II. Second Reason

Hot & Cold
Please Subscribe to read the full chapter

2. Masyadong maganda si Karina. Kinukulit tuloy si Winter ng mga kakilala niya tungkol sa babae.

 

 

May isang linggo na nang umuwi sila Karina. Totoo ngang dito na ulit sila titira. Nangangailangan daw kasi ng pera yung kapatid ni tito Dan kaya ipinagkatiwala na lang nila ang lechunan sa Cebu habang naisip naman nilang bumalik na at magtayo na lang ng business dito.

 

Isang linggo na pero parang hindi pa tapos mag-catch up ang mga magkukumare at magkukumpare. Kasi kung hindi si Tita Carmela ang pupunta dito para chumika kay mama, si Tito Dan naman ang mangungulit kay papa para uminom. Ang mga magulang ko naman g na g.

 

Minsan inaaya pa ni mama si Karina para turuan magbake. At talagang isang linggo ring pinasara ni mama yung bakery. Ewan ko ba sa kanila.

 

“Winter! Ang bagal mong gumayak! Nilamon ka na ba ng mga damit mo?!” Nakasigaw na naman si mama mula sa sala. Sa’n na ba kasi yung mga jacket ko?! Kung bakit naman kasi ang init-init tsaka nila naisipan na pumunta sa bukid.

 

Magpipicnic daw. At sinong kasama? Syempre pamilya na naman ni Karina. Gusto raw makita ng mga magulang niya ang mga pananim kaya ayan, alas dies ng umaga, katirikan ng araw, nag-aya si papa sa bukid. Pero mabuti na rin at nang mapahinga naman ang atay niya sa alak. Kaysa mag-inom na naman sila ni Tito.

 

“Hello, Win” Nakangiting bati ni Karina paglabas ko ng bahay. Huh? Sa bukid ba ‘to pupunta? Bakit naka-sleeveless lang at shorts? Wala rin naman siyang jacket na hawak.

 

“Bakit? Nasaan na sila mama? May kailangan ka ba?” irita kong tanong. Akala ko ba sasama siya? Tsaka ba’t niya ko kailangang puntahan dito sa bahay?

 

Bigla naman nagvibrate ang phone ko kaya sumenyas ako kay Karina na saglit lang.

 

Jeno: Winter! Sino ‘yang kasama mong chikababes?:D

 

Tang. Hinawi ko si Karina sa harap ko at tinanaw ang bahay nila Jeno sa ‘di kalayuan. Nakasilip sa bintana si gago at kumaway pa.

 

Bwisit. Hinila ko si Karina papasok ng bahay. Mamaya pagnasaan pa siya ni Jeno. Pakboy pa naman ‘yon. “May kailangan ka? Akala ko sasama ka sa bukid?”

 

“Sabi ni mommy sumabay na lang daw ako sayo papunta do’n. Nauna na kasi sila.” Shuta. Kitang ayoko ngang nakikita ‘to tapos ngayon pagsasabayin pa kami.

 

“Eh bakit ganyan suot mo?” Naiirita na ‘ko ngayon pa lang. Pupunta sa bukid ganito ang suot.

 

“Bakit? May mali ba sa damit ko?” Painosente niyang tanong sa ‘kin. At kumukulo na ang dugo ko, ayoko na siyang kausapin. Kaya pumunta na lang ako sa kwarto at kinuha yung flannel na binili ni mama.

 

“Isuot mo ‘yan. H’wag ka na magtanong.” Mabilis akong lumabas ng bahay at hinanda yung motor. Sasabay pala siya ni hindi man lang nagjacket at pants. Nagsusunog yata ‘to ng balat.

 

“Is it okay if I hold on your waist?” Bulong niya. Tinanong ko siya kung sanay siyang umangkas sa motor, hindi raw. Eh bakit pinasabay sa ‘kin?

 

“Bahala ka.” ‘Yan lang ang sagot ko. Ayoko ngang makipag-usap. Sayang laway ko.

 

“Umm sorry.”

 

Bigla

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
128 streak #1
Chapter 2: nubayan kaya pala naiinis kasi dami naaligid kay madam 🤭🤭
irenechan #2
Chapter 2: HAHAHAHAHA ayan karina masyado ka kasing maganda. love the story so far!! will be waiting for the next chpt
oofiee 1027 streak #3
Chapter 2: hay winter 😩
wuloof #4
Chapter 1: Bakit naman kasalanan ni Karina yun
howdoyouknowmee
523 streak #5
Upvoted