Ganda, tabe ka.

Fishball or Lablayp?
Please Subscribe to read the full chapter

"Lowkey" ang magandang description sa school life nang isang Winter Kim. Hindi kase niya masikmura ang tingin ng ibang tao, lalo na kung magsa-stand out siya sa crowd. Kaya natutunan niya ang mag-blend sa ibang tao, yung tipong hiding in plain sight kumbaga, nagdadamit siya ng simple gaya ng flannels, jeans at rubber shoes na kung saan kumportable siyang suotin.

 

Ang kaso, hindi niya kayang itago yung awra niya. Kase kahit naka RBF lang, marami pa ring tumatapon ng tingin kada dadaan siya. Sabi ng pinsan niyang si Seulgi, mahirap daw balewalain ang kagwapuhan ng angkan nila kahit na mag-face mask pa siya. Sagot naman ng ate Taeyeon niya dito, wag na ito mag-aalalang mangyayari sa kanya dahil wala siya neto.

 

"Nag-skip sayo yung genes Seulgi, wag ka na umasa."

 

Kaya ayun, ang ending nagtapunan ang dalawa ng unan sa couch at pati siya nadamay.

 

Gusto lang talaga ni Winter yung tahimik na environment, yung walang pumapansin sa kanya kung mag-isa lang siya, yung walang estudyanteng nagtatanong ng number niya kada uupo siya sa bench ng school garden nila. Kaso ang dami palang makukulit na estudyante sa paaralan niya. Kaya naisipan niyang ipractice ang cold aura at RBF niya, sabay matalim na tingin pag may nagtatangkang kausapin siya.

 

Hindi naman talaga loner si Winter, may mga kaibigan din siya. Pero kase madalas(palagi) ang iingay at napaka energetic ng mga ito, hindi makasabay ang introvert self niya. May mga panahon pang may nakakahiyang gagawin ang mga ito kaya umiiwas din talaga minsan si Winter sa pagsama sa kanila. (Hindi niya kayang makipag dance battle sa gitna ng hallway during break time no)

 

 

 

 

Pansamantalang nakikinig si Winter sa discussion ng teacher about Entrepreneurship pero parang tumatagos lang ito sa kabilang tenga niya. Gusto niya nang mag-time para makakain na siya ng fishball dahil nag-crave siya bigla.

 

Nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng school bell nila, agad siyang nagligpit ng mga gamit at naisipang magyaya kasama ang mga kaibigan, "Oy, usto niyo mag fishball?", tanong niya at binaling ang tingin sa katabing upuan kung saan nakaupo ang mga kaibigan matapos maligpit ang mga gamit.

 

Mabilis na umiling si Ryujin sa tanong niya, "Sorry di ako pwede ngayon, nangako ako kay Yeji na sasamahan ko siya manghuli ng palaka para sa Biology niya," paumanhin neto. Girlfriend niya si Yeji at dahil under siya dito hindi siya makatanggi kahit pa may takot siya sa palaka.

 

"Nagpapasama si Lia at Chaer saken sa mall, may bibilhin daw," sagot naman ni Yuna, ang pinakamatanggkad sa grupo nila.

 

Lumingon silang lahat sa isa pa nilang kaibigan na busy sa pagkutingting sa cellphone.

 

"Can't, I have a date with Ning today," sosyal na sabi ni Giselle, napaghahalataang mayaman sa itsura at pananalita pa lang. Madalas nila itong tuksuhin at tinatawag nilang sugar mommy every time na nanlilibre ito. Batok lang naman ang abot nila dito, pero worth it daw makita ang inis na itsura niya.

 

"Geh, more fishball for me then," di naman kaso kay Winter ang pagtanggi ng mga kaibigan, naaasiwa din naman siya sa pagmumukha ng mga ito sa halos araw-araw na pagsasama nila. Tumayo na siya sa kanyang upuan, "Nga pala, good luck sayo Ryu. May nabasa kase ako na pag naihian ka daw ng palaka sa mata, mabubulag ka," tsaka siya natatawang lumabas sa classroom nila habang inaalala ang natatakot na mukha ng kaibigan, narinig niya pa itong nagtanong kay Giselle at Yuna kung totoo ba ang sinabi niya.

 

Nakikinig si Winter ng music sa airpods habang binabaybay ang gate ng school, sa tapat non ay kung saan nakapwesto ang paborito niyang bilihan ng streetfoods na pagmamay-ari ni manong Henri.

 

Kontento siyang tumitingin minsan sa paligid niya, at nang maaninag niya na ang pamilyar na pulang malaking payong matutuwa na sana siya.

 

Ang kaso...

 

... may humarang sa dinadaanan niya na muntik niya pang mabangga, mabuti na lang at nakahinto siya agad pero naamoy niya saglit ang pabango nitong kung sino man tong malakas ang loob na humarang sa kanya at sa fishball niya. Pasalamat na lang na hindi ito matapang na amoy na ayaw na ayaw niyang nasisinghot, at baka mainis pa siya lalo dito. Ang pleasing nga sa ilong ng amoy, yung tipong mapapapikit ka sa bango.

 

Muntik nang makalimutan ni Winter ang main agenda niya dahil lang sa pabango ng humarang sa kanya(naattract din kase talaga siya sa magagandang amoy but mainly because bading lang talaga siya).

 

Yung fishball ko.

 

Ang nasa isip ni Winter.

 

Sobrang distracted niya siguro sa pagiisip nang lasa ng fishball kaya hindi niya nagawang makita na may magtatangka palang kausapin siya, eh di sana na-ready niya ang RBF at pamatay na tingin para hindi na ito maghahamak na lumapit pa.

 

Dinako niya ang tingin paangat(bat ang tangkad neto) at nakita ang nunal sa mababang parte ng kanyang labi na kitang-kita dahil sa kaputian ng balat, matangos nitong ilong, hanggang sa nakakabighani at mapupungay na mata na nakatingin na sa kanya.

 

Katarina Yoo? 

 

May pagtataka sa mukha ni Winter nang nakilala niya na ito.

 

Madalas niya itong nakikita dahil magkaibigan sila ng girlfriend ni Ryujin at minsan din silang nagsasama kumain pag lunch break pero hindi niya tanda na nag-usap na sila, kaswal na ngiti at hello lang ang kanilang nagiging interaction.

 

Hindi niya ikakaila na may konting pagtingin siyang naramdaman nung una niya itong nasilayan, ngunit di rin naman iyon nagtagal nang nalaman niyang may boyfriend ito.

 

Sino nga ba yun? Janus? Janho? Juno? Ay ewan, basta hatdog siya. Pero balita ko nagbreak na sila nun.

 

Si Karina kase yung typical smart, rich and beautiful girl na maraming

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
PurpleCABBAGELover
Leave kayu ng comments mga bakla, baka mag add pa ako ng isang chapter kung bitin😄

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: tor add ka pa isang chap namo, ayos naman tagalog mo tor ok nga ehh(honest reaksyon)
Ardem_Joseph23
#2
Chapter 1: Moar!!
seiikihavre
#3
Chapter 1: more poooo
All_Rait13
#4
Chapter 1: Bitin po
gomtokkim
2138 streak #5
Chapter 1: ang cute talaga nito author baka naman may sequel
miggylan #6
Chapter 1: padayon na bi hapit na mag 6 month anniversary gimingaw na mga bata simo
miggylan #7
Chapter 1: di kayko hawud magtagalog so gibutang lang nako ni ditso sa google translate para malingaw pud kog apil hehe
Noctisnightprince
#8
Chapter 1: more po moreeee
myouiminguinari
#9
Chapter 1: hirap naman ng steps. hanggang fishball lang kayo ko
ryujinlover #10
><