Chapter 1

Heartbreak Recipe
Please Subscribe to read the full chapter

Huwebes nanaman, sabi ni Karina sa sarili.

 

Ang ingay.

 

Thursdays are always the most hectic for her dahil ang daming customers. Hindi magkandamayaw ang dating ng tao at ang dagsa ng orders sa kusina.

 

Panigurado niya, marami nanamang reklamo ang mga entitled at OA na diners, na malamang sa malamang ay gusto lang magpaka-opinionated at may mai-post sa social media.

 

At syempre, siya ang haharap sa kanila dahil naka-leave ang magaling na si Johnny. Pinigilan niyang umikot ang mga mata niya.

 

Hindi na rin naman nagrereklamo si Karina kung marami mang tao ngayong Huwebes dahil after the pandemic hit, halos ma-bankrupt itong restaurant na pinagtatrabahuhan niya.

 

Ngayong halos back to normal na ulit, unti-unti nang dumadami ulit ang mga tao na kumakain dito.

 

Although minsan, talagang mahina. Wish na lang niya ay 'wag magtanggal ng emplooyes.

 

Karina is an assistant manager.

 

And according to her, hindi lang siya basta assistant manager—isa siyang napakagandang assistant manager.

 

Hindi naman sa nagyayabang si Karina, pero pinag-agawan lang naman siya ng mga sikat na restaurants sa BGC dahil sa ganda niya.

 

Though syempre, ilusyon lang niya 'yon. Wala namang konek ang beauty niya sa kanyang trabaho.

 

The truth is, she had to work her off and prove herself para lang marating yung position ng pagiging assistant manager.

 

She ended up working at The Wild Flour—a restaurant slash bakeshop in Taguig. Bago lang ito at hindi pa gaanong katagalan sa food industry.

 

She has been working there simula mag-umpisa ito. Kumbaga one of the pioneer employees siya kaya naman mabilis din siyang nakaangat-angat.

 

Mostly ay healthy food ang sine-serve nila, pero may mangilan-ngilan rin na pang putok-batok. They also have a bar sa restaurant.

 

Minsan hindi niya maintindihan kung gusto ba talaga ng restaurant ng healthy lifestyle para sa customers nila o hindi.

 

Nonetheless, likes working at TWF. Bukod sa mabait ang boss niya, hindi late ang pay dito.

 

At ang pinakamahalaga, malapit sa building na pinagtatrabahuhan ng kanyang butihing manliligaw.

 

Si Sungchan.

 

Napangiti siya nang maisip ang lalake.

 

Isa kasi ito sa mga laging nagpu-push kay Karina to do well sa kanyang trabaho.

 

They met back in college; Karina was an HRM student, while si Sungchan naman ay Engineering.

 

The guy wasn’t like any other men na nakilala niya. He’s respectful, and he certainly doesn’t see Karina as someone to mess around with. In fact, he’s a bit... religious.

 

Minsan napapa-pray na lang din si Karina bago kumain kapag kasama si Sungchan.

 

Bless us o lord in these thy gifts—

 

Okay, na-carried away siya.

 

Wala namang masama sa pagiging good boy ni Sungchan. Bihira lang talaga siyang makakilala ng tao na pala-dasal at may takot sa Diyos.

 

She only decided to give him a chance last year. Although in Karina’s defense, gusto lang niyang makasigurado sa pipiliin na tao. Gusto niya yung magsi-stay sa buhay niya.

 

Yung hindi siya iiwan sa ere.

 

She’s had enough of that.

 

A dangerous thought was about to enter her mind pero pinigilan niya.

 

Para sa napakagandang assistant manager ng TWF, ang natapos sa past ay dapat iwan sa past. It should't be in the present at lalong-lalo naman sa future.

 

Ekis na, kumabaga.

 

“Good evening naman, beh,” their barista, and also her very good friend na may pagkaloka-loka, greeted cheerfully.

 

“Hindi pa nag-uumpisa ang duty, mukhang pagod na tayo ah,” palabiro talaga si Ning. Sobrang kumportable nila sa isa’t isa simula nang mag-decide sila na magkaroon ng sideline.

 

Bukod sa pagiging maganda—o pwede rin namang pogi, hindi naman choosy si Karina sa adjectives—pareho silang mukhang pera ni Ning, kumbaga. Sino ba naman daw kasi ang ayaw sa extra money, ‘di ba?

 

“Panong hindi mapapagod, eh nag-prepare ako ng mga orders natin kagabi. Bwisit ka kasi, ‘di mo ko tinulungan!” Masama ang loob na sabi ni Karina.

 

Tumawa lang si Ning sa paghihimutok ng kaibigan. Kinurot pa nga niya ito sa pwet, “Nag OT ako kagabi! Sorry na. Bukas tutulong ako promise!”

 

Pinalagpas na lang ni Karina dahil minsan lang naman may ma-miss si Ning na prep night. Pareho naman silang ma-effort talaga sa sideline.

 

Meron kasi silang... raket.

 

Nagpapa-order sila ng prepped meals—yung mga ready-to-eat meals na may pagka-healthy. At bilang mahilig magluto si Karina, they decided to push through with the idea. Magaling din kasi si Ning sa social media.

 

Sinamantala na nila na nandito sila sa business district. Maraming employees, especially BPO workers, ang umo-order sa kanila. Mga walang time para magluto at health conscious kuno ang mga ito.

 

Kaya naman inumpisahan nila ang ‘The Taste of KarNing’. Online ang set-up nito, kaya hindi nila kailangan gumastos sa physical store.

 

“Ang dami na nga rin nagsulputan na same concept ng satin. Kainis. Nabawasan tuloy orders and inquiries,” pag-rant ni Karina.

 

She feels bad na nagchichikahan sila ni Ning habang sobrang busy ng resto, pero parang mahihimatay kasi si Karina kapag hindi nakipagdaldalan. Ganon din naman si Ning.

 

Match made in heaven talaga silang dalawa.

 

“Grabe, iba na talaga tayong trendsetters,” Ning responded with matching paghawi ng buhok. Pareho silang humagikgik ni Karina. Tinignan sila ni Ryujin nang masama from the cashier’s booth.

 

“Badtrip nanaman si ateng busangot,” bulong ni Karina kay Ning. “Oh siya, chat na lang mamaya pag-uwi para sa bagong menu for next week’s orders. Tulungan mo naman akong mag-isip. Wala ka talagang kwenta minsan eh.”

 

Nagkunwaring offended si Ning, “Anong minsan? Lagi akong walang kwenta. Eme,” humagalpak nanaman ang dalawa at tinignan nanaman sila ni Ryujin nang masama.

 

Minabuti na lang ni Karina na tumulong sa servers nila. Wala pa rin naman kasing customer ang nagpapatawag ng manager so far, kaya maganda pa ang mood niya.

 

Tine-take note din niya kung ano yung madalas orderin ng mga taong feeling healthy dito sa TWF. Ginagamit niyang inspiration para sa business nila ni Ning. Sa madaling salita—gaya-gaya siya.

 

Hindi naman talaga sobrang kailangan ni Karina na magtayo ng sideline na ganito until her father got into a motorcycle accident this year.

 

Though hindi naman sila kinakapos sa buhay dahil maganda naman ang trabaho ni Karina at mayaman ang family ng tatay niya, still, earning extra wouldn’t hurt.

 

Technically, si Karina ang nagpo-provide para sa kanilang dalawa ng Papa niya for now. Helpful rin ang malaking savings ng kanyang tatay. Ayaw lang talagang mag-rely ni Karina fully dito.

 

Yung nanay naman niya… Ayaw nang isipin pa ni Karina kung saan lupalop ng mundo naroon ang kanyang walang kwentang ina. Wala na rin naman siyang pakialam dito.

 

Nang medyo humupa na ang tao, nilingon niya si Renjun na nagpapahinga rin sa may gilid, “Hindi pa rin ba nila sinasabi kung ano ‘yung meeting sa weekend? Parang ang secretive naman,” she wondered. “Big thing daw eh.”

 

And just like she is, Ren is also wearing a confused expression. Halos wala rin idea sa tanong ni Karina. “Oo nga, eh. Sayo nga dapat ako magtatanong, akala ko alam mo. But oh well, let’s just wait.”

 

Karina just shrugged in response, “Yup. Baka ipo-promote na ako,” napatawa siya sa sariling sinabi. Asa naman. Mas mauuna pang pumuti ang uwak.

 

“Malay mo nga,” walang pakeng sagot ni Renjun.

 

“Parang hindi ka supportive, Renjun,” pagbibiro ni Karina. “Maging cheerful ka naman kahit peke lang. Kaya isang taon ka nang tigang eh.”

 

Sinimangutan siya ng lalake, “Grabe! Namersonal talaga? Pero to be honest, feel ko nga mapo-promote ka. Ikaw halos gumagawa lahat ng work niyo ni Johnny eh.”

 

“Diba!” Napalakas ang boses niya at nagtinginan ang customers sa kanila. Awkward na tumawa si Karina, “Diba ang sarap sa The Wild Flour guysh!” Pagsasalba nito.

 

Hiyang-hiya si Renjun sa harap niya.

 

Ang totoo niyan, as much as she loves The Wild Flour, she hates the fact na maluwag sila kay Johnny kahit wala itong kwentang empleyado. Kamag anak kasi ng isa sa mga owners.

 

Kung tutuusin, para kay Karina, hindi naman na kailangan si Johnny. Having one assistant manager is enough. Pero pinasok na rin ang lalake dito dahil malakas ang backer.

 

Iba talaga sa Pilipinas.

 

Bumalik na lang ulit sila sa trabaho bago pa madala ng emosyon si Karina sa kabwisitan sa co-assistant manager niya. Biglang dami nanaman kasi ng tao.

 

“Table 5! One pan-fried porkchop with quinoa on the side!”

 

“Table 8! Two orders of kimchi rice with steak! Less oil daw! Less salt! Less spice! Lahat na less! Wag na ‘tong bigyan ng order! Charot!”

 

“Table 2! One vegetarian pizza with burrata!”

 

“Here we go. Date night nanaman ng mga burgis na feeling healthy,” sabi niya sa sarili. “Mas masarap kaya food namin sa KarNing.”

 

 

 

 

“Alam mo Karina, gusto ko na lang sulutin si Sungchan sayo. He’s so dreamy!” Tugon ni Ning habang nakatingin sa lalakeng nag-aantay sa labas ng resto. Nag-out na sila sa trabaho.

 

“Hatid-sundo ka lagi. Nakaka-inggit. Samantalang ako, napapanot na sa stress ng pagko-commute.”

 

Nginitian ni Karina ang lalake at kumaway dito while she looked at him through the glass walls ng TWF. Sungchan gave her a sweet smile in return. Hindi niya halos marinig ang sinabi ni Ning.

 

Ang gwapo niya talaga, Karina thought to herself.

 

“He’s just too good. Para ngang hindi ko siya deserve, eh. Mas mabait pa siya kaysa sakin,” Karina said bye sa kanyang kaibigan at sa iba nilang workmates, dumerecho na agad siya sa manliligaw.

 

“Hi, manager,” the tall guy greeted.

 

Kita ni Karina ang tinatago nitong bulaklak sa likod, “Hi, Chan. Ano namang tinatago mo diyan?” They gave each other a quick hug. Amoy na amoy pa ni Karina ang mabangong pabango ni Sungchan.

 

Mabango, gwapo, mabait, responsable… Nasa kanya na ang lahat! Hindi niya mapigilang hindi sabihin sa sarili.

 

“For my lady..” Inabot nito ang bulaklak kay Karina who gladly took it and smelled it enthusiastically. Hindi na niya sasabihing nakornihan siya sa pa-“my lady” ng manliligaw.

 

“Let’s go na. Hatid na kita sa inyo,” they walked hand in hand papunta sa parking lot where Sungchan’s car is parked.

 

“You’re so romantic. May pa-flowers ka pa. Parang may dadalawin lang sa sementeryo,” pabiro niyang pakli. “Joke lang. Anyway, anong occasion? Did I miss something?”

 

Inisip tuloy ni Karina kung birthday niya ba.

 

He gave Karina’s hand a squeeze before answering, “Nothing. Gusto ko lang na you feel special even on normal days. And I know you’re extra tired kapag Thursdays, so..”

 

She couldn’t help but smile widely, “Thank you. Ang ganda. Ang ganda ko. Char.”

 

“You really are,” hirit pa ng kanyang manliligaw.

 

“How was work, by the way?” Sungchan asked Karina when he started driving pauwi sa bahay ng nililigawan. “Should we get something para kay Tito? Nag-dinner na ba siya?”

 

It’s his kindness like this that makes Karina like him more and more each day. Mabait siya sa Papa ni Karina, and he does his best to be close to him kahit medyo aloof ang ito sa kanya.

 

“Work was okay,” inamoy nanaman niya yung bulaklak. Hindi na lang din niya sasabihin na kahit anong bango ng bulaklak, para sa kanya eh amoy patay ito.

 

“Busy night. Thursday kasi. But it wasn’t something na hindi ko kayang i-handle. Ako pa ba,” Karina winked jokingly at him.

 

It wasn’t something na hindi ko kayang i-handle dahil minsan lang naman tauhin ang resto!

 

Sungchan was giving her a cute smile like he always does, “Oo naman. That’s my girl,” Karina squirmed nang pisilin ng lalake ang kanyang pisngi.

 

She doesn’t like it when people do that to her, but she’s making an exception para sa poging manliligaw. Aarte pa ba siya.

 

“Tsaka hindi naman need dalhan ng anything si Papa. I had food delivered sa kanya kanina nung humupa yung tao sa Wild. But thank you for the offer,” Karina gave him another thankful grin.

 

“Ikaw, kamusta work?”

 

“Meh. Just another boring day at the office. Although may big project yata next next month sa Cavite. Not sure yet,” he looked at Karina who was pouting, “Why? Mami-miss mo nanaman ako kapag nasa site?”

 

In Karina’s defense, nakaka-miss naman talaga si Sungchan when he’s away for work. Pinaka-unang rason kung bakit niya nami-miss ang lalake ay dahil wala siyang taga-sundo.

 

Grabe, ginawa ko namang school service.

 

It’s not really something na pinag-aawayan nila—yung hindi pagkikita minsan dahil sa trabaho. Besides, hindi pa naman sila...

 

Napa-flinch si Karina dahil sa tumugtog sa radyo ng sasakyan.

 

Hey boy

Look, I'm gonna make this

Simple for you, you got two choices

YES or YES?

 

Ah dul junge hanaman golla YES or YES?

Ah ah hanaman seontaekhae eoseo YES or YES?

 

“Lipat mo nga yan,” inis na utos ni Karina sa lalake. “Di ko bet mga ganyang music. Bilis! Lipat mo!” Pagpapaka-dramatic nito.

 

Sungchan giggled sa pagka-grumpy bigla ni Karina, “What’s with you at sa hate mo sa k-pop? Dati ko pa napapansin,” he proceeded to turn off the radio at nagpatugtog na lang ng ibang genre using his phone.

 

OPM, since Karina isn’t fond of Korean songs nga.

 

“Wala. Ayoko lang ng k-pop songs,” she simply said so Sungchan just shrugged it off. Sino nga naman ba siya para manghusga ng taste ng mga tao sa music.

 

The two got to Karina’s place nang hindi katagalan. The assistant manager just lives in Taguig kaya hindi ganoon kalayo ang byahe niya papunta at pauwi galing sa trabaho. Another plus point in working at TWF.

 

“Let’s go sa loob. Pakita ka kay Papa,” yaya ni Karina sa manliligaw. May pagka-hesitant sa itsura ni Sungchan that Karina finds amusing, “Tara na, he doesn’t hate you. Wag ka nang pabebe diyan. Protective lang siya sa akin.”

 

Hindi na nakatanggi ang lalake, “Okay..”

 

Naabutan nila ang Papa ni Karina sa living room na nanonood ng balita. Agad siyang lumapit dito, “Pa, kamusta?” Nagmano si Karina, “Nandiyan po si Sungchan.”

 

Nilingon lang nang mabilis nito ang lalake at sininghalan, “Nandito ka nanaman,” pero alam ni Karina na hindi naman galit ito, sadyang protective lang.

 

“G-Good evening po, Sir. Hinatid ko lang po si Karina.. Paalis na rin po ako,” natatawa-tawa si Karina sa kinakatayuan dahil parang gusto nang tumakbo papalabas ng bahay si Sungchan.

 

“Salamat kung ganon,” sagot ng matanda. Sumenyas na lang si Karina sa manliligaw na pwede na itong umalis.

 

Isang Korean k-pop star ang bibisita sa Pilipinas sa isang buwan—

 

Kinuha ni Karina ang remote at nilipat agad ang TV. Ayaw na ayaw niya kasi talagang nakakapanood ng anything related sa k-pop o kahit k-dramas. Mas gugustuhin pa niyang makinig kay Regine at Jaya. O manood ng Probinsyano.

 

“Kamusta today, Pa?”

 

“Ikaw naman, anak. Para naman may bago sa araw ko,” parehong natawa ang mag-ama. “Tumambay lang kami dito ng uncle mo. Nagluto-luto ng kung ano-ano. It was fun.”

 

Natuwa naman si Karina dahil may mga pagkakataon na nag-aalala siya sa Papa niya.

 

She feels like sometimes, he’s bored and alone. Hindi na rin kasi niya muna pinapayagan ito na magtrabaho pa dahil baka lumala ang pilay sa paa. Ito rin ang payo ng doktor after the surgery.

 

It was a good thing na nandiyan ang kanyang uncle to keep her father company every once in a while.

 

“Kayo nung Sungchan na ‘yon, seryoso ka na ba don?” Ilang beses na rin ba itong naitanong ng Papa niya kaya tinatawanan na lang ni Karina. Parang hinihintay lang siyang sumagot ng “Hindi”, which is hindi naman mangyayari.

 

“Pa, sabi ko naman sayo, we’re serious. Hindi pa kami, but we’ll get there. Ano bang problema sa kanya?” She finally asked, baka naman nga kasi ayaw talaga ng tatay niya sa kanyang manliligaw.

 

If that’s the case, then Karina would want to know the reason. Mahalaga para sa kanya ang opinyon ng kanyang ama.

 

Ngumiti lang sa kanya ito, genuinely this time, “I have nothing against him, anak. He’s actually a nice guy. I just think.. na masyado siyang mabait. Hindi ba mas okay yung challenging at may thrill?”

 

Umawang na lang ang bibig ni Karina sa narinig, “Yung ibang parents gusto nila ng mabait para sa anak nila. Tapos ikaw, you’re telling me na makipag-date sa someone na may challenge?! Kainis ka,” umiling na lang ito at tumawa.

 

“Well, you can’t blame me! Maghapon lang ako sa house, excuse me for wanting a challenging love life para sa unica hija ko!” Malakas ang tawa nito, teasing her frowning daughter.

 

Padabog na lang na pumasok si Karina sa kwarto, “Irereto na talaga kita kay Aling Gloria!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“So.. I was hoping you’d be happier than you are,” Winter got startled sa biglaang pagsalita ng kanyang manager.

 

The singer shrugged and offered a tight smile, “I am. Hindi ka na nasanay, lagi naman akong nakasimangot kapag hindi nakaharap sa fans at sa media,” she joked, although she knew that her words had some truth in them.

 

Her manager didn’t look convinced. Winter laughed at tinignan ito nang pabiro, “Giselle, I’m okay. Believe it or not, I’m happy na uuwi ako sa Pinas for a while. Korea has been.. well, Korea. Draining and exhausting. Ano pa nga ba.”

 

Winter is thankful na hindi nila kailangan mag-usap in Korean ni Giselle kapag silang dalawa lang. Minsan kasi, nag-aalala siya na baka malimutan niya na kung paano managalog.

 

“I know. But it’s all worth it naman, right? You have a successful solo career. That’s tough to achieve in the industry, alam mo naman ‘yun, diba?” Giselle hugged Winter lightly, “I’m proud of you.”

 

Winter doesn’t know kung bakit nagpapaka-softy si Giselle sa kanya, but it comforted the singer even just a bit, “Thank you, Gis. You know I’m glad you’re coming home with me in the Philippines. I don’t know what I’d do without you.”

 

Being in the limelight, Winter realized that ironically, masikip ang mundo na ginagalawan niya. Na lahat ng magiging “kaibigan” niya sa industry, almost all of them aren’t meant to stay.

 

She’s used to it. Besides, she’s good at socializing nman.

 

She’s thankful na marami siyang fans to keep her happy and inspired para magpatuloy pa sa landas na tinahak niya.

 

It isn’t easy for Winter—having a decent success in her career in the k-pop industry. May mga issues na binabato na walang katotohanan, samahan pa na wala rin kwenta ang company kung nasaan siya.

 

Nevertheless, this has always what she’s been dreaming of, so there’s that. Again, she’s used to all of that. It’s her passion that keeps her afloat. And at least hindi napunta sa wala ang lahat ng sacrifices niya when she was younger.

 

“Sure ka na ba na dun mo gustong mag-main stay during your Asian tour? You can always opt for other options. Pwedeng sa Thailand. Does it have to be the Philippines?”

 

Winter noticed the littlest hint of worry sa boses ng kanyang manager.

 

The singer didn’t answer, so her friend continued, “You know.. Since marami kang not-so-good memories doon. Your parents. Your—“

 

Winter cut her off almost immediately, “Let’s not talk about that. I’m okay, Giselle. Really. And yes, sure ako na gusto ko sa Pinas. I need a change in the environment in order for me to finish the tour. And may ishu-shoot doon, ‘di ba?”

 

Her friend knew Winter’s decision was final so she didn’t say anything anymore, not wanting to upset the other girl. She just nodde

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
I’m super busy lately sa work and personal matters, but rest assured na hindi ko po ito igo-ghost! Updating soon! 🫶🏻

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
43 streak #1
Namiss ko si jopay 😭
tzuyu_once #2
Chapter 30: Author san ka na po:--(( nakakabitinnnnn looking forward sa update nyo. Ganda ng story shuta
Tortillos #3
Chapter 3: YUNG TAWA KO GRABE KAHIT NASA CHAPTER 3 PALANG AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
bigboy123
130 streak #4
Chapter 30: Jopay, kamusta ka na? 🥹
loonygirl22 #5
Huhu read this thinking na complete na siya noooooo! (Also ako lang ba Yunjin fan here??? Parang pwede eh — ugh, er for unrequited love good other person talaga ako!)
elevenelevenfine
#6
andito na din ako hehe
imwinter0101
#7
🤍
oldbellar #8
Chapter 30: hala feeling ko tuloy ako si karina na ghinost ni idol winter 😭😭😭
kaiclip #9
Chapter 30: 🥹🥹
fanficethusiast #10
Chapter 30: author balik ka na pls