Chapter 10

Pagbuksan
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter! Kanina pa kita hinahanap!" Kakapasok ko pa lang ng floor nang makita ko si Ning na papalapit sa'kin. "Saan ka galing?"

 

"Diyan lang." 

 

"Saan nga? Pinuntahan kita sa station mo kanina pero wala ka na du'n eh. Nauna ka na kumain no? Hindi mo manlang ako hinintay!" Aba, nagtaas pa ng kilay si bakla. Kailan pa 'to naging clingy?

 

"Diyan nga lang, kulit mo naman beh."

 

"Weh? So sa labas ka pa kumain no? Ano yan? Pasalubong?" Kinuha niya ang paper bag na dala ko na may lamang pasalubong para kay Gi. Pinahawak muna sa'kin 'to ni Karina kasi may need siyang kuhanin sa mailroom saglit.

 

Akmang bubuksan na ni Ning ang laman ng bag nang saktong dumating si Karina. May hawak siyang malaking box at mga paper bags na mga mukhang mabibigat kaya naman nilapitan ko na siya para tulungan. Kung alam ko lang na marami siyang bitbit sana pala sinamahan ko na siya.

 

"Ako na dito sa box, Karina." Kinuha ko ang malaking box. Bakas sa mga mata niya ang papasalamat, mukhang hirap na hirap siyang bitbitin eh.

 

"Thanks, Winter. Are you sure you can carry that hanggang sa station?"

 

"Of course, si Winter pa ba."

 

Ay nakalimutan ko, andito nga pa rin pala si Ning. 
 

"Hi, Miss Yu." Napatingin si Karina sa kanya na nginitian naman niya nang malaki. "Ano 'yan? Bakit ang dami mong dala?" Nako po, ito na nga ba ang sinasabi ko. Chismosa talaga 'to.

 

"Nothing. Just some stuff from my previous site." 

 

"Oh, I see. Mukhang madami-dami 'yan ah. Buti pala sakto andito si Winter at natulungan ka."

 

"Oo nga Ning eh, pero sana tumutulong ka rin." Bara ko naman sa kanya. Tinawanan lang ako ni gaga.

 

"Kaya mo na 'yan. Kakainin ko na lang 'tong dala mo." Binuksan ni Ning ang laman ng paper bag. Nasa kanya pa nga pala 'yun!

 

"Wait Ning--"

 

"Wow! Paano mo nalaman na favorite ko 'to?" Tuwang-tuwa si Ning at hindi magkandaugaga kung paano bubuksan ang box ng cheesecake. Nako po, nakakahiya kay Karina.

 

Tiningnan ko si Karina na nakangiti lang naman. Parang wala lang sa kanya na nakuha ni bruha 'yung para sana sa friend niya. 

 

Still, I shot her an apologetic look which she just brushed off instead by mouthing "let her have it." Nako pasalamat ka Ning mabait 'to si Karina.

 

Maya-maya ay dumating na rin naman ang elevator. Mabuti naman walang masyadong laman. Sumakay na kami nina Karina habang si Ning ay hindi na ata napigilan ang gutom at tinikman na kaagad ang cheesecake. Ang tindi talaga nito. Nang-agaw na nga ng food, hindi pa kami tinulungan magbitbit.

 

Pagkadating sa floor, dumiretso ako sa station ni Karina. Mabuti na lang wala pa dito si Giselle. Nakakahiya naman kasi kung hingan kami ng pasalubong at wala kami maibigay dahil sa pang-aagaw ni Ning. 

 

Karina started to fix her stuff. Mukhang madami-dami siyang gamit from her previous office ah. I wonder lang how she would fit all those sa pwesto niya. I think I even saw a camera there.

 

It looks like she has the same dilemma as me. Andami nang nakapatong sa table niya yet marami-rami pa rin nakakalat sa floor. It didn't help that she has the smallest station among as four. Yun na lang kasi ang natitirang pwesto nung dumating siya dito sa'min.

 

Pwede niya naman siguro ilagay sa station ko pansamantala ang iba niyang gamit? Ang hirap naman kasi mag-work kung crowded 'yung area niya diba?

 

I was about to tell Karina my idea nang may mapansin akong familiar figure na papasok sa floor. Is that Yeji? Or kamukha lang?

 

"Win, andito si Yeji!" Ning confirmed my guess nang makapasok na si Yeji sa station namin. What is she doing here?

 

"Uy Yeji, napadalaw ka?"

 

"Hey Winter, Ningning. I brought lunch." Yeji smiled while showing us a plastic bag full of Jollibee takeaways. "I figured na puntahan naman kayo dito for a change." 

 

"Wow, iba ka talaga bes! Thank you!" Literal na nagningning ang mata ni Ningning nang makita ang dala ni Yeji. Patay gutom talaga 'to. Parang hindi kakakain lang ah.

 

"Nag-abala ka pa, Yeji. Nakakahiya." I guided her to my table para mailapag ang bitbit niya at makaupo na sila. Nakakahiya kasi effort na pumunta siya dito instead of i-text or tawagan na lang kami.

 

"Wala 'yun." Yeji just shrugged. "Lagi nalang kasi kayo ang dumadayo eh. Besides wala akong kasabay, sina Ryujin kasi nag-off site." I see, kaya pala.

 

"Buti pala naisipan mo dumayo dito beh! Sakto nagugutom na ako eh. Ito kasing si Winter hindi ako manlang ako sinabayan mag-lunch."

 

"Really? You've eaten na?" Yeji shifted her look at me, eyebrows furrowed. 

 

"Ahh oo, lumabas kami kanina." napakamot naman ako ng ulo. 

 

"Kami?" Takang-taka naman na tingin ni Ning. "May iba ka na? Pinagpalit mo na ako?!"

 

Inirapan ko lang siya. "Ang OA mo. Si Karina kasama ko, long story." Ayoko naman ikwento 'yung part na na-ambush lang ako ni Giselle kaya ko sinamahan si Karina. 

 

Probably because hanggang ngayon nakangiti pa rin ako pag naaalala ko 'yung mga napag-usapan namin ni Karina kanina.

 

Mukhang ququestionin pa sana ako ni Ning nang bigla naman magsalita si Yeji.

 

"I see. Oh well nakakain ka na pala. " Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero parang napansin kong biglang nalungkot ang mata ni Yeji. "Siya ba si Karina?" She looked at the table adjacent to my station - Karina's.

 

"Yeah," sinundan ni Ning ang mata ni Yeji. "She's Miss Yu or Karina pala, as per Winter." Ning then looked at me, nang-aasar.

 

"Hmm, I see." Yeji nodded, now looking at me. "Pero bakit siya kasabay mo instead of Ning?" Is it just me or bakit parang I suddenly felt too much curiousity in her tone.

 

"Busy kasi siya kanin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
fallenwinter
finally! 👀 have y’all seen the necklace Jimin’s wearing in the cover? ENJOY!

follow me on twitter: @_fallenwinter
No comments yet