I.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Wonder pets?! Seryoso, Winter?! WONDER PETS?!"

 

 

 

Tinaas ko lang ang kamay ko para senyasan si Ning na manahimik muna.

 

 

 

Hinihingal akong sumalampak sa sahig. Tinignan ko agad kung kumusta ang mga kaibigan ko. Si Ryujin, nakatulalang nakatayo sa harap ng pinto ng unit na tinutuluyan namin.

 

 

 

"Kung nag-silent ka lang ng phone- Hay nako, Winter Kim! Nanggigigil ako sa'yo, bruha ka!" Sumalampak na rin siya sa tabi ko at sinimulang paghahampasin ang braso ko.

 

 

 

"Wonder pets, wonder pets-"

 

 

 

"Kasasabi lang!" 

 

 

 

Bago ko pa masagot 'yung tawag sa phone ko, hinablot na agad ni Ning at siya na ang sumagot.

 

 

 

"ALAM MO BA NA- Ate Taeyeon?!"

 

 

 

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. 'Agad ko ring binawi kay Ningning 'yung phone ko at nanginginig na sinagot.

 

 

 

"A-ate?"

 

 

 

["Winter."] Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago nagsalita ulit. ["Winter, okay ka lang ba? Nasa loob ba kayo ng unit niyo? Wala na kayo sa concert venue, 'di ba? Nasugatan ka ba? 'Yung mga kaibigan mo? Okay lang ba sila?"]

 

 

 

Ngayon ko lang narinig 'yung ganitong tono sa boses ng kapatid ko.

 

 

 

Nag-aalala siya.

 

 

 

Ate ko! Huhuhu! 

 

 

 

Pero, no. Si ate ngayon 'yung parang natataranta. Ako dapat 'yung duwag sa amin, eh! 

 

 

 

"Ate, hinga muna." Hindi ko rin naiwasang huminga ng malalim. "Okay lang ako. Okay kami."

 

 

 

Napatingin ulit ako sa mga kasama ko. Si Ningning, naka-focus ng todo sa usapan namin ni ate. Sarap tuloy tusukin ng mata. Si Ryujin... Wala na siya sa tapat ng pinto. Nagkukutingting na ng phone habang palakad-lakad sa loob ng kwarto. 

 

 

 

"Kumusta ka, ate? Si Ginger? Si Zero? Sinong kasama mo?"

 

 

 

["Okay lang kami, Winter. Wala na ako sa bahay. Kasama ko sina Ate Yuri at Ate Hyoyeon mo. Papunta kami kina Tiffany at Sunny ngayon."] May narinig akong mga boses at tunog ng sasakyan.

 

 

 

"Anong nangyayari? Si Ginger? Si Zero?" Nagtanong ulit ako. Pinindot ko ang speaker button ng phone ko para marinig ng mga kaibigan ko kung ano man ang sasabihin ng kapatid ko.

 

 

 

["Umiwas kayo sa matataong lugar. As much as possible, mag-stay lang kayo diyan sa unit niyo. Mag-ready kayo ng water, food, at as much as possible, fully charged lagi mga phones niyo. Sabihin mo sa kina Ningning na bawasan ang pag-iingay at laging naka-lock ang pinto. Walang papapasukin na kung sinu-sino. Kung hindi kailangang kailangan na maghanap ng necessities, pakiusap, iwasan ninyong masugatan kung may makakasalubong kayong katulad ng nakita ninyo kanina."]

 

 

 

Kumunot na ang noo ko. "Ate, hindi ko pa rin maintindihan. Tsaka bakit hindi mo sinasagot tanong ko? Si Ginger? Si Zero?" 

 

 

 

Narinig namin na parang may mga boses na nag-uusap bago may magsalita ulit. 

 

 

 

Si Ate Yuri.

 

 

 

["Win, naaalala mo 'yung pinanood natin noong elem ka pa lang? 'Yung dahilan kung bakit mo pinilit si ate mo na i-enroll ka sa Kendo class?"] Nanlaki ang mata ko. Pati expressions ng mukha ng mga kaibigan ko ay nag-iba.

 

 

 

Hindi. Impossible naman 'ata. 

 

 

 

"Ate Yuri naman. Bakit magkaka-walkers dito? Sa America lang 'yun, 'di ba? Tsaka 'yung mga kumakagat kanina hindi naman mukhang dugyot. May isa pa nga na naka-headband na may mukha ni Harry Styles! Tapos 'yung isa may mga neon lights pang nakasindi sa katawan niya habang may minumukbang!"

 

 

 

From America...

 

 

 

Dala kaya ni Harry my loves 'yung mga walkers?

 

 

 

Nooooooo! Harry Styles!

 

 

 

["Paalis na kami. Winter. Tatawag ulit ako later mamaya, ha?"] Si Ate Taeyeon na ulit ang nagsalita ["Winter, diyan ka lang. Diyan lang kayo. Pupuntahan namin kayo. Pupuntahan kita diya-"]

 

 

 

Bago pa ako makasagot, namatay na 'yung tawag.

 

 

 

Kung hindi ganito ang sitwasyon, tatawanan ko nanaman si ate.

 

 

 

Hindi nanaman na-register. Ubos nanaman regular load ni ate.

 

 

 

Tsaka hindi niya sinagot tanong ko! Si Ginger! Si Zero! Kakalbuhin ko talaga si ate kapag nalaman kong may nangyari sa mga pamangkin ko! 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊