II.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"True, bestie. What are the odds nga naman." 

 

 

 

Nagmadali akong pumasok sa loob ng kwarto at ni-lock ulit ang sliding door. Nadatnan kong humahagikgik si Ningning habang naka-focus naman si Ryujin sa phone na hawak ngayon ng kaibigan namin.

 

 

 

["Hold on, Rina's here na."] 

 

 

 

Nakarinig kami ng mga boses na nag-uusap-usap. 

 

 

 

"Anyare sa'yo? Bakit namumutla ka?"

 

 

 

Hindi ko muna pinansin ang tanong ni Ryujin at ang pagtaas ng kilay ni Ningning.

 

 


Lumagok muna ako ng tubig.

 

 

 

Hindi ko alam kung saan ba ako nagulat.

 

 

 

Sa nakita ko bang ate girl na parang nag-mukbang ng ketsup ang kahitsuraan ng pagmumukha?

 

 

 

Sa eksena ba sa kalsada na parang may marathon dahil na-realize nila na taggutom na dahil sa pagtaas lalo ng inflation?

 

 

 

O sa mukha ni Pres. Sungit, at sa kumpleto niyang front teeth?

 

 

 

Mga bagang ang hindi ko nakita.

 

 

 

"Winter! Huy! Okay ka lang?"

 

 

 

["Winter's there na? Hi, Winter!"] Uy. Si Pres. Yeji.

 

 

 

Ayaw ko sana maging rude pero ang hirap makipagbatian after ng mga na-witness ko kanina. Huhuhu, sorry, Pres. Yeji.

 

 

 

"Hi, Yeji. Hehe."

 

 

 

Hehe? 

 

 

 

Seryoso, Ryujin? Hehe?

 

 

 

["..."] 

 

 

 

"Ang pangit mo kiligin!" 

 

 

 

"Makareklamo ka naman, Ning? Bakit? Ikaw ba si Yeji, ha?"

 

 

 

"Hindi, pero magka-level kaya ang ganda namin." Sagot naman ng isa with matching hawi pa ng buhok.

 

 

 

Nagmaganda pa nga si bruha.

 

 

 

["I'll call later na lang, Ning."] Si Giselle na ulit ang sumagot. Nag-bye muna sila sa isa't isa. Dagdag pa 'yung 'Bye, Yeji, aking crush' ni Ryujin. Malala ka na, kaibigan.

 

 

 

Pagka-end ng call, parang nasa interrogation room pa tuloy kami sa grabe ng pagtitig ng dalawang 'to sa akin. 

 

 

 

"Spill."

 

 

 

Napakurap ako.

 

 

 

Ha?

 

 

 

Spill ng?

 

 

 

Nakatitig pa rin sila sa akin.

 

 

 

Napatingin ako sa bote ng tubig na hawak ko.

 

 

 

Spill ko 'to? As in itatapon ko ang laman? Eh kasasabi lang ni Ate Taeyeon kanina na importante ang tubig? Tsaka mababasa ang sahig? Delikado.

 

 

 

"Ning, umaandar nanaman kashungahan niyan."

 

 

 

"Pansin ko nga."

 

 

 

"Excuse me? Nasa harapan niyo lang ako?"

 

 

 

Bumuntong-hininga si Ryujin bago nagsalita ulit. "Namumutla kang pumasok kanina. Anong nakita mo sa labas?"

 

 

 

Ah. 'Yun pala.

 

 

 

Kinuwento ko lahat ng nakita ko kanina, simula kay ate girl na nag-ketsup mukbang hanggang sa correction ng akala ni Ryujin na baka walang ngipin si Pres. Sungit.

 

 

 

"Wait-"

 

 

 

"Win-"

 

 

 

3... 2... 1...

 

 

 

At 'yan na nga.

 

 

 

Akala mo parang mga nalulunod na unggoy kapag tumatawa.

 

 

 

Ano bang nakakatawa sa kinuwento ko! Huhuhu!

 

 

 

"Wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko, ha?! Tsaka 'wag nga kayong maingay! Dalawang kwarto lang pagitan natin kay ate girl! Hindi pa natin alam kung safe 'yung ibang rooms!"

 

 

 

"Pero kasi bes-" Tapos hagalpak ulit ng tawa si Ningning. 

 

 

 

Anuba!

 

 

 

Naunang kumalma si Ryujin. "Pre, hindi naman kasi 'yun 'yung tinatawanan namin. Bigla mo kasing sinama sa kwento mo si Pres. Pati ba naman 'yung ngipin niya kasama pa sa kwento mo."

 

 

 

"Ha? Eh 'di ba ikaw 'yung nagsabi na baka kulang o walang ngipin si Pres. Sungit kaya siya hindi makangiti?"

 

 

 

Mas lalong humagalpak ng tawa si Ningning. Konti na lang ako na k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊