VI.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Anong gagawin natin?!" Natatarantang napatayo si Ningning na kaagad namang hinila ni Ryujin para umupo. 

 

 

 

"Hinaan mo nga 'yang boses mo." Nakatiim-bagang na sita ni Ryujin. 

 

 

 

Napatingin ako sa iba pa naming mga kasama. 

 

 

 

Nakasubsob lang ang mukha ni Lia sa pagitan ng akap-akap niyang mga tuhod. Si Yeji ay nakatitig lang kay Ryujin, naghihintay yata ng sasabihin pa ng kaibigan ko. Si Giselle ay nakaakbay na kay Ningning, habang may binubulong. Mukhang pinapakalma niya 'ata. Si Karina, kanina pa nginangatngat ang kuko.

 

 

 

Bakit kaya may mga taong hindi maiwasang ngatngatin ang mga kuko o mga balat sa gilid ng mga kuko nila? 

 

 

 

Sinubukan kong kutkutin 'yung sa akin. 

 

 

 

Napangiwi ako. Masakit pala. 

 

 

 

Napatingin ulit ako kay Karina. Ang sakit naman ng paraan niya ng pag-iisip. 

 

 

 

Napatingin ako sa mga daliri ng mga kasama ko. 

 

 

 

Don't judge! 

 

 

 

Matino naman ang mga kamay nila. Walang parang kagat-kagat, hindi katulad ng kay Karina. Kay Lia? Maayos. Kay Giselle? May nail art pa! Kay Yeji? May nail polish. Kay Ryujin? Pwede na rin. Kay Ningning-

 

 

 

Teka nga? 

 

 

 

Bakit may marka ng kagat-kagat?!

 

 

 

"I have a plan." 

 

 

 

Si Giselle. 

 

 

 

Hindi ko inaasahan na sa lahat ng nandito, sa kanya ko maririnig ang mga salitang 'yun. 

 

 

 

Hindi dahil ang tingin ko sa kanya ay- basta 'yun! Hindi 'yun!

 

 

 

Lahat kami ay nakatingin na sa kanya, pati si Lia na nakayuko lang kanina. 

 

 

 

Kahit anong plano, papakinggan ko na. Ganito na siguro kapag desperada. Kahit na nakasarado na ang sliding door, rinig na rinig ko pa rin ang paminsan-minsang kalabog ng pintuan sa loob ng kwarto.

 

 

 

"We need to create a noise. Based from what happened earlier-" Napasulyap pa siya sa katabi niya. 'Yung number one cause ng ingay. "It seems like they're attracted to it."

 

 

 

Sunud-sunod na kalabog na ang narinig namin mula sa loob. 

 

 

 

"Girl, kung ano man 'yang iniisip mo, spill it na!" Natataranta na pinaghahampas ni Lia ang braso ni Giselle. 

 

 

 

"We need to make a diversion! Some kind of noise!"

 

 

 

Sandali lang naman! Bakit puro kalabog na sa pinto! Sumasapaw mga excited mag-mukbang! Kami kasi ang mag-iingay! Hindi sila!

 

 

 

"What do you su-"

 

 

 

Wonder pets! Wonder pets! Kikilos na! 

 

 

 

Hala-

 

 

 

Natataranta kong kinuha ang phone ko sa bulsa!

 

 

 

Ililigtas ang-

 

 

 

"H-hello?" Oo. Marunong manginig ang boses ko. 

 

 

 

"Sinasabi ko sa'yo, Winter, ikaw ang una naming iaalay!"

 

 

 

"Shush!" Sinuway ni Yeji ang maingay na bunganga ni Ningning. 

 

 

 

Rinig na rinig ko na ang malalakas na kalabog sa loob ng kwarto. Hindi pa ako handang maging karne!

 

 

 

["Win!"] Ate ko! Hindi ko na napigilang umiyak. Na-miss ko ang boses ng ate ko, okay! ["Anong floor room ninyo? Nandito na kami sa labas."]

 

 

 

"A-Ate nasa- Huhuhu! Ate ko! N-Nasa-"

 

 

 

"Hello? This is Karina." Inagaw na sa akin ni Karina ang phone ko at siya na ang nagsabi ng mga detalye kay ate. 

 

 

 

Sinimulang paghahampasin ni Ningning ang braso ko. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na i-mute mo na 'yang phone mo?! Ano?! Maliligtas ba tayo ng Wonder Pets mo?!" 

 

 

 

"Oh my gosh! Tone down your voice, Ning!" 

 

 

 

"Don't shout at her, Yeji!" Depensa naman ni Giselle sa kaibigan ko. 

 

 

 

"Ay pre, 'wag mo ring sigawan si Yeji." Hinarang naman ni Ryujin ang kamay niya sa pagitan nina Yeji at Giselle. 

 

 

 

"Oh, sige. Mag-ingay pa kayo." Sabi Lia sabay turo sa sliding door na nagsisilbing harang namin. "Lakasan niyo pa. Excited na akong maging ulam ng mukbangers. Ako na 'yung beef bulgogi. Si Karina? Pwedeng beef wagyu. Si Yeji na ang pork tenderloin. Si Ningning naman pwedeng jajangmyeon. Si Giselle pwedeng japchae. Si Ryujin na ang kimbap. Eh ikaw, Winter? Gusto mong maging baby potatoes? "

 

 

 

Natahimik ang lahat. Nakakatakot si Lia. Ang kalmado pero deadly.

 

 

 

Pero mukha ba akong patatas? 

 

 

 

"Yes. I can see you."

 

 

 

Napalingon kaming lahat kay Karina na nakatayo na pala at nakatingin sa baba. Halos sabay-sabay kaming napatayo at tinignan kung anong tinitignan niya, maliban kay Ryujin na nakatayo pero nakaharap sa direksyon ng kwarto. 

 

 

 

Si ate ko!

 

 

 

"Sina Ate Taeyeon!"

 

 

 

"Unang alay ang jajangmyeon." Puna 'agad ni Lia kaya mabilis na nagtakip ng bibig si Ningning. 

 

 

 

Ligtas ang patatas!

 

 

 

"Yes, ate." Sagot ulit ni Karina. "We think na marami sila sa labas ng room. And with their noise, I'm pretty sure they're attracting more."

 

 

 

Nanahimik ulit si Karina. Nakatitig lang ako sa phone ko na hawak niya. Ako rin! Pakausap din sa ate ko! Ate ko 'yan eh!

 

 

 

"Okay. I'll inform them. We'll see you later, ate."

 

 

 

Binalik sa akin ni Karina ang phone ko. "Ate?"

 

 

 

"She ended the call na. And that was Ate Sunny. Your sister and Ate Yuri are on their way to get us."

 

 

 

Anong get us?

 

 

 

Paakyat sila dito?! Hala! Masyadong delikado!

 

 

 

Napansin yata ni Karina ang pag-aalala ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ang lamig ng mga kamay niya. Oo nga. Hindi ko kailangan ngayong mag-inarte. Hindi lang naman ako ang kinakabahan. Pansin ko rin naman na talagang lamigin ang mga kamay ni Karina, pero ngayon? Hindi lang lamig ang mayroon siya, nanginginiig pa ang mga ito. 

 

 

 

Tatanungin ko siya sa susunod kung gusto niyang imasahe ko ang mga kamay niya. Pambawi man lang. Para na rin matanggal ang lamig-lamig niya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊