Chapter T-7

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Note: Puro pov ni winter kung napapansin nyo , gagawan ko din si karina kapag patapos na siguro HAHAHAHAH charots! Pasensya na kung hindi masyadong nagsasalita si karina, crush na crush nya kasi hiya daw sya 😅 dejoke 

 

 

Winter's Pov

 

Parang biglang may nag bago sa amin ni Karina simula nung gabing biniro ko sya, isang buwan na ang nakalipas, pero naalala ko na patay malisya na nga ako noon, kasi akala ko hindi nya maalala kinabukasan dahil lasing sya. Pero nalimutan ko na si Karina nga pala ito. Harot na tinubuan ng tao.

 

Wala na syang pinalampas na araw na hindi ako inaasar dyan sa crush crush na yan! Ano kami highschool?! 

 

Tuwang tuwa pa itong si Ningning ng marinig nya na tinatawag parin ako ni Karina ng Mahal mahal na yan kainis ! 

 

"Mahal ko , Ilang putok ang gusto mo?" 

 

 

"Tatlo lang siguro, baka hindi ko kayanin kapag marami"

 

 

Prrrfffftt 

 

 

Sinamaan ko ng tingin si Ningning 

 

 

"Aga aga may putukan na agad akong naririnig"  pinagsasabi nito?

 

 

"Pinagsasabi mo?" mataray kong tanong sa kanya

 

 

Nakangisi parin ito sa akin.

 

 

"Ning, can we have 3 pieces of that putok? Winter's craving sa putok since last week pa eh "  lalong lumaki ang naglalarong ngiti sa labi nya

"Sure my beshie in law!" ngumiti sya kay karina ng pagkatamis tamis, "Beshie sure ka na tatlong putok lang? Baka mabitin ka" nagtataka ko na tiningnan si ning, ano bang pinagsasabi nitong babae na to at kanina pa ngiting aso sa akin?! kumindat pa nga at pilyang ginalaw galaw ang kilay. "Ninang ako ha" 

 

 

 

Nanlaki ang mata ko ng ma-realized ko ang kagagahan na pinagsasabi nya!

 

Bastos! utak talaga nila ni Ryujin kakulay na ng lawa dito sa amin! 

 

 

Tumingkayad ako para abutin sya sa likod ng istante ng mga tinapay na nakadisplay pero nakalayo na si gaga at tawang tawa habang hawak ang tong at supot na gawa sa papel.

 

"Bwiset ka! ang aga aga puro kabastusan yang iniisip mo!" bubuksan ko sana yung pinto papasok ng bakery nila pero na-ilocked pala ni gaga! 

 

"Lumabas ka dyan! Nako nanggigigil ako sayo luningning!" 

 

"Wait wait! Mahal, what happened?" pigil ni Karina sa akin , nakasimangot ko syang tiningnan ng hawakan nya ako sa braso

"Ok ka lang? Bakit susugurin mo si ning?" nag aalalang tanong nya sa akin, marahan nya akong hinila palapit sa kanya at inakbayan para pigilan na sirain ang pinto ng luka luka kong kaibigan , hinagod hagod nya pa ako sa braso para pakalmahin, naramdaman ko pa ang labi nya sa ulo ko.

 

Eto yung isa sa mga nag bago, dati yakap lang , ngayon may pag halik na yan sa noo,ulo at pisngi ko. Nag level na talaga kaharutan nya, bumalik sa akin yung epekto ng pang aasar ko langya! 

 

"Grabe kayo, nahiya ang asukal sa ensaymada sa harapan nyo"  

 

"Heh! wag kang lalabas dyan dahil sasabunutan talaga kita! Aga aga puro ka kahalayan" inosente nya ako tiningnan "Anong kahalayan? Tinatanong ko lang kung ilang putok na tinapay kasi yun beshie, ikaw dyan madumi utak, ano bang iniisip mo?" natatawang sabi nya. 

 

 

Bwiset sya! Sila may kasalanan ni Ryujin!

 

 

"Tsaka sabi ni karina nagccravings ka daw, akala ko kasi buntis ka na"  namula ako, anong buntis? Paano mabubuntis? Eh wala naman nangyayari- 

 

 

Namumula ako lalo sa naisip ko! Erase erase erase! Masamang imahinasyon lumayo ka! 

 

 

Narinig ko na natawa si Karina sa tabi ko, sinamaan ko sya ng tingin, natatawa sya pero ang leeg at mukha nya pulang pula! Siniko ko sya palayo 

 

"owww"

 

"Isa ka pa!" 

 

"Anong ginawa ko mahal ko?" inosenteng tanong nya sa akin at ngumuso pa na akala mo inapi na naman! Sinimangutan ko sya pero lumapit parin ulit sa akin at umakbay na naman "Sorry Mahal" ayan na naman hay

 

"Nakaka-proud talaga na parte ako ng Lovestory nyo, awww natupad na talaga pangarap ni Karina my beshie in law na ikasal kayo at Mahal ang maging endearment nyo wew! Sana all na lang talaga "  tuwang tuwa ang gaga kong bestfriend.

 

 

"Thank you Ning"  aba't sumaludo pa talaga 

 

 

____________

 

 

Apat na batang babae ang naglalaro sa plaza gamit ang mga retaso ng karton bilang bahay bahayan.     "You can call me Daddy,  Winter"  malaki ang ngiting wika ng anim na taong gulang na si Karina habang inakbayan ang nakakabatang si Winter na animo galit sa mundo. Kunot noong tumingin si Winter kay Karina "Daddy? Eh diba asawa mo ako? Bakit Daddy?" umirap ito, halatang mainit na ang ulo sa napupurnada nilang laro.       Napakamot ng ulo ang batang si Karina , nag iisip sya kung paano ba nya ipapaliwanag kay Winter ang dahilan, kasi hindi nya rin alam. Narinig lang nya ang mag asawang driver at kasambay nila, tinawag ni Ate Fely ang asawa nito na si Kuya Berto ng Daddy, tapos nagbulungan na sila nung nakita nilang nakatingin sya sa kanila, nasa backseat kasi sya at nasa passenger's seat si Ate fely nya, katabi ang asawa nito.       Kanina pa kasi sila nag iisip ng tawagan nila bilang mag asawa dahil naglalaro sila ng bahay bahayan. Napagkasunduan nila na sila ang maging magulang ni Ningning. Si Ryujin naman ay nagprisintang maging kapitbahay nila.        "Ano ba yan Winter! Ganito kasi yan, Minsan kasi ang tawag din ng mag asawa sa isa't isa ay Mommy or Daddy, Mama o Papa, Nanay o Tatay parang sa nanay at tatay ko. Para daw pag may anak na sila, matuto at maririnig ng baby, tapos matutunan agad nila tumawag ng Nanay at tatay sa magulang nila." Paliwanag ng mas nakakabata sa kanila.     Nakanganga lang naman yung tatlong nakakatanda.       Saan ba natututunan ni ning ang mga ito?        " ooohhh"  parang naliwanagan naman ang batang si Karina, tumingin sya sa nakababatang katabi at ngumiti "Ok, You will call me Daddy and I will call you Mommy Winter " tumango tango naman ang batang si winter, at ngumiti. Ok na, makakapag laro na sila , bakit kasi pauso itong si ningning, bakit kailangan may tawagan pa?     Tumingin sila kay ningning na tila may iniisip parin.     "Pero minsan nag tatawagan din sila ng baby,babe,honey,sweetheart" Hindi parin pala tapos si ning. Larong laro na sila!     "Wala bang tagalog? maiba naman, nanonosebleed na ako kay karina eh" angal ni Ryujin      "Ikaw ba asawa?" irap ni Winter sa pinsan nya.       "Pwede din naman"  pupulot na sana si Winter ng bato ng magtago si Ryujin sa likod ni Ningning " Joke lang! Kumpare ko yan si Karina, diba pards? Tagay tayo maya ah"  kindat pa ni Ryujin na ikinatawa ni Karina
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
132 streak #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha