Chapter 11

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

“What do you think I should wear?”

 

Mga thrice na yata natatanong ni Winter sa kanya ‘to, at iisa lang naman ang sinasagot ni Karina, “Ikaw bahala. Okay na ‘yung hoodie o sweater, naka-mask ka naman.”

 

Maaga siyang pinapunta ng singer dito sa bahay niya dahil umalis na si Giselle papuntang Cebu. Ang sabi ni Winter, si Karina raw muna ang manager niya bilang assistant manager naman ang kanyang trabaho.

 

Parang hindi naman sila tinuruan mag-manage ng artista nung college, pero pwede na rin.

 

Baka ang ibig sabihin pala talaga ng HRM ay Hartista and Restaurant Management.

 

“Karina..” Winter whined. Niyugyog siya nito kaya na-disrupt nanaman ang beauty rest niya sa malaki at very comfortable na couch. “Karina! Tulungan mo ako..”

 

Halos magwala si Karina sa kinakahigaan niya, “Antok pa ako.. Winter naman.. Mamayang gabi pa ‘yung paskuhan, ‘wag kang excited.” Pumikit na lang ulit siya, resting her arm on top of her eyes.

 

“Wala kang OT pay sige.”

 

Mabilis pa sa pusang naagawan ng pagkain ang pagtayo ni Karina, “Ito na nga. Ayokong binabantaan ako ng ganyan eh.” She gave Winter a once over, “Nasan ba outfit mo?”

 

“Nandon sa room. Samahan mo ‘ko..” Ang whiny ni Winter ngayon. Baka ganito talaga ang mga celebrities kapag may break sa work nila, ang daming energy umarte.

 

“Oo na, oo na,” pilit na sagot ni Karina. Naririndi na kasi siya kay Winter pati sa phone niyang walang humpay ang tunog. “Tsk, ano ba,” inis na sabi niya, locking her phone again and pocketing it.

 

Winter craned her head over her shoulder habang pataas sila ng hagdan, “Kanina pa tunog nang tunog phone mo. Who’s bothering you?” Karina didn’t miss the protectiveness sa boses ng singer.

 

“Si Sungchan ba yan?” Bakit parang lagi na lang interesado si Winter sa manliligaw niya? Este, ex-manliligaw pala! “Trouble in paradise?” The idol opened the door for Karina at pumasok na sila sa room.

 

(8:02am) Sungchan: Can we talk?

 

(8:03am) Sungchan: Sorry sa mga nasabi ko last time.

It was stupid and I was a jerk.

 

(8:05am) Sungchan: I went to your house, pinaalis ako

ng papa mo.

 

“Buti nga sayo,” she smirked sa nabasa. She put the phone on silent, giving her full attention to Winter, “Bakit ang chismosa mo?”

 

“I’m just curious...” sagot nito. “Kaya ba hindi siya ‘yung kasama mo sa paskuhan? Wala na kayo, ‘noh?” Hindi nagugustuhan ni Karina na parang tuwang-tuwa pa ang itsura ni Winter sa prospect na hindi okay sila okay ni Sungchan.

 

Inirapan niya ang singer, “‘Wag na natin pag-usapan, pwede ba?”

 

“Yep, much better,” Winter grinned. “Now, can you help me choose my outfit? Hindi kasi ako sure kung saan ako hindi magmumukhang… ako. That’s why I need your help.”

 

Karina peered at the clothes na nakalatag sa kama ni Winter. Akala mo naman talaga aattend ng JS Prom para maghanda ng ganito for a hoodie outfit.

 

Pero... may nakapukaw ng atensyon niya sa mga nakahanay na sweaters and jackets sa kama. Natawa na lang si Karina, “Pare-pareho namang long sleeves yan. Pero itong blue Casper sweater na oversized, maganda ‘to.”

 

Awkward.

 

“No pun intended,” Karina added.

 

Namula ang mukha ni Winter, “O-okay. Sige. Sabi mo eh. Talikod ka, isusuot ko lang.”

 

Karina turned around. Pinagmasdan na lang niya ‘yung room ni Winter from her line of view. Nakabukas ang closet sa kwarto, kaya napatingin si Karina sa mga shoes...

 

Nandon pa rin ‘yung sapatos na suot ni Winter from when they first met. ‘Yung sapatos na siya ang nagsintas... Karina was suddenly hit with nostalgia.

 

Napapakwestyon tuloy siya sa sarili niya kung tama ba ang desisyon niya sa pagsama kay Winter at the very place and very event where they first met. Kung saan siya na-”love at first sight” kay Minjeong.

 

Hayyyy...

 

Ang mga choices ko sa buhay ang maglalagay sa akin sa kapahamakan.

 

But!

 

As an intellectual person, gustong may patunayan si Karina sa sarili.

 

Tingin niya ay challenge itong gabing ‘to para mapatunayan na wala na talaga siyang “something” kay Winter. Na kahit pa araw-araw silang magpunta sa paskuhan, wala nang epekto sa kanya.

 

Gusto rin niyang ma-prove kay Ning na hindi niya kakainin ang kanyang mga salita.

 

Sure na sure na sure siya, wala na talaga.

 

As in sure na!

 

Final answer po Miss Krissy!

 

“Karina? Huy! Kanina pa kita tinatawag,” naramdaman niya ang pagtapik ni Winter sa balikat niya. “Tapos na. Tignan mo, bagay ba?”

 

Muli niyang hinarap ang k-pop idol, and she couldn’t really hide her smile dahil parang ang soft at small ng itsura ni Winter. Nakasuot pa ito ng specs at naka-bun ang buhok.

 

Masyado na siyang napapatitig.

 

“Yan, okay naman. Mukha ka lang high school student, to be honest,” she looked away. Mahirap na, baka aminin pa niya out loud na nagagandahan siya sa suot ni Winter.

 

That she looks like the Minjeong Karina used to know back in college.

 

 

 

May of 2014

 

Kumatok si Jimin sa boarding house kung saan minsan nagsi-stay si Minjeong. Namamawis ang kamay niya at nanlalamig dahil ito ang first unofficial official date nila.

 

Hindi niya alam, honestly. But what she knows is this isn’t not a date.

 

Pinagbuksan siya ng kasama ni Minjeong sa bahay. Hindi niya alam ang pangalan nito, pero ang alam niya, nagsisimula sa letter Y.

 

“H-Hi,” nahihiyang greeting sa kanya ni ateng letter Y. She’s not certain kung bakit parang nahihiya sa kanya ang babae. “Si Minjeong ba? Nasa room pa niya. Tatawagin ko lang. Pasok ka..”

 

Pinaupo siya nung babae sa maliit nilang sofa inside the house. Nagpe-play ang Eat Bulaga sa TV, at amoy pritong hotdog at sinangag ang buong bahay.

 

“Minjeong, nandito na si Jimin..” She heard the girl say. Nagkatinginan pa sila at binigyan nanaman siya ng shy smile ni ate girl. Nagtaka rin siya kung bakit alam nito ang pangalan niya, but Minjeong must have told her.

 

Kinikilig siya sa thought na kinekwento siya nito sa ibang tao...

 

Lumabas na si Minjeong, and just like the typical cliché scenes in movies and dramas, natulala siya sa ganda nito. Kahit nakasuot lang naman siya ng simple sweatshirt and shorts. Nakadagdag ganda rin ‘yung specs.

 

“Hi,” Minjeong smiled at her.

 

Tumayo si Karina, reaching for Minjeong’s hand dahil nami-miss na niyang hawakan ito. “Let’s go?”

 

“Saan tayo pupunta?”

 

She kissed Minjeong’s hand, bilang isa nga siyang cliché na tinubuan ng tao, “Kahit saan. Basta kasama ka, masaya ako.”

 

“Ako rin..”

 

 

 

“Karina.. Natutulala ka nanaman diyan.” Bumalik siya sa katinuan. She didn’t even notice na hawak na pala ni Winter ang kamay niya.

 

She pulled her hand from Winter’s grasp, not really wanting to add more sa nostalgic feeling na kanina pa niya nararamdaman simula umakyat siya dito sa kwarto ng singer.

 

Nagho-hope si Karina na hanggang dito lang ito at hindi na siya atakihin pa mamaya ‘pag nasa paskuhan na sila.

 

“Puyat lang. Ang aga mo kasi akong pinapunta dito,” alibi niya. “Ayan, okay na yang outfit mo. Oks na? Pwede na akong bumaba?”

 

“Uhm..” Nako po, nag-isip nanaman. “Do you wanna go out?”

 

If Karina didn’t know any better, iisipin niya ina-ask siya ni Winter to go out on a date. Pero that would be really weird and random.

 

Jusko! Ano ba ‘tong iniisip ko.

 

“Go out?”

 

“Wala, testing lang natin kung gagana ‘tong disguise ko. Kung walang makakakilala sakin. Let’s go diyan sa Venice Grand Canal Mall. I haven’t been there. What do you think?” Winter asked, sounding hopeful and eager.

 

And lately, Karina hasn't really had the energy na magsabi ng “No” kay Winter.

 

She breathed out loudly at kunwaring tinatamad na sumagot, “Fine. Libre mo ha.”

 

“Oo naman! Let’s go!”

 

Hila-hila siya ni Winter palabas ng kwarto hanggang sa makarating ulit sila sa living area where Jackson is. Kumunot ang noo ng bodyguard, “Where do you think you’re going, Miss Winter? Miss Karina? I thought your gala isn’t until tonight?”

 

“Yes, but I’ll have to test out my outfit. You can’t come! My fans know your stupidly good-looking face. I’ll ring you if something happens, okay? And don’t tell Giselle!”

 

Hindi na hinintay ni Winter na sumagot ang bodyguard. Tuluyan na rin niyang hinila si Karina papalabas, “Mag-jeep tayo!”

 

“Walang jeep dito! Magbu-book na lang ako ng Grab. Napaka-hassle Winter ha!” Pero aaminin ni Karina, curious rin siya kung hindi nga makikilala si Winter sa labas. “Suot mo ‘to,” binigay niya ‘yung cap na dala niya kaninang umaga pagpasok.

 

“Hindi mo ba isusuot?”

 

“Mas kailangan mo. ‘Wag kang mag-alala, hindi naman mabaho ulo ko. Medyo lang,” she clowned herself. Mabilis lang siyang nakapag-book ng Grab dahil maaga pa naman.

 

Karina thinks her cap looks good on Winter.

 

Pagpasok nila ng kotse, saktong tumutugtog ang kanta ni Winter sa radio. Alam ni Karina, dahil ito ‘yung Drawing Our Moments na pinakinggan niya.

 

She started humming unconsciously. Gulat na tinignan tuloy siya ni Winter, “Alam mo ‘yung song?” Masyadong malapit ang bibig ng k-pop idol sa pisngi niya. “Kanta ko yan eh.”

 

Nawala ang angas ni Karina dahil mukhang mapapaamin siya na on-repeat ito sa kanyang YouTube music, courtesy of Tiffany’s premium plan.

 

“Ni-require kami ni Tiffany na makinig ng songs mo,” pagsisinungaling niya. Hindi pwedeng mawala ang cool aura ni Karina!

 

Mahinang natawa si Winter, “I know Tiffany wouldn’t do that. You can just admit na you like my music,” the singer teased back. “I wrote that song, by the way... Share ko lang.”

 

And Karina swears, that new information made the song even more beautiful sa paningin niya.

 

“You’ve always been talented,” she blurted accidentally. Gusto niyang bawiin, but she didn’t.

 

“Thanks..” Mahina ang pagkakasabi ni Winter, parang nahiya ito bigla.

 

Napapreno nang matindi ‘yung driver dahil may biglaang tumawid na pusa. Halos sumubsob si Winter sa seat sa harap kaya hinawakan kaagad siya ni Karina, “Kuya kung balak mo kaming bingutin, sabihin mo lang ha!”

 

“Sorry, Ma’am!”

 

“Okay ka lang?” She got worried dahil parang nabigla si Winter sa nangyari. “Usod ka dito, okay lang yan..” Ang soft ko, anuba!

 

Winter moved closer to her, hawak ni Karina ang bewang ng singer para hindi na ulit sumubsob ito pag pumreno nanaman nang biglaan. And to sort of console the singer na rin bilang shaken ito sa nangyari.

 

“Ma’am alam niyo, saludo ako sa mga LGBT couples,” bulalas nung driver. “Ang tapang niyo. Tsaka Ma’am, ‘yung anak ko rin na babae may jowa rin na babae. Bagay na bagay sila, parang kayong dalawa.”

 

Nahilo bigla si Karina sa moving speech ni manong. Samantalang si Winter, tumatawa lang sa tabi niya at walang reklamo sa assuming na driver.

 

Magre-react pa sana si Karina pero napapreno nanaman ang sasakyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
132 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls