Tonight.

Tonight.
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi na ba.. Hindi na ba talaga pwede?" maluha luha kong tanong sa girlfriend kong si Karina.

Malungkot na rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Tinigil niya ang paglalagay ng mga damit niya sa maleta nang makita na paiyak na naman ako. Agad siyang lumapit at binalot ako ng kanyang mahigpit na yakap.

"Baby.." malambing niyang tawag sa akin habang marahang hinahaplos ang aking buhok.

Siniksik ko pa lalo ang ulo ko sa dibdib niya nang maisip na iiwan niya na talaga ako. It will be the first time mula nang nagkakilala kami. Lalo akong nalungkot sa naisip.

"Look, my love. Maybe we should go on a trip, para hindi ka na malungkot bago ako umalis bukas, hmm?" 

Tinaas ko ang aking tingin nang hindi inaalis ang ulo na nakasandal sa kanyang dibdib. Nagtagpo ang mga mata namin at nakita ko ang paluha niyang mga mata.

"We'll watch the sunset, my love."

Tumango naman ako. Our last sunset before...

 

Masaya ang relasyon namin ni Karina. Matalik kaming magkaibigan noon. Parati pa naming binibiro na hindi kami kailanman magkakadevelopan dahil pareho kaming babae at literal na lumaki nang magkasama. Para na kaming magkapatid, madalas pa naming sabihin. Safe to say, busog na busog kami sa mga salita namin.

 

Hindi naman kasi talaga namin gusto ang isa't isa noon, hindi pala. Akala ko kasi hindi namin gusto ang isa't isa noon. Pero nung araw na 'yon? Nag iba ang ihip ng hangin. Pero who can I blame? Sobrang ganda ni Karina. Mababading ka talaga. We were on a road trip noon, nasa passenger's seat ako habang busy magdrive si Karina. Siya pa lang kasi ang nakakakuha ng lisensya, at isa pa, nakakatakot mag-aral magdrive kaya hangga't kasama ko siya, magiging passenger princess lang ako. Isa pa, gustong gusto niya naman akong ipagdrive kaya wala rin siyang reklamo... Siguro.

"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car"

Agad kaming nagkatinginan at napatawa nang magplay ang kantang 'yon. Sakto pa talaga sa pagkakabukas ko ng bintana kaya nililipad din ang buhok ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana noon at mahinang humihimig sa kanta nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Win," tawag niya kaya agad ko siyang nilingon.

"And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening"

Nasaktuhan pang nagred ang stoplight kaya gaya nang kanta, kitang kita ko ang pagtama ng ilaw nito sa mga mata niya. Nililipad ang buhok niya papunta sa mukha niya kaya parang automatic na gumalaw ang kamay ko para tanggalin iyon. Napaigtad pa siya sa hawak ko at matagal kaming nagkatitigan kaya mas lalo ko pang nakita kung gaano talaga siya kaganda. Everything about her that night seemed so perfect. Ang pagtama ng ilaw ng buwan sa kanya, ang paglipad ng buhok niya dahil sa hangin, ang mapupula niyang mga labi, ang mahahabang pilik mata, at nasabi ko na bang ang ganda ganda ng mga bilog niyang mga mata? Ang ganda ni Karina. Sobra pa sa sobra. Bulag ba ako noon para hindi iyon makita? Hindi ko rin alam.

"Daan tayo sa mcdo?" pag-iiba niya ng topic, hindi na halos makatingin sa akin.

Mahina pa ring nagpplay ang kanta at hindi na ako mapakali sa lakas ng tibok ng puso ko. Straight si Karina, pero ako? Bading. Lalo na ngayong ang ganda ganda niya, bading na bading na bading...

"Win! Come here!" tawag niya sa akin habang may hawak na bagong gawang flower crown.

Nagpunta kasi kami sa isang flower farm. Oo, gabi na pero iba rin kasi ang trip ni Karina. Punong puno ng mga dilaw na bulaklak na hindi ko alam ang pangalan. At ang pinakamagandang bulaklak sa lahat ay nasa gitna ng mga ito, suot ang bulaklaking summer dress na itim. Nakangiti siya ngayon sa akin at kumakaway kaway habang may suot ding flower crown. Gusto pa atang makipagcouple sa akin. Ang pangalan ng bulaklak? Karina Yu. Oo na, down bad na kung down bad.

Tinapos ko muna ang paglapag ng mga gamit namin sa picnic mat bago siya pinuntahan sa gitna ng maraming bulaklak na hindi naman ganon kaganda kung ikukumpara sa kanya. Nang makarating ako sa kanya ay agad niya akong sinuotan ng flower crown at umakbay para sa picture. Nagpeace sign lang ako dahil hindi naman ako mahilig magselfie pero nanigas na lang ako nang halikan niya ang pisngi ko bago magpicture. Natatawa tawa siya habang tinitignan ang picture namin na 'yon habang ako ay hindi pa makarecover sa pinaggagagawa niya.

"Win, look at you! Nanlalaki pa ang mata," pang aasar niya pa.

Pabiro ko siyang hinampas, "kumain na nga lang tayo, ang pangit mo talaga."

Natatawa pa rin siya hanggang matapos kami kumain. Ang awkward ko raw kasi, hindi ba niya alam na hirap na hirap na akong itago ang kabadingan ko para sa kanya? Siguro nga ay hindi, kasi kung alam niya, hindi niya ako yayakapin nang ganto. Ang higpit ng yakap niya mula sa likod ko at nakapatong pa ang baba sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya kaya hindi ako gumagalaw sa takot na dumikit ang mga labi niya sa leeg ko at makalimutan ko nang magtimpi sa straight na babaeng 'to.

"Win, pangit ba talaga ako?"

Agad akong kumawala sa yakap niya para harapin siya. Naiirita kasi ako, seryoso ba talaga siya sa tanong niya? Eh kulang na lang luhuran siya nang lahat ng lalaki (at mga bading na gaya ko) sa school?!

"Pinagsasasabi mo dyan?"

Nakatawa siyang umiling iling, "wala, nagsasadgirl lang. Bakit kasi parang di naman ako gusto ng crush ko?"

Napakunot ang noo ko. Kailan pa nagkacrush 'to? Wala naman siyang sinasabi.

"Sino ba 'yang crush mo nang mapatignan natin ang mata?"

Tinitigan niya ako nang matagal bago umiling, "Wala, di mo kilala."

 

At this point, you might've guessed it right. Ako ang crush ni Karina na akala niya ay hindi siya gusto. At dahil dakila rin pala akong manhid, hindi ko nahalata hanggang nakilala namin si Giselle, kaibigan ni Ningning na galing sa Paris. Maganda si Giselle, baluktot ang dila dahil hindi sanay sa Tagalog pero wala namang nagrereklamo. Sino ba namang magrereklamo eh ang cute niyang magtry? Hindi siya gaya ng mga babaeng nag iinarte lang kaya hindi marunong mag-Tagalog, she tries so hard na makisabay it's so adorable. Pero hindi 'yon ang problema ngayon. Ang problema ay unang kita pa lang namin ay agad na akong niyakap at nakakapit sa braso ko buong break. Idagdag mo pang ang lambing (malandi sabi ni Karina) niya sa pagsasalita dahil galing sa City of Love, oo, joke ko 'yon.

"Lover, where ka punta after class? You should shop with me instead!"

Oo, ako ang "lover" ni Giselle kaya todo na ang simangot nito ni Karina na nasa harap namin ngayon.

Tinitigan ako ni Karina nang masama, may plano kasi kaming mag ice cream date mamaya.

"Ah, kasama ko si Karina mamaya eh."

Nginitian ako ni Giselle, "that's great then! We'll hangout tatlo!"

"You won't mind, right?" pagtatanong niya kay Karina.

"Edi kayo na lang," malamig pa sa yelong sabi ni Karina bago kami iwan tatlo.

"Is she galit or..?"

Umiling ako, "sundan ko lang."

Hindi naman ako nahirapang humabol kay Karina dahil tumigil din siya agad. Nasa may garden kami ngayon at naupo lang siya sa ilalim ng isang puno doon, nakasimangot pa rin.

"Bakit ba galit na galit ka kay Giselle, Karina? Nakikipa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
osumnevercease
#1
Chapter 1: cute huhuhu
zero123
#2
Chapter 1: Yung proposal scene talaga aaaaaaaaa 🥺🥺 “matagal na kong umoo, mahal” sheeesh when kaya