Chapter 22

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“San lupalop mo ba nakuha ‘yon mga ‘yon Ningning,” Karina harshly whispered sa kaibigan niya habang papunta sila sa banyo. “Parang mga patay na bata ang personality, walang nagsasalita!”

 

“Kaya nga! Shuta teh, ‘yung ka-date ko parang masasakal na sa pagkakabutones nung polo shirt! Naka tuck-in at braces pa! At hindi niya kinakain ang balat ng manok! Ano siya, si Popoy?!” Reklamo naman ni Miinju.

 

Tawang-tawa si Karina, pero grabe rin ang pagka-nerdy nung sa kanya, “Teh ‘yung sakin nga, kapag kinakausap ko tumitingin sa ceiling sa sobrang hiya. Parang tuod! Jusko naman Ning!”

 

Nakangiting nag-retouch ang barista sa harap ng salamin, “Ah basta, ‘yung sakin matino. Kamukha ni Paolo Avelino. Feeling ko tuloy ako si Carson sa I’m Drunk I Love You,” malanding humagikgik ito. “Oh ‘wag kang.. tumingin.. ng ganyan.. sa akin.. Eme!”

 

Feeling ni Karina ay ito na ang worst date in her history of dating. ‘Di rin naman nila masisi talaga si Ning dahil nag-agree naman silang tatlo na gawin ito.

 

Bilang pare-pareho nga silang single at walang magawa sa buhay lately kung ‘di ang magtrabaho, nag-suggest si Ning na hahanap siya ng makaka-date nila kahit for fun lang.

 

Kung maka-describe naman kasi ang business partner ni Karina, akala mo ay men of their dreams talaga ang nahanap niya sa dating app!

 

“Mas matino talaga kapag girl,” Karina commented.

 

Napatigil si Ning sa pagli-lipstick at sinimangutan siya, “As if naman ang dami mo nang naka-date na girls. Si Winter lang naman ang basis mo. Which was problematic too, if I say so myself.”

 

Proudly, hindi naman na parang nagba-backdive ang puso niya kapag naririnig ang pangalan ng k-pop idol.

 

It’s been more than four months since the “breakup” happened, at kinaya naman ni Karina. Mukhang kinakaya rin naman ni Winter dahil ang balita niya, bumalik na sa Korea ang singer to prepare for the album.

 

It’s not like tumitingin siya ng updates about her.

 

Psh. Hindi ah.

 

But she’s happy na natapos sila nang matino at walang hard feelings whatsoever. Tinawagan pa nga siya nito nung birthday niya just to greet her. May awkwardness, but it gave a sort of confirmation na okay naman sila...

 

It’s just never gonna happen for them.

 

“Actually tama naman si Karina. Mas okay nga ang women. Mas gentle, mas soft, mas may sense kausap...” Minju stared into nothingness, na parang nag-iimagine ng kung ano.

 

Kinurot ni Ning ang singit nito, “Sabihin mo na lang na mas okay si Chaewon! Ang dami mo pang kuda!”

 

“Ano na bang nangyari sa inyo non?” Karina asked, giving her friend a side-eye habang nag-aapply ng blush on. “Parang push and pull kayo. Pero ‘di ba sabi mo hindi rin natuloy ‘yung sa inyo nung Yujin?”

 

Rinig ang napakalakas na madramang buntong-hininga ng kaibigan nilang nurse, “Ewan ko. Friends naman kami. Ang gulo niya eh, parang hindi ready sa commitment. Grabe! Sa itsura kong ‘to, hindi ako lalagyan ng label?!”

 

“Gandang-ganda sa sarili?!” Ning exclaimed.

 

“Ay, oo naman teh! Sa ating tatlo, medyo ako ‘yung pinaka-fresh. Pumangalawa si Karina, tapos pangatlo ka Ning dahil ang tagal mong tuyot,” bulalas nito.

 

Na-offend si Karina, “Hoy, excuse me lang ha, ako ang pinaka-fresh sa ating tatlo!”

 

“Oo, fresh from heartbreak,” walang emosyong sagot ni Ning. Nagtunog-baboy pa sila ni Minju at tinawanan si Karina nang walang humpay. Inirapan na lang niya ‘yung dalawa.

 

“Ay, by the way. Speaking of my BFF Chaewon, nag-iinvite pala ‘yon. Punta daw tayo sa birthday party niya this weekend,” sabi ni Minju. Napatigil si Karina, dahil baka nandon si ano... “Oh oh, wala don, teh. Relax. Sabi niya di raw makakauwi at busy.”

 

She scoffed nonchalantly, “Teh kahit nandon pa ‘yon dedma naman. Ano ka ba, natanggap na namin. Pero mas okay nga na wala,” she admitted. “Saan pala? G lang naman ako, basta ipapasundo tayo sa limousine.”

 

“Tingin mo naman sa sarili mo, teh? Kala mo di sanay sa Angkas.”

 

Bigla silang nakarinig ng lagabog sa isang cubicle. Napatingin sila sa likod, bumukas ang pinto ng stall, revealing two girls na gulo-gulo ang buhok at kalat na kalat ang lipstick.

 

“Mga bruha, ‘di ba kayo ‘yung katabing table namin na may ka-date na dalawang guys?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Ning. “Mga bading!” Nagpipigil lang sila ng tawa.

 

Hiyang-hiya ‘yung dalawang babae.

 

Karina knew they looked familiar. Dahil wala ngang kwenta ang ka-date niya, napapa-focus siya sa kabilang table. Parang first time rin makipagdate nung dalawang babae dun sa dalawang lalake na mukha namang mga manyak.  

 

Tinaas ni Minju ang kamao niya to cheer them up, “Go mga bakla!”

 

“S-Sorry!” Hindi mapakaling umalis ‘yung dalawa sa banyo.

 

Pinigilan sila ni Minju, “Magpunas muna kayo ng bibig! Mga baklang ‘to! Tsaka sa kama kayo! Ang unhygienic ha!”

 

They helped the girls tidy up, nilagyan pa ni Karina nang maayos na makeup ‘yung dalawa at si Minju naman ay sinuklayan ang dalawang bading. Para silang naglaro bigla ng barbie dress-up.

 

They went back to their table at parang nanigas nanaman ‘yung tatlong lalake. ‘Yung ka-date lang ni Ning ang matino-tino. Karina tried to talk to her date na nalimutan niya ang pangalan, “Taga saan ka nga?”

 

Tumingin nanaman ang lalake sa ceiling.

 

“Tiktik ka ba? Bakit ka tingin nang tingin sa kisame?” Hindi na niya napigilang hindi itanong. Mamamatay si Minju sa pagtawa sa tabi niya, nudging Karina para pigilan ang bunganga.

 

“T-Taga diyan lang ako sa ano.. san nga ba ‘yon..”

 

At this point ay hindi na siya binigyan ng pansin ni Karina. Walang mangyayari sa date na ito, at hihintayin na lang niyang matapos. At least may iniinom siyang free Sangria.

 

She checked her phone, napangiti siya when she saw a message from Yunjin.

 

(7:23pm) Yunjin: How’s the date? Enjoying? :p

 

(7:37pm) Me: Disaster, as usual. Hahaha tingin siya

nang tingin sa kisame!

 

(7:37pm) Yunjin: Baka butiki siya sa past life.

Or tiktik.

 

Mahinang tumawa si Karina. Nahawa na nang tuluyan si Yunjin sa kanya.

 

(7:38pm) Me: Hahahahahaha ano ba! Save me

 

(7:39pm) Yunjin: You want me to pick you guys

up? Kakatapos ko lang sa meeting sa work.

 

(7:40pm) Me: Hulog ka talaga ng langit :( Tara here.

I kinda miss you too. Ilang araw na tayong hindi

nagkikita.

 

(7:41pm) Yunjin: I know :( May pasalubong pala

ako sayo from the work trip. Hehehe.

 

(7:41pm) Yunjin: Anyways! Send me the address.

I’ll be there in a while.

 

Sinend niya sa kaibigan niya ang name ng resto.

 

One of the few good things na nangyari sa kanya for the past months ay ‘yung maging ka-close ang accountant. Nasa point na nga sila na tini-treat na siya ni Karina as her own friend instead of Winter’s.

 

Sobrang genuine lang kasi na tao ni Yunjin, and she’s really really nice to Karina and her friends.

 

Though hindi niya alam kung bakit parang may soft spot si Yunjin sa kanya, inisip na lang niya na they click well. Pansin niya rin kasi ang pagiging mahiyain minsan nito sa kanya... Hindi naman siya ganon kay Ning at Minju.

 

Only Karina.

 

‘Yung pagba-blush, pagiging flustered, pagiging utal minsan kapag may nasasabi si Karina na compliment about her...

 

They’ve really gotten closer over the past few months, and she intends to keep it that way.

 

“B-Boring ba ‘yung date? M-May ka-text ka bang iba?” Biglang tanong nung lalake sa kanya. Tumingin si Karina sa kanan at kita niyang nakatulala na lang din si Minju sa labas at nakanganga.

 

Si Ning at Hendery lang ‘yung nag-eenjoy.

 

“Oo, ka-text ko ‘yung sugar mommy ko,” she blurted. Nanlaki ang mata nung lalake at mukhang paniwalang-paniwala. Tumingin nanaman siya sa ceiling ng mga ilang minuto.

 

Maya-maya pa ay nakita na niya ang pamilyar na Mazda 3 na naka-hazzard sa harap ng restaurant. Yunjin also told her through text na hindi na siya magpa-park dahil mahirap makahanap ngayong oras.

 

Sumenyas siya kay Minju, “Umalis na tayo dito teh.”

 

“A-aalish na ba kayo? Shayang naman,” sabi nung ka-date ni Minju. Sumabog ang tawa ni Karina.

 

Minju had to keep her straight face, “Yeah, may work pa.. Ning, ikaw na bahala ha. Mukhang enjoy na enjoy ka naman ditong haliparot ka.”

 

“True! Bye!”

 

Habol-tingin ang dalawang lalake sa kanila ni Minju habang papalabas ng restaurant. Pareho na silang nakahinga nang maluwag pagpasok ng kotse ni Yunjin.

 

“Worst date ever!” Sigaw ni Minju sa backseat.

 

“That bad?” Yunjin asked, slowly driving away papaalis sa tapat ng restaurant. “How about you? Kamusta ‘yung ceiling?” Malokong tanong nito kay Karina, smiling teasingly.

 

“Tse!”

 

Hinatid na muna nila si Minju sa St. Luke’s dahil may duty pa ito ngayong gabi. Sila na lang ni Yunjin ang magkasama, at parang ayaw pang umuwi ni Karina dahil Friday night naman.

 

“Nakakain ka ba don nang maayos?” Nag-aalalang tanong bigla ni Yunjin. “Gutom ka na?”

 

“Hindi nga eh! Diyos ko, gutom na gutom lang ako,” napahawak siya sa kumukulong tiyan. She couldn’t really eat well dahil uncomfortable nga ang naging triple date nila.

 

Makahulugan siyang tinignan ng accountant, “Tara pares? Gusto mo? I’m craving. Hindi kita nasamahan last time, pambawi ko na lang.”

 

Music to Karina’s ears ang kanyang narinig, “Huy! Tara!” Kinurot-kurot niya ang pisngi ng kaibigan, “The best ka talaga. Pano mo nalalaman ‘yung mga iisipin ko pa lang?!”

 

“Ouchhhhh!” Pa-cute na ngumuso ito which is something na ngayon lang nakita ni Karina. “Ang hilig mong anohin ‘yung pisngi ko!”

 

“Ang cute kaya,” she said without thinking. Ito nanaman ang pamumula ng tenga ni Yunjin. “Bakit lagi kang nagba-blush sa mga compliments ko? As if naman hindi ka nakakatanggap ng ganon sa guys! Even sa girls,” she wiggled her brows at her friend.
 

Madalas kasing makwento ni Yunjin na may mangilan-ngilan nga raw ang nagyayaya sa kanyang makipag-date, but for some reasons na hindi niya shine-share kay Karina, tumatanggi lang ang accountant madalas.

 

“I don’t know,” she shrugged. “I guess you’re different than them.”

 

“Panong iba?” Pagtataka niya.

 

Before makasagot si Yunjin, tumugtog bigla ang kanta ni Winter sa radio. It’s the same song na pinerform niya sa Singapore months ago... Ni-release ito ng singer a month after that performance.

 

She should tell Yunjin na patayin na lang ang radyo, but she didn’t.

 

Kung marupok si Karina, ganon din ang pagiging masokista niya. She knows that the song is about her, which makes it hurt even more kahit ilang beses niyang mapakinggan,

 

“You okay?”

 

“Yeah,” automatic niyang sagot. “It’s just a song. Maganda naman ‘yung kanta...” Kita niya ang pagtango ni Yunjin. Hindi na rin ito nagsalita at sumasabay pa nga sa kanta.

 

Ganito pala ang feeling ng mga naging exes ni Taylor Swift. Char!

 

“Yun, have you ever liked someone na tingin mong hindi magiging kayo? But you still continue liking them, ganon,” tinamaan bigla siya ng curiosity. Traffic din naman, so might as well start a conversation like this.

 

“Hindi ko sinasabing gusto ko pa siya ha. Just a hypothetical question,” defensive niyang pahabol.

 

Never pa talaga silang nag-usap ni Yunjin ng about sa mga ganitong bagay. The girl also never pried about anything regarding Winter anymore, and Karina’s feelings for the singer unless siya ang unang mag-share dito.

 

She heard a breathy laugh coming from her friend, “Yeah, actually.”

 

Nakuha nito ang buong atensyon ni Karina, “Ay, weh?!”

 

“Tatanong-tanong ka pero hindi ka maniniwala?” The girl looked at her briefly with a raised brow. “Do I look like someone na hindi magkakaroon ng feelings?! Grabe ka sakin,” she feigned hurt.

 

“Hindi naman sa ganon! OA mo na rin ha! Nahahawa ka na dun sa dalawa,” pertaining to Minju and Ning. “Pero shet, na-curious ako. Matagal mo nang gusto?”

 

“Since senior high,” ang bilis sumagot ni Yunjin, so tingin niya nga ay significant na tao itong kung sino man ang nagustuhan—o nagugustahin pa rin—ng kaibigan niyang accountant. “It’s nothing, really.”

 

Karina’s lips curled upwards na parang nang-aasar, “Panong nothing?”

 

Yunjin could only sigh while smiling, umikot pa ang mata nito bago ulit sumagot, “It means wala naman talagang naging progress because I never told... them. More like hidden feelings lang. I never acted on it. I have reasons.”

 

“Also, it’s not like I’m crazy about that person or naging stalkerish ako. Walang ganon. I’ve been in relationships din naman during college and after grad..”

 

Tumango-tango lang si Karina, “And you still like that person hanggang ngayon? Even though you’ve been in relationships with other people?”

 

Nahihiyang napangiti si Yunjin, though medyo gloomy, “Alam mo ‘yung feeling na may gusto kang tao, tapos nawala sila and you thought nawala rin ‘yung nararamdaman mo, but then nagtago lang pala,” she chuckled.

 

Of course she knows too well kung anong feeling non. That’s how she felt for Winter.

 

But unlike ‘yung kay Yunjin, tingin ni Karina ay deeper ang naramdaman niya para sa k-pop idol... But who is she to compare? Malay naman niya kung gaano ka-deep-rooted ‘yung feelings ng accountant para dun sa taong ‘yon.

 

“Though hindi naman ganon kalalim kasi nga never naman nagka-chance. More like an unrequited crush,” Yunjin scrunched her nose in disgust. “Kadiri ‘yung crush. But you get what I mean.”

 

“Gets..” Kahit hindi masyado. “Bakit ayaw mong i-pursue ngayon?”

 

Yunjin looked at her for a split second bago tumutok ulit sa pagdadrive, “I don’t think I stand a chance. Okay naman ako na ganito, dedma na lang. I just like admiring her from afar. Not in a creepy way ha.”

 

Her? Mukhang nadulas si Yunjin.

 

“Malay mo naman may chance. You won’t know unless you try..” Karina trailed off. “Also... her? Hala bading ka rin pala.”

 

Hinampas siya nito sa braso, “Shut up. Malapit na tayo, ‘wag ka nang maki-chika diyan.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Unti-unti nang bumabalik si Winter sa nakasanayan niyang buhay sa loob ng pitong taon niya sa Korea, and it’s not really a good thing. Dahil ang ibig sabihin lang nito, bumabalik siya sa puro trabaho, puro fan service, at puro pekeng ngiti sa media.

 

Sa susunod na dalawang taon, magpapatali nanaman siya sa company niyang walang kwenta.

 

Three months ago, pagkatapos ng Southeast Asian tour niya, she decided to go back to Korea for a while. Ikinagulat din ito ni Giselle at ng management niya, pero wala naman kasi siyang dahilan pa para mag-stay sa Pilipinas.

 

Gusto niyang matapos ‘yung album kaagad, gusto niyang mapaghandaan ang world tour, at gusto niyang kalimutan si Karina.

 

Gusto niya rin naman na makalimuta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
131 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls