I. First Reason

Hot & Cold
Please Subscribe to read the full chapter

 

1. Kung papipiliin ni Winter ang mama niya kung siya ba o si Karina, ang pipiliin nito ay walang iba kundi si Karina.

 

"Winter bumangon ka na riyan, tanghali na!"

 

"WINTER!"

 

"Anong oras na! Bumangon ka na riyan!"

 

"Puyat kasi nang puyat kaya ayan! Tanghali na wala ka pang natatrabaho sa bahay!"

 

Isang magandang umaga nga naman kung ang bubungad sayo ay ang talak ng iyong nanay. Buti na lang medyo magkakalayo ang mga bahay dito, kundi, malamang araw-araw kaming irereklamo ng mga kapitbahay.

 

"Winter!" Mama naman parang nakalunok ng megaphone?

 

"Hayaan mo na munang matulog yung bata. Bakasyon naman. Hayaan mo na munang magpahinga." Ayan buti na lang kakampi ko lagi si papa.

 

Kailangan ko nang lumabas ng kwarto at baka pumasok na naman si mother dear na may dalang walis tambo. Bumangon na ako at inayos ang kama.

 

It really feels good to be home and wake up from mama's everyday morning pagalit haha.

 

Magse-second year college na 'ko at malayo ang university kaya nag-boarding house na lang ako. Umuuwi lang ako every weekend or twice a month kapag masyadong maraming ginagawa. Bakasyon na at ito ako ngayon nag-eenjoy sa pagtambay dito sa bahay.

 

"Good morning, ma. Morning pa." Bati ko sa kanila at naupo sa hapag.

 

Inabutan ako ni papa ng plato na may kanin. Mahal na mahal talaga ko ni father oh. Ito yung lagi kong namimiss eh, yung pag-aasikaso nila sa akin. Even if I'm already 20, the way papa treats me, takes care of me never changed. Para pa rin akong baby kung ituring.

 

"Winter, maglinis ka ng bahay pagkatapos mo riyan at mamimili ako sa palengke ng iluluto mamayang tanghali." Wika ni mama.

 

"Ok po, ma. Pero ano pong meron?" Curious kong tanong. Malinis naman 'tong bahay. May  darating bang bisita?

 

"Bibisita dito sina Tita Carmela mo."

 

Aaaaaahhhh kaya naman pala. Darating sila kumareng Carmela, yung best friend ni mama. Kaya ayan, todo pakitang gilas na naman siya syempre.

 

'Yan kasing sina Tita Carmela, tuwing bakasyon lang umuuwi dito sa Nueva Ecija. Umuwi sila sa Cebu nang mamatay ang tatay ng asawa niya at doon na nanirahan dahil sila na ang namahala sa lechunan ng pamilya nila. Tapos yung mga anak, doon na rin nag-aral. Kaya kapag summer vacation, bumibisita na lang sila dito.

 

Pero dalawang taon silang hindi nakauwi. Ewan ko lang kung bakit. O baka naikwento ni mama, hindi ko lang matandaan kasi hindi ako nakinig. Nakakainis lang kasi magkwento si mama minsan!

 

"Naku, nakita ko noong nakaraang araw si Karina sa peysbuk! Napakagandang bata talaga." Ayan! Ayan ang ayaw ko! Ayan na naman siya sa kaka-Karina niya.

 

Mama is so fond of Tita Carmela's daughter, Karina. At 'yon ang kinaiinisan ko! Kapag nandito sila, puro na lang 'yan Karina Karina Karina. Nakakarindi. Si Karina na maganda. Si Karina na matalino. Si Karina na mabait. Si Karina na prim and proper. Edi siya na!

 

"Valedictorian si Karina nung elementary."

"1st place sa photojournalism si Karina."

"Magaling mag-swimming si Karina."

"Valedictorian si Karina nung high school."

"Bakit 'di mo gayahin si Karina? Puro kayo lakwatsa ng mga kaibigan mo."

 

Wala 'kong pake, ma! Please tama na kaka-Karina mo. Siyempre hindi ko naman masabi dahil nanay ko 'yan. Baka hambalusin ako ng walis tambo sa puwet.

 

"Hoy, Winter nakinig ka ba sa binilin ko?!" O tamo. Nananahimik lang akong kumakain dito, galit na agad sa 'kin.

 

"Opo ma, aakasin ko po yung sampay bago magtanghalian." Nakikinig ako 'no! Kala mo naman sa 'kin, ma?

 

Naghugas na ko ng pinagkainan at nagsimulang maglinis ng bahay.

 

Walis dito, walis do'n. Punas-punas. Lampaso. Magdilig ng halaman ni mudrabels. Pati cr nilinis ko na rin. At nakuha ko na rin ang mga sinampay. Pagod na pagod lang ako grabe.

 

Kasalanan mo 'to Karina!

 

Kasalanan mo 'to Tita Carmela!

 

Huy joke lang mabait 'yon si tita. Kung ang nanay ko ay mahal na mahal si Karina, love na love na love naman ako ng nanay niya. It's a tie! Lagi pa nga akong kinukumusta no'n ni tita. Araw-araw siyang nagsesend ng good morning GIF sa 'kin yung may flower flower. O pak!

 

Pagkauwi ni mama, tinulungan ko na siyang maghiwa ng m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
130 streak #1
Chapter 2: nubayan kaya pala naiinis kasi dami naaligid kay madam 🤭🤭
irenechan #2
Chapter 2: HAHAHAHAHA ayan karina masyado ka kasing maganda. love the story so far!! will be waiting for the next chpt
oofiee 1032 streak #3
Chapter 2: hay winter 😩
wuloof #4
Chapter 1: Bakit naman kasalanan ni Karina yun
howdoyouknowmee
527 streak #5
Upvoted