal kaya isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at naglakad palabas ng classroom. 

 

Pero habang naglalakad ako palabas ng campus ay biglang nag chat naman 'tong si Gwen sa gc! 

 

Ano na naman 'to?

 

Gwyneth Alvero: Hoy mga puque @everyone Pop Up. Later @6pm. Walang pasok bukas subukan niyong wag sumama!

 

Agad na nag seen sila Jeremy at Chiara. 

 

Basta inuman G 'yang mga 'yan!

 

Chiara Avelino: Omg yes! it's been 2 months since my last inom :((

 

Gwyneth Alvero: Chiara, isama mo kuya mo and friends nya dali

 

Jeremy Alcantara: AY TRUE BEH!

 

Jedleen Mendoza: Lalandiin mo lang tropa non eh!

 

Chiara Avelino: Tangina niyo

 

Pati si Chiara nahahawa na sa pananalita namin!

 

Jedleen Mendoza: Hoy mga puque! Palabas na me campus. Kanino muna ako mags stay?

 

Gwyneth Alvero: Sana all dismissal na HAHAHAHA

 

Jeremy Alcantara: Antayin mo aq sa Sunken Jed palabas na me building shuta ka

 

Nang mabasa ko ang chat ni Jeremy ay agad akong naglakad pabalik ng Sunken Garden. Inantay ko siya don habang nakaupo sa bench. 

 

Malayo palang ay tanaw ko na si Jeremy habang hawak hawak ang tote bag niya. Tumatakbo sya papunta sakin at kumakaway pa. 

 

"Hoy gaga!" sabi nya pagkalapit sakin at nakipag apir "Musta?" tanong niya

 

Tumayo ako at sinabayan siyang maglakad palabas ng campus.

 

"Okay lang! Naka survive naman na ng isang sem" sagot ko habang tumatawa

 

Kakatapos lang kasi ng 2nd sem ng 2nd year. Hindi pa nilalabas yung grades namin pero hoping ako na mataas. Kampante ako na wala akong bagsak dahil matataas naman yung score ng plates ko although yung iba ay may red marks pero binabawi ko naman sa mga quizzes at recitation.

 

Nag stay muna ako sa condo ni Jeremy habang nag aantay ng oras. Doon ako sa condo nya nag sketch para sa gagawin kong plates bukas.

 

"Tangina mo beh ayaw mo bang magpahinga! Ako napapagod sayo eh" talak ni Jeremy sakin habang naghahanap ng susuotin niya. Sana all!

 

"Ulol! gaya mo pa ako sayo na tamad" binato ko siya ng crumpled paper na napunta kung saan.

 

"Gago naka uniform kalang mamaya?" tanong niya

 

"Malamang tangina mo!" binato ko naman siya ng unan

 

"Ay badet may chika ako!" kinikilig pa siya

 

Tinapos ko na 'yung sketch at niligpit ko na ang gamit ko bago umupo sa sofa para makinig sa sasabihin niya. Minsan lang din kasi siya mag kwento.

 

"I saw my crush earlier gago! He's with Chiara's kuya and other friends i think" pag kwento niya at kinikilig pa "He said that he saw my story which is my drawing and he said that it was so beautiful" namumulang sabi niya

 

"Malamang sasabihin niya 'yong kasi FRIENDS kayo!" diniinan ko talaga yung 'friends' "Ayaw ka lang niya ma hurt! At tsaka alam ba ni Chiara na crush mo yung friends ng kuya niya na friends din niya ha?!" sabi ko

 

"Ikaw! alam mo kahit kailan panira ka talaga!" sinipa niya ako "Maging supportive ka naman teh!" Naiinis na sabi niya

 

"Ayoko nga! Corny kaya magka crush!" Tinarayan ko siya

 

Bago kami umalis ay nag text muna ako kay Mama na bukas ako uuwi. Nag commute nalang kami papuntang Pop Up dahil malapit lang naman 'yon sa condo ni Jeremy. Pagkarating namin don ay nandon na agad si Chiara At Gwyn. May nakalatag na ding alak don. May Cuervo, Jager, Pink Gin at may Tequila din.

 

"Hoy Chiara! Asan na 'yung mga kuya mo and his friends?" tanong agad ni Jeremy pagka upo namin sa couch. Atat na atat lumandi si gaga!

 

"Sa katabing couch bobo!" sabi ni Gwyn

 

"Guys my plan is sa birthday ko na kayo ipapakilala pero mukhang mapapa aga huh" sabi ni Chiara

 

"Bakit sa birthday mo pa?! Ngayon na!" Malanding sabi ni Jeremy

 

“Gusto mo lang landiin tropapis nung kuya niya eh!” sabat ko

 

 

Pagkaupo ko ay pina chug agad ako nila Chiara ng Alfonso ata 'yon hindi ko alam pero ang pait niya. 

 

Hindi ko alam kung nakailang shot na kami pero ang alam ko ay hilong hilo na ako at sigurado akong lasing na din yung mga kasama ko.

 

"Awrahan ko na ba?" malanding tanong ni Jeremy

 

"Go na mima!" suporta ko sa kanya

 

"Bet ko 'yung naka White shirt" sagot ni Jeremy

 

"Akala ko ba 'yung naka Grey?" binatukan ko siya. Halata namang lasing na 'to dahil hindi na siya makakilala ng tao.

 

"You mean Kuya Kye?" lasing na tanong ni Chiara at tumango si Jeremy "No you can't! That man is married to his study. But I refer you the one who's wearing Grey shirt. He's malandi like you!" lasing na sabi ni Chiara

 

"AY OO YUNG NAKA GREY YUNG BET KO!" Sigaw ni Jeremy kaya tinakpan ko agad yung bunganga niya dahil napatingin yung kuya ni Chiara at yung mga kaibigan niya.

 

"He's kuya Earl" sabi ni Chiara at tinungga 'yung Jager

 

"Alam ko gaga!" sabi ni Jeremy

 

"Huh? How did you know him?" nagtatakang tanong ni Chiara

 

Hindi siya sinagot ni Jeremy at tumungga nalang ng alak doon, walang balak sabihin

 

"GO NA JEREMY! BAKA MAUNAHAN KA PA" Sigaw ko sa kanya

 

"Wag ka maingay! Eto na nga!" sabi niya at nagmamadaling pumunta don

 

Nawala si Jeremy sa paningin ko kaya si Gwen nalang yung kinulit ko. Aminado naman ako na makulit at maingay ako pag lasing.

 

"Ikaw Gwen? Wala ka bang type?" tanong ko sa lasing na si Gwyneth. Isa rin kasi 'tong maharot eh! Nagpapadamihan sila ni Jeremy ng crush pero talo na si Jeremy dahil loyal na siya kay Earl.

 

"Meron sis! Naka momol ko na nga eh" sabi niya habang nakapikit. 

 

"Ay gago! Iba din" sabi ko na habang tumatawa

 

Bilib din ako sa isang 'to dahil kahit na lasing ay nagagawa pa ding lumandin

 

Maya maya lang ay naramdaman ko na naiihi ako kaya tumayo ako para mag C.R.

 

"C.R. lang ako" tumayo ako kahit hilong hilo na. Pumunta ako sa C.R. para umihi at maghugas ng kamay.

 

Pagkatapo ko ay lumabas na ako at naglakad kahit hilong hilo at halos hindi na makalakad. Habang naglalakad ako ay may nabunggo ako na kung sino na hindi ko kilala. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. 

 

Kita na ngang lasing yung tao, babanggain pa niya!

 

Hindi niya pa ako sinalo o Inalalayan man lang!

 

How careless he is!

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet