V.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos naming makuha ang mga pagkain sa kabila. Sa mga unang araw, gusto na nga sana namin ni Ryujin lantakan ang ibang mga chichirya (lalo na 'yung chocolates), pero sinigurado nina Karina na hindi kaagad mauubos ang mga pagkain. 

 

 

 

Wala bang special treatment sa akin?! Ako kaya ang nagpakahirap at nag-ala akyat-bahay para lang makuha 'yung mga 'yun?!

 

 

 

Lalo na 'yung bigas! 

 

 

 

Dahil sa sako ng bigas, muntikan ko ng makita ang mga magulang ko!

 

 

 

"What's with the pout?"

 

 

 

Tumabi sa akin si Karina sa dulo ng kama. Wala pang natutulog ngayong gabi. Sa ilang araw naming magkakasama, kapansin-pansin na rin ang closeness ng bawat isa. Nakikipagbiruan na rin si Yeji kay Ryujin ng hindi nagsusungit. Hindi pa rin namin alam ni Ning kung bakit parang kilalang kilala ni Lia si Ryujin. Si Giselle at Ningning naman- may kakaiba akong nararamdaman sa dalawang 'yun. Ed Caluwag, itabi mo na.

 

 

 

"Hey." Siniko pa ako?

 

 

 

"Ako nanaman natripan mong guluhin, Karina. Sumali ka na lang kaya sa kanila." Nguso ko sa direksyon ng mga kaibigan naming naglalaro ngayon ng braha. 

 

 

 

"Let them enjoy this moment first." Napalingon ako sa katabi ko dahil sa lalim ng buntong-hininga na pinakawalan niya. "I heard you and Ningning last night. I hope you don't mind me eavesdropping."

 

 

 

Ah. 'Yung kagabing ngawa ko.

 

 

 

"Nakakahiya." Napayuko ako pero minabuti ko munang huwag isipin ulit 'yun. "Hindi naman kita masisisi. Sa ingay ba naman ni Ning, talagang may makakarinig."

 

 

 

"But are you okay?"

 

 

 

Bumalik ang tingin ko sa mga kaibigan namin. Pinaghahampas nanaman ni Yeji si Ryujin dahil mukhang dinadaya nanaman ni mokong ang mga kalaro niya, lalo na si Yeji na katabi niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nagpapasalamat talaga ako na kasama ko sila ngayon.

 

 

 

"Hindi ko alam kung masasabi kong okay ako. Alam ko rin na kahit kayo ay hindi okay. Hindi niyo ba nami-miss ang pamilya niyo? Kasi ako? Pakiramdam ko mababaliw na ako kasi hindi ko alam kung kumusta na si ate. Siya na lang ang natitirang mayroon ako." Hindi ko alam kung narinig ba niya lahat ng sinabi ko sa hina ng boses ko. Tama na 'yung ngawa ko kagabi.

 

 

 

"Wanna hear a story?" Napalingon ulit ako kay Karina. Nakangiti siya pero 'yung mga mata niya- may naglalarong kinang. Alam kong hindi lang ako ang may dinadala dito, na bawat isa sa amin, may mga nakatagong kwento sa likod ng mga ngiti, bungisngis, o tawa.

 

 

 

"Go, Madam Charo." Natatawang sabi ko. Resulta? Siko nanaman ni Pres. Sungit.

 

 

 

"There once a young girl-"

 

 

 

"Ay. English story pala- Aray!"

 

 

 

Kinurot ba naman tagiliran ko?!

 

 

 

Napatingin tuloy ang mga kaibigan namin. Kitang-kita ko pa 'yung ngiting-kabayo ni Ning. Subukan lang niya akong asarin. Akala niya ha. May picture kaya ako ng holding-hands-while-sleeping nila ni Giselle.

 

 

 

"Baka mamaya niyan magulat na lang kami puro pasa na sa bugbog si Winter." Asar ni Ryujin sa amin. Hindi naman 'ata siya nagkakamali. Malaki ang posibilidad na baka gawin akong punching bag ng katabi ko.

 

 

 

"Just return to your game." Pagtataray nanaman ni Karina bago bumaling nanaman sa akin. "Do you wanna hear the story or not?"

 

 

 

"Tuloy mo na, President Sungit." 

 

 

 

Inirapan lang ako, pero akala niya 'ata na hindi ko nakita 'yung sandaling pagngiti niya. Huli ka, Karina!

 

 

 

"Where was I? Ah. There was a young girl who suddenly experienced an abrupt change in her life after her mom finally became a resident of the kingdom above. She found herself living with her dad and half-siblings. Take note, she had no idea that she has a father or siblings even. Kahit na ngayon, hindi niya pa rin alam kung paano maging anak sa dad niya. O kung paano maging kapatid sa mga ate niya. Maybe that's the reason why she didn't join the Performing Arts Club, unlike her friends... Because her life- it's already a theatrical stage."

 

 

 

Pwede bang yakapin 'to? 

 

 

 

"Sana 'wag mo kaming kalimutan kapag nabigyan ka na ng Best Actress Award."

 

 

 

Biglang kumunot ang noo ng kausap ko kaya napatawa ako. Halata naman sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. 

 

 

 

"Dahil hindi kami mawawala. Lagi kaming nandito para sa'yo." Sabi ko bago marahang pinisil ang pisngi niya. "Huwag kang mag-alala, hindi kami sasaeng."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"We only have three cup noodles, a loaf of bread, and a few bottles of water left." Nakapalumbaba sa lamesang saad ni Giselle. Kanina pa niya binibilang 'yung mga pagkain sa lamesa. Siguro nagbabaka-sakaling dadami kapag inulit-ulit niya ang pagbibilang. 

 

 

 

"We need to find food soon." Nakanguso na si Yeji. Kailangang nakaharap pa talaga sa akin?

 

 

 

"Bakit kapag si Yeji ang nag-pout, ang cute? Bakit kapag si Ningning parang mukhang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊