Chapter 20

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

(8:01am) Ning: Miss rupok ok ka lang?

 

(8:25am) Yunjin: Morning. You okay?

 

(8:43am) Minju: Bading ng taon okay ka lang? Tara shot

 

Ang agang lito ni Karina sa mga nabasa niyang messages. Late kasi siyang nagising dahil lunch time pa ang balik nila Winter sa bahay, kaya hindi niya kailangang gumising nang maaga.

 

Buffled siya sa mga messages ng friends niya at dumagdag pa ang message din ni Winter.

 

(8:58am) Winter 👻: I can explain

 

Nahilo siya sa biglaan niyang pagbangon.

 

Madalas ay kailangan niya munang humiga ng extra ten minutes pagkagising para pag-isipan ang choices niya sa buhay, pero ngayon kasi ay nagugulantang talaga siya sa mga sinasabi ng mga tao.

 

What could have possibly happened?

 

She called Winter first, but to no avail ay hindi nito sinagot ang tawag. Baka kasi nasa meeting pa ang bebe idol niya. Si Ning at Minju din ay mga walang kwentang kaibigan na hindi rin sumasagot sa tawag.

 

Yunjin was the one who answered her call, “Karina? Wait punta lang ako sa break room…” Touched naman siya dahil mag-eeffort pa talaga ito na mag-take ng break sa kung anong ginagawa sa work.

 

“Hello? You still there?”

 

Karina stood up, pacing back and forth sa kanyang room, “Yes, beh. Anong nangyari? Bakit tinatanong niyo ako kung okay lang ako? Jusko!” Sinilip niya ang papa niya, thankfully ay nandon naman ito at nanonood ng videos ni Winter.

 

Nakahinga siya nang maluwag kahit papaano dahil wala namang nangyaring masama sa tatay niya.

 

“You haven’t seen the article? ‘Yung statement ni Winter?”

 

“Statement?”

 

She heard Yunjin take a deep breath, “I’ll send it to you. I’m sure napag-usapan niyo naman na, but nagtanong lang talaga ako kanina kung okay ka lang since… medyo ampanget pakinggan nung statement.”

 

Impatient na umiling si Karina, “Ano ba ‘yun? Send mo na..” Na-realize niyang medyo rude ang tono niya kaya nagpahabol siya kaagad, “Sorry! Hindi ako galit ha. Clueless lang kasi talaga ako.”

 

“It’s okay! Na-send ko na.. Go na..”

 

“Okay, Yun. Thank you!” She dropped the call quickly at tinignan ‘yung link ng Twitter na sinend ni Yujin. She clicked the link at na-direct siya sa isang Korean article na may English translation.

 

Winter denies all the ‘ridiculous’ rumors that are being thrown at her by fans and k-netizens.

 

Nakita niyang may direct quote from Winter in Korean at na-translate lang sa English, so siguro ay na-interview ito at nagbigay ng actual statement regarding the matter.

 

“I’m not dating anybody! Please stop spreading non-sense rumors. The girl in the photos is my private chef slash my part-time bodyguard. LOL! She’s not more than that.”

 

“I’m focused on my Southeast Asian tour for now. No time for dating...”

 

The singer even teased about her old dating scandal with Mark Lee which sparked hope to “MarkWin” shippers.

 

“The rumor between me and the other k-pop artist was much more sensical than this one if I’m being honest. Haha!”

 

Parang nanlambot ang tuhod ni Karina sa mga nabasa niya. Masyado pang maaga para i-make sense niya ang lahat ng nangyayari at sabihin sa sarili na may dahilan kung bakit ginawa ‘yon ni Winter.

 

For now, hihiga lang muna ulit siya at titingin sa kisame. Baka kahit may mahulog na butiki sa bunganga niya eh wala siyang pakialam.

 

Ito na talaga siguro ang karma niya sa pando-dogshow at pambi-esa niya sa mga tao.

 

Winter calling…

 

Imbis na sagutin ay tinitigan lang niya ang phone niya na walang tigil ang ring. Wala pa siya sa mood kausapin si Winter at baka kung ano lang ang masabi niya.

 

Alam niyang sinabi naman niya dito na willing siyang mag-adjust at kakayanin niya ‘yung mga ganitong bagay, but a little warning could have made a huge difference.

 

Ni hindi nasabi sa kanya ni Winter na may pa-article na ganon. Kung alam niya lang eh ‘di sana hindi siya nabigla, diba?! Kung alam niya lang eh ‘di sana hindi siya nasasaktan.

 

Tinawagan niya si Ning and this time, sumagot na ang kaibigan niya, “Huy teh, sorry hindi ko nasagot may customers kanina for breakfast. Kamusta ka?” Bakas sa tono ng barista na nag-aalala ito.

 

Usually kasi ay puro katangahan ang pambungad niya kay Karina sa phone.

 

“Beh ginanon ako!”

 

“Ginanon ka nga beh. Kamusta naman ang mga ka-not more than that?!”

 

“At kamusta ang mga ka-more sensical than this one?!” Balik nanaman si Karina pangka-clown sa sariling problema! “Bwiset sino ba ‘yung Mark Lee na ‘yon?!”

 

Natigil na ang pagtawa ni Ning at nanahimik sila, nakatingin pa rin si Karina sa kisame at blangko na ang isip. Hindi na rin talaga niya alam paano iha-handle ang bagay without Winter telling her things first.

 

“Ano, teh? Kaya mo pa ba? Umpisa pa lang yan ha,” Ning’s voice brought her back to reality. “Tatagan mo pa teh. Ganyan talaga.. Tsaka may promised date naman siya sa inyo this weekend ‘di ba?“

 

Karina nodded mindlessly, “Ewan ko kung tuloy ‘yon.. Baka si Mark na ang ka-date niya.”

 

Ilang weeks na rin talaga sila ni Winter na nakakapag-moment lang sa bahay ng k-pop idol at nakakapag-usap lang through texts and phone calls kapag hindi sila magkasama.

 

Kaya naman ‘yung break ni Winter sa weekend, sabi niya ay ilalaan niya for Karina. Hindi pa nga lang nila alam kung saan sila pupunta.

 

“Wait sige na teh, binato na ako ni Ma’am Tiff ng suklay. Awayin mo si Winter ha!”

 

“Pagdasal mong ‘wag akong pangunahan ng karupukan!” Biro niya. “Go na, mag-aayos na rin ako. Pasabi kay Ma’am Tiff paki-renew ng subscription niya sa YouTube Premium. Hindi ako natutuwa sa kanya.”

 

“Mas hindi ako natutuwa sayo girl!” Rinig niyang sigaw ni Tiffany sa background. Binaba na niya ang phone at baka hindi niya matantsa ang manager. ‘Pag ganitong tinanggi siya ni Winter!

 

Ayaw naman niyang magalit kaagad dahil doon sa article, pero hindi niya lolokohin ang sarili niya at itatanggi na hindi siya nalungkot sa kanyang mga nabasa.

 

Of course Winter would say that, dahil alangan naman na umamin ito, ‘di ba? Still, ang sad lang sa part ni Karina that she was described as that.

 

Talagang kailangan na siguro niyang masanay...

 

Do I really have to subject myself into this?

 

Naligo na muna si Karina nang napakatagal dahil napasarap ang pagsabay niya sa kantang Japanese na “First Love”. Mga nakabenteng ulit siya nito at feeling niya, fluent Japanese speaker na siya.

 

“Ohayo gozaimasu,” bati niya sa kanyang tatay na mukhang nag-prepare ng breakfast.

 

Tinignan siya nito weirdly, “Feeling Japanese ka today anak? Kain ka muna. Hindi na tayo nagkakasabay kumain sa umaga kaya nagluto ako.”

 

“Oo nga, Pa. Sorry..” She felt bad dahil hindi na nga naman sila nagkakasabay at nakakalabas para mag father-daughter bonding. “May sasabihin din po ako sa inyo..”

 

Binalak na kasi niyang sabihin sa kanyang tatay ‘yung thing niya kay Winter. Hindi niya pa alam kung ano ang magiging reaksyon nito.

 

Her father squinted, “Kayo na ni Sungchan?!” Narinig nanaman niya ang pangalan ng ungas na ‘yon!

 

“Hindi, Pa! Wala na kami non ilang buwan na!”

 

“Aba’y mabuti naman. Sabi sayo may tinatagong masangsang na ugali ‘yon eh,” singhal ng matanda. Pinaglagay siya nito ng itlog sa loob ng pandesal, inabutan din siya ng kape.

 

Her lips curled into a smile, taking a big bite of the food, “Thanks, Pa.”

 

“No problem. Favorite anak kita eh.”

 

“Ako lang naman anak mo,” inirapan niya ang ama. “Anyway, ayun na nga.. ‘Yung gusto kong sabihin.. Uhm..” Her father hummed habang umiinom ng mainit na kape, telling Karina to go on.

 

She composed herself, “Jowang hilaw ko po si Winter.”

 

Naitapon ng tatay niya ang kape, “Aray! Ang inet!” Sabay tinignan si Karina, “Ano kamo?! Sinong Winter?! At bakit hilaw lang? Ano ka, mangga?!”

 

Kinamot ni Karina ang ulo na patawa-tawa, “Si Winter po.. ‘Yung idol.”

 

Tinitigan siya ng tatay niya ng ilang minuto bago pumalanghit ng tawa, “Wow mali ba ‘to? Sige anak.. Jowa ko rin si Angelina Jolie,” hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.

 

“Pa! Totoo nga! Siya si ano.. si Minjeong,” she remembers telling him about the girl nung college pa siya. “’Yung taga-UST.”

 

“Parang kailangan ko ng three business days para ma-process yan, anak.. Balikan mo ako sa isang araw,” nanlalaki pa rin ang mata nitong nakatitig sa pinritong itlog. “Anak sure ka ha? Tanda ko nung bata ka lagi kang nagdedeluryo.”

 

Hindi na niya pinansin ang sinabi ng papa niya. She checked the time, “Aalis na ako, Pa. I-process mo muna yan!” Humalik siya sa pisngi ng tatay. “Good boy lang dito sa bahay ha! Ako na maghuhugas ng plates tonight.”

 

“Dalhin mo dito si Winter para maniwala ako! Penge na rin kamong merch!”

 

Nagmadali na siyang lumabas dahil dumating na ang binook niyang Angkas. Balak niya pa sanang dumaan sa Wild Flour pero nag-decide na lang siyang dumerecho kina Winter.

 

Bumalik nanaman ‘yung bigat dun sa nabasa niyang article kanina.

 

Buti na lang ay madaldal ‘yung Angkas driver at kung ano-ano ang chinichika sa kanya. To pass time, chumika pabalik si Karina, “Kuya naranasan mo na bang makipag-date sa artista?!”

 

“Ho?!”

 

“Kung may naka-date ka na kakong artista!”

 

“Ah! Wala pa po akong nakaka-date na masahista!” At ito na ang cue ni Karina na manahimik na lang at ‘wag nang mag-initiate ng small talk. “Masarap bang magmahal ang mga masahista, Ma’am?!”

 

“Oo kuya! Lalo na kapag hindi bingi!”

 

“Bungi po?!”

 

“Kuya tatalon ako dito ‘pag ‘di ka nanahimik!”

 

At least nawala ang stress niya.

 

Though she’s still dreading ang makita ulit si Winter, she still wants to be the bigger person.

 

Iniisip ni Karina kung gaano kaya ka-“big” ang magiging persona niya habang dine-date ang singer... For sure she always has to be understanding and patient.

 

Kaya niya ba ‘yon?

 

Hindi pala-adjust na tao si Karina pero para kay Winter, susubukan niya.

 

Pagdating niya sa bahay, nakaabang si Jackson sa labas ng gate at nandoon din ‘yung kotse. She paid for the Angkas ride at kunot-noong lumapit sa bodyguard ni Winter, “Hey, Jack. What are you doing here? Are they home?”

 

“Good morning, Miss Karina. Miss Winter asked me to pick you up here. She’s still at the HQ for meeting so she can’t come home this afternoon. We’ll have lunch as a team, and she wants you there.”

 

“As her…?”

 

Jackson smiled awkwardly, “Well, you’re part of the team, so..”

 

Natangahan din naman si Karina sa tanong niya. Malamang as an employee! Alangan naman ipakilala siya ni Winter doon as her jowang hilaw. Especially not after that interview.

 

“Okay, let’s go.”

 

Mahaba-haba ang byahe nila papunta sa Makati dahil sa traffic. Karina is itching na basahin ulit ‘yung article na sinend ni Yunjin at magbasa-basa ng thoughts ng mga tao sa Twitter.

 

She kept on locking and unlocking her phone nang paulit-ulit hanggang sa hindi na niya matiis at binuksan na ang Twitter app. She follows Winter’s fans kaya puro mukha ng idol ang nasa timeline niya.

 

@w1ntersgf: What did I tell yall? MarkWin is real! Leave the bodyguard/chef alone Winter doesnt care about ha 😂

 

@wint0tzski: ang gandang plot sa au yung jowa ka ni winter tapos tinanggi ka boogsh 🤣

 

@markwinizreal: Throwback to when Mark and Winter were Inkigayo hosts just look at how they look at each other??? If that’s not love then idk what is *photo attachments*

 

Dumaan sa timeline niya ‘yung article at dahil makulit siya, binasa niya ulit ito.

 

“I’m not dating anybody! Please stop spreading non-sense rumors. The girl in the photos is my private chef slash my part-time bodyguard. LOL! She’s not more than that.”

 

She couldn’t hold back her tears at sadya na lang may tumulong luha sa legs niya nang hindi niya namamalayan. Pinunasan niya ang mata at ni-lock ang phone, noticing how Jackson kept giving her worried glances through the rearview mirror.

 

“Are you okay, Miss Karina?”

 

“Yes, uhm, napuwing lang,” hindi niya maisip kung ano ang English ng napuwing. “Do you mind if I sleep?”

 

“No, it’s okay.”

 

Sumandal siya nang maayos sa upuan at pumikit na lang muna. She’s not actually going to sleep, gusto lang talaga niyang pumikit saglit to clear her mind sa mga nababasa niya.

 

She’s starting to get annoyed again kay Winter dahil sa hindi nito pagbibigay ng heads up sa kanya. Now she’s the one suffering the consequences by overthinking. Ang panget sa pakiramdam.

 

She felt her phone vibrate.

 

(10:28am) Winter 👻: Nasundo ka na ni Jackson?

 

(10:28am) Winter 👻: Sama ka samin mag-lunch. You’re

part of the team kaya no need to worry..

 

Hindi na lang ulit niya nireplyan ang idol. Magiging cold lang siya sa text at mapapansin ito ni Winter, at wala siyang energy para makipag-artehan ngayong umaga.

 

“We’re here, Miss Karina.”

 

Maraming nag-aabang sa may entrance ng building. Malamang ay nandito ang ilan niyang fans to get a glimpse of the singer at makapagpa-picture.

 

“Do you want to go inside? I think they’re just finishing up. Miss Giselle said they’re done with the meeting,” dagdag pa ni Jackson.

 

Sinabi pa nito na sa main entrance lalabas si Winter para ma-meet ang fans. Gusto rin daw kasi ng management na maipon ang good press for Winter dahil lately nga ay puro issues.

 

“No, I’ll just stay here with you.. I don’t want to cause any more bad press for her,” she smiled regretfully. “I’m fine here.”

 

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at narinig na ni Karina ang sigawan nung mga taong naghihintay sa labas. Lumabas si Jackson to help control the crowd and to keep Winter safe.

 

Gusto rin gawin ‘yon ni Karina pero ayaw na niyang makadagdag pa sa mga issues.

 

All she can do is look from afar habang pumipirma ng autograph si Winter, smiling widely at nakikipag-picture sa mga fans niya. ‘Yung isa ay may dala pang banner ng kanyang “MarkWin” agenda.

 

Nakatakas na finally ang singer sa mga fans niya at dumerecho na papuntang kotse kasabay si Giselle, Jackson, at Sooyoung.

 

“Karina..” Kita niya ang biglang pagsaya sa mga mata ni Winter. Tumabi ito sa kanya at sina Giselle at Sooyoung naman sa likod. “Hindi ka nagre-reply..”

 

“Wala akong load,” mahinhing biro niya. Kita niya na gusto siyang hawakan ni Winter pero nagpipigil ito dahil may iba silang kasama. “‘Wag na, wala tayo sa bahay. Okay lang.”

 

Gusto man niyang i-confront kaagad si Winter tungkol sa article, now is not the right time and place to do that. So she just kept quiet the whole ride. Ini-ignore niya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ni Winter.

 

“Saan nga tayo magla-lunch?” Winter asked her manager. Halata niya ang pagod sa boses ng singer kahit maaga pa. Baka maraming na-discuss sa meeting.

 

“Sa Jiang Nan Hotpot. May malaki silang private room, I’ve already reserved us a table. Mark’s team is already there.”

 

Muntik masuntok ni Karina ang salamin ng van. Tinignan niya si Winter, hindi siya natutuwa sa mga pa-spotlight epek sa kanya ng k-pop idol. “B-Biglaan..” Yan lang ang sabi nito.

 

Hindi siya sumagot at kaagad siyang binulungan ni Winter, “For PR.. Kakasabi lang sakin kanina ng management na nandito si Mark sa Pinas for a show.. Kailangan lang namin makita together, so the issues about me being gay would go away. Ewan ko ba..”

 

Bigger person!

 

Bigger person!

 

Sapian mo ako!

 

“Okay,” ngumiti lang siya kay Winter. Hindi nga lang abot mata. Hinayaan niyang sumandal sa balikat niya si Winter, mukhang tulog din naman si Giselle at Sooyoung sa likod.

 

(11:15am) Yunjin: Musta?

 

(11:15am) Me: Pwede bang magsend na lang

ulit ng photo ng paa. Save me

 

(11:16am) Yunjin: Hahaha I’d be glad to!

 

She heard Winter fake a cough at umalis ng pagkakasandal sa kanya. Umisod ito nang bahagya at tumingin na lang sa kabilang direksyon, away from Karina’s.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
40 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
128 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls