Chapter T-34

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Mahal ayos ka pa? You need help?" napapikit ako ng marinig ko ang nag aaalalang boses ni Karina sa labas ng pinto ng banyo. 

 

 

Kung pwede lang Karina...

 

 

Hirap na hirap na ako. Kaso paano mo ako matutulungan sa sitwasyon ko?

 

 

Ang sakit sakit mag number 2! 

 

 

"O-kay lang ako mahal, sasabihin ko k-kapag hindi na..." Napakapit ako ng mahigpit sa shower head na hawak ko ng makaramdam na naman ako ng matinding hapdi sa ano ko. Isa pa sa ikinakatakot ko kaya nahihirapan ako, ay baka bumuka yung tahi ko. 

 

 

Binigyan naman ako ng gamot ng doctor, laxative para pampalambot daw pag nag-number 2, pero ewan, masakit pa din talaga. Kakakain ko ata to ng shanghai kahapon. Tsaka siguro kasi ito yung first time na nagbawas ako pagkatapos ko manganak.

 

 

Pawis pawisan na ako dito sa banyo dahil halos magkakalahating oras na ako nakaupo dito sa trono, gusto pa nga ako samahan ni Karina. Kaloka, kahit asawa ko sya ayoko ng may kasama ako kapag nagjejebs, nadidistract ako. Sabi ko sa kanya sa labas na lang sya ng pinto maghintay. Inihanda naman na nya ang mga gagamitin ko, pagkatapos ko kasi dito ay maliligo na ako at tutulungan nya ako.

 

 

Buti na lang talaga pinagawa ni Karina ang banyo namin, may flush na ang inodoro, may shower at heater na din. Hindi na ata kinaya ng asawa ko ang lamig ng tubig ng San Isidro. Ayos na din talaga, kasi ngayon ang laki ng tulong sa akin, mas mainam daw na maligamgam na tubig sa shower ang gamitin sa tahi ko pang linis. Totoo naman, medyo nawawala wala yung hapdi nya. 

 

 

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ng matapos na ako. Gusto ko na lang humagulgol ng iyak, humiga sa kama at matulog mag hapon, nakakapagod yung sakit. Nag-flush na ako ng inodoro, at naghugas, pagkatapos ay kinuha ko ang shower head at dahan dahan ko nilinis ang tahi ko, ang hirap pala kapag mag isa, kasi si Karina talaga ang naglilinis ng tahi ko, sinubukan ko lang na ako na lang muna dahil hindi ko naman pwede i-asa lagi sa asawa ko ang lahat, halos sya na nga din ang umaako pati kay Khio, nagpapadede lang ako. Lalo na sa gabi dahil ayaw nya ako mapuyat. 

 

 

"Mahal tapos na ako..." naghugas na ako ng kamay at inayos ko na ang kalat ko. Nakita ko si Karina na pumasok sa banyo dala ang tuwalya at pampalit ko. 

 

 

Lumapit sya sa akin dahil nakaupo pa din ako sa bowl, yumuko sya para yakapin ako sa bewang at dahan dahan ako tinulungan tumayo. Hindi ko alam ano ang nangyari sa akin, bigla na lang ako naiyak ng maitayo na nya ako, naramdaman ko ang isang kamay nya na umakyat sa likod ng ulo ko at hinamplos ito bago ako halikan sa noo.

 

 

Hindi naman sya nagsalita at hinagod  nya lang ako sa likod at maya't maya nya ako hinahalikan sa ulo. Mga ilang minuto ata kami sa ganoong posisyon. Si Karina na lahat ang sumalo sa bigat ko dahil halos kargahin na nya ako. 

 

 

"I love you...nandito lang ako mahal, sabihin mo kung ano maitutulong ko, do you want to sleep na ba?" mahinahong tanong nya ng makita nya na nahikbi na lang ako sa dibdib nya. Tumango ako kaya dahan dahan sya humiwalay sa akin habang hawak nya parin ako sa bewang. 

 

 

"Ok po, shower ka muna mahal tapos mag nap ka na. Ako na ang bahala ok? Just take a rest." nakangiti nyang sabi bago nya ako binigyan ng mabilis na halik sa noo at labi. 

 

 

Naiisip ko talaga kung saan kinukuha ni Karina ang pagiging pasensyosa nya, kahit kailan hindi ko sya narinig magreklamo. Kahit alam ko na pagod din sya. Kasi kung iba iba to, tapos walang tulog at hindi pa nakakain ng ayos ng dahil sa pag aasikaso, malamang talaga may maririnig ka na reklamo. Pero sya, kahit nandyan sila nanay para tumulong sa amin, hindi nya inaasa ang lahat. 

 

 

"Thank you mahal, I love you too..sorry kung ganito ako ngayon.." 

 

 

"Please don't say sorry mahal, I understand, hindi biro ang pinagdaanan mo na hirap para kay Khio. Kaya ayoko na marinig na nag sosorry ka ok? Team tayo di ba? Ako naman ang mag aalaga sa inyo ng anak natin." 

 

 

Iba na talaga kapag alagang Karina Yu, kahit masakit ang tahi ko kinikilig ako! Kainis.          ______  

Winter's Pov

 

"Hello my pretty pretty inaanak kamuka ng ninang yan!" nagulat ako ng sumulpot bigla si Ning sa kwarto namin.

 

 

Kakatapos ko lang bihisan si Khio at lalabas kami para magpaaraw sa baba. Ala sais na ng umaga, maganda mag bilad sa araw ng ganito oras. Lalo na sa bata. May vitamins pa sa balat. Nakasanayan na din namin na tuwing umaga ay ganito ang gawin.

 

 

"Ang aga mo naman magising Ning? Tulog pa ata si Gigi."  kinarga ko na si Khio at tinulungan na ako ni Ning para dalhin ang mga gamit nya sa baba.

 

 

Sa papag sa may puno ng mangga kasi kami madalas tumambay simula noong mag isang buwan si Khio. Todo linis ang mga lolo at lola nya sa tamabayan namin araw araw dahil gusto nga nila lagi nakikita si Khio, pag sa loob ng bahay kasi ay sa kwarto o sala lang sya. Kaya tuwang tuwa sila ng bilhan ni Karina ng crib si Khio para sa labas. Minsan naman ay sa duyan sya na ginawa ni lolo. Tuwang tuwa ang matatanda dahil kapag tapos nila ng gawain sa paligid ay nakikipag laro sila kay Khio.

 

 

"Grabe ka besh hindi lang naman si gigi pinunta ko dito, gusto ko lang talaga makita si Khio. Miss ko na sya." nakanguso nyang sabi.

 

 

"Nandito ka lang kagabi ah, umuwi uwi ka pa kasi pwede ka naman matulog dito." sabi ko at inalalayan nya na kami mag ina pababa ng hagdan. 

 

 

"Eh may gagawin pa kasi ako sa bahay, baka mapalayas na ako ni mudrakels ko nyan, pahiram na kasi kay Khio." inirapan ko lang sya ng makababa kami. 

 

 

"Anong tingin mo sa anak ko kuting? Paano kapag dedede to? May gatas ka ba?" nagkamot lang sya ng pisngi na tila nag iisip. 

 

 

"Maraming gatas sa bahay beshie, may evap at condensed milk, may powdered milk din. Madami kami nyan beshie. Hindi naman malulugi ang bakery namin kung babawas kami ni Khio my abunjing doon." 

 

 

Napailing na lang ako. Atleast ngayon alam ko na, hindi ko pwedeng ipauwi si Khio sa ninang nya. Malamang nag iipot na ang anak namin pag uwi ng bahay. 

 

 

"Magta-tae ang anak ko sayo. Ikaw na lang mag-adjust, pwede ka naman matulog dito, katabi si gigi." 

 

 

"Ayaw ko nga, mamaya magkaroon bigla ng kalaro si Khio." 

 

 

"Baliw! Utak mo talaga." 

 

 

"Nag iingat lang beshie, tsaka na kami magtatabi kapag kasal na kami." 

 

 

"Wow, dalagang Filipina yan?" asar ko sa kanya, umakto naman sya na mahinhin na umupo sa papag katabi ko. Natawa na lang ako. 

 

 

"Ayan ganyan, idiin nyo ang kusot ng mawala ang mantsa. Ryujin wag mong lagyan ng clorox yang pundiyo ng mong bata ka! Kaya naman pala puro kupas ang mo, maryosep ka." 

 

 

Sabay kami na napalingon ni Ning sa likuran namin at nakita namin sina Karina, Giselle at Ryujin na may tag iisang batsa sa poso at naglalaba. Si lola naman ay nagmamando sa kanilang tatlo habang nakapamewang sa likuran nila. 

 

 

"Bakit kayo naglalaba dyan?" nagtataka kasi ako bakit kinakamay nila ang paglalaba eh may washing machine naman kami. 

 

 

"Sira ang washing insan, kaya eto, labadami kami. Pero wag ka mag alala kayang kaya namin to." nag thumbs up pa si Ryujin sa amin at nagkusot ulit. 

 

 

Tiningnan ko ang tambak ng labahin sa paligid nila at napailing na lang ako. Good luck na lang siguro sa mala-bulak na palad ni Karina at Giselle. Si Ryujin kasi sanay naman yan. 

 

 

"Mahal marunong na ako maglaba, kahit wala na tayong washing machine ako na bahala." nakangiting sabi ni Karina na halatang nag eenjoy. 

 

 

Sya lang ata ang naglalaba sa kamay na masaya. 

 

 

"Huy wag ganun insan, sa una ka lang mag eenjoy kasi first time mo. Tingnan mo si marsh Giselle, first time palang pero hindi na nag eenjoy." natawa sa tabi ko si Ningning ng makita nya ang jowa nya na tila nagpipigil na punitin ang kinukusot nitong damit. 

 

 

"Kaya mo yan babe, sabay na lang ulit tayo bukas magpa-nail art tapos date tayo." 

 

 

Kaya naman pala nagmamaktol, masisira ang kuko nya. Kaloka. 

 

 

"Ok..." nguso nito at tinuloy na ang pagkukusot. 

 

 

"Kayo na dyan. Magluluto muna ako ng umagahan, Winter gusto mo ba ng nilagang tilapia na may malunggay mamaya sa tanghalian?" 

 

 

"Sige po lola salamat." tumayo na ako at kinarga ko na si Khio patalikod sa sikat ng araw tinaas ko na din ang damit nya sa likod. 

 

 

"Pakiss nga dyan sa apo ko, good morning baby namin." magiliw na bati ni lola sabay halik sa paa ni Khio. Umungot naman si Khio na tila naiintindihan si lola kaya na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
joyheartsoshi
0 points #1
Chapter 79: made in the philippines talaga ang teiplets 🤣🤣

at jusko naynay at mimi traumatized na naman si ryujin narinig ang halinghing ng tuta
asdfghjklmaeee
105 streak 0 points #2
Chapter 79: Nako karina what if lagyan mo ng kung ano ano yang kwarto niyo HAHAHAHA tawang tawa ako nag flashback na naman kay ryujin yung dati 😭 buti na lang madali lang ma divert attention ni mochi basta pagkain talaga HAHAHAHA
aaprilkim 0 points #3
Chapter 79: kapag nabuo ang mga babies dahil kay ryujin dapat magpakain sila mimi at naynay!! salamat sa update hehehehe
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 79: ang cute talaga ng story na 'to. mamahalin mo lahat ng chapters kahit na up and down sila
ROYAL_LOCKSMITH 11 streak 0 points #5
Chapter 79: Wag ka na sad naynay, parating na yung babies mo. Kaya yan ni mimi at Rex.hahhaha.

Buti na lang talaga kasama ni khio si ryujin, kung hindi nalintikan na.hahaha. basta pag kain talaga mabilis ma divert ang attention ni mochi.😅

Thank you author.
meagerp
12 streak 0 points #6
Chapter 79: Grabe!! Sobrang thank you talaga author sa palaging update 😭😭😭😭. We llove you!!!


Grabe pala emotional damage ni winter sa pag buo ng bibis! Buti na lang triplets!!!!
winjeongsimp 13 streak 0 points #7
Chapter 79: tibay rin hano 😂
Jaeeeeee_
166 streak 0 points #8
Chapter 79: Karina and her love languages 🥺 okay lang yan Nay. Worth it naman kapag nag positive ka. Sa kaka OT niyo nga napasobra sa plano ni Karina na kambal eh hahaha 🤣

Siguro kung kay Yeji umiyak si Winter baka inaaway na siya ni Khio hahaha 🤣

Karina nag yaman yaman mo wag mo naman tipirin yung kwarto niyo! What if ipa soundproof mo naman 😭
ryujinie__
654 streak 0 points #9
🤍
winjnng_01 0 points #10
Chapter 79: Bka mabuo na tlaga yung baby #2 kasi narinig na ni Ryujin🤣🤣🤣