Ang Natamaan

Ang Bucket List ni Karina
Please Subscribe to read the full chapter

"Aray ko!"

 

Natamaan ako sa braso ng bola dahil sa spike ni Winter

 

"Girl! I told you iwasan mo yung bola ni Winter, target locked ka niya e" saway sakin ni Ning

 

Nag lalaro kase kami ng Volleyball for P.E. Kalaban ko na naman si Winter as usual. Hindi ko ba alam bakit galit na galit siya sa akin palagi.

 

Wala naman akong ginawang masama sa kanya, as a matter of fact, wala akong ginawang masama sa kahit kanino.

 

I try to be nice to every one kasi. I don't want any bad rumors na makarating sa parents ko. 

 

"Mag pa bench ka na lang kaya!" suggestion pa ni Ning

 

"Hindi pwede, baka 'di ako mag ka grade for this activity, alam mo na-" natigil ang pag salita ko ng natamaan na naman ako ng  bola

 

Pag silip ko sa kabilang side ay nakita ko na naman ang mapang asar na ngiti ni Winter.

 

Nakita ko naman si Ningning na parang pasugod na kay Winter kaya agad ko naman siyang pinigilan

 

"Hayaan mo na Ning, 'wag mo na lang pansinin"

 

"Wala akong pake kung siya pa founder ng biggest frat dito. Gawin ko siyang founder ng building para makita niya hinahanap niya e"

 

Siniko ko na lang ang bestie ko. Matapang lang kase siya sa salita, kapag harap harapan na tiklop naman kay Winter

 

Lahat naman ata ng estudyante dito tiklop kay Winter pero hindi naman siya bully kahit may pag ka siga siya at leader ng biggest fraternity sa school

 

Sa akin lang talaga siya laging may galit. Kahit naman snob siya sa iba, hindi niya inaabuse ang pagiging black belter niya sa taekwondo

 

Hindi ko lang talaga alam kung bakit galit na galit siya sa akin. We barely interact din naman kahit noong freshie pa lang kame.

 

Kahit ako ang libero, laging sa akin pinapatamaan ang bola kapag nag spike or serve si Winter.

 

Kaso malakas at mabilis talaga ang mga bola niya kaya lagi akong naaasinta sa braso.

 

Sadya rin niya siguro para mas mahirap kong i-receive yung mga bola na pinapalo niya

 

Hindi ko rin naman kase forte ang pagiging libero, mas angat kase ako as spiker. Kaso walang gusto mag libero sa amin.

 

Being a teamplayer, ako na lang ang nag paraya at nag take ng libero para everybody happy.

 

They won 2 sets while we only won 1 set. 24 - 17 ang score, lamang ang Team nila Winter, isang puntos na lang ay talo na kame.

 

She's serving, wala man lang strategy sa serve niya, she's directly looking at me, everyone knows sa akin niya na naman dadalhin ang bola

 

I breathed heavily preparing for her serve. Nagulat na lang ako ng tumalon siya. She never did a jump serve before

 

Ang sakit! Extra heavy pa yung palo niya!

 

Natamaan na naman ako sa ulo, sa sobrang lakas ay napahiga pa 'ko kaya nauntog pa yung ulo ko sa sahig.

 

"Winter! Ano ba! Kanina mo pa tinatarget si Karina! Bakit mo naman binato sa mukha? ang lakas pa ng serve mo!"

 

"I'm sorry Sir Minho, I'm just targeting their weakest link"

 

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Yung tama ko sa ulo o yung sinabi niyang I am the weakest link

 

Napatayo ako ng nakita ko na ngang sinugod ni Ning si Winter, sinubukan niya hampasin si Winter pero hinawakan niya lang yung wrist ni Ning at 'di na niya maigalaw ang kamay niya

 

Napatakbo na rin tuloy ako para puntahan at pigilan si Ning sa pinag ga-gawa niya kay Winter

 

"Walang hiya ka talaga! Wala naman ginawang masama sayo si Rina! Bitawan mo ko! Sasapakin kita!"

 

Akmang kakagatin na Ning ang kamay ni Winter pero nahawakan ko na siya

 

"Tama na Ning, Okay lang naman ako"

 

Kumalma naman si Ning ng akbayan ko siya at inakay para umalis kaso 'di pa man kami nakakailang hakbang ay kinalabit na ako ni Winter

 

"I am sorry na I hit your face, I didn't mean to" sabi pa ni Winter

 

Hindi ko naman mawari kung sincere ba yon kase wala naman kahit anong ekspresyon sa mukha niya

 

"It's okay, tama ka naman, I'm not a good libero, I'm the weakest link on our Team" 

 

Mas mapait pala marinig pag galing sa sariling kong bibig. 

 

"Hoy hindi yan totoo bestie!" sabat agad ni Ning

 

"Alam mo naman pala e" malamig na tugon ni Winter sakin

 

Ang kapal naman ng mukha nito! Akala ko ba nag so-sorry siya?

 

"Aba't sumo-" tinakpan ko na lang ang bibig ni Ning dahi parang mag raratatat na naman ito

 

"Your positions should be based from your skills, you're not helping your team to be better, they're just becoming mediocre players who plays for fun when we have to be competitive since Minho wants us to compete against other schools, don't forget we only have few months left to prepare"

 

Hindi na lang ako sumagot, sumasakit pa rin kase yung ulo ko and I feel a little bit dizzy pa

 

Nabigla pa nga ata ako as I feel a bit more lightheaded ng tumakbo para mapigilan si Ning

 

"Ang daming sinabi, siya nga hindi team player e" bulong pa sakin ni Ning

 

Nararamdaman ko pa rin na kumikirot yung ulo ko kaya nag request na lang ako na mag punta munang clinic. 

 

Madali naman pumayag si Sir Minho at nangakong pag sasabihan si Winter to play properly

 

Nag katinginan pa kami sa mata ni Winter bago ako tuluyang nakalabas ng Gymnasium

 

Tinawag ni Sir Minho si Manong Guard para i-assist ako pumunta ng clinic

 

Nang makadating ako sa clinic ay binigyan ako ni Doc Seulgi ng painkiller at pinahiga sa available bed.

 

Nahirapan nga lang ako humiga dahil mas nararamdaman ko yung sakit ng ulo ko. Bumukol pa nga ata.

 

"Ano ba'ng nararamdaman mo Karina?"

 

"Medyo nahihilo po ako at sobrang masakit po yung ulo ko, parang may kumikirot kirot po"

 

"If that's the case, I think mas better na rin na mag pa check up ka since sabi mo nga nauntog yung ulo mo, pa check-up ka na kaya sa Tita mo" 

 

"Sige po, I'll contact her po"

 

"That's good, 'wag ka muna din matutulog"

 

Doc Seulgi gently pressed the cold compress sa ulo ko

 

Hi Tita! :)

Magandang Evening! <3

 

 

Kumusta naman ang napaka maganda kong pamangkin na mana sakin? 💗

 

 

Well actually Tita, gusto ko sana pumunta diyan para mag pa check-up...

 

 

Ha? Hindi ako FP Doctor baby girl, kahit family tayo, 'wag ka sakin mag pa checkup, refer kita sa friend ko

 

 

Ay...

Nauntog po kase ako >.<

 

 

Ha!? Naku! Sige puntahan kita sa school mo

 

 

'Di na po Tita, ako na lang po punta diyan sa hospital niyo <3

 

 

Wala ko sa hospital today, naka long birthday vacay ako e

 

 

Tapos na po b-day niyo ah, four days po ba kayo mag birthday sa isang taon? :)

If that's the case po sa iba na lang pala po ko mag pa check-up, happy vacay po! <3

 

 

Sana naisip mo ibig sabihin ng "long" 'di ba?

Hep! Aanhin mo ang napakaganda mong tita kung 'di ka sakin mag papa-check up.

 

 

Akala ko po ba 'di kayo FP doctor :P

 

 

E kung pumunta kaya ko sa school niyo para mauntog ka ulit?

 

 

Joke lang po Tita, labyu so much!!! :-*

 

 

Love you too baby girl, give me an hour, driving na me

Pakisabi kay Seulgi, miss ko na siya

 

 

Yaw quoh :P

Ingat po! Don't text and drive!

God knows Judas not pay!

Don't reply! or you fly! fly! fly! to heaven!

 

 

👍👍👍

Wag ka na muna mag chat, can't stop myself from snooping in 😂

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
done reading! hahah sana all na lang nagkajowa AT nadiligan ng dahil sa prank chz HAHAHA
kwinterrr_
#2
Chapter 8: done n ba dis
_osumnevercease #3
complete na po?
Etoile__
309 streak #4
Chapter 8: nings readyy to kill 🤣
mind00ngie
#5
Chapter 8: sana kayanin mo hamon ni ningning hahaha
iamriou_
1121 streak #6
Chapter 8: Kabahan ka na Karina!! HAHAHAHA whyket kasi di mo nikwento kay Ningning ehh!! 😭😭
berryami
#7
Chapter 8: hahahaha omg this is so cute
bbiiWinkim #8
Chapter 8: 😭😭😭 lagot ka talaga kay ningning niyan!!
dork_seulgi_k
823 streak #9
Chapter 8: hdkshsjdjsksjksh
Etoile__
309 streak #10
Chapter 8: goshh ang landi landi niyo arrrgggh inggit sooo much