Chapter 19

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“Aba himala, walang date.”

 

Walang-ganang tiningnan ni Karina si Ning bago sumagot, “Hindi niya pa ako binabalitaan sa usap nila ni Giselle. Parang ang seryoso. Napapa-overthink ako.”

 

“About sa photos, ‘no? Kalat na kalat sa twitter, teh. Pero hindi naman halatang ikaw, hindi rin naman kayo mukhang mag-jowa don, nagkakagulo lang ang mga faney niya dahil possible nga raw na bading si Winter.”

 

Stressed na tumango siya, pressing the heel of her palm sa kanyang noo, “Ning ano ba ‘tong pinasok ko? Baka mas lumala.”

 

“Ayan ang nangyayari kapag inuuna ang karupukan bago ang pagiging intellectual na tao,” tinawanan lang siya ng kaibigan niya. “Eh wala, nandiyan na yan. Sorry wala akong input beh, never naman kaming nag-date ni Tom Cruise.”

 

Gusto niyang tumawa sa katangahan na sinasabi ni Ning, pero talagang hindi mawala sa isip niya ‘yung mga kinakaharap nila ni Winter.

 

Para silang nasa ‘Notting Hill’ na movie.

 

Tatlong buwan pa nga lang ang singer sa Pinas, at halos isang buwan pa lang matapos ang Boracay trip nila, parang ang challenging na kaagad. She can’t say she didn’t see this coming but…

 

Karina didn’t expect this to be… stressful.

 

Siguro dahil na rin kakilala niya si Winter before and she had this stupid thought that dating her now is as easy katulad nung nasa UST pa sila?

 

Apparently not.

 

O baka naman sobrang gustong-gusto lang niya si Winter? Nahihirapan din kasi siyang tumanggi sa sweetness ng singer... Sa mga offered dates and get-aways...

 

They never really got to experience those things a lot before, kaya sabik din si Karina.

 

Ayan, kalandian mo!

 

“Lagi naman niyang ina-assure na okay lang. Pero baka kasi sinasabi lang niya ‘yon para hindi ako matakot. Effective naman, kaya si bakla panay lang ang pakikipag-date sa labas.”

 

Katangahan niya rin naman. Nakampante talaga sila masyado ni Winter sa pagde-date that they often forget the consequences kung may makakita sa kanila.

 

Hindi pa nga sila in the first place!

 

“Halata rin kay Winter na gustong bumawi sa lost time niyo, ‘no? Kaso nakakalimutan ni bakla na constricted lang dapat ang kilos niya,” pati si Ning ay napabuntong-hininga na. “At least pang movie buhay mo ngayon, teh. Bilang bida-bida ka naman.”

 

Pabirong nagpunas si Karina ng pawis sa noo, “Hays, main character moment ko nanaman,” nag-apir sila ng barista. Akala mo hindi stressed.

 

“Ay teh, sabi mo nga pala magkikita kayo ni Sungchan? Anong problema non?”

 

Ito pa ang isang kinakasakit ng ulo ni Karina.

 

Sinabunutan na niya ang sarili niya, “Gusto niya raw ng closure! Diyos ko day, akala mo naman talaga naging kami. Siya nga ‘tong nagloko! Dagdag isipin pa si ungas. Feel ko manghihingi nanaman ng chance. Eme eme lang ‘yung closure.”

 

Tinignan niya kung anong oras na, lagpas alas sais pa lang naman ng hapon. Alas syete ang usapan nila ni Sungchan kaya meron pa siyang oras maglagi dito sa bar ng TWF.

 

“Masyado ba kaming nagmadali ni Winter?” She asked suddenly.

 

Umupo si Ning sa harap niya matapos bigyan ng drink ‘yung isang customer, hinawakan siya nito for comfort, “Alam mo beh, ‘di ko naman kayo masisi. Syempre sunggab agad! Ayos lang ‘yon!”

 

“Kaso..” Pagpapatuloy ni Ning. Inangat ni Karina ang tingin sa barista. “Kaso maghinay-hinay kasi kayo. Buti sana kung normal na tao lang si Winter, diba? ‘Pag ‘di kayo nag-ingat aba, ewan ko na lang.”

 

Gustong sumigaw ni Karina. “Mag-back out kaya ako? Tingin mo? Habang maaga pa. Hindi kinakaya ng powers ko ang mga bruha sa internet! Ang OA!”

 

Grabe naman kasi ang mga assumptions na nababasa niya. Kakaiba rin ang pang- shame kay Winter, kesyo wala raw pinalagpas mapa-lalake o babae man.

 

She knows those stuff don’t really affect Winter in general, pero si Karina kasi ‘yung nai-stress! Hindi naman siya katulad ni Winter na ilang taon na sa showbiz-ness at sanay na.

 

Isa lang siyang hamak na magandang assistant manager at co-owner ng KarNing. Isa lang siyang simpleng tao…

 

“Ganito lang ako… Simpleng tao…” Napakanta tuloy siya bigla.

 

Sinundan naman ng baliw niyang kaibigan, “Kahit na, wala akong pera. Kahit na butas aking bulsa..”

 

“Ahhh!” Hindi na napigil ni Karina ang sarili na sumigaw. Nagtinginan ang ilang customers nila. “Sorry, sorry. Akala ko nasa Enchanted Kingdom ako.”

 

“Tsk tsk tsk,” pailing-iling si Ning, “Nabo-boang ka na my friend. Mag-usap kayo ni Winter! Mag-set kayo ng boundaries. Jusko! Tsaka teka nga, kayo na ba? May label na?”

 

“Wala.”

 

“Nung nagpa-ulan siguro si Lord ng karupukan, kashungahan, at kagagahan, sayo lahat napunta, ‘noh?”

 

Hinagisan niya ng fries si Ning sa mukha, “Nung nagpa-ulan ng jowa tulog ka.”

 

“Girl, I took that personally,” nagtakip pa ‘to ng bibig. “Pero hinde, dedma. Kung kasing stressful ng sayo, ‘wag na lang! But wait, nag- na ba kayo? Anong ganap? Kaya sobrang into each other niyo, masarap ‘no?”

 

Parang nakakain ng mik-mik si Karina sa biglaang pag-ubo, “Gaga ka talaga!”

 

“Aba, malay ko ba! Nag-i love you nang walang label, nag-kiss nang walang label, nagde-date sa kung saan-saan nang walang label… Itodo mo na! Isuko mo na rin ang bataan!”

 

Sinamaan niya lang ng tingin ang barista, “‘Wag ka, sacred ‘to,” her look went down sa kanyang... perlas ng silanganan.

 

Her phone chimed, at mabilis niyang kinuha ito sa bulsa niya. Baka kasi si Winter na ito at babalitaan na siya kung anong nangyari sa meeting.

 

(5:36pm) Winter 👻: Where are you? Giselle

said umalis ka.

 

(5:36pm) Me: Oo ayokong marinig meeting

niyo nasstress ako

 

(5:37pm) Winter 👻: Sorry :( I miss you. Come

back here

 

(5:37pm) Me: I miss you too. But kikitain ko

 si Sungchan remember?

 

(5:38pm) Me: Uhm.. Anong nangyari sa meeting?

 

Matagal bago sumagot si Winter. Tingin niya talaga ay may bad news, pero sana naman hindi ganoon kalala at kaya pang i-handle. Nahihiya na rin siya kay Giselle sa binibigay nilang sakit ng ulo.

 

(5:43pm) Winter 👻: Please don’t worry about it.

Ako na bahala..

 

Naiinis siya kapag ganito si Winter.

 

Nung una okay pa, kaya lang napapadalas ang pagsasabi nito na siya na ang bahala at walang dapat ika-worry si Karina every time na may pailan-ilan na photos or articles na lumalabas.

 

Ni-let go na lang muna niya sa ngayon, pero kakausapin niya siguro si Winter tungkol dito pagpunta niya sa bahay ng singer mamaya.

 

They can’t just brush everything off all the time.

 

(5:44pm) Winter 👻: Do you really have to meet

with Sungchan?

 

(5:44pm) Me: Ayoko sana, pero he deserves

an explanation. He deserves an acceptable reason.

He’s Marco.

 

(5:45pm) Winter 👻: Di ko alam sinasabi mo bebe ko.

Uwi ka na agad dito sa house after ha?

 

(5:46pm) Winter 👻: *voice note*

 

Napangiti siya nang marinig ang boses ni Winter, singing “Umuwi Ka Na Baby” nang paulit-ulit.

 

Pero hinde! For once, ayaw niyang rumupok!

 

Chos.

 

(5:46pm) Me: Not unless you explain to me ano ba

talagang ganap with your management.

 

(5:47pm) Winter 👻: Sige..

 

Kinabahan naman si Karina sa “Sige..” ni Winter sa text. Para kasing may laman, at parang hindi maganda ang implication. Pumasok nanaman tuloy sa isip niya ‘yung sinabi niya kay Ning.

 

‘Yung pagba-back out habang maaga pa.

 

She feels bad na iniisip niya ito, especially after a month of pure bliss with Winter, pero kasi!

 

Pakshet.

 

Masisira nanaman ba kami dahil pa rin sa pagiging idol niya?

 

But no, hindi siya ganon.

 

“Oh, ano? Anong sabi?”

 

“Mag-uusap pa kami mamaya. Bahala na, Ning. Nandito na ‘to, papanindigan ko na. Gusto ko rin talaga siya eh..” Huminga siya nang malalim, “Ayokong umabot sa point na mamimili siya between career and love.”

 

“Gaga, possible ‘yon. Pano ‘pag bumalik na yan ng Korea? Nachika ni Minju na most likely pipirma ng contract extension yang bebe mo,” seryosong sabi ni Ning. “Ang dami niyong nane-neglect na topic, puro kasi kayo momol.”

 

Ang sherep keshe eh…

 

Tumayo na siya from the bar stool, “Aalis na ko. Maglalakad-lakad muna ako, tas titignan ko kung pagtitinginan ako sa labas.”

 

Napa-paranoid kasi siya! Buti na lang talaga hindi siya recognizable dun sa photos nila ni Winter sa D’mall na maya’t maya ay naglalabasan sa feed niya sa Twitter.

 

Though may isang account na nagsabing parang si Winter at ‘yung “new bodyguard” ‘yung nasa photo, but no one took the person seriously. Buti nga!

 

“Oh siya, siya! Layas na dito. Ako na bahala sa orders ng KarNing mamaya, nasakin naman ‘yung recipe. Bawi ka na lang ‘pag break na kayo ng hilaw mong jowa,” Ning chuckled loudly. “Babush!”

 

Lumabas na siya ng Wild Flour. So far, wala naman tumitingin sa kanya…

 

Pero may isang babae na parang pinagmamasdan siya. Hindi niya mawari ang tingin nito.

 

“Yes ate? May problema ba tayo?”

 

“Miss.. bukas kasi zipper mo.”

 

Ay! Napahawak tuloy siya sa crotch niya, “Uso kasi yan. Try mo rin minsan,” nagmadali siyang lumayo dun sa babae dahil nakakahiya!

 

Nagpatuloy lang siya sa palakad-lakad niya, nakikinig pa siya sa earphones at feeling niya ay nasa movie siya.

 

Tumigil bigla ang tugtog due to a phone call.

 

Yunjin calling…

 

“Hi there,” bungad sa kanya ng kaibigan ni Winter.

 

“Hi! Napatawag ka?”

 

“Wanted to check up on you,” Yunjin softly said. “How are you? And Winter..”

 

“In terms sa landian? Oh, we’re doing great!” Natawa sila pareho ng accountant. “But we have yet to talk about… stuff. Feel ko in denial kami na it’s not gonna be easy.”

 

Naaninag na niya ang 28th street at malapit-lapit na siya sa meet-up place nila ni Sungchan. Hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lalake at ano ang sasabihin dito.

 

“Wanna talk about it more? You know I’m free naman,” Yunjin nicely offered.

 

“I’d love to, pero imi-meet ko si Sungchan tonight. Dreading it, to be honest. Nasan ka ba? ‘Pag disaster, sunduin mo ko please,” it was just a joke, pero hindi nga naman malabo itong mangyari.

 

Narinig niya ang mahinhing tawa ng accountant sa kabilang linya, “Alright, deal. Set a code or something, para alam ko na kailangan mo ng saving. I’m around High Street lang.”

 

Tamang-tama dahil dun lang din ang usapan nila ni Sungchan.

 

“Sige, pag sinendan kita ng picture ng paa ko, it means sunduin mo na ako,” para silang tanga na nagtatawanan. Lalo naman si Karina na pinagtitinginan sa lakas ng bunganga at paghagikgik sa daan.

 

“Okay, okay. I’ll let you be. Bye! Ingat ka!”

 

“You too, Yun!”

 

She took a deep breath bago pumasok ng isang maliit na coffee shop along High Street. Kita niyang nasa loob na si Sungchan, looking nervous and stressed sa pagkuyakoy.

 

She approached the table, “Low po kuya.”

 

“R-Rina. Uhm, hi. Kamusta?” Aba at pinaghila pa talaga siya ng upuan ng lalake. “I ordered your favorite coffee. Here,” he handed her a latté. Kaso ang favorite coffee na ni Karina ay ‘yung customized drink ni Winter sa Starbucks.

 

Pati na rin ‘yung kape galing sa labi ni Winter kapag hahalikan siya nito sa umaga for a “good morning kiss” daw...

 

Down bad talaga ang baklang Karina.

 

“Thanks,” she said in a grateful tone anyway. “Kanina ka pa? Akala ko ako ‘yung maaga..” Medyo na-aawkwardan siya kaya small talk galore muna.

 

“Well..” The guy chuckled nervously, “Nakakahiya naman ma-late if my main purpose here is to.. try and get you back.”

 

Gustong mag-teleport ni Karina pauwi sa McKinley dahil sa narinig.

 

Natulala na lang siya dahil nag-umpisa nang mag-speech si Sungchan na para itong nagho-homily, at iniisa-isa ang mga mabubuti niyang ginawa kay Karina. If she was being honest, it sounded like nanunumbat ito more than anything.

 

“I helped you in getting your job before..”

 

“I was the one na naghahatid at sundo sayo!”

 

“Tiniis ko ‘yung masungit mong tatay..”

 

Pasimple niyang kinuhanan ng litrato ang paa niya, kita pa nga ang kuko niyang kakapa-pedicure lang nung isang araw.

 

(6:46pm) Me: *photo attachment*

 

Sinend din niya kay Yunjin ‘yung location niya.

 

At this point ay hindi na siya nakikinig kay Sungchan dahil siya na rin ang sinisi nung lalake kung bakit daw ito napatingin sa ibang babae dati.

 

“Look, Chan.. Akala ko naman magiging maayos ‘yung usapan. Clearly, susumbatan mo lang pala ako sa mga nagawa mo before,” dinerecho na niya ito. “It’s not gonna happen anymore.”

 

Inis na ngumiwi ang dati niyang manliligaw, “Kasi nakahanap ka na ng iba? ‘Yung nasa photo, ‘noh? I could tell it was you, you know? Jacket ko ‘yung suot mo doon. Are you into girls now?”

 

She frowned at the man, nabibwisit na siya sa pagiging pushy nito, “For your information, I’ve always liked girls. Even before kita bigyan ng chance. And I don’t know kung anong photo ang pinagsasasabi mo. Stop making

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
37 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
126 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls