Nightmares and Sunshine

Menage
Please Subscribe to read the full chapter

"Hon, pinapasabi ni mama na huwag mo daw kalimutan tapusin mga projects mo. Bawal daw magdala ng trabaho sa bahay bukas." Taas baba ang kilay na sabi ni Jimin sa kakalabas lang na Minjeong galing sa banyo. Alam kasi ni Jimin kung gaano ka strikto ang mga Kim pagdating sa family time, which is every weekend.

 

Minsan lang naman sila dumayo sa bahay ng parents ni Minjeong. If may occasion lang or if namimiss ng mga grandparents ang mga apo nila. Pero last time kasi, nahuli ni Mama Kim si Minjeong na nagrereply ng emails sa mga client niya. Nakita niya na lang ang asawa na parang nag mamalfunction na robot na kumekembot palayo sa mama niyang gigil na gigil na kinukurot ang tagiliran niya.

 

Dramatic na binagsak ni Minjeong ang katawan sa kama at parang uod na winiggle wiggle ang sarili palapit kay Jimin, at niyakap ang bewang nito.

 

"Tinapos ko na lahat sa company kanina. Ayaw ko na ng part 2 ng kurot session ni mama. Baka gayahin na naman ako ni Wonwon."

 

Humagalpak ng tawa si Jimin ng maalala kung paano ginaya ng bunsong anak nila ang mala robot na kembot ni Minjeong. Naalala pa niya ang sinabi ni Jungwon at ang proud smile nito pagkatapos gayahin ang mama niya.

 

 


"Ma! Ma! Are you dancing? I can do that too!"


At kumembot na nga na parang pato ang baby boy nila habang papalapit sa mama Minjeong niya. Hindi alam ni Minjeong if mahal na mahal lang ba siya ng anak niya or pinagtritripan siya nito. Nonetheless, sinabayan nalang niya ang anak sa mala duck dance nito. Worth it naman and kahihiyan niya ng makita ang kumikinang na mata ng anak nila at a familiar smug smile na kuhang kuha nito sa mommy Jimin niya.

 

 


"Napaka mama's boy talaga ni Wonwon natin. Halos lahat na ata ng mannerism mo ay nakuha niya. Our mini Minjeong." Fond na sabi ni Jimin habang hinahaplos ang buhok ng asawa niya.

 

Hindi naman kasi maipagkakaila na paborito ni Jungwon si Minjeong. Palagi itong nakabuntot sa mama niya tuwing weekend or if makikita niya ito.

 

One time nga kinuha ni Jungwon ang susi ng bathroom nila para lang sumama sa mama niya sa loob. Nagulat nalang si Minjeong ng bumukas bigla ang bathroom door sabay ng pagbukas sana ng butas ng pwet niya para ilabas ang mga masasamang elemento sa katawan niya. Nakita niya ang pagsilip ng mga inosenting mata ng anak bago ito nagtanong kung ano daw ang ginagawa niya sa loob at bakit daw ang tagal niya matapos.

 

Pinagsabihan niya ang anak niya after non. Pero parang natruma ata ang pwet niya sa nangyari.

 


"Hmm. May mini Jimin rin naman tayo." Mahinang sabi ni Minjeong habag iniisip ang anak nilang si Yerim. Kuhang kuha kasi nito ang pagiging maalaga at pagiging bibo ng mommy Jimin nila. Pareho din ata sila na physical touch ang love language. Palagi kasing nakayakap si Yerim sa mga kapatid or sa mga mommies niya. Humahawak sa kamay or kundi kaya, nagpapabuhat lagi.

 

Naalala pa ni Minjeong kung gaano kasakit ang likod at braso niya kakabuhat kay Yerim dati. Minsan nga gusto nalang niya magtago at huwag magpakita sa anak. Dati kasi, pag nakikita siya ni Yerim, automatic na tinataas na agad nito ang mga kamay at may pag pout na agad ang lips. Nabawasan lang ito nung nagkaroon na siya ng baby brother. Sabi ni Yerim, ready na daw siya maging big sister. Si Jungwon nalang daw ang buhatin ni Minjeong instead of her. Feeling ni Minjeong, ginawa lang siyang amusement ride ng anak at may pagbigay pa nga sa new owner.

 

"Mini Jimin na favourite si mama Minjeong?" Halos may halong tampo na sabi ni Jimin. Isa rin kasi si Yerim sa "Minjeong buntoters team." One time, nakita niya naglalakad si Minjeong sa hallway papuntang living room nila habang nakasunod sa kanya si Yerim na hawak hawak sa right hand niya ang pajama sleeves ng mama nila while hawak naman niya sa left hand ang bunsong kapatid na si Jungwon. Para lang talaga silang mga ducklings na nakasunod sa mama duck nila.

 


"Don't worry, favourite ka naman namin ni Hyunjin." Nakangising sabi ni Minjeong sa asawa niya habang hinihigpitan ang yakap nito sa bewang.

 

Kung si Jungwon ay mini Minjeong, at si Yerim ay mini Jimin, si Hyunjin naman ay mini both. Aside sa hati ang features na nakuha niya sa mga mommies niya. Hating hati rin ang mannerism nito. Kuha niya ang pagiging competitive at mapang-asar na ugali ng mommy Jimin niya, habang nakuha naman niya sa mama Minjeong niya ang pagiging calm at random. Though, nakabuntot ito palagi sa mommy Jimin nila.

 

Kagaya ng mommy nila, mahilig din si Hyunjin sa pusa. At minsan ay ginagaya niya ang pag ma-meow ng mga ito. Nung unang beses na narinig ni Minjeong na mag tunog pusa ang anak, akala niya na may aswang sa bubong nila. Buntis kasi si Jimin kay Jungwon at that time. Tapos gabi na din nung maisipan ni Hyunjin na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Privbluu
Sinulat ko yan kaninang madaling araw kaya pasensya na if mukhang sabog yung update :D

Sobrang thank you po sa lahat ng mga nag comments! Nakakatuwa po basahin na nag eenjoy kayo sa sinusulat ko. Thank you din po sa mga nag subscribe at nag upvote!

Comments

You must be logged in to comment
winjeongsimp #1
Chapter 5: grabe hahahahaha puputi kagad buhok ni winter neto
maxiclaine #2
Chapter 5: ako naaawa kay Minjeong. ung stress niya mas mataas pa sa kanya😭
maxiclaine #3
Chapter 5: HAHAHAHAHAHA! KALDAG KWEEN PALA ANG YERIM NA YAN. MANA SA MOMMY EH NOH?
Rettxxies
#4
Chapter 5: Feel na feel ko stress ni winter jusko yerim grabe kang bata ka hskshsksks
gandlafchua #5
Chapter 5: Yerim stress moko
EzraSeige
#6
Chapter 5: Stress na stress si Winteong 😆😆😆
winrinagfs
#7
Chapter 4: napaka UNDERstanding naman pala ni jimin ! 😭😭 nalika ako sa ahas sesh nila ni hyunjin HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA
wnddmks_ 647 streak #8
Chapter 5: Idol ko mga anak nila Minjeong, pwede na kayo sumali sa amateur band contest with interpretative dance HAHAHAHAHA
wintzkie #9
Chapter 5: Lakas ng trip ng mga anak ni Minjeong 😂
ratedkmj
12 streak #10
Chapter 5: feeling ko tatanda si minjeong sa mga anak niya ng wala sa oras