Chapter 8
Pagbuksan
"Dito ako banda sa may entrance malapit sa fountain."
"Ano ba kasi suot mo? Andaming tao, hindi kita makita teh!"
"Makikita mo ako agad, isa lang naman fountain dito!"
"Ano? Teka ang ingay- wait malapit na ako.. ate excuse me, padaan.. ay ayan Win nakikita na kita!"
Binaba ko na ang tawag at hinintay lumapit si Ning na parang shungang kumakaway-kaway. Kung may banner lang sana siyang dala, papasa na siyang taga-sundo ng kamag-anak sa airport eh.
"Kanina ka pa, teh?"
"Hindi, kadarating ko lang. Dumiretso na ako dito from Terminal eh."
Tiningnan ni Ning ang dala kong bag. "Don't tell me dala mo pa diyan mga gamit mo?"
"Malamang teh," tumawa ako at pinakita ang sling bag ko. "Konti lang naman 'to. Tsaka sabi mo kasi bawal ma-late."
"Korique! Yan gusto ko sa'yo Winter eh." nagsimula na kami maglakad papasok sa venue. Medyo marami na ring tao ang pumapasok. Meron pa kaming muntik mabangga buti nalang nakaiwas si Ate agad.
Sabi ni Ning kikitain na lang daw namin ang mga kasama niya after ng event. Saglit lang naman daw nila need magpakita du'n and pwede na silang umalis. Gusto ko siyang batukan. Nagmadali pa naman akong umalis kanina, sabi niya kasi 6pm sharp.
"Winter, if you want kuha ka na muna ng drinks du'n. Malapit naman na raw naman sila matapos."
Nag-decide na lang din akong sumunod. Sakto kanina pa ako nag-ccrave ng milktea. Paano ba naman ang sarap-sarap ng higop nung katabi ko kanina sa bus. Muntik pati akong madala sa sarap ng higop niya eh.
"Isang dark choco cookie nga po, Ate. 50% sugar lang."
"Sige po, Ma'am. Tawagin na lang po namin name niyo, mga 10-minute wait lang po ha medyo marami kasing tao."
Tumango naman ako kay Ate. Understandable. Hindi ko pa alam kung anong event 'to pero mukhang big time ang Organizer judging by sa dami ng tao. Hmm, matanong nga si Ning mamaya. Mukhang maganda bigayan dito sa Department ng friend niya ha. Emi.
"One dark choco cookie for Winter!"
Saktong nag-text na si Ning na kasama niya na ang friends niya at naghihintay daw sila sa may fountain. Na-curious tuloy ako lalo sa mga kasama niya kasi infairness, punctual ha. Hindi nga ako naghintay nang matagal.
"Winter, this is Lia." Pakilala ni Ning sa babaeng katabi niya na malaki ang ngiti. Mukhang friendly naman si Ate Girl at kumaway pa.
"Hi Lia, Winter." Kumaway naman ako sa kanya pabalik.
"Hi, I'm Ryujin! High five!" Nagulat naman ako sa taas ng energy ni Ate. Nakipag-high five na rin ako kasi nakakahiya naman na patagalin pa yung kamay niya, mukhang abangers eh.
"Ryujin ang hyper mo talaga." Tumawa siya nang mahina bago lumingon sa'kin. "Hi, I'm Chaeryeong. You can call me Chaer." Simpleng ngiti naman ng babaeng katabi ni Ryujin. Mukha siyang mahinhin pero mukha namang mabait.
"Hi, Chaer." Ngumiti rin ako sa kanya. Give and you shall receive, norn.
Magsasalita na sana si Ning nang may biglang dumating na babae. Mukhang hingal na hingal siya at kagagaling lang sa takbo. Napansin ko na tumutulo ang pawis niya kaya inabot ko ang panyo ko sa kanya. Parang nagulat siya pero tinanggap niya rin naman at nagpasalamat.
"Thanks..?"
"Winter. Her name's Winter." Ning answered for me, side eyeing me. Anong problema nito?
"Oh, so you're Winter. Hi Winter, I'm Yeji." She extended her hand for a handshake. "Sorry medyo pawis, I ran from the stage agad pagkatapos ng event eh."
Ang cute niya ha.
"Hello din po.."
"