Chapter 19 - Part (1)
Pagbuksan
"Winter, here." Lumapit ako kay Ning na nakapwesto sa bandang likuran ng restaurant. "Malapit na raw sila."
We're currently here sa McDo, waiting for Giselle and Karina. Nag-decide sila na sabay-sabay na kami pumunta sa office since they're bringing a car naman daw para hindi na kami ma-hassle sa mga bitbit namin.
The company rented vans naman para sa Team Building but Giselle insisted on bringing a car just in case daw na hindi kami magkasya. Medyo marami-rami rin kasing attendees this time dahil maraming mga bago.
Wala namang problema sa'kin. Para na rin kasi kami nagkaroon ng silent agreement na mag-bonding more frequently eversince mag-sabay kami kumain nu'n sa gazebo. Surprisingly, hindi naman kami naging awkward nina Giselle. It helped din na machika si Ning kaya I didn't have a hard time being comfortable with them.
Also, there's Karina. Si Karina na kasalukuyang ginugulo ang utak ko. After kasi namin mag-usap ni Yeji, parang nakakaramdam ako ng kakaiba whenever I'm with her. She's still the same as usual pero parang may sudden unspoken connection kami lately.
After that talk with Yeji, mas naging particular na ako sa mga actions ko towards Karina.
Narealize ko na may mga ginagawa ako na sa kanya ko lang naman nagagawa.
Una, hinahanap-hanap ko 'yung presensya niya. Pagdating sa office, siya kaagad ang unang tinitingnan ko kung dumating na siya.
Pangalawa, accomplishment sa'kin ang mga tawa niya. Nakakaramdam ako ng kakaibang saya 'pag tumatawa siya sa jokes ko.
And pangatlo, nilo-look forward ko 'yung mga salitan namin ng messages sa Instagram every end of day. Simpleng hello pa lang niya para na akong aatakihin.
Ito na ba 'yun?
Nagugustuhan ko na ba siya?
Jusko, ang hirap naman maging bading.
Lalo na kung sobrang ganda ng taong magugustuhan mo.
"Earth to Winter." I was awoken from my reverie when I heard Ning tap my shoulder. Kanina pa pala ako nakatulala.
"Bakit? And'yan na ba si Karina?"
Napansin ko ang nakakalokong ngiti ni Ning. Shet, na-loud speaker ko na naman ata ang iniisip ko.
"Ikaw teh ha, napapansin ko na. Lately parang hinahanap-hanap mo 'yan si Karina ha."
"Baliw," Yumuko na lang ako at nag-decide mag-phone. Hindi pa ako ready magkwento kay Ning.
Ma-chat na nga si Karina. Ang tagal naman nila.
You: Hi, Karina. Saan na kayo?
I am not expecting her to reply, but I'm hoping she would. Parang hindi ako mapakali na naghihintay lang sa kanya.
You: Malapit na ba kayo? Ingat kayo ha.
You: Andito na kami ni Ning. Inform mo lang ako kung may gusto ka ipa-order. :)
"Baka nag-ddrive 'yan, teh. Mamaya mo na i-chat ang bebe mo." Tiningnan ko si Ning na ngayon ay may pang-asar na ngiti.
"Bebe ka diyan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo."
"Chill," She laughed at me. "Miss na miss masyado eh."
"Hindi ah."
"Sus?" Asar niya sa'kin na parang tawang-tawa pa.
"Hindi nga." Tiningnan ko siya. "Hindi ko siya hinahanap. Kahit one hour pa sila bago dumating, okay lang." Shet, knock on wood. Kahit the next minute na sana.
"Okay, sabi mo eh." She shrugged and looked at the door behind me. "Oh, ayan na pala sila eh."
"Saan?!" Napalingon naman ako sa pinto agad.
Pero wala akong nakita.
"Huli ka, girl!" Narinig ko ang malakas na tawa ni Ning. Hirap na hirap pa siyang i-compose ang sarili niya. Pinagtitinginan na tuloy kami.
"Ang ligalig mo." Saway ko sa kanya.
"Karina pala ha," She smiled at me after she recovered. "Don't worry, I won't tell."
"There's nothing to tell."
She just shrugged and winked at me. "Or baka wala pa for now?"
I decided to not answer at baka ano pa masabi ko. Baka mapaamin ako ng wala sa oras, mahirap na. Hindi pa pwede dahil ako mismo ay hindi ko pa nasosort nang maayos ang feelings ko.
And also, if there's someone who should know whatever it is I'm feeling, it should be no other than Karina herself.
Wala nang iba.
"Hi, sorry traffic." I felt someone pull the chair beside me. I looked up and saw her, smiling at me.
"Hi, Karina..."
"Morning, Winter." She sat beside me. "Sorry hindi ako naka-reply, I was driving."
"It's fine.." I smiled at her. "Nasa'n pala si Giselle?" Napansin ko kasi hindi niya ito kasamang pumasok.
"She's still outside, talking to someone. I think it was Boss Taeyeon."
"I see." Tumango lang naman ako.
"Nag-decide na ako pumasok, gusto na kita makita."
Jusmiyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Para na naman akong aatakihin, nasa'n na ba 'yung inhaler ko?!
"Ehem."
Narinig ko ang mahinang ubo ni Ning. Oo nga pala, kasama nga pala namin siya.
"Sorry, andito pa po ako."
Karina just smiled, while I looked weirdly at Ning. Gaga ka, bakla. 'Pag ikaw talaga nagdaldal.
"Sorry Ning," Karina looked at her, smile not leaving her face. "Pati ikaw, I mean. Pumasok ako para makita na kayong dalawa."
"Ahh, okay." Ning said while raising her brows at me mockingly. "Akala ko kasi props lang ako dito."
Awkward na tumawa lang ako kay Ning. Karina then looked at me, eyes are asking 'anong meron?'. Hindi ako sumagot, hindi ko rin naman kasi alam kung anong isasagot ko.
Thankfully, pumasok naman na si Giselle. She told us na andu'n na sina Boss Taeyeon and as expected, kulang ang mga vans. Boss Taeyeon said na since may dala naman daw kaming sarili, pwede na kami mauna dahil naghihintayan pa sila.
I silently thanked Boss G for insisting na magdala ng sasakyan. Jusko, ayoko naman mag-commute pa-Subic if ever.
When we reached the parking lot, I was expecting to see Giselle's car but instead I saw a familiar black SUV - Karina's. Twice ko pa lang nakikita ang sasakyan niya pero madali ko itong natandaan dahil na rin sa prominent variant name na naka-imprint sa likod nito: Ford Territory.
Sosyal.
"Wow, kotse mo 'to Giselle? Ang gara!" Elibs na elibs na sabi ni Ning. Akala mo ngayon lang nakakita ng sasakyan eh.
"Nope, it's Karina's. There's no way I can drive an SUV." Giselle chuckled while shaking her head.
"Ahh, grabe ka pala Karina! Pangmalakasan!" Pumalakpak pa si Ning habang pumapasok sa sasakyan ni Karina. Feel at home lang si teh.
I was about to sit at the back beside Ning but Giselle beat me to it.
"Sorry Winter, I'd rather sit in the back. Gusto ko matulog sa biyahe eh."
Mahina na lang akong napatango.
Shuta, it can only mean...
"I think dito ka na ulit, passenger princess." Karina was all smiles as she opens the door for me.
Passenger princess ka diyan...
Napahawak ako sa dibdib ko. Shuta, ito ba 'yung kinikilig?!
"Huy Winter, ang dami mong keme!" Ning rolled down her windows and shouted at me, "Wag mo na paghintayin ang beb- best- yes bestie natin! Let's go!"
She immediately rolled down her window before pa ako makasalita. Pota ka bakla, manglalaglag ka pa!
"Sorry, ito na sasakay na." I alighted the vehicle and put my seatbelt on.
Tumawa lang naman si Karina at pinaandar na ang sasakyan.
"Tara?"
All of us nodded and Karina started driving.
Nagsimula na ako magdasal na sana kayanin ko ang almost 3 hours na biyahe. Lord, alam ko naman na hindi ako ganu'n kabait.. pero please guide me.
Sana hindi ko