Because of Yui...
Drunk and Asleep?Noa and Willow
"WILLOOOOOOOOOOOOOOW," sigaw ni Noa habang nagsstretching sa couch ng kwarto ko.
"Tatapusin ko pa nga sabi 'to, Noa. Wag makulit," saway ko sa kanya kaya naman wala siyang nagawa kundi ngumuso at tahimik na magmaktol.
Bored na naman ata. Sinabi ko naman kasi sa kanyang gagawa ako ng assignment, hindi pa sumama sa gala ni Yui. Edi sana lasing na siya ngayon at hindi bored dito sa kwarto ko?
Ilang minuto pa ay hindi na siya nakatiis at tumabi sa akin, "Alin pa ba ang nahihirapan ka? I can help."
Napangiti ako, buti na lang talaga at may napakatalino akong kaibigan. Tinuro ko agad sa kanya ang last three problems na kanina ko pa hindi mapalabas ang tamang sagot. Agad niyang inagaw ang papel at lapis ko sabay sulat ng solution habang pinapaliwanag ito sa akin.
"Ayan ha, gets mo ba?" tanong niya matapos niyang ipaliwanag ang unang problem.
Agad ko siyang niyakap nang mahigpit, "thank you, Noa! Kaya mahal na mahal kita eh," paglalambing ko.
"Ako rin," nahihiya niyang sagot, "umayos ka na nga, may dalawa pa dito oh!" sabi niya sabay tulak sa akin palayo.
Natawa na lang ako, ilag pa rin talaga sa pagsabi na mahal niya ako eh halata ko naman, luh.
"Ganito naman 'to, let x.." mahinahon niyang pagsisimula sa sunod na problem.
Ilang sandali lang ay natapos na namin ang mga natitira sa problem set na assignment namin. Inayos niya na ang gamit niya at nagtetext na ata kay Yui kung pwede pa kaming humabol sa kanila. Pero duda akong makakasagot pa si Yui, paniguradong busy na 'yon magtwerk at lumaklak na parang walang bukas. Hindi ako nagkamali dahil agad kong nakita ang paglalim ng kunot ng noo ni Noa kasabay ng pagsimangot niya sa akin.
"Ayaw na sumagot! Sabi niya hihintayin niya tayo!"
Napatawa ako, "kailan ba naghintay ang lasengga na 'yon?"
Hindi pa rin nawawala ang simangot niya kaya naman lumapit ako at kinurot ang pisngi niya. Nagtagpo ang mata namin at agad ko siyang nginitian kaya't agad siyang umiwas at kinuha na naman ang cellphone na binato niya sa kama kanina dahil sa pagkairita.
Kitang kita ko dito ang namumula niyang mga pisngi, may nakita ata sa cellphone kaya agad ko siyang inasar.
"Ano, nanonood ka na ng dolb dyan? Pulang pula ka, beh," biro ko sa kanya.
Sinamaan niya ko ng tingin at agad akong hinampas sa braso.
"Lumabas na nga lang tayong dalawa! Lal