chapter i
One Shot, One GoalJisoo
"We only have three months nalang, Jisoo. Kahit sa'n tignan hindi tayo makakahanap agad ng players na kasing galing nila Chaeyoung!" iritableng sagot ni Seulgi na hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.
"Bakit ba nila tayo pinipiga ng ganito?! Kulang na kulang pa tayo sa players!" pagpapatuloy nito sabay sipa ng malakas sa bolang nasa tabi ko.
"Wala rin ibang nag ta-try out, ate e" pag aalalang saad ni Winter. Hindi ko na alam ang gagawin. Kaka-announce lang kanina na tatanggalin nila ang sports na 'to kasi wala na raw budget na maibibigay sa'min. Pero nag makaawa ako at humingi ng tatlong buwan na palugit para iahon ang team ko at malaking pagpapasalamat ko lang na pumayag sila sa kahilingan ko. Pero ngayon, natatanga na ako. Pressure, stress, and responsibility—nagpatong patong na lahat.
"Let's end the practice nalang muna. Sabihan niyo rin yung iba na huwag mag-alala. Gagawan ko agad ng paraan. Magkita kita nalang tayo dito bukas," I said as I picked up my things and walks inside the locker from the gym to get change. After ko magbihis, umalis na ako sa gym para umuwi.
Kahit naglalakad lakad ako, iniisip ko pa rin kung saan ako hahanap ng skilled players na mag aangat sa team ko. Matagal ko nang pangarap ang makapasok sa national tournament pero mukhang malabo na ngayon dahil sa sitwasyon namin. Paano na? Anong gagawin ko?
Napansin kong nasa parke na pala ako ng school, mga ilang metro ang layo mula rito. Nag decide akong umupo sa isang bench para mag muni muni. Pinikit ko ang mga mata ko at i-enjoy ang katahimilan ng lugar. This is relaxing by the way. Kuma-kalma ang utak ko.
Maya-maya lang nakarinig ako ng maliit na ingay na para bang may bumabato sa isang bagay na aluminum. I opened my eyes to take a look at where the sounds came from. Ang bumungad sa'kin ay isang babaeng nakaupo sa isang bench na katabi ko. She's taller than Seulgi and has this angas vibe on her. Kumukuha siya ng bato at ipinapasok sa trashcan na limang metro ang layo sa kanya—no, wait. Her arms and hands are well-balanced and how relaxed her fingers and wrist are as she throws the rock at the trash can—it went in.
That's it! I want this girl to join my team!
***
"So, you invite her to join our team kasi nakita mong nag sho-shoot siya ng bato sa basurahan?" paniniguradong tanong ni Seulgi na bakas sa mukha ang "seryoso ka ba?" dahil sa desisyong ginawa ko. Tumango lamang ako bilang sagot.
"Nasisiraan ka na ba, captain? Alam kong pressured ka lang. Pwede ka naman humingi ng tulong samin maghanap ng members."
"Trust me with this one, Seul. Mapapamangha kayo sa galing niya." Kinuha ko yung bola at pinasa kay Seulgi.
"Hoy babaeng napulot ni Captain sa basurahan. Anong pangalan mo?" tanong ni Seulgi na agad naman na
Comments