VIII.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Para akong prinsesa ngayon kung makaasikaso ang kapatid ko. Utusan ko kayang hanapan ako ng yoghurt?

 

 

 

Pero si Ate Tiffany?

 

 

 

Inaaway niya pa si ate para labahan 'yung bikini na dala ko kanina! Hot pink daw! Good luck na lang sa'yo, Ate Taeyeon. Pero knowing ate? Under 'yan eh!

 

 

 

"May mga naiwan pa ba doon?" Tanong ni Ate Yuri na grabe kung makatitig sa akin.

 

 

 

"Opo. Marami pang laman 'yung box. Puro bikini yata laman- Aray! Bakit ka ba nambabatok?!" Kanina lang inaasikaso ako, tapos ngayon basta-basta na lang babatukan? Tama naman sinabi ko ah? Tapos baka magustuhan din ni Ate Tiffany.

 

 

 

Gusto rin kaya ni Karina ng bikinis?

 

 

 

"Tinatanong kasi ni Yuri kung may mga biters pa nung umalis ka! Alam mong bata ka- Hay nako! Hyoyeon! Nabitawan mo ba 'to nung baby pa?"

 

 

 

"Let's save the jokes for later. I think, need natin pag-usapan on how we should deal with the current problem." Seryosong putol ni Ate Tiffany sa magbabarkada. Nakaupo siya ngayon sa sofa katabi nina Yeji at Ningning. Si Ryujin at Lia ay kasama raw ngayon ng ate ni Ryujin. Baka doon na muna matutulog ngayong gabi. Si Ate Sunny ay busy na naghahasa ng mga kutsilyo. Si Ate Taeyeon, Ate Yuri, at Ate Hyoyeon ay nakatayo sa harap ko. Tanaw ko naman si Karina mula sa pwesto ko. Nakaupo lang siya sa isa sa mga airplane seats na naiwan sa loob. Naka-cross ang arms.

 

 

 

"Unang-una, kailangan ma-inform ang lahat ng tao dito na may nakapasok na isa sa mga 'yun dito sa loob. Ang sabi ng mga lalaking nag-volunteer mag-barricade ng airport na wala na raw lulusutan ang mga biters papasok. Mukhang nagkamali sila doon."

 

 

 

Tama si Ate Sunny. Mahirap na. Baka paggising namin bukas, puro RAA RAA na naririnig sa baba. Made-dethrone na si Lady Gaga.

 

 

 

"Kailangan ko rin mabalikan 'yung mga nagkalat pang mga bagahe sa lobby."

 

 

 

"Bakit? Babalikan mo 'yung mga bikini?" Pang-aasar ni Ate Yuri bago lumingon sa likod niya. "Karina! Baka magulat ka na lang paggising mo may gumigiling na sa harapan mong naka-bikini!"

 

 

 

"I'll go and inform my sister." Tumayo si Ate Tiffay para sana lumabas pero pinigilan ni ate. 

 

 

 

"Delikado sa labas. Hindi natin sigurado kung iisa lang 'yung mga 'yun o kung may mga kasama pa 'yun na nakapasok."

 

 

 

"Nasa malapit lang silang plane, Taetae. I'll be fine. Rina, do you wanna go, too?"

 

 

 

Lumapit si Ate Tiffany kay Karina. Si Karina naman nakatingin... sa akin?

 

 

 

Tumaas ang kilay ko, silently asking her. Nakatitig pa rin siya sa akin, pero ngayon, tinaas na rin niya ang kilay niya. 

 

 

 

Teh, hindi ko gets. 

 

 

 

Sa sobrang hindi ko gets, nahanap ko na lang 'yung sarili kong nakabuntot sa magkapatid papunta sa plane ng kapatid nila. Tinulak kasi ako ni ate para sumunod sa dalawa. Bantayan ko raw, lalo na 'yung jowa niya at pag-uusapan pa raw nila kung ano ang gagawin nila sa issue. Binigay naman niya sa akin ang handy-dandy kutsilyo niya. Maghahanap sana ako ng baril kaso mukhag wala eh. 

 

 

 

Bakit kaya sa mga movies parang ang accessible sa mga bida ang baril? Hindi pa madalas maubusan ng bala! Idagdag mo pa 'yung mga pana nila na parang naka-unli arrows!

 

 

 

"Pre, sure ka bang biter 'yung nakita mo? Baka naman kuyang lasing lang?" Bulong sa akin ni Ryujin. 

 

 

 

Nakasimangot ako ngayon habang nakasandal lang sa gilid. Paano ba naman kasi? Jowa pala ng ate ni Ryujin si crush Ate Irene. 

 

 

 

Uy! Hindi ako nagseselos ha! Napatunayan ko lang na ang-dense ko pala talaga. Matagal na pala silang mag-jowa. Akala ko noon, mag-besties lang sila. 

 

 

 

"She's telling the truth, Ryujin." Pagdedepensa ni Karina na nakalapit na pala sa aming dalawa. Kasama na niya ngayon si Lia. 

 

 

 

Pinakwento nina Ryujin at Lia ng mga nangyari. Kinuwento ko naman pero hindi ko na sinama 'yung sa bikini part. Please lang. Alam ko na ang takbo ng isip ni Ryujin. Kababata naman ni Ryujin si Lia kaya malamang sa malamang, nalason na rin ni mokong ang utak ng kababata niya. 

 

 

 

Nakabalik naman kami kaagad sa designated plane namin. 

 

 

 

Pero syempre nakikain ako sa kanila. Ang sarap kaya ng pagkain dito sa kanila. May inihaw na hotdogs tapos marshmallows pa! May pineapple juice pa! Tapos may M&Ms!

 

 

 

Bakit 'yung pagkain sa plane namin puro sardinas at sky flakes?

 

 

 

Naubos na kasi namin ni Ningning 'yung mga snacks kanina. Hehe. 

 

 

 

Favorite ko na si Ate Yeri. Sorry, Ate Seulgi. Pinabaunan kasi ako ni Ate Yeri ng four packs ng Milo. May papapakin kami ni Ningning mamaya bago matulog. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naputol ang himbing ng tulog ko sa pagkalakas-lakas ng tili ng kung sino man 'yun na sumigaw. 

 

 

 

Napatingin ako sa bintana. 

 

 

 

Hala? Ang dilim pa lang tapos may nag-iingay na?

 

 

 

Titignan ko sana sa phone ko kung anong oras na kaso lahat pala ng phones namin ay dead batt na. 

 

 

 

Napabangon na ako dahil sa malakas ulit na tili bago sunud-sunod na sigaw na ang narinig ko. Gising na rin ang mga kasama ko. Nakasilip din sila sa bintana pero katulad ko kanina, mukhang wala rin silang maaninag sa labas. Katulad nga ng sinabi ko, madilim pa. 

 

 

 

Malalakas na katok ang narinig namin sa pintuan. Tumakbo si Ningning para buksan sana pero napigilan ni Ate Yuri. 

 

 

 

Ramdam ko bigla 'yung lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na yata kape ang dahilan ng palpitations ko. 

 

 

 

Habang hawak ni Ate Yuri ang kitchen knife, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Ulo ni Ryujin ang lumitaw, hinihingal. Nagmadali siyang pumasok kasunod ni Lia bago pumasok sina Ate Irene, Ate Seulgi, Ate Yeri, Ate Joy, at Ate Wendy. 

 

 

 

"Irene!" Tatakbo sana si Ate Tiffany para salubungin ang kapatid pero pinigilan ng kapatid ko. 

 

 

 

"Wait." Siya ang lumapit, kasama si Ate Sunny at Ate Yuri. Sinimulan nilang tignan ang mga katawan nina Ryujin. "Walang nakagat sa inyo?"

 

 

 

"Wala, Ate Taeyeon." Si Ate Wendy ang sumagot. "Nagmadali kaming pumunta dito pagkarinig namin ng mga sigaw."

 

 

 

"Anong nangyayari sa baba?" Tanong ni Ate Yuri pagkatapos ilapag ang kitchen knife sa lamesa. 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊