Noa
Drunk and Asleep?Willow
"Noa, si Kaia nga pala, girlfriend ko. Lovey, si Noa, 'yung kinekwento ko sa'yo?"
Tumango naman si Kaia at agad nginitian si Noa.
"Hi," maikling bati ni Noa bago ibaling ang tingin sa akin, "kanina ka pa dito? Akala ko di ka na pupunta eh!"
Tumawa naman ako, "pwede ba namang wala ako? Edi nagtampo na si Yui nyan."
Napangisi na lang din siya, alam kasi naming pareho kung paano magtampo ang kapre na 'yon. Panigurado, magttweet na naman 'yon magdamag ng mga sad quotes.
"Puntahan natin para malaman niyang andito na kayo?"
Tumango naman ako kaya agad akong hinatak ni Noa sa kamay.
"Lovey! Halika na!" sigaw ko nang mapansing hindi nakasunod si Kaia sa amin.
Agad naman siyang tumango at sumunod na sa amin ni Noa na magkahawak kamay pa rin dahil siksikan. Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso ni Kaia sa kabilang braso ko habang sumisiksik kami sa dami ng tao ngayon. Masyado kasing friendly si Yui, kaibigan ata ng buong school.
"Lovey naman! Kaibigan ko nga lang si Noa.."
Galit na naman siya. Nagpapaalam lang naman ako na lalabas kami ni Noa mamayang gabi dahil birthday niya pero bigla na lang tumahimik ang girlfriend ko at akala mo ay di ako naririnig.
"Lovey, promise, hindi lang kami ni Noa ang nandoon. Kung gusto mo, isasama pa kita. Sige na, please?"
"Alam mo namang ayaw sa akin ng kaibigan mo. Bakit mo ako dadalhin don?" galit niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagscroll sa cellphone.
Kinuha ko ang cellphone niya kaya agad niya akong sinamaan ng tingin pero hindi ko 'yon ininda.
"Hindi niya ayaw sa'yo, lovey naman."
Inirapan niya ako at nagcross arms pa, "alam ko ang tinginan niya. Tigilan mo ako."
Hindi naman siya magpapatalo kaya binalik ko na lang sa topic. Naliligaw na naman eh.
"Lovey, sasaglit lang ako. Birthday niya 'yon. Hindi pwedeng hindi ako pumunta."
Tinaasan niya ako ng kilay, mukhang inis na inis na, "Bakit naman kailangan? Nanay ka ba ng kaibigan mo kaya kailangan nandon ka? Ikaw ba ang may birthday kaya hindi ka pwedeng mawala?"
Napabuntong hininga na lang ako. Eto na naman eh. Ang unreasonable. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw niya na lagi na kasama ko si Noa. Hindi naman maiiwasan 'yon dahil kaklase ko sa lahat ng subjects si Noa. Eto ang di niya maintindihan kahit ilang beses naming pagtalunan.
"Lovey naman. Si Noa at Yui lang ang kaibigan ko, kailangan ko bang layuan sila para hindi na natin pag-awayan?"
Agad siyang umiwas ng tingin, "Okay," malamig niyang sabi, "sasama ako. Wag mo akong iiwan don ha?"
"PUP!" sigaw nang nakainom nang si Noa nang dumating kami sa Kwangya Club kung saan siya magcecelebrate ng birthday niya.
Agad siyang tumakbo papunta sa amin at niyakap ako. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Kaia sa kamay ko kaya agad kong nilayo si Noa para makita niya na may kasama ako. Nakangiti pa siya nang maglayo kami pero nang mapansin ang katabi ko ay agad naging seryoso.
"Happy birthday, Noa," bati ni Kaia nang magkatinginan silang dalawa.
Inabot ni Kaia ang